Friday, December 30, 2011
Book I Chapter 2: Ms. Yu meets Mr. Bernal
10:09 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
Ms. Yu meets Mr. Bernal
Nagring na ang bell at pumasok na nga ang teacher namin, mukha siyang masungit.
"Good morning class. I'm Miss Rodriguez, your adviser for this school year." bungad na pananalita ng aming teacher.
Hindi naman pala siya masungit akala ko lang un dahil sa ambience ng kanyang itsura, ang totoo ay masayahin siyang tao. At nagsimula na nga ang tinatawag na "Introduce Yourself" portion namin. Pagkakataon ko na toh para makilala kung sino si first crush ko, siyempre eh di todo pag-aabang ako sa pagsasalita niya. Ay teka, teka... siya na magsasalita. "Good Morning everyone. Sa mga hindi pa nakakakilala sakin...*sabay tingin at ngiti kay Chloe na kasalukuyan namang todo titig sa kanya, kaya naman ng makita ni Chloe na tinignan siya ng kanyang first crush ay agad nitong ibinaling ang tingin sa kanyang desk kung saan siya'y nagkunyaring may tinitignan doon*...Ako nga pala si Cyrus Nathan Bernal, wag kayong mahiyang lapitan ako pag may kailangan kayo. " Ano ba naman yan, bitin. Akala ko pa naman babanggitin niya kung saan siya nakatira.
Hindi rin maipagkakailang madaming humahanga sa Cyrus ko dahil habang nagsasalita siya ay nakikinig ang halos lahat ng mga kaklase kong babae. Teka, sino tong susunod na magsasalita? Matakpan nga ang tenga ko. "Hello classmates! Alam ko miss niyo ko. Kilala niyo na ako eh? Magpapakilala pa ba ako? Ay, sige na nga para dun sa babaeng nakaheadband na butterfly na nagtakip ng tenga, kunyari pa siya eh noh? ... *sabay kantyaw ng buong klase sa kanilang dalawa* ... Ako nga pala si Joshua Marion Garcia mas kilala bilang campus crush " Hay nako! Ang hangin talaga nitong lalaking toh, lagi nalang pa-cute! Pero infairness, hindi ko siya masisising bansagan ang sarili niyang campus crush. Pero duh?! Sobrang yabang! Mas gwapo parin para sakin si Cyrus ko at ang bait pa, sobra. Marami rami naring classmate ko ang nagpakilala at... hala! ako na pala. "Good morning sa lahat. Ako nga pala si Chloe Yu. I'm from Makati pero nilipat ako dito sa Cavite 'coz my mom needs to work abroad. Nice meeting you all."
"Uy Joshua! Baka matunaw!" biglang kantyaw ng isa naming kaklase at sumabay na ang lahat sa pangangantyaw sa amin, eto namang si Joshua ngiti lang ng ngiti. Excuse me, kahit anong pangangantyaw gawin niyo kay Cyrus talaga ako.
Nang matapos ang "Introduce Yourself" portion namin, naglaro kami ng isang game kung saan kailangan hubarin ng mga babae ang kanilang mga sapatos at isang medyas habang nakablindfold ang mga lalaki at pagkatapos hubarin ay sila naman ang ibblindfold at ang mga lalaki'y pipili ng sapatos at hahanapin ang may-ari nito at isusuot sakanya. Makikita nila ang may-ari sa pamamagitan ng kapares na medyas. Sana si Cyrus ang makakuha ng sapatos ko. Ayan na, nakalagay na ang sapatos ko. At tinanggal ko na nga ang aking blindfold. Laking gulat ko ng makitang si Cyrus nga ang nakakuha ng sapatos ko! Hindi ko alam ang gagawin, parang tumigil ang oras ng makita ko siyang nakangiti sa harap ko. Teka, asan ang isang medyas ko? Kaya agad ko siyang tinanong... "Ahmm, Cyrus... Asan ang isang medyas ko?"
"Wala akong medyas na nakita sa sapatos mo, ikaw nalang kasi ang walang suot na sapatos kaya inisip kong sayo ang sapatos na hawak ko. " sagot sakin ni Cyrus. Dahil sa sinabi niyang hindi niya alam kung nasaan, hindi ko na inalala pa ang medyas ko at umuwi akong isang medyas lang ang suot. Asan nga kaya ang medyas ko? Bahala na nga.
Lumipas ang mga araw hindi ko parin nakikita ang medyas ko, at heto nanaman panibagong gamit ko nanaman ang nawawals, ang bag ko. Ano ba naman yan, lagi nalang akong nawawalan ng gamit. Wala na ngang laman pinagkainteresan pa ang bag ko. Nako ano ba yan!
"Chloe..."
"Please, wag ka munang magulo. Hinahanap ko pa ang bag ko eh." sagot ko sa tumawag sa akin.
"Ah kase..."
"Sabi nang..." sagot ko sakanya, laking gulat ko ng pagharap ko si Cyrus ang aking nakita at hawak-hawak niya ang bag ko.
"Oh bat nasayo yan?" ang nagtatakang tanong ko.
"Kukunin ko kasi ung walis dun sa likod ng pinto tapos nakita ko ung bag mo. Bakit dun mo naman nilalagay ung bag mo?" sagot ni Cyrus sa akin. Ano ba naman tong lalaking toh, ginagawa akong ewan. Bakit ko naman dun ilalagay ung gamit ko diba.
"Ay, hindi ko yan dun nilagay. May nagtago, may nantitrip ata sakin dito."sagot ko sa kanya.
"Hayaan mo, malalaman din natin kung sino ang nagtago ng bag mo. Akong bahala. Nadumihan tuloy bag mo oh." *sabay pagpag ni Cyrus sa bag ni Chloe*
Hindi na ako nakapagsalita dahil sobrang kinikilig ako sa lalaking ito. Magulo, sobrang lakas ang kabog ng dibdib ko.
"Oh eto na bag mo oh, mag-ingat ka na sa susunod ha madaming loko loko dito." sabay abot sakin ni Cyrus ng bag ko.
"Salamat. Ingat ka din ha." ayan na lamang ang tanging naisagot ko dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hanggang sa makauwi ay hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Sobrang bait niya, minsan nalang makakita ng lalaking gwapo na mabait pa. Sana maging close kami.
Kinabukasan, nalaman kong si Joshua pala ang nagtago ng bag ko at ayun nga, kinotongan na naman siya ni Cyrus. Matapos ang insidenteng yun, naging malapit nga kami ni Cyrus at lalo rin naman akong hindi tinantanan ng pagtatago ng aking bag at pang-aasar ni Joshua. Bakit ba kasi hindi mapaghiwalay itong magbestfriend na ito? Hindi ko tuloy masolo si Cyrus.
Kalagitnaan ng First Quarter ng may bumisitang dalaga sa aming klase. Mukha siyang dating estudyante ng eskwelahan namin dahil agad agad siyang sinalubong ng aking mga kaklase at halos lahat sila binabanggit ang pangalan ni Cyrus sa tuwing siya ay babatiin. Sino kaya siya? Sino siya sa buhay ni Cyrus?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment