Friday, December 30, 2011
Book I Chapter 1: First Day, First Crush
10:03 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
First Day, First Crush
"Hay nako! Anu ba naman tong jeep na nasakyan ko, palagi nalang nahinto. Bawat tao na lang na makitang nag-aantay ng jeep eh hinihintuan! Ba naman... late na ko! O ayan, hihinto nanaman. Susmeo, talaga nga naman oh!" wika ng isang binibini.
At isang lalaking estudyante nga ang sumakay. "Anu ba yan ang sikip sikip na nga sige parin si Mamang drayber! Hay ewan kaasar na!" winika muli nito.
Ako nga pala si Chloe, isa akong 4th year highschool na transferee. Kakapagtaka noh? 4th year na nagtransfer pa ako. Wala akong magagawa nag-abroad kasi ang nanay ko kaya dito ako sa tiyahin ko nakitira. Ang tatay ko? Ayun, nasa langit kasama ni Papa Jesus. Pasensya na nga pala kayo kung masungit ako, pero hindi talaga ako masungit ah! Uminit lang talaga ulo ko kay Mamang drayber, unang araw kasi ng klase ko at hindi ko pa alam ang pasikot sikot ng eskwelahan namin kaya kailangan ko pang hanapin ang room ko. Eh ayun nga, mukhang malalate tuloy ako.
Ay! Andito na pala ako.
"Para!" kasabay na pag-para rin ng isang lalaki. Ang dami rin pala ng estudyante nila dito. Hindi na dapat ako magtaka dahil mukhang maganda ang pasilidad ng eskwelahang ito. Habang naglalakad ako papasok ng gate, may isang boses ng lalaki akong narinig na nagsasabing... "Miss na nakaheadband na may butterfly! Hindi pareho medyas mo!" natatawang sinabi nito.
Lumingon ako upang hanapin kung sino ang nakaheadband na may butterfly at bigla ko na lamang naalala na yun pala ang suot ko, kaya tinignan ko agad ang medyas ko para icheck. Nilingon ko sa likod kung sino ang tahasang nagsabi nun. Dalawang lalaki ang aking nakita, ang isa ay tumatawa at ang isa nama'y mahinahon lang ang pagmumukha.
Walang duda! Ung tumatawa ang may pakana ng lahat. Kaya agad akong lumapit at sinabing "Boplaks ka ba?! Wala ba sa bundok ng ganitong medyas? Design yan! Duh?!" pagmamalaking sinabi ko.
Hindi kalauna'y sumagot ang loko-lokong lalaki, "Wow! Bago yan ah! Meron pala niyan, ung isa Hello Kitty ung isa... Kerokeroppi! Pauso ka ah!" at tawa na naman siya ng malakas.
Walang anu-ano'y sumabat ang lalaking kasama niya, "Tama na nga yan Joshua. Kauumpisa palang ng klase nambibiktima ka na agad. Nga pala miss, ikaw ung kasabay ko sa jeep kanina diba? First year ka? Ngayon lang kasi kita nakita dito eh."
Aba, kala ko pa naman ipagtatanggol ako ng lalaking ito! Mang-aaway din pala, sabihan ba naman akong first year?!?!
"Ah hindi, transferee ako. Fourth year na ako." sabay ngiti ako ng pilit.
"Ano miss?! fourth year ka na pala? Ang ganda kasi ng medyas at headband mo eh! Hahaha!" sabat ng lalaking loko-loko na nagngangalang Joshua. Kinotongan ng lalaking kasama niya si Joshua at siya'y humingi ng paumanhin sa akin.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, kaklase ko silang dalawa at sinamahan nila ako sa room. Doon ko nakilala ang unang crush ko sa eskwelahang iyon. Ano kaya ang pangalan ng lalaking nagtatanggol sakin sa loko-lokong iyon?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
kilig :">
ryt ryt... soooobbbraa
Post a Comment