Tuesday, February 14, 2012

Book II Chapter 10: They are back!!

They are back!!


"Ui best, tulala ka nanaman jan." panggigising sakin ni Ana mula sa aking pagkatulala.

"Naalala ko lang kasi kung paano ka nainlove sakin dati. Hahaha." pagbibiro ko kay Ana.

Kinurot naman ako ni Ana sa aking bewang.

"Aray, joke lang eh." sabi ko sakanya.

"Isusumbong kita kay Timmy?!" pagbibiro niya.

"Lagi naman e. Haha." sagot ko.

Sa pagtitiyaga ni Timothy, napasagot niya si Ana. Mahigit two months na sila hanggang ngaun. Kami kaya ni Chloe? Kelan kaya ako magkakaroon ng chance? O magkakaroon pa nga ba? Hay. Namiss ko nanaman tuloy siya. Namiss ko ang kulitan at pang-aasar ko sakanya.

Ako kaya? Namiss niya? Haay. Napabuntong hininga nalang ako.

Sa kakaisip ko ng kung anu-ano, hindi ko napansin uwian na pala.

Pagkauwi ko ng bahay ay may nakita akong nakapark na kotse sa harap ng bahay namin. Wow, binili kaya nila ako ng bagong kotse?

Pagkabukas ko ng pinto ay sinalubong ako ni papa.

"Pa, kanino ung kotseng nakapark--"

"Joshua, ano pang tinatayo tayo mo dyan? Hinihintay ka na ng bisita mo!" sabi sakin ni Papa.

Sino naman kaya ang bisita ko? Himala ata.

Pagkapasok ko ng bahay ay nagulat ako sa nakita ko. Isang babaeng matagal ko ng hindi nakikita ang bumulaga sa aking mga mata. Ang laki ng pagbabago niya.

"Pare?" pagtawag niya sakin habang nakangiti.

"Pare! Ikaw nga!" sagot ko. Napatakbo at napayakap ako kay Janine ng ilang sandali. Umupo kaming dalawa at nag-usap.

"Nakauwi ka na pala sa pinas? Kelan pa?" tanong ko sakanya.

"Last week lang. Lumipat pala kayo? Buti nalang alam ni Tita Tasing ung nilipatan niyong bahay." sagot sakin ni Janine.

"Oo, mas malapit kasi toh sa school ko eh." sagot ko naman sakanya.

"Mas malapit? Eh isang phase lang naman ang pagitan ng nilipatan niyo pero same village paren?" pagtataka niyang tanong.

"Mas malapit kasi sa gate ng village kaya mas mabilis lumabas. Haha. Nga pala, laki ng pinagbago mo ah? Sobra!" pagpuna ko sakanya.

"Ikaw wala paring pinagbago, bolero ka paren! Maiba ako, musta na kayo ni Chloe?" pagtatanong niya.

"Kami? Walang kami eh. Sila lang. Silang dalawa ni Cyrus." medyo naging malungkot ako pero nakangiti ko paring sinagot.

"Ok lang yan marami pang iba dyan." pagbibigay lakas loob sakin ni Janine at napabaling naman ang atensyon niya sakanyang cellphone matapos nitong tumunog.

"Ay pare, una na pala ako. Hanap na ako ni mama eh." sabi niya matapos niyang tignan ang cellphone niya.

"Sige pare, hatid na kita." pag-aalok ko naman sakanya. Tumayo naman kaming dalawa.

"Salamat nalang. May sasakyan naman ako eh." sabi niya.

"Ay sayo pala ung kotseng nasa labas? Akala ko para sakin eh. Bigtime! Hahaha." pagbibiro ko.

"Loko ka talaga. Sige una na ako ha." sabi niya habang papasakay sa kotse niya.

Pagkasakay niya sa kotse ay binuksan niya ang bintana.

"Bukas nalang uli pare." pamamaalam niya ng nakangiti.

Sumenyas naman ako ng parang nanghihingi ng kiss sa pisngi. Nilapit ko ang mukha ko sa bintana at sabay turo sa pisngi ko. Wala lang nagpapacute lang. Haha.

Imbis na halikan ay kinurot ni pare ang pisngi ko. Nagkatawanan naman kami. Hanggang sa umalis na nga si pare.

Namiss ko rin pala si pare. Pumasok na ako sa bahay at nagpahinga.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para maglaro ng basketball. Katapat lang ng bahay nila pare ang basketball court kaya naman kitang-kita ko agad siya kapag lumabas siya ng bahay.

Mahigit isang oras na ata akong naglalaro ng basketball kaya naisipan kong magpahinga. Ilang saglit lang ay may lumitaw na isang bote ng tubig sa harapan ko.

"Oh tubig, baka madehydrate ka." pag-aalok ni Janine ng tubig.

"Nandyan ka pala. Ginulat mo naman ako dun. Salamat sa tubig ha." pasasalamat ko sakanya.

"Alis na ako pare ha, pinag-gro-grocery pa ako ni mommy eh." pamamaalam niya.

Hinawakan ko naman kamay niya bilang pagpigil.

"Ay teka, gusto mo samahan kita? Maliligo lang ako saglit tapos alis na tayo." pag-aalok ko ng tulong.

"Sige, tara hatid na kita sa bahay niyo tapos dun nalang kita hintayin." pag-aaya niya.

Hinintay nga niya ako sa bahay at pagkatapos ay umalis narin patungo sa grocery store.

Ang dami-dami niyang pinapamili. Bigtime talaga tong si pare.

"Teka lang Josh ha. Kuha lang ako dun ng oatmeal." pagpapaalam sakin ni Janine.

"Sige lang pare, hintayin kita dito." sagot ko sakanya.

Habang hinihintay si pare, tumingin tingin lang ako ng mga products na nasa paligid ko. Nabunggo ng isang babae ang lalagyan ng napkin na naging dahilan ng pagkalat nito. Agad naman akong tumulong sa pagpulot.

"Ekaw talaga, napaka kerles mo."

Pamilyar ang boses ng taong iyon. Parang narinig ko na dati.

Patuloy parin ako sa pagpulot ng mga nalalag na napkin at paglalagay nito sa lalagyan. Nang marinig kong may tumawag sa aking pangalan.

"Joshua?"

"Soperman?"

Paglingon ko ay una kong nakita si ate Kurdapya. At si Chloe...

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Napatulala ako. Panaginip ba toh? O sadyang si Chloe na talaga ang nasa harap ko? Hindi ako makapaniwala.

"Kuloy! Kuloy! Si Soperman naketa ko nanaman! Nasaken pa ang perma neya nong hule kameng nagketa!" tuwang-tuwa na pagkkwento niya kay Chloe. Nakakatuwa talaga tong si ate Kurdapya.

"Ui daddieeeeeeeeeeeeeee!" pagbati sakin ni Chloe sabay yakap sakin. Ramdam ko ang saya niya. Kung alam niya lang, mas masaya akong nakita ko siya ulit.

"Sinong kasama mo?" tanong ni Chloe sakin.

"Si..." sabay dating naman ni Janine.

"Si Janine." sabi ko habang tinuturo ko si pare.

"Ui Janine, hello!" sabi ni Chloe kay Janine sabay kaway.

"Ui Chloe! Sinong kasama mo? Si Cyrus?" pagtatanong ni pare kay Chloe. Bakit naman ganyan tanong mo pare, nananadya ka ba sabi ko sa sarili ko.

"Ako ang kasama ni Kuloy, at seno ka? Baket mo kasama si Soperman ko?" pagsingit ni ate Kurdapya sabay tingin ng masama kay Janine. Nangingiti naman ako.

"Siya nga pala ang pare ko ate Kurdapya." pagpapaliwanag ko naman.

"Pare, pare, walang pare pare saken." sagot naman niya.

"Ano ba yan yaya Kurds? OA ha." pagbibiro ni Chloe.

"So, ano na gagawin niyo? Kami kasi magbabayad na sa counter." tanong ni Chloe.

"Kami rin magbabayad na. Sabay na tayo." sagot naman ni Janine.

"Sige tapos kain narin tayo diyan sa may foodcourt para makapagkwentuhan naman tayo. Kung ok lang sainyo?" pagtatanong ni Chloe.

"Ewan ko kay Joshua?" pagtatanong naman sakin ni Janine.

"Ok lang, kayo bahala." sagot ko. Pero sa kaloob-looban ko, siyempre naman ok na ok. Ang tagal kong hindi nakita si Chloe eh.

Nagbayad nga kami sa counter at pumuntang foodcourt.

"Mag-shopping lang mona ako ng damet sa taas Kuloy balekan nalang keta dyan pagkatapos. Baka hende ako makarelet sa pag-osapan niyo somaket lang ang olo ko. Oke? Dyan ka lang ha." pagpapaalam ni ate Kurdapya kay Chloe.

"Sige yaya Kurds." sagot ni Chloe.

"Ekaw Soperman bantayan mo mona ang Kuloy ko. Oke?" sabi naman sakin ni ate Kurdapya.

"Para sayo ate Kurdapya." sagot ko naman sakanya habang nakangiti.

"Wag mo akong ngetean ng ganyan Soperman, baka hende ako makatolog mamayang gabe neyan. O siya ales na mona ako. Dyan mona kayo mga keds." sabi ni ate Kurdapya.

At naiwan na nga kaming tatlo nila Chloe at Janine. Umorder naman kami ng pagkaen para may mangangata habang nagkkwentuhan.

Grabe, sobrang namiss kita Chloe. Parang ayaw ko ng matapos ang oras na toh. Hindi ko maiwasang titigan ka, hindi talaga ako makapaniwala.

Ang dami naming pinagkwentuhang tatlo. Mga experiences namin nitong college life. Pansamantalang nananahimik kami sa pagkkwentuhan.

"Joshua." pagtawag sakin ni Chloe.

"Oh baket panget?" sagot ko naman.

Napangiti si Chloe nang tawagin ko siyang panget. Marahil naaalala niya ang asaran namin dati.

"May ketchup kasi sa gilid ng labi mo." sabi ni Chloe.

-----

Narrator

Kumuha si Chloe ng tissue para punasan ang dumi sa gilid ng labi ni Joshua. Hawak na sana niya ang tissue, ngunit...

"Ay oo nga. Ang kalat mo paring kumain pare." sabi ni Janine habang pinupunasan ang dumi.

Para naman hindi mahalata na naunahan si Chloe, ginamit nalang ni Chloe ang tissue na hawak niya upang ipamunas sa sarili niyang labi.

-----

Joshua

"Ay pare salamat." pasasalamat ko kay Janine.

Nagpatuloy naman kami sa pagkain. Nang magpaalam si Janine.

"Teka Joshua, Chloe. May bibilhin pala ako sa taas. Maiwan ko muna kayo saglit ha." pagpapaalam ni pare.

"Sama na kami Janine." pagpigil ni Chloe.

"Hindi, sige wag na. Saglit lang naman ako. Maiwan ko muna kayo dyan ha." sabi ni pare.

Bago siya umalis ay siniko niya muna ako. Nananadya ka ba talaga pare? Bakit ka aalis? Anong gagawin namin ni Chloe dito?
Anong gagawin ko ngaung si Chloe nalang ang kaharap ko?

Book II Chapter 9: A Song Lyric

A Song Lyric

Ana

Totoo ba ito? Tinext ako ni Joshua ng ILY? Napangiti ako at agad nagreply sa text niya.

wehhh??? ILY too. haha Ü

Ngunit bago ko pa man isend ang text ko para sakanya ay meron uling nagtext kaya naman tinignan ko muna ang text na dumating.

Ingat Lagi You!
Haha.. ano kyang akla m? =p

Sender:
Joshua

Nang mabasa ko ang text ay uminit ang ulo ko. Bwisit ka talaga Joshua. Hindi ka nakakatuwa. Makakaganti rin ako sayo. Paasa! Yan ang tanging nasabi ko sa sarili ko. Ilang minuto lang naman ay lumamig na ang ulo ko kaya nireplyan ko na siya.

wla.. dedma..
feeling m nmn??
k. 14344..

Sender:
Ana

Akala mo ikaw lang marunong ng ganyan. I HATE YOU VERY MUCH!!! Bwisit talaga. Makauwi na nga lang.

Sa aking byahe papauwi ay natanggap ko ang reply ni Joshua.

143244 =p

Sender:
Joshua

Ang lakas talaga nito ni Joshua. Ang lakas mang-asar. Kung ano man yan ayoko nalang alamin. Nakakainis lang kaya naman minabuti kong wag ng magreply.

Bago ako matulog ay muli akong nakatanggap ng text mula kay Joshua.

gudnyt babe! :*

Sender:
Joshua

Di na ako maniniwala sa paganyan-ganyan mo. Akala mo. Nadala na ko!

abnoi..

Sender:
Ana

Matutulog na nga lang ako mambwibwisit pa tong mokong na toh.

ay x sent aku.. haha
mas abnoy k =p

Sender:
Joshua

Ewan ko sau! Makatulog na nga lang.

Kinabukasan pagkapasok ko sa eskwelahan ay nakita ko ang abnoy na si Joshua sa tapat ng gate.

"Bakit di ka pa pumapasok?" tanong ko kay Joshua.

"May hinihintay pa kasi ako eh." sagot niya sakin.

"Ah. Sige mauna na ako." sagot ko sakanya.

"Hindi mo man lang ba tatanungin kung sino?" sabi sakin ni Joshua.

"Fine. Sino?" tanong ko naman sakanya.

"Ikaw." nakangiting sagot niya sakin.

Nginitian ko naman siya na parang napipikon pero deep inside natuwa ako dun. Tinawanan naman ako ni Joshua nang ngitian ko siya.

"Tara na nga." pag-aaya ni Joshua.

"Sige daan muna tayo sa locker ko." sagot ko naman.

Naglakad nga kami papunta sa kinalalagyan ng locker ko.

Nang kukuhanin ko na ang gamit ko ay nakakita nanaman ako ng papel tulad nung sa kahapon.

Was it something I didn't say
When I didn't say, "I love you"?
Was it words that you never heard
All those words I should have told you
All those times, all those nights
When I had the chance to?

Tulad kahapon, hindi ko parin magets kung ano ang gustong ipahiwatig ng messages na ito. Wala naman kasi akong maisip kung sino ang magbibigay sakin nito. Isinama ko nalang ito sa nakuha kong papel kahapon.

"Tara Joshua punta na tayong classroom." pag-aaya ko.

Habang nagkaklase kami ay naisipan kong guluhin si Joshua habang abala siya sa pagsusulat ng notes. Kinukurot-kurot ko ang kili-kili niya. Nang bigla siyang nagsalita.

"Alam mo nakakainis ka! Napakaisip-bata mo! Childish!" pagalit niyang sinabi sakin.

"Sorry na. Hindi na." paghingi ko naman ng paumanhin sakanya.

Ngumiti siya at muling nagsalita.

"Gusto na tuloy kitang gawing baby ko." tumawa siya matapos niyang sabihin ito.

Hinampas ko siya sa braso dahil akala ko ay seryosong nagalit na siya un naman pala ay nagbibiro nanaman.

"Pero totoo, gusto kita." muling banat ni Joshua.

"Baka pagalitan kayo ni maam." pagsita naman ni Timmy.

Natahimik nalang kami at bumalik sa pagsusulat ng notes.

Sa paglipas ng araw ay papalapit ng papalapit ang valentines ball na inihanda ng department namin. Bukod dun ay lagi rin akong nakakatanggap ng papel na hindi ko naman mawari ang nakasulat. Sinubukan kong pagdugtong-dugtungin ang mga papel na natanggap ko.

I should have told you how I felt then
Instead, I kept it to myself, yeah
I let my love go unexpressed
'Til it was too late
You walked away

Was it something I didn't say
When I didn't say, "I love you"?
Was it words that you never heard
All those words I should have told you
All those times, all those nights
When I had the chance to?

Always assumed that you'd be there
Ooh, ooh, couldn't foresee
The day you'd ever be leaving me
How could I let my world
Slip through my hands, baby?

I took for granted that you knew
All of the love I had for you
I guess you never had a clue
'Til it was too late
You walked away

Oh, oh, all the words were in my heart
Well, they went unspoken
Baby, now my silent heart
Is a heart that's broken
I shoulda said so many things
Shoulda let you know
You're the one I needed near me
But I never let you hear me

Nagets ko na ang meaning ng mga nakasulat, ikaw kaya ang nagbigay nito Joshua? Mahal mo na nga ba ako?

Dumating ang araw ng valentines ball namin. Hindi ako isang party animal kaya naman nakaupo lang ako sa isang tabi habang pinapanood ang mga kaibigan kong nagsasaya.

Tumigil ang sayawan. At lumapit ang isa kong kaibigan.

"Ui si Joshua oh nasa stage, kakanta ata." pagbanggit niya sakin.

Sana ang kantang iyon ang kantahin mo Joshua. Sana ikaw nga ang nagbigay nun.

-----

Joshua

Muntik ko ng makalimutan si Chloe dahil sa'yo. Salamat sa pagbibigay sigla sa college life ko. Sana maging masaya kayo. Yan ang tangi kong nasabi sa sarili ko bago ako magsimula tumugtog at kumanta.

Something I didn't say
Something I didn't say

Spending another night alone
Wondering when
I'm gonna ever see you again
Thinking what I would give
To get you back, baby

Ito na ang hudyat para lumabas si Timo at kantahan si Ana.
Lumabas nga si Timo na may dala-dalang isang bouquet of flowers habang kumakanta at ako naman ay patuloy sa aking paggigitara. Kitang-kita ko ang pagkabigla ni Ana.

Inaya siya ni Timo makipagsayaw at nagsayaw nga sila sa gitna habang kumakanta si Timo.

Was it something I didn't say
When I didn't say, "I love you"?
Was it words that you never heard
All those words I should have told you
All those times, all those nights
When I had the chance to?
Was it something I didn't say?
(Something I didn't say)
Was it something I didn't say?
(Something I didn't say)

Nginingitian ko si Ana tuwing sinusulyapan niya ako. At kahit madilim ang paligid ay nakikita ko parin ang mga luhang pumapatak sakanyang mga mata. Marahil yun ay tears of joy. Halos matatapos na ang kanta nang bumitaw at tumakbo palabas si Ana. Wala naman kaming nagawa ni Timo kundi ang tapusin ang intermission number namin.

Nang matapos ang aming intermission ay agad akong lumabas para hanapin si Ana. Nakita ko siyang nakaupo sa isang plantbox at umiiyak.

"Bakit ka umiiyak? Hindi ka ba masaya?" pagtatanong ko kay Ana.

Ngunit hindi siya sumagot. Papaupo na ako sa tabi niya nang bigla niya akong itulak.

"Aray! Ayan ka nanaman! Para ka nanamang bata! Gusto mo talagang maging baby ko ano?" pagbibiro ko sakanya.

"Joshua, pwede ba? Tigilan mo na ang pagbibiro! Ikaw ang mahal ko!" pagalit niyang sinabi sakin.

Ang nakangiti kong mukha ay napalitan ng pagkagulat. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Matutuwa ba ako dahil nanalo na ako sa pustahan namin? O ewan?

Umupo nalang ako sa tabi niya at inakbayan siya.

"Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nasasaktan ng ganito eh. Dahil pinaniwala ko ang sarili kong mahal mo na rin ako at nakalimutan ko ang sinabi mong gusto mo ako. NA GUSTO MO LANG AKO. Iba parin talaga ang 'Gusto kita' sa 'Mahal kita'." ang sabi ni Ana sakin habang siya ay umiiyak.

"Inaamin ko gusto naman talaga kita. Pero hanggang dun nalang yun dahil mayroong ibang babaeng nagpapatibok ng puso ko. Kilala mo naman siguro diba? Tumahan ka na. Tutal andyan naman si Timo para sayo." sabi ko sakanya.

"Natatandaan mo pa ba ung pustahan? Mukhang panalo na ako kaya pwede ko na bang iclaim ang prize ko?" dugtong ko pa.

Tumango-tango naman si Ana.

Hinawakan ko ang kamay niya ng dalawang kamay at isinarado ito. Una kong binuksan ang pinakamaliit niyang daliri.

"First, gusto kong kalimutan mo ang kung ano man ang nararamdaman mo para sakin." ang sabi ko.

Naramdaman kong mas lumakas ang pagiyak ni Ana kahit pilit niyang itinatago ito sakin. Pangalawa ko namang binuksan ang ring finger niya.

"Second, let's just be a very good best friends"

At huli ko namang binuksan ang middle finger niya.

Bago ko pa man sabihin ang last wish ko ay hindi ko alam kung bakit pero naluluha ako. Pinipigilan ko na lang dahil baka mahalata niya.

"And lastly, bigyan mo ng chance si Timo, mahalin mo siya ng higit pa sa pagmamahal mo sakin. Yan ang three wishes ko, ok?" sabi ko sakanya.

Binitawan ko ang kamay niya at pinunasan ang mga luhang malapit ng pumatak.

"Pwede bang humingi ng favor?" pagtatanong ni Ana.

"Cge, ano un?" sagot ko sakanya.

"Can I hug you for the very last time? After that, gagawin ko na ung three wishes mo. Give me time to do the first wish. Iiwasan muna kita, iwasan mo muna ako. I can't do it ng nandyan ka sa tabi ko. When I'm ready, gagawin ko na ang second wish mo." ang sabi ni Ana na hindi parin tumitigil sa pag-iyak.

Niyakap ko siya ng mahigpit na halos tumagal ng limang minuto. Pagkatapos nun ay bumitiw siya, tumayo, at naglakad papalayo sa kinauupuan ko.

Habang pinagmamasdan ko siyang naglalakad ay tumulo ang mga luha sa aking mga mata na kanina ko pa pinipigilan.

Book II Chapter 8: Game Over?

Game Over?


Ana

Parang tumigil ang oras ko habang magka-cross finger kami ni Joshua. Sa isip-isip ko, ano ba tong napasukan ko? Isang larong alam ko naman na bago pa man mag-umpisa ay talo na ako. Itong tukmol na toh kasi, pa-cute ng pa-cute, hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong mahulog sakanya. Pero akala niya mapapaamin niya ako sa pagchacharming niya, hindi ako magpapatalo sakanya! Titiyakin kong ako ang mananalo sa pustahang ito. Humanda ka Joshua.

"Hoy Ana! Baka gusto mo ng bitawan daliri ko?" panggigising ni Joshua sakin mula sa aking pagmumuni-muni.

"Sorry naman ah? Ang higpit kaya ng pagkakaipit mo." sagot ko sakanya habang tinatanggal ang pagkakacross ng aming mga daliri.

"Asuuus. Ako pa ngaun? Isang daliri pa nga lang yang hawak mo enjoy na enjoy ka na, paano pa kaya kung buong kamay ko na hawak mo?" pabirong sagot naman ni Joshua na may halo nanamang pagpapacute.

"Kunyari ka pa, ikaw naman talaga may gustong humawak sa kamay ko. O yan hawakan mo na." sagot ko naman sakanya habang pabirong iniabot ang kamay ko sakanya.

Nagulat ako ng ipinatong nga ni Joshua ang kamay niya sa kamay ko at hinawakan niya ito ng mahigpit na mahigpit. Ayoko ng ganyan ka Joshua baka lalo akong matalo sa pinaggagagawa mo, sa isip-isip ko. Kaya naman gumawa ako ng paraan para magkabitiw ang mga kamay namin. Inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Joshua.

"Aray naman!" sabi ko habang inalis ang aking kamay.

"Grabe naman toh. Hinawakan lang ung kamay aray agad." natatawang sagot ni Joshua.

"Ang higpit kaya ng pagkakahawak mo, sabi na nga ba eh kunyari ka pa. Gustong-gusto mo lang naman talaga hawakan ang kamay ko." sabi ko naman sakanya.

"Hindi, naalala ko lang kasi ung kamay ni Chloe. Sorry kung napahawak ako ng mahigpit." medyo malungkot na pagsagot sakin ni Joshua.

Nang mga sandaling un ay nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Akala ko pa naman talagang gustong hawakan ni Joshua ang kamay ko, un naman pala naalala nanaman niya ang Chloe niya.

"Sino ba si Chloe? Lagi mo nalang binabanggit, pati ako pinagkakamalan mo pang Chloe." pagtatanong ko sakanya.

"Oh bakit ka nagseselos?" pangiting tanong ni Joshua.

"Hindi ako nagseselos noh, nagtatanong lang ako." may pagsusungit kong sagot sakanya.

"Eh bakit ang sungit mo?" patuloy na pang-iinis ni Joshua.

Sa inis ko ay napatayo mula sa aking pagkakaupo at napalakad papalayo.

"Bahala ka nga diyan. Feeling mo naman nagseselos ako." sabi ko.

"Ang sungit mo talaga. Kauumpisa palang ng pustahan natin nagpapatalo ka agad eh. Pahirapan mo naman ako kahit papano." panlolokong sagot ni Joshua habang lumalakad papalapit sakin.

"Kapal mo talaga." ang tanging naisagot ko.

"Tara na nga uwi na tayo. Hatid na kita sainyo." ang sabi ni Joshua nang maabutan niya ako at sabay akbay sa aking balikat.

Nagpansinan rin naman kami ni Joshua at bumalik sa normal habang bumabyahe kami pauwi.

Kinabukasan, maaga akong pumasok ng school at dumirecho ako ng locker para kuhanin ang mga gamit ko. Napansin kong may isang papel na nakatupi kaya agad ko naman itong kinuha at binuksan. Isang computerized letter ang nakita ko.

I should have told you how I felt then
Instead, I kept it to myself, yeah
I let my love go unexpressed
'Til it was too late
You walked away

Kanino kaya toh nanggaling? Nalalabuan ako. Baka naman wala lang mapagtapunan ung mokong na un at sa locker ko pa tinapon. Kapal ng mukha nun.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang tumunog ang bell kaya naman isiningit ko nalang sa aking libro ang papel na nakuha ko at pumunta na ng classroom.

Normal lang ang naging takbo ng araw nito para sakin maliban nalang nang mag-uuwian na.

"Ana, una na ako umuwi ha. Aalis kasi si papa bantayan ko si mama. Text nalang kita. Cge alis na ako." paalam ni Joshua sakin habang naglalakad na pauwi.

Hindi na ako nakaimik dahil medyo malayo-layo na siya. Lokong un iniwan ako, pauwi narin naman dapat ako eh. Makatambay na nga lang muna saglit dito sa school. Ilang minuto rin siguro ang lumipas nang makatanggap ako ng text mula kay Joshua.

snsya na puwing.
klngan ko lng tlga umuwi
ng maaga. ILY. ü

Sender:
Joshua

Book II Chapter 7: The Deal

The Deal

Hay. Asan na kaya ang cellphone ko? Lagot na ako lalo kay Papa nito. Ano kaya ang nangyari kay Mama? Bakit bigla nalang siya sinugod sa ospital? Yan ang naglalaro sa isip ko habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ni Papa. Pagkarating ko doon ay agad kong inalok kay Papa ang binili kong pagkain ngunit hindi niya ako pinansin kaya nilapag ko nalang ito sa bakanteng upuan at kinuha ang para sakin. Nagsimula ako kumain habang si Papa naman ay nagmumukmok sa tabi.

"Pa, anong nangyari kay Mama?" pagtatanong ko.

"May pakielam ka pa pala." sagot naman sakin ni Papa.

"Siyempre naman Pa. Sorry na po." paghingi ko ng paumanhin.

"Buti sana kung yang sorry mo mapapagaling agad ang mama mo. Wag mo nga muna ako kausapin." pagtaboy sakin ni papa.

"Pa, alam ko gutom ka na. Andiyan lang ung pagkain, kainin mo nalang kung gusto mo. Uuwi muna ko sa bahay para kumuha ng mga gamit." pagpapaalam ko habang tumatayo sa kinauupuan ko at umalis agad.

Malapit na ako sa parking lot nang malaman kong hindi ko dala ang wallet ko kaya naman bumalik ako sa loob ng ospital. Nang makarating ako sa waiting area, nagulat ako ng makita na kinakain ng papa ko ang binili kong pagkain para sakanya. Nagulat rin naman ang papa ko ng makita niya akong nakatingin sakanya. Nangiti nalang ako ng oras na yun at kinuha ang wallet ko kung saan ko ito naiwan. Diretso uwi na ako pagkakuha ko sa wallet at kumuha ng mga gamit sa bahay.

Sinamahan kong matulog sa ospital si papa at kinabukasan pagkagising ko ay saktong pwedeng bumisita kay mama kaya naman nagpasya akong bisitahin siya at tignan ang lagay niya. Nakahiga siya at mukhang nagpapahinga. Pumapatak ang luha ko habang tinitignan ang nanay ko. Tumayo ako sa tabi niya at kinausap siya.

"Ma, kung sakaling gising ka, sorry kung nagbago ako. Alam kong ang laki ng sakripisyo mo para mapalaki ako ng maayos pero nabaliwala yun dahil pinili kong mapariwara. I'm sorry ma. Nagsisisi na ako. Pangako magbabago na ko. Magpapakagood boy na uli ako basta pangako mo magpapagaling ka ha? Alam kong hindi pa huli ang lahat para bumawi sayo. I love you Ma." sabi ko kay mama habang hawak ang kamay niya at matapos nun ay hinalikan ko siya sa noo at lumabas na ng ICU.

Nagpaalam narin naman ako kay Papa na uuwi na ako para mag-ayos papasok sa school. Umuwi ako ng bahay, naligo, nag-ayos at pumasok.

Maaga ako para sa unang klase namin, hindi pa tapos ang klase sa classroom na gagamitin namin kaya naman naabutan ko si Ana nasa labas naghihintay kasama si Timothy. Nung una ay medyo nailang pa akong lapitan siya pero nag-ipon ako ng lakas ng loob, huminga ng malalim at lumapit sakanila.

"Timothy, pwede ko bang kausapin muna si Ana?" pagpapaalam ko kay Timothy.

"Ayoko nga. Haha. Loko lang." sagot niya sakin.

Maglalakad na sana papalayo si Timothy nang hawakan ni Ana ang braso niya.

"Uy ano ka ba? Dito ka lang." pagpigil sakanya ni Ana.

Hinawakan ko naman ang kamay ni Ana.

"Ana, please?" pagmamakaawa ko sakanya.

Hinawakan naman ni Timothy ang kamay ko.

"O siya, siya. Hindi ko alam kung anong drama meron kayong dalawa pero mukhang seryoso kaya maiwan ko muna kayo diyan. Babu!" sabi naman ni Timothy at umalis.

"Ano nanaman ba kailangan mo?" pagtatanong ni Ana.

"Uhm, sorry sa nangyari kagabi ha." paghingi ko ng tawad sakanya.

"Anong gusto mong sabihin ko? Ok lang? Ganun?" pagsusungit niya.

"Ganun na nga. Sorry na please?" pangungulit ko.

"Hindi ganun kadali un Joshua. Nabastos ako, naapakan ang pride ko." sagot niya.

"Anong gusto mong gawin ko para mapatawad mo ko?" pagmamakaawa ko.

"Seryoso ka? Wala ng bawian kapag um-oo ka." sabi niya sakin.

"O sige game. Basta kapag nagawa ko bati na tayo ha?" sagot ko naman sakanya.

"Ganito lang naman kasimple ang gagawin mo. Una, hindi ka na iinom at maninigarilyo. Pangalawa, hindi ka na magcucutting. Pangatlo, magiging alipin kita hanggang matapos ang sem na toh. Oh ano? Game parin ba?" muli niyang tanong.

"Ang konti naman. Un lang ba? Game na game pero dapat hindi mo narin ako susungitan." kampante kong sagot sakanya na may kasama pang ngiti.

Nag-ring narin ang bell at naglabasan na ang estudyante sa room kaya naman pumasok na kami. Habang nag-uusap kami ni Ana tungkol sa kung anu-ano ay sumabat si Liz samin.

"Uy Joshua! Bigla mo nalang kami iniwan kagabi. Maya ulit ha?" pag-aaya ni Liz.

Napatingin naman ako kay Ana at tinignan niya ako ng masama.

"Sorry Liz. May date kasi ako mamaya eh, next time nalang." pagtanggi ko.

"Ganun ba? Bagong girlfriend? (sabay tingin kay Ana ng masama at nagbitaw ng sarkastikong ngiti)" tanong ni Liz.

"Hindi, friendly date lang yun." sagot ko sakanya.

"Fine. Next time ha?" sabi ni Liz at lumayo na samin.

"Next time pala ha." sabi naman ni Ana pagkaalis ni Liz.

"Palusot lang yun para hindi na niya ko kulitin." sagot ko kay Ana.

"Weh, maniwala. Mukhang hindi mo matatagalan yung deal natin." sabi naman ni Ana.

"Magtiwala ka lang sa alipin mo mam." sagot ko.

"Sabi mo eh. Nga pala, hindi ka nagshashare may bago ka nanaman palang kadate. Sino?" pag-uusisa ni Ana.

"Bakit ka interesado?" pagtatanong ko.

"Nagtatanong lang naman. Eh di wag mo sagutin kung ayaw mo." pagsusungit niya.

"Oh nagsasalubong nanaman yang mga kilay mo. Nagsusungit ka nanaman. Dapat nakasmile." pagbibiro ko sabay hila sa magkabilang pisngi ni Ana.

"Ahem, ahem. Sa sobrang sweet ng dalawa diyan hindi na ako napapansin." pagpaparinig ni Timothy.

"Hoy Timmy manahimik ka nga diyan sasabunutan kita." sagot ni Ana kay Timothy.

"Nagseselos lang yang si Timothy." pagbibiro ko.

"Siguro nga!" sabi ni Ana sabay tawa niya ng malakas.

Simula ng araw na yun ay naging close kami nila Ana at Timothy. Sila na ang kasama ko tuwing break time, gala, at kung saan-saan. Mahigit dalawang linggo narin akong hindi umiinom at sumasama kina Liz. Unti-unti na akong nagiging good boy uli tulad ng ipinangako ko sa mama ko. Masaya ko sa improvement ko pati narin ang mga professors ko na nagulat sa pagbabago ko.

"Goodbye everyone. Have a great day." pamamaalam ng professor namin para sa huling subject sa araw na yun.

"Una na ako sainyo Joshua at Aneng." pamamaalam ni Timothy samin.

"Cge ingat Timmy!" sagot sakanya ni Ana.

"Ingat Timo. Ana sabay tayo umuwi ha? Teka lang cr lang ako." sabi ko naman kay Ana.

Naglalabasan narin ang iba naming kaklase ng pumunta akong cr. Pagbalik ko ay narinig ko sina Liz at Ana nag-uusap.

"Pasimpleng landi ka rin noh? Kunyari pang walang gusto kay Joshua, type mo rin pala." narinig kong sabi ni Liz.

"Liz, mali ang iniisip mo. Hindi ko inaagaw sainyo si Joshua." pagtatanggol naman ni Ana.

"So parang sinabi mo naring si Joshua ang naghahabol sayo?" sagot ni Liz.

"Oo, tama ka. Ako nga." pagsabat ko sakanila at lumapit ako kay Ana at inakbayan siya.

"Liz, gusto ko na magbago. Narealize ko na ang halaga ng buhay ko. Masaya na ako." dugtong ko.

Halata ang pagkagulat ni Liz matapos kong sumingit sakanila.

"Ok, good for you Joshua. Bye." ang tanging nasabi ni Liz sakin.

"Alam mo ang galing mo talagang artista noh?" sabi ni Ana na may halong pagkamangha.

"Tara samahan mo ko mag-auaudition na ako. Dali." pagbibiro ko.

"Hay nako pagnatanggap ka, hindi na ako manonood ng tv. Haha. Loko ka talaga, mamaya isipin ng mga kablock natin mag-on tayo." sabi niya.

"Hayaan mo sila mag-isip ng kung anu-ano. Alam naman natin kung ano ang totoo eh. Maliban nalang kung mainlab ka talaga sakin." sagot ko naman sakanya.

"Kapal! Hindi kita type noh!" sabi niya.

"Bakit ka defensive? Haha. Deal uli tayo oh, kapag nainlab ako sayo talo ako, kapag nainlab ka sakin talo ka. Game?" paghahamon ko kay Ana.

"Ano naman ang premyo ng mananalo?" tanong niya.

"Eh di may tatlong wishes. Payag ba?" pabalik kong tanong sakanya.

"Sige. Game." pagpayag ni Ana habang inalok ang hinliliit niya.

Nakipag-cross ng hinliliit naman ako sakanya. At dun na nagsimula ang laro namin ni Ana.

Book II Chapter 6: Reality

Reality

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba ng magkalapat ang aming labi. Hindi pa lumagpas ng tatlong segundo ay itinulak na ako ni Chloe papalayo at ang mukha ko ay nakatanggap ng isang malakas na sampal. Sa sakit ng sampal na yun ay napapikit nalang ako.

"Bastos ka Joshua!" narinig kong sinabi niya matapos niya akong sampalin.

Naramdaman kong tumayo siya sa bench na kinauupuan namin kaya naman iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko siyang nakatalikod at mukhang nagbabalak ng umalis.

"Chloe..." muli kong pagtawag sa pangalan niya.

"Joshua, hindi Chloe ang pangalan ko kundi Ana! Alam kong lasing ka pero kailangan mo ba talagang gawin yun? Your insane Joshua! At sa tingin ko if ever magkita kayo ng Chloe mo she'll never like you! Nakita mo ba sarili mo ngayon? Subukan mong tumingin sa salamin at malalaman mo kung ano sinasabi ko!" sabi niya habang humarap sakin at nang matapos ay naglakad na papalayo.

Nanlaki ang mga mata ko nang si Ana na ang nakita ko at hindi na si Chloe. Masakit ang sinabi niya sakin pero totoo. Aminado ako. Lubos akong nalungkot ng gabing yun. Umuwi akong dinidibdib ang sinabi ni Ana. Paulit-ulit itong pumapasok sa isip ko.

Pagkauwi ko sa bahay ay wala akong taong nadatnan, buti nalang at dala ko ang spare key. Nasaan kaya si Mama at Papa ng ganitong oras, alas-onse na ah? Naalala ko naman na tinatawagan nga pala ako ni Papa kanina baka sasabihin kung saan sila pupunta kaya naman chinarge ko ang cellphone ko. Iniwan ko saglit ang cellphone ko para maghilamos.

Tulad ng sinabi ni Ana, tinignan ko nga ang sarili ko sa salamin. Gwapo parin naman ah? Mukhang astig nga eh may konting balbas na. At kahit ano namang ichura ko, Chloe will never like nor love me. Matapos kong maghilamos ay dumirecho ako sa kwarto at tinignan ang cellphone ko.

3 messages
received

WALA KA NA TALAGA
SIGURONG PAKIALAM
SA AMIN? WAG NA WAG KA NG
MAGPAPAKITA DITO! HINDI
KA NA NAMIN KAILANGAN NG
MAMA MO HINDI NAMIN KAILANGAN
NG ANAK NA KATULAD MO!

Sender:
Papa

Ha? Anung pinagsasabi ni Papa? Labo.

Bakit mo pinatay ang cellphone
mo?! Kanina pa kita tinatawagan
Naospital ang mama mo!
Pumunta ka rito sa SDMC
kung meron ka pang natitirang
pagmamahal sa mga magulang mo.

Sender:
Papa

Matapos kong basahin ang message na yun ay agad kong tinanggal ang saksak ng charger at dinala ang cellphone ko. Umalis ako at pumunta sa ospital. Hindi ako mapakali, kaya naman pala ganun na kung makatawag sakin si papa kanina. Hindi ko mapigilan ang maluha sa sasakyan habang iniisip kung ano ba talaga ang nangyari sa nanay ko. May katandaan narin kasi ang nanay ko at medyo mahina na ang pangangatawan lalo na ang kanyang puso kaya hindi talaga maaalis sa isip ko ang lubos na pag-aalala.

Nang makarating ako sa ospital ay agad akong tumungo sa emergency room at tinanong kung dinala nga ba dun ang nanay ko. Tinuro naman sakin kung saan ako dapat pumunta. Kasabay ng pagmamadali ko ay ang pagmamadali rin sa pagtibok ng puso ko.

Nakita ko ang papa ko na nakayuko habang nakaupo sa may waiting area ng ICU.

"Pa..." mahina kong pagtawag sakanya habang pumapatak ang mga luha ko sa aking mga mata.

Tumingin ang tatay ko na mahahalata mo ang bahid ng lungkot sakanyang mukha.

"Sumunod ka sakin." sabi ng papa ko at sumunod naman ako.

Pumunta kami sa may likod na bahagi ng ospital. Binigwasan ako ng tatay ko ng isang malakas na suntok at hinawakan ang kuwelyo ng polo shirt na suot ko.

"Ano bang sinabi ko sayo? Di ba sabi ko wag ka ng pumunta dito? Hindi ka talaga marunong sumunod sa magulang mo noh! Halos mamatay-matay na ang nanay mo kanina! Pero nasaan ka? Nagpapakasarap at nagpapakalunod sa alak! Ganyan nalang ba talaga ang pangarap mo sa buhay? Ang maglustay ng perang pinaghihirapan ng mga magulang mo? Pinabayaan ka namin sa mga gusto mong gawin sa buhay mo dahil akala namin malaki ka na para malaman kung ano ang tama sa mali. Pero nagkamali kami. At pinagsisisihan ko yun." sabi ng tatay ko sakin.

Takot na takot ako ng mga oras na iyon dahil sa unang pagkakataon ay pinagbuhatan ako ng kamay ng tatay ko. Hindi ko alam ang gagawin kundi ang umiyak.

"Wala kang ginawa kundi pag-alalahin ang nanay mo. Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niyang unti-unti mong sinisira ang buhay mo. Wala akong magawa dahil lagi ka nalang niya pinagtatanggol sakin sa mga kagaguhang ginagawa mo kaya naman ngayon lang ako nagkaroon ng tamang pagkakataon para ipamukha sayo ang mga maling ginagawa mo! Sinasayang mo lang ang buhay mo sa paggawa ng mga walang kwentang bagay. Sinasayang mo lang ang pagod at sakripisyo naming mga magulang mo araw-araw. Hindi kami namumulot ng pera Joshua! Mabuti na nga lang at ang laking tulong na nagagawa ng kuya mo at nakakaluwag-luwag tayo ngayon. Kaya habang maaga pa sabihin mo na kung ayaw mo na mag-aral, hindi kita pipigilan. Matutuwa pa ako dahil hindi na kami magtatapon ng pera para sa walang kwentang anak lalo na ngayon at kailangan natin ng pera dahil nasa ospital ang mama mo. Pababayaan na kita ng tuluyan, kung gusto mong lumayas at mabuhay mag-isa bahala ka sa buhay mo. Desisyon mo yan, wag mo kaming sisisihin sa kung ano man ang mangyari sa buhay mo. Wala na akong pakialam sayo dahil kapag may masamang nangyari sa nanay mo ngayon, hindi na kita kilala. Sana marealize mo kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. Wag mong sayangin ang panahon dahil hindi habang buhay pwede mong gawin ang mga bagay na nagagawa mo ngayon. Ayokong dumating ang oras na puro sa pagsisisi nalang tatakbo ang buhay mo." mahaba-habang pangaral sakin ng tatay ko.

Matapos nun ay itinulak niya ako pababa sa sahig at iniwan. Hindi tumitigil sa pagpatak ang mga luha ko, hindi ko mapigilan. Tama si papa, wala naman talagang patutunguhan tong pinaggagagawa ko sa buhay ko. Kung ipagpapatuloy ko toh parang tinapon ko narin ang pagmamahal na binigay ng mga magulang ko, ang mga paghihirap nila sa pagpapalaki sakin through out these years. Alam kong hindi pa huli ang lahat, kaya ko pang patunayan sa mga magulang ko at sa sarili ko mismo na mababalik ko sa normal ang lahat. Maaayos ko ang pag-aaral ko at magtatagumpay ako balang-araw. Hindi na ako dadagdag sa populasyon ng mga kabataang napariwara ang buhay at naligaw ang landas. Magbabago ako para sa mga magulang ko. Magbabago ako para sa sarili ko. At magbabago ako para kay Chloe, alam kong magkikita kami balang araw at kapag may ipagmamalaki na ako ay hindi ko na hihintayin dumating ang araw na yun, ako na mismo ang maghahanap sakanya.

Nang matapos akong makapag-isip-isip ay pumunta muna ako sa Tropical Hut na katapat ng nasabing hospital para bumili ng pagkain namin ng papa ko. Mayroon pa nga akong nabunggong batang babae sa pagpunta ko dun.

"Ay pasensya ka na ah." sabi ko sa batang babae habang inaakay siya patayo, umupo ako ng bahagya para pagpagin ang marumi niyang damit.

"Sabi ko sayo bechay tumingin ka sa dinadaanan mo eh. Ikaw talaga." sabi naman ng kasama niyang lalaki habang tinutulungan ako sa pagpagpag ng damit.

Matapos nun ay pumunta na ako sa dapat kong pupuntahan at bumili na ng pagkain. Habang naglalakad pabalik ng ospital ay naalala kong mayroon pa palang isang text akong hindi nababasa kaya naman kinuha ko ang cellphone ko ngunit wala ito sa bulsa ko. Sinubukan kong hanapin sa mga lugar kung saan ako nanggaling ngunit hindi ko na ito nakita. Napagpasyahan ko nalang na pumasok ng ospital at dalhin ang pagkaing binili ko.

---

Few minutes ago.

"Uy, kuya tignan mo oh. Cellphone ba yan?" sabi ng isang batang babaeng nasa pitong-taong gulang habang nakaturo sa sahig.

Pinulot ng batang lalaking nasa walong-taong gulang ang cellphone.

"Oo nga bechay cellphone nga. Nagana kaya toh?" tanong ng batang lalaki.

"Swerte natin kuya! Mabebenta kaya natin yan? Para naman may pambili na tayo ng gamot ni nanay." tanong ng batang babae.

"Bechay tignan mo oh! Nagana pa! Tignan mo ung lalake sa picture ang pogi!" sabi ng lalaki matapos niyang buksan.

"Kuya, bakla ka ba?" tanong ng babae.

"Hindi ah! Hindi mo kasi ako pinapatapos sa sasabihin ko eh. Ang pogi nung lalake kamukha ko!" sagot naman nung lalake.

"Di ba kuya yan ung lalaking nakabunggo sakin kanina?" tanong ng babae.

"Oo, siya nga yun! Tara bechay hanapin natin siya. Isauli natin ung cellphone." pag-aaya ng lalaki.

"Pero kuya... Kapag nabenta natin yang cellphone kay Manong Carding makakabili na tayo ng gamot ni nanay at gagaling na siya." pag-aalinlangan ng batang babae.

"Pero bechay, hindi atin tong cellphone at alam natin kung sino ang may-ari." sabi naman ng nakatatandang kapatid.

"Kuya, gusto ko pang mabuhay si nanay. Ayokong iwan niya ako, tayo." sabi ng babae na naluluha na.

Sa awa ng batang lalaki sa kapatid ay hindi nalang nila hinanap ang tunay na may-ari ng cellphone at napagpasyahang gawin kung ano ang balak ng nakababata niyang kapatid.

Sa pag-uwi ng magkapatid ay pinakialaman muna nila ang cellphone. Tinignan ang mga letrato, video, laro at mga messages. Binuksan nila ang isang message na hindi pa nababasa ng may-ari ng cellphone.

ui Daddyyyy! is
this u? finally
i got ur number!
antgal tgal nmin hinanap
ni sai ung number m!
kung kni-knino kmi ngtnong
pero wlang nkakaalm!
buti nlng my stalker k nung
hs days ntin kya aun nhagilap
nya ang mhiwgang # m!
hay nako abnormal
k tlga! as in wla
kming blita sau..
musta k nb? nkakainis
k nmn oh wla k mn lng prmdam
after graduation, hay..
i miss u n daddy! see u soon ha!

Sender:
Unknown Number
Sunday, February 12, 2012

Book II Chapter 5: I love you... Chloe

I love you... Chloe


"Chloe!" malakas na sigaw ng isang babae sa bar.

Nang marinig ko ang pangalang iyon ay naghalong kaba at saya ang aking naramdam. Agad akong tumayo mula sa aking kinauupuan at hinanap kung saan nanggaling ang sigaw ngunit masyadong maraming tao kaya naman hindi ko nahanap. Napagpasyahan kong libutin nalang ang buong bar at hanapin si Chloe. Sa aking paghahanap sakanya ay biglang nagring ang cellphone ko.

Pa
Calling...

Patay natawag si erpats. Nireject ko ang tawag ng tatay ko dahil lowbat narin ang cellphone ko. Ilang sandali pa ay tumawag uli ang tatay ko at sinagot ko na ito.

"Yes pa, napatawag ka?" ang sagot ko.

Dahil sa ingay sa bar at hina ng signal ay hindi ko maintindihan ang sinasabi ng tatay ko kaya naglakad ako papalabas ng bar ngunit bago pa man ako makalabas ay namatay na ang cellphone ko. Ipinagpatuloy ko nalang ang paghahanap kay Chloe. Nakailang ikot rin siguro ako sa bar ngunit wala akong nakita ni-anino ni Chloe. Sa pagkadismaya ko ay nagpaalam na ako sa tropa at nagpasyang umalis.

Sumakay ako ng jeep ng wala akong eksaktong pupuntahan, hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon. Nasisiraan na ata ako ng ulo. Dinala ako ng aking mga paa sa isang convenience store at doon ko ipinagpatuloy ang pagpapakalasing ko. Uminom lang ako mag-isa na parang tanga habang iniisip si Chloe, kung ano ang nararamdaman ko para sakanya. Mahilo-hilo na ako at may tama na nang may isang babae ang kumausap sakin.

"Joshua, ikaw ba yan?" tanong sakin ng babae.

Tinignan ko siya at tila nabuhayan ako ng loob dahil sa gulat. Tumayo ako at niyakap ko siya.

"Ikaw ba yan? Sa wakas nagkita tayo ulit!" ang sabi ko sakanya.

"Ha? Akala mo ba bati na tayo?" sagot niya at inalis ang pagkakayakap.

"Ay, pasensya ka na kung niyakap kita. Nag-away ba tayo? Hindi naman diba?" masaya kong tanong sakanya.

"Aba kapal. Matapos mo kong away-awayin diyan." sabi niya sakin.

"Ito naman, matagal na yun ah. Hindi mo parin pala yun makalimutan. Tara lakad lakad tayo sa labas." pag-aaya ko.

Sinamahan niya ako at naglakad-lakad kaming dalawa kahit medyo hilo ako. Hindi talaga ako makapaniwalang kasama ko na siya ulit.

"Lasing ka ba?" tanong niya habang naglalakad kami.

"Hindi ah." pagsisinungaling ko naman sakanya.

Tumigil kami at umupo sa isang bench. Ilang minuto lang ay inihiga ko ang aking ulo sakanyang hita. Tinignan ko lang siya at di ko namalayang nakatulog na pala ako. Mga ilang minuto lang siguro akong nakatulog sa kandungan niya at nagising narin ako. Inayos ko ang upo ko at kinausap ko siya.

"Alam mo ba sinubukan kong kalimutan ka. Lahat ginawa ko para lang mangyari yun pero isang rinig ko lang sa pangalan mo naging back to zero ang pagmomove-on ko. First day palang nun ng makilala kita pero ibang saya na ang dinala mo sa buhay ko at habang tumatagal ay lalo mo kong pinapasaya lalo na kapag napipikon ka sa mga biro ko pero ang malas lang dahil hindi ako ang gusto mo. Ilang beses kong sinubukang sabihin sayo kung ano talaga ang nararamdaman ko baka kahit papaano matutunan mo akong mahalin pero parang may tumututol para mangyari yun--" hindi ko napapansing tumutulo pala ang aking mga luha habang sinasabi ko ito.

"Joshua..." putol niya.

"Ngayon na siguro ang pagkakataon para malaman mo ang tunay na nararamdaman ko para sayo." sabi ko habang unti-unting nilalapit ang mukha ko sakanya.

"I love you...










Chloe" dugtong ko. Nang napansin kong magkalapit na ang aming mukha ay hindi ako nag-alinlangan at ipinikit ko ang aking mga mata at hinalikan ko ang kanyang mga labi.

Book II Chapter 4: Together Again?

Together Again?


Laking gulat ko ng makita ko si Liz na mahimbing na natutulog. At siyempre medyo naging masaya narin dahil hindi si Luis ang nag-uwi sa akin. Pero... May pasok pa kami! Anong oras na ba? Anong oras ba klase namin ngayong araw na toh? Agad akong bumangon at hinanap ang pouch bag ko at tinignan agad ang schedule namin. Nawala ang kaba ko ng makita kong 1 pa pala ang klase namin at 6 palang ng umaga.

"Gising ka na pala Josh. Lasing na lasing ka kagabi ah." pagbibiro ni Liz.

Nagising ko ata siya dahil sa pagpapanic na ginawa ko. Hindi ko alam pero pumasok nalang sa utak ko ang isang bagay,

"Liz, may nangyari ba?" pagtatanong ko sakanya ng direcho.

"Ha? Sira! Lasinggera ko pero hindi ako pokpok noh! Hahaha." natatawa niyang sagot.

"Loko lang. Hindi ka na mabiro. Nga pala, nasaan tayo?" muling tanong ko.

"Andito ka sa bahay namin at paniguradong andun na sa labas ng pinto ng kwarto ang tatay ko at dala-dala na ang shotgun niya." sagot niya sakin.

"Ano?! Wala namang ganyanan Liz." natatakot kong sinabi sakanya. Takte, disgrasya agad toh kung nagkataon!

"Hahaha. Nakakatawa naman reaksyon mo. Ako lang mag-isa dito sa bahay noh. Dadalhin ba kita dito kung andito parents ko?! Hello?!" panloloko ni Liz sakin.

"Buti naman." sagot ko at nakahinga na ako ng maluwag.

"Anong breakfast gusto mo? Ipagluluto nalang kita." pag-aalok niya habang nabangon sa kama.

"Wag na. Sa bahay na ako mag-aalmusal. Uuwi na ako baka nag-aalala na nanay ko sakin eh. At tsaka ang baho baho ko na oh." sagot ko habang papuntang cr.

"Ay ganun. Sige, hatid nalang kita sa sakayan. Teka antayin mo ko mag-ayos lang rin ako saglit." sabi niya.

"Ok na Liz. Wag na. Kahiya eh." sagot ko naman.

"Oh sige, ikaw bahala. Basta pagnaligaw ka wag mo akong sisisihin ah." sabi niya uli.

"Ay, oo nga noh? Hindi ko pala alam tong lugar. Hahaha. Sige na nga samahan mo na ako. Thank you ah." sagot ko uli sakanya.

Sinamahan nga ako ni Liz sa sakayan at habang nasa byahe ay natulog muna ako. Isang oras din akong nagbyahe at sa wakas ay nakarating na ako sa bahay. Naabutan ko namang nagwawalis sa labas ang nanay ko.

"Ang aga naman ng uwian niyo anak." pambungad na bati sakin ng nanay ko na halata ang pagtatampo.

Niyakap ko siya bilang paglalambing.

"Aba't amoy alak ka Joshua. Kailan ka pa natuto uminom?" medyo wala sa mood niyang sinabi.

"Ngayon lang toh ma. Nagbonding lang kami kahapon ng mga bagong classmate ko." pagpapalusot ko habang naglalambing parin sa nanay ko.

"Oh xa, xa. May magagawa pa ba ko? Pumasok ka na dun sa loob at mag-almusal." sagot niya sakin.

"Bait talaga ng nanay ko." pambobola ko na may kasama pang kiss sa pisngi.

Kumain ako, umidlip ng kaunti, at pumasok na uli sa school. Sa pagkakataong ito, katabi ko na talaga sina Miss puwing at Timothy.

"Uy Joshua, bakit absent ka sa klase natin ng hapon?" pagtatanong ni Ana.

"Inaya kasi ako nina Liz ng inuman eh. Ano ginawa niyo?" tanong ko naman sakanya.

"Ah ganun ba, wala nagdiscuss lang ng syllabus." sagot niya sakin.

"Ang boring naman pala nun, buti nalang umabsent ako." sabi ko sakanya.

"Joshua, sino kasabay mo maglunch mamaya?" tanong ni Timothy sakin.

"Samin ka sasabay mamaya diba Joshua?" pagsabat naman ni Liz.

At ganun nga ang nangyari. Sina Liz nanaman ang kasama ko at nagcutting nanaman kami. Ganito ang naging takbo ng first sem sa buhay first year college ko. Hindi lilipas ang isang linggo na wala akong klaseng hindi inatendan. Kung hindi naman absent pumapasok naman sa klase ng nakainom. Ayos diba? Pero may advantage din naman pala ang mga pinaggagagawa ko dahil hindi ko namamalayang lumilipas ang isang araw na hindi pumapasok sa isip ko si Chloe. Basta ang alam ko nalang ngayon ay masaya ako at nag-eenjoy ako sa ganitong klaseng lifestyle kahit magkandalecheleche na ang pag-aaral ko.

Hindi rin naman nagtagal, naging kami ni Liz pero alam naming pareho na laro-laro lang yun kaya wala ring pinatunguhan. Bukod sakanya ay naging girlfriend ko din ang iba pa niyang kabarkada. Ang dating makulit na Joshua ay unti-unting naging pasaway, basagulero, sira-ulong Joshua na.

Semestral break na at kuhanan na ng grades ngayon. Pumunta akong school at kinuha ang grades ko, ano pa bang aasahan ko sa grades ko? Kundi mga pasang-awa. Matapos kong makuha ang grades ay inuman nanaman kami ng tropa, what's new? Sa kalagitnaan ng pag-iinuman namin ay may nagtext.

joshua! nkuha m n grades m?

Sender:
Ana(puwing)

Si Ana nanaman pala. Madalas niya akong tinetext kesyo bakit hindi ako pumasok, nasan na ako, nainom nanaman ba ako, basta andami niyang tanong daig pa ang nanay ko. Minsan nga hindi ko nalang nirereplyan. Medyo may tama na ako ng oras na yun, kaya hindi ko na alam masyado ang mga pinaggagagawa ko. Nireplyan ko si Ana.

alam mo ang kulit kulit mo..
tnong k ng tnong! gf b kta?
o bka nmn gsto m ring mging gf ko?

Oo, alam kong ayan ang nireply ko pero hindi ko alam na magagawa kong makapagreply ng ganyan. Ilang minuto lang ay nagreply na si Ana.

ang sama ng ugali m!
ngaalala n nga sau ung tao
tpos ayn p ssbihin m!
cge magpariwara k! bhla k s buhay m!

Sender:
Ana(puwing)

Nagreply parin ako sa text niya.

tlgang bhla ako!

Matapos nun ay hindi na nagreply si Ana at ako naman ay patuloy na naghahappy-happy kasama ng tropa.

Umuwi nanaman akong medyo may tama. Marahil napapansin na ng magulang ko ang malaking pinagbago ko kaya naman ng gabing iyon nagulat ako ng kausapin ako ng nanay ko.

"Nak, binigay na ba ang grades niyo?" tanong sakin ng nanay ko.

"Hindi pa nay eh" pagsisinungaling ko sakanya. Naramdaman ko ng oras na iyon ang kaba.

"Malapit na ulit ang enrollment ah, bakit hindi pa binibigay ang grades niyo nak?" medyo may pagdududang tanong niya.

"Eh sa wala pa nga eh! Ano bang magagawa ko?! Eh di kayo ang pumunta sa school ng malaman niyo!" pasigaw kong sagot sa nanay ko sabay akyat sa kwarto.

Sa kauna-unahang pagkakataon nasigawan ko ang magulang ko. Dala ba ito ng pagkalasing? Ewan ko. Pagkapasok ko sa kwarto ay direcho higa na ako sa kama at natulog ni hindi ko man lang naisip kung ano ang naramdaman ng nanay ko pagkatapos nun.

Pagkagising ko parang kakaiba ang naramdaman ko. Weird. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Papa na papasok ng pinto at si Mama naman na paakyat sa hagdan.

"Umalis kayo Pa?" pagtatanong ko sa tatay ko.

"Pumunta kaming ospital ni mama, nahirapan daw siyang huminga kanina eh." sagot niya.

"Ma, ok ka na?" tanong ko kay mama.

Ngunit hindi sumagot si mama at direcho pasok ng kanyang kwarto. Bigla ko nalang naalala ang nangyari kagabi, may naramdaman akong kurot sa dibdib na isang senyales ng pagkaguilty. Lumipas pa ang ilang araw na hindi ako pinapansin ni nanay, ramdam na ramdam ko ang pagkasama ng loob niya. Akala ko dahil dito ay manunumbalik na ang dating Joshua ngunit hindi na ata mangyayari un.

Mabilis lumipas ang sembreak at ngayon ay second sem na, patuloy parin ako sa pag-inom at pagsira ng buhay ko. Hindi narin naman ako kinakausap ni Ana simula ng mag2nd sem, sinubukan kong humingi ng tawad sakanya ngunit ganun ba talaga kasama ang ginawa ko para hindi niya ako pansinin? Bakit nga ba ako apektado kay Ana? Hindi naman ako interesado sakanya.

Nagcelebrate ako ng christmas at new year siyempre kasama ng tropa. Habang buhay na nga lang bang magiging ganito ang takbo ng buhay ko? Hindi bale na atleast nakakalimutan ko ang mga bagay na dapat kong makalimutan.

Sa pagpasok ng bagong taon lalong naging malala ang bisyo ko. Ako na mismo ang nag-aaya sa tropa na huwag pumasok. Hindi narin siguro nakapagtatakang nakakuha ako ng failing grade sa dalawang subject.

Tulad ng kinasanayan, isang gabi ay pumunta kami sa isang bar na nadiskubre ng isa kong kabarkada. Inom dito, inom doon. Yosi dito, yosi doon. Ngunit may hindi ako inaasahang mangyari ng gabing iyon. Nang marinig ko ang pangalan ng taong naging dahilan kung bakit ako nagkaganito...

















"Chloe!" malakas na sigaw ng isang babae sa bar.

Book II Chapter 3: Peer Pressure

Peer Pressure

Tulad ng inaasahan ko, mabilis lumipas ang oras at ngayon may pasok nanaman. Umpisa na ng college life ko. Umpisa na ng buhay na wala akong Chloe na iniinis. Hanggang kailan kaya mananatili si Kuloy sa isip ko?

Mga kinse minutos bago mag-time ay nasa university na ako. Mabuti na lang at nakinig ako dun sa tour guide namin kaya alam ko na kung saan ako pupunta, kung hindi baka naligaw na ako. Ang hindi ko nalang alam ay kung saang room ako pupunta. Habang naglalakad ay kinuha ko ang registration form ko sa pouch bag para tignan kung saang room ang una kong klase. Hindi ko namalayan na may kasalubong akong tao kaya nagkabanggaan kami.

"Sorry hindi ko sinaaaa--"

Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko na si Miss puwing pala ang nabangga ko. Patay siya nanaman, sa isip-isip ko.

Mga ilang segundo bago siya magreact. Nginitian niya ako ng bahagya na para bang nagsasabing Ok lang at matapos nun ay pumasok siya sa room na malapit doon. Hindi ko inaasahan ang reaksyon niyang yun ah. Akala ko susungitan nanaman niya ko.

Bago ako mag-umpisang maglakad uli ay may napansin akong isang kerokeroppi na keychain sa sahig. Baka kay Miss puwing ito? Ibabalik ko sana ang keychain kaya lang pagtingin ko sa relo ay limang minuto nalang ang natitira sakin at mag-ta-time na. Kaya napagpasiyahan kong ilagay nalang muna ito sa bag ko.

Kerokeroppi, naalala ko nanaman si Chloe. Hay. Napailing nalang ako at napangiti.

Nagsimula akong maglakad uli. Matapos kong makuha ang registration form ko tinignan ko agad kung saan ang room ko. Lumagpas na pala ako ng dalawang room kaya bumalik ako at pumasok sa room na nakalagay sa registration form ko. Direcho upo na ako sa upuang malapit sa pinto dahil andun na ang professor namin.

Seryoso akong nakikinig sa pagdidiscuss ng professor ko ng syllabus. Matapos niya ito idiscuss ay pinatayo niya kami dahil aayusin na daw ang aming sitting arrangement. Ang korny, college na may sitting arrangement pa, sabi ko sa isip ko.

"Gamboa. Dun ka." sabi ng professor namin sabay turo sa isang upuan.

Habang hinihintay kong matawag ang pangalan ko, natulala ako nang makita ko ang huling tinawag. Tae! Si Miss puwing nanaman!

"Garcia. Sit next to her." pagtawag sakin ng professor.

Lalo akong nanlumo ng malaman kong siya ang makakatabi ko. Ayoko sa mataray, ayoko sa masungit, patay na! Hindi ko alam kung ano bang meron ang babaeng toh at sa tuwing nakikita ko siya pakiramdam ko katapusan na ng mundo! Pero sabagay, hindi naman niya ako sinungitan kanina nang mabangga ko siya kaya hindi narin siguro masamang makipagkaibigan sakanya.

Palihim ko siyang tinignan para makita kung mukha bang badtrip o hindi. Wow nakangiti siya sa akin, bati na siguro kami? Gumaan na ang loob ko at nginitian ko rin siya.

"Timothy! Sayang hindi tayo tabi." sabi ni Miss puwing.

Nawala ang ngiti ko at napatingin sa likod ko.

"Oo nga eh! Hindi bale magkalapit naman." sabi ng lalaki habang papaupo sa upuan niya.

Napahiya ako, akala ko ako ang nginitian niya. Dahil sa nangyaring yun, napatungo nalang ako at kunyari may hinahanap sa pouch ko. Nakita ko ang kerokeroppi na nalaglag kanina kaya naman nagpasya akong isauli na iyon.

"Uhm, Miss puwing." pagtawag ko sakanya.

"Ana.. Ana Gamboa." sagot niya habang iniabot ang kamay niya at nakangiti.

"Joshua Garcia." sagot ko naman at nakipagkamay.

"Siya naman si Timothy." pagpapakilala niya sa lalaking nginingitian niya kanina.

"Hi Timothy. I'm Joshua." sabi ko at iniabot ang kamay ko.

"Nice to meet you tol." pakikipagkamay ni Timothy na pansin ko ang sobrang pagkangiti.

"Hala Timmy, nawawala ung keychain na binigay mo!" sabi ni Ana habang hinahalungkat ang bag niya.

Kinuha ko ang kerokeroppi na keychain sa bag ko at ipinakita kay Ana.

"Ito ba ung hinahanap mo? Nakita ko kasi kanina pagkatapos kita mabangga." tanong ko sakanya.

"Ayan nga! Thanks ha. Thank you thank you talaga." sagot ni Ana.

"Sir malabo po mata ko!" pang-aagaw eksenang sigaw naman ng isa naming classmate.

"Ganun ba? Sige makipagpalitan ka nalang kay... Uhm, kay Mr. Garcia." sabi ng professor.

"Sir bakit sakanya?" pagtatanong ni Timothy.

"Yaan na, nice to meet you both." bulong ko kina Ana at Timothy habang papatayo sa upuan ko.

Pagkaupo ko naman sa nilipatan kong upuan ay agad naman akong kinausap ng katabi ko.

"Hi, I'm Liz." pakikipagkilala niya.

"I'm Joshua." sabi ko sabay ngiti.

"Lumandi ka nanaman sis. Haha!" sabi ng babae kay Liz na nakaupo sa tapat niya.

"Nakipagkilala lang kaya." nangingiting sagot ni Liz kay babae.

"Joshua sama ka naman samin after this class oh? Dadalhin ka namin sa heaven ng tropa ko. Hahaha." sabi ni Liz sa akin na may kasama pang kakaibang ngiti.

Sinagot ko naman ng isang nakakalokong ngiti si Liz.

Natapos na nga ang first class namin at inaya na ako ni Liz na sumama sakanila. Pagkatayo ko ng upuan, sa hindi malamang kadahilanan ay napatingin ako kay Miss puwing at nakatingin rin siya sakin na para bang may gustong sabihin. Hinawakan naman ni Liz ang kamay ko.

"Tara Joshua. Mag-eenjoy ka promise!" sabi niya habang hinihila ako palabas ng room.

"Makakatanggi pa ba ako sa grasya? Este makakatanggi pa ba ko? Eh hila-hila mo na ako." pagbibiro kong sagot sakanya.

Kasama ko ang tropa ni Liz na sina Mariel, Dina, at Luis na isang brokeback. Kasama rin namin ang boyfriend ni Dina at ang barkada nito. Sa mga oras na iyon, ang gaan ng pakiramdam ko, hindi ko na naiisip si Chloe. Sana ito na ang paraan para makalimutan siya nang mabigyan ko naman ng oras ang sarili kong ienjoy ang buhay.

"Papa Josh, ok lang ba sayo magcutting?" tanong sakin ni Liz.

Nagulat naman ako sa tanong na yun dahil sa buong buhay ko ay hindi pa ako nakakapagcutting. Ewan ko pero nakaramdam ako ng excitement at challenge ng mga oras na iyon.

"Ok na ok! First day palang naman eh." sagot ko kay Liz.

"Paano guys? Go daw sabi ni Papa Joshua ko!" sabi ni Liz at nagkantyawan ang grupo.

Sumakay kami sa kotse ng boyfriend ni Dina at wala akong kaideideya kung saan kami pupunta. Masaya ang road trip namin, ang iingay nila at ang kukulit. Pakiramdam ko hindi ako left-out sa grupong ito. Ilang minuto lang ay nakarating narin kami sa pinuntahan namin.

"Andito na tayo sa Heaven Eleven Bar. I uber miss this place." sabi ni Luis pagkababa ng kotse.

"Ang landi mong bakla ka. Kagabi lang nandito tayo noh!" pabirong sabi ni Mariel sakanya.

Sa bar pala kami pupunta, since highschool never pa akong uminom. Napakaconservative kasi ng environment ko kaya hindi ako exposed sa mga ganyang klaseng activities. Pumasok kami sa loob. umupo sa table at nag-order na sila.

"Ilang bote ba ang kaya mong patumbahin Papa Josh?" tanong ni Liz sakin.

"Magbobowling ba tayo?" pabiro kong tanong kay Liz.

"Hahaha. Loko ka ah. Ilang bote ng beer kako ang kaya mong inumin?" sagot niya.

"Hindi ako nainom Liz eh." nahihiyang sagot ko sakanya.

"Good boy naman pala yang si papa Josh mo Liz." sabat ni Luis.

"Really? Hindi ka nainom? Try mo uminom gagaan ang pakiramdam mo. Inumin mo toh." sabi ni Liz habang iniaabot ang isang shot glass na may lamang alak.

Kinuha ko naman ang shot glass at bago ko pa man ito inumin ay nag-isip muna ako kung tama ba itong gagawin ko. Siguro naman walang masama dahil isang beses lang naman toh. Huminga ako ng malalim at ininom ko ng straight ang alak na nasa shot glass. Matapos nito ay iniabot ni Liz sakin ang isang baso habang nagkakantyawan ang mga kasama namin.

"Josh, ito chaser." sabi ni Liz.

Kinuha ko naman ang basong iyon at ininom ko. Red horse ang laman ng basong iyon.

Parang wala lang pala ang pag-inom ng alak. Pakiramdam ko umiinom lang ako ng tubig. Ewan ko pero parang naadik agad ako.

"Oh kamusta naman ang experience mo sa pag-inom? Ayos diba?" tanong ni Liz.

"Parang tubig lang ah. Wala bang harder diyan?" pagbibiro ko.

"A...a...a... Hinay hinay lang baka magsuka suka ka naman diyan mamaya! Hahaha." sabi ng isang barkada ng boyfriend ni Dina, si Ed.

"Pagnalasing si Papa Josh, ako ang mag-uuwi sakanya ha!" sabi ni Luis.

"Ang bakla bakla mo talaga! Baka gahasain mo lang si Joshua noh! Hahaha." sabi naman ni Dina.

"Bruha nga yang Luis na yan, ako kaya ang nagdala kay Josh dito kaya ako rin ang mag-uuwi in case!" sabi ni Liz.

"Hahaha. Mga loko kayo ah. Makakauwi naman ako mag-isa." pagsabat ko sa usapan nila.

"Goodluck sayo." sabi ni Liz na nangingiti pa.

Tuloy-tuloy ang inuman namin with matching videoke pa. Kanta dito, kanta doon. Mabilis lumipas ang oras at nakakaanim na bote kami ng Emperador at isang case ng red horse. Aminado akong medyo hilo-hilo na ako ng oras na iyon. Pakiramdam ko hindi na ako makakatayo ng maayos. Hilong-hilo na talaga ako. Hindi ko na kaya........

Nagising nalang ako na hindi ko alam kung nasaan ako. Ang sakit ng ulo ko at wala na akong maalala kung ano ang nangyari kagabi. Bigla nalang pumasok sa isip ko ang pag-uusap nila Liz, Luis at Dina. Hindi kaya na kina Luis ako?!

Nagulat ako ng makita kong may katabi pala ako sa kama, nakatakip siya ng kumot at dahan-dahan ko itong inalis.

Book II Chapter 2: Orientation Day

Orientation Day


"Joshua nak, gising na. Kakaen na tayo." panggigising sakin ng nanay ko kasabay ang walang tigil na pagkatok.

"U-uuhhhhhmm" pagsagot ko sakanya na antok na antok pa.

"Oo ka nanaman ng oo, hindi ako aalis dito hangga't hindi mo binubuksan ang pinto." sabi niya uli na hindi parin tinatantanan ang pinto ko sa kakakatok.

Wala akong choice kundi bumangon.

"Good morning Kuloy." ang bati ko sa picture na nasa kisame.

Binuksan ko ang pinto at niyakap ko ang nanay ko bilang pagbati at dumiretso na sa C.R. para maghilamos. Matapos nun ay tumungo na akong hapag-kainan.

"Gandang umaga." pagbati ko sakanila sabay kain.

"Ngayon ang orientation niyo anak diba?" pagtatanong ng tatay ko.

Sinagot ko naman siya sa pamamagitan ng pagtaas ng dalawang kilay.

Oo nga pala, ngayon ang orientation day. Ano kayang meron dun? Masaya kaya un? Ano kayang mangyayari sa college life ko? Makikita ko pa kaya si Kuloy? Miss na miss ko na kakulitan niya at ang pagiging pikon niya. Hay. Parang imposible na atang makita ko siya dahil magkaiba naman kami ng university na pinasukan, magkasama sila ni Cyrus. Kailangan ko na sigurong magmove-on. Pero paano? Bahala na.

Matapos kong kumain ay nagpalipas ako ng oras. Nanood ako ng T.V., nagcomputer, at kung anu-ano pa hanggang sa nag-ayos na ako papuntang orientation.

Hindi ako mapakali, kinakabahan ako baka kasi maligaw ako. Wala naman kasi akong ideya kung ano ang mga gagawin dun, basta kung ano nalang sabihin nila un nalang ang gagawin ko.

Pagkapasok ko ng university, "Ang laki putek saan dito ang Alumni Auditorium?!" ang tanging nasabi ko sa sarili ko.

Nagtanong ako sa manong guard na nakatayo sa guard house.

"Boss, saan po ung Alumni Auditorium?" tanong ko sakanya.

"Nakikita mo un? Ako ren nakikita ko un. Pagkarating mo dun, kakanan ka tapos sa dulo kakaliwa ka tapos dirediretso na un. Kapag madaming tao dun na un." sagot naman niya.

"Salamat po." pagpapasalamat ko naman.

Nag-umpisa na akong maglakad. At naglakad pa. At naglakad. At naglakad.

"Bakit parang wala akong nakikitang mga tao?" tanong ko sa sarili ko.

Hanggang sa makarating ako sa building na madaming tao sa labas. Sa wakas, nandito na yata ako. Papasok na sana ako ng building kaya lang...

"Nakapirma ka na ba dun? Pirma ka muna bago pumasok." sabi sakin nung nagbabantay sa pinto habang tinuturo ang isang desk na may mga nakaupong babae at may mga libro.

Kaya naman pumunta ako dun sa desk at hinanap ang pangalan ko. Artista ba? Kailangan pang pumirma pirma. Orientation palang attendance is a must na ata. Matapos kong makapirma ay binigyan ako nung isang babae ng isang libro. Handbook pala ang librong un.

Sa wakas pinapasok na ako at umakyat papunta dun sa orientation room. Wow, parang theater. Ang dilim. Ang stage nasa ibaba dahil medyo nahuli ako ng dating, sa taas ako napaupo pero buti nalang at mas madami pang late kesa sakin. Proud na proud ako sa sarili ko. Hahaha.

Ang boring. Discussion lang ng tungkol sa mga nangyari sa university ang sinasabi pero no choice kailangan kong makinig. Mga 20 minutes na siguro ang nakalipas at habang nakikinig ako, nagulat nalang ako ng merong isang ulo na sumandal sa balikat ko. Ulo ng isang babae. Hindi na ako gumalaw baka kasi magising ko siya. Nakakahiya naman sakanya diba? Ang himbing kasi ng tulog niya. Kaya pinabayaan ko nalang na matulog siya sa balikat ko.

"Inaantok ba kayo?" tanong ng emcee ng program.

"Hindi." sabay-sabay na sagot ng mga andun.

"Sino inaantok? Tumayo." masiglang tanong ng emcee.

Dahil naman sa tanong na iyon ay nagpasya akong gisingin ang babaeng natutulog sa balikat ko dahil medyo nangangalay narin ako.

"Miss, tatayo daw--"

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay tumayo agad siya malamang dahil sa gulat.

"Inaantok ka ate na nakatayo?" pagtatanong nung emcee ng mapansin ang katabi ko.

"Miss, tatayo daw ang inaantok." pagtutuloy ko sa dapat na sasabihin ko.

Nagbungisngisan ang mga tao sa paligid niya at nakita kong ang mga nakaupo sa baba ay pilit na nilingon kaming mga nasa 2nd floor. Kahit ako ay medyo natawa sa ginawa niya pero hindi ko ginustong ipahiya siya. Malay ko bang tatayo siya agad.

Nang manumbalik siguro ang katinuan niya ay agad din siyang umupo at tumungo dahil siguro sa kahihiyan. Matapos nun ay bumalik na uli sa dati ang program pero ang katabi ko? Nakatungo parin.

Natapos na ang program at lumabas kami para itour sa university. Pagkalabas ko ay nakita ko si seatmate. Nakita ko ang mga mata niya, parang umiyak. Bigla akong nakunsensya, pakiramdam ko ako ang may kasalanan bakit siya napahiya kaya naman nilapitan ko siya at kinausap.

"Ui, pasensya ka na kanina ha. Hindi ko naman--"

"Wala kang kasalanan." putol niya sa pagsasalita ko at dumiretso na pababa.

Aray! Nasungitan ako ng wala sa oras. Hindi ko na nga lang siya kakausapin, basta nakapagsorry na ako.

Pagkababa ko ay agad kong hinananap ang mga ka-row ko para sa tour. Sa paghahanap ko ay napabaling ang tingin ko sa isang babaeng nakatalikod na parang familiar ang tindig, ayos ng buhok at pananamit. Sa excitement ko ay nagmamadali akong lumapit sakanya.

"Chloe." sabi ko sabay hawak sa mga balikat niya at nakangiting abot tenga.

Pagkaharap niya, mukha ng masungit kong seatmate ang nakita ko. Nanlamig ang pakiramdam ko, para akong kinuryente, at ang ngiti kong abot tenga ay parang nanigas na nagmukhang pilit na ngiti.

"Sorry uli." ang tangi kong nasabi sakanya habang nakangiting pilit sabay alis ng kamay ko sa balikat niya.

Akala ko nagbago bigla ang ihip ng hangin at napadpad dito si Chloe sa university. Guni-guni lang pala. Ang masaklap pa si masungit na seatmate pa napagkamalan ko. Watta day!

At nag-tour na nga kami sa napakalaking university, nilibot kami sa iba't-ibang building ng aming mga tour guide na kapwa rin namin studyante sa university na yun. Madaming puno sa university namin, marami rin sigurong insekto? Ayan ang mga bagay na naglalaro sa isip ko habang naglilibot.

Malapit na kaming makabalik sa pinanggalingan namin nang may narinig akong bulong.

"Aray." mahinang sabi nung babaeng nasa likod ko.

Nilingon ko naman siya agad para makichismis. Nako! Si sunget nanaman, nakahawak siya sa mga mata niya. Pagkakataon ko na siguro toh para makabawi kaya lang baka sungitan niya lang uli ako? Bahala na.

Nilapitan ko siya uli at tinanong.

"Miss bakit? Ano nangyari?" pagtatanong ko sakanya.

"Napuwing kasi ako eh." sagot naman niya.

Nagfeeling close ako at hinawakan ko ang ulo niya at tinanggal naman niya ang kamay niya. Tinignan ko ang kanyang kaliwang mata at dahan-dahang hinipan ito.

"Sa kanang mata ako napuwing." sabi niya.

"Ay sa kanan ba. Sorry." sagot ko sabay napangiti. Mali pala hula ko. Hahaha.

Dahan-dahan ko namang hinipan ang kanang mata niya.

"Ok na. Salamat ha." pagpapasalamat niya sakin habang inalis ang mga kamay ko sa ulo niya.

"Bati na tayo ha? Miss puwing." pagbibiro ko sabay balik sa pinanggalingan namin. Umalis na ako kaagad baka kasi masungitan nanaman ako. Sa pagsusungit lang naman ni Chloe ako natutuwa eh.

Sa wakas natapos din ang napakahabang orientation at makakauwi na ako. Ilang araw nalang rin ang pahinga ko at first day na.

First day. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko.

Book II Chapter 1: The Beginning


The Beginning


Joshua

"Josh, padating na ang bride mo. Relax lang dude ha. Congrats." sabi sakin ni Cyrus, ang bestfriend ko nung highschool.

"Ang ganda niya Sai, ano? Matagal kong pinangarap yan." sagot ko naman sakanya.

Tinitigan namin pareho ang mapapangasawa kong naglalakad sa gitna ng altar na papalapit sa akin. Ang ganda niya. Buong buhay ko, siya lang ang nakita ng mga mata at puso ko. Sa wakas, matutupad na ang pinapangarap ko simula pa nung fourth year highschool.

At nakarating na ang bride ko sa aking harapan. Inalok ko ang aking kaliwang kamay upang alalayan siya papuntang altar.

"Ang gwapo mo ngaun daddy." nakangiting sinabi ni Chloe sakin na nakasuot ng napakagandang wedding dress.

Bago pa man niya maiabot ang kamay niya sa aking kamay...


















Eeeeeeeeeeeeenggggkkkkkshhhhh.

"Ano ba yan?!" sabi ng mga tao sa loob ng bus.

Bigla nalang akong nagising sa aking mahimbing na pagkakatulog nang mauntog ako dahil sa napakalakas na brake na pinakawalan ng drayber ng bus. Panaginip nanaman!? sabi ko sa sarili ko. Hanggang panaginip na nga lang hindi parin matuloy-tuloy.

Sumilip ako sa bintana upang tignan kung nasaan na ba ako.

"Shit! Lumagpas nanaman ako!" sabi ko nang makita kong lagpas na pala ako sa bababaan ko. Walang pinagbago. Lagi parin akong lumalagpas. Si Chloe kase eh!

Bumaba ako at dali-daling naglakad ng mahigit 30 metro ang layo mula sa binabaan ko hanggang sa university.

Dalawang taon na ang lumipas simula ng grumaduate ako sa highschool. Matapos ang graduation ay wala na akong nabalitaan kina Chloe at Cyrus basta ang alam ko lang masaya na sila. Lumipat kami ng bahay at nagpalit narin naman ako ng sim card kaya naman hindi na nila ako makokontak. Pero kahit ganun, hindi parin nawala sa isip ko si Chloe. Para bang isang multo na ayaw akong tantanan. Kahit anong gawin ko hindi ko siya makalimutan, ung picture niya sa kisame ng kwarto ko andun parin. Ung medyas niyang kerokerropi sinasabit ko yun tuwing christmas, nagbabakasakaling lumabas siya dun paggising ko. Para akong ewan na umaasa sa wala.

Marami narin naman akong naexperience nitong college pero mahirap parin talagang kalimutan ang mga nangyari nung fourth year highschool dahil yun ang pinakamasayang taon na naranasan ko, nang makilala ko ang babaeng hanggang ngayo'y nagpapatibok ng puso ko. Minsan nga naisip kong baka merong gayuma ung medyas ni Chloe kasi kahit hindi na kami nagkikita at nagkakausap ay mahal ko parin siya. Mabuhay ang mga tanga!

Sa wakas, sa hinaba-haba ng nilakad ko ay malapit na ako sa classroom.

"Hi Papa Josh!" bati sakin ni Mariel, ex ko nung 2nd sem nung 1st year college ako.

Nginitian ko lang siya dahil nagmamadali na ako.

Ilang sandali pa habang naglalakad ako, nakasalubong ko naman ang isa ko pang ex.

"Joshuaaa!" bati naman sakin ni Liz, ex ko naman nung 1st sem nung 1st year college ako.

Ngiti lang rin ang sinagot ko sakanya.

"Ang mga ex ko nagkalat parang mga virus." sabi ko sa sarili ko.

Naka-siyam akong girlfriends simula nung first year college. Walang seryoso dahil pare-pareho lang naman sila ng purpose. Ang idisplay ako sa mga kaibigan nila. Kumbaga trip-trip lang ang lahat, basta nalang may masabi silang boyfriend nila.

Nang makarating na ako ng classroom ay pumasok ako kaagad. Lagot nanaman ako kay Kalbo, ang professor namin sa napakaboring na subject, ang Kasaysayan.

"Mr. Garcia, late ka nanaman. Puro L nalang ang nakalagay sa record mo sakin." sabi ni Sir Argos.

"Sir, gwapo niyo ngayon ah." pambobola ko sakanya at dumiretso na ako sa upuan ko.

"Bakit late ka nanaman?" nag-aalalang tanong ng seatmate ko.

Nung unang taon ko sa college, aminado ko, ginagawa ko lang laro ang mga bagay-bagay lalong-lalo na ang relationship kaya nga sa napakaikling panahon nakasiyam agad ako. Hanggang sa merong isang tao na nagparealize sakin na mali pala ang ginagawa ko. Ewan ko ba kung bakit pero simula nang mapansin ko siya si Chloe ang nakikita ko sakanya, hindi rin naman nagtagal ay naging mag-bestfriend kami. Binigyan niya ako ng halaga, atensyon, at pagmamahal na humantong sa puntong hindi ko na kayang tumbasan.

"Uy best, tinatanong kita bakit late ka nanaman?" muling niyang tanong.

"Lumagpas nanaman ako best eh." sagot ko sakanya habang nakangiting napapakamot ng ulo.

Siya nga pala si Ana, ang bestfriend ko.



Paano nga ba kami nagkakilala?

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.