Tuesday, February 14, 2012
Book II Chapter 10: They are back!!
9:46 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
They are back!!
"Ui best, tulala ka nanaman jan." panggigising sakin ni Ana mula sa aking pagkatulala.
"Naalala ko lang kasi kung paano ka nainlove sakin dati. Hahaha." pagbibiro ko kay Ana.
Kinurot naman ako ni Ana sa aking bewang.
"Aray, joke lang eh." sabi ko sakanya.
"Isusumbong kita kay Timmy?!" pagbibiro niya.
"Lagi naman e. Haha." sagot ko.
Sa pagtitiyaga ni Timothy, napasagot niya si Ana. Mahigit two months na sila hanggang ngaun. Kami kaya ni Chloe? Kelan kaya ako magkakaroon ng chance? O magkakaroon pa nga ba? Hay. Namiss ko nanaman tuloy siya. Namiss ko ang kulitan at pang-aasar ko sakanya.
Ako kaya? Namiss niya? Haay. Napabuntong hininga nalang ako.
Sa kakaisip ko ng kung anu-ano, hindi ko napansin uwian na pala.
Pagkauwi ko ng bahay ay may nakita akong nakapark na kotse sa harap ng bahay namin. Wow, binili kaya nila ako ng bagong kotse?
Pagkabukas ko ng pinto ay sinalubong ako ni papa.
"Pa, kanino ung kotseng nakapark--"
"Joshua, ano pang tinatayo tayo mo dyan? Hinihintay ka na ng bisita mo!" sabi sakin ni Papa.
Sino naman kaya ang bisita ko? Himala ata.
Pagkapasok ko ng bahay ay nagulat ako sa nakita ko. Isang babaeng matagal ko ng hindi nakikita ang bumulaga sa aking mga mata. Ang laki ng pagbabago niya.
"Pare?" pagtawag niya sakin habang nakangiti.
"Pare! Ikaw nga!" sagot ko. Napatakbo at napayakap ako kay Janine ng ilang sandali. Umupo kaming dalawa at nag-usap.
"Nakauwi ka na pala sa pinas? Kelan pa?" tanong ko sakanya.
"Last week lang. Lumipat pala kayo? Buti nalang alam ni Tita Tasing ung nilipatan niyong bahay." sagot sakin ni Janine.
"Oo, mas malapit kasi toh sa school ko eh." sagot ko naman sakanya.
"Mas malapit? Eh isang phase lang naman ang pagitan ng nilipatan niyo pero same village paren?" pagtataka niyang tanong.
"Mas malapit kasi sa gate ng village kaya mas mabilis lumabas. Haha. Nga pala, laki ng pinagbago mo ah? Sobra!" pagpuna ko sakanya.
"Ikaw wala paring pinagbago, bolero ka paren! Maiba ako, musta na kayo ni Chloe?" pagtatanong niya.
"Kami? Walang kami eh. Sila lang. Silang dalawa ni Cyrus." medyo naging malungkot ako pero nakangiti ko paring sinagot.
"Ok lang yan marami pang iba dyan." pagbibigay lakas loob sakin ni Janine at napabaling naman ang atensyon niya sakanyang cellphone matapos nitong tumunog.
"Ay pare, una na pala ako. Hanap na ako ni mama eh." sabi niya matapos niyang tignan ang cellphone niya.
"Sige pare, hatid na kita." pag-aalok ko naman sakanya. Tumayo naman kaming dalawa.
"Salamat nalang. May sasakyan naman ako eh." sabi niya.
"Ay sayo pala ung kotseng nasa labas? Akala ko para sakin eh. Bigtime! Hahaha." pagbibiro ko.
"Loko ka talaga. Sige una na ako ha." sabi niya habang papasakay sa kotse niya.
Pagkasakay niya sa kotse ay binuksan niya ang bintana.
"Bukas nalang uli pare." pamamaalam niya ng nakangiti.
Sumenyas naman ako ng parang nanghihingi ng kiss sa pisngi. Nilapit ko ang mukha ko sa bintana at sabay turo sa pisngi ko. Wala lang nagpapacute lang. Haha.
Imbis na halikan ay kinurot ni pare ang pisngi ko. Nagkatawanan naman kami. Hanggang sa umalis na nga si pare.
Namiss ko rin pala si pare. Pumasok na ako sa bahay at nagpahinga.
Kinabukasan ay maaga akong gumising para maglaro ng basketball. Katapat lang ng bahay nila pare ang basketball court kaya naman kitang-kita ko agad siya kapag lumabas siya ng bahay.
Mahigit isang oras na ata akong naglalaro ng basketball kaya naisipan kong magpahinga. Ilang saglit lang ay may lumitaw na isang bote ng tubig sa harapan ko.
"Oh tubig, baka madehydrate ka." pag-aalok ni Janine ng tubig.
"Nandyan ka pala. Ginulat mo naman ako dun. Salamat sa tubig ha." pasasalamat ko sakanya.
"Alis na ako pare ha, pinag-gro-grocery pa ako ni mommy eh." pamamaalam niya.
Hinawakan ko naman kamay niya bilang pagpigil.
"Ay teka, gusto mo samahan kita? Maliligo lang ako saglit tapos alis na tayo." pag-aalok ko ng tulong.
"Sige, tara hatid na kita sa bahay niyo tapos dun nalang kita hintayin." pag-aaya niya.
Hinintay nga niya ako sa bahay at pagkatapos ay umalis narin patungo sa grocery store.
Ang dami-dami niyang pinapamili. Bigtime talaga tong si pare.
"Teka lang Josh ha. Kuha lang ako dun ng oatmeal." pagpapaalam sakin ni Janine.
"Sige lang pare, hintayin kita dito." sagot ko sakanya.
Habang hinihintay si pare, tumingin tingin lang ako ng mga products na nasa paligid ko. Nabunggo ng isang babae ang lalagyan ng napkin na naging dahilan ng pagkalat nito. Agad naman akong tumulong sa pagpulot.
"Ekaw talaga, napaka kerles mo."
Pamilyar ang boses ng taong iyon. Parang narinig ko na dati.
Patuloy parin ako sa pagpulot ng mga nalalag na napkin at paglalagay nito sa lalagyan. Nang marinig kong may tumawag sa aking pangalan.
"Joshua?"
"Soperman?"
Paglingon ko ay una kong nakita si ate Kurdapya. At si Chloe...
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Napatulala ako. Panaginip ba toh? O sadyang si Chloe na talaga ang nasa harap ko? Hindi ako makapaniwala.
"Kuloy! Kuloy! Si Soperman naketa ko nanaman! Nasaken pa ang perma neya nong hule kameng nagketa!" tuwang-tuwa na pagkkwento niya kay Chloe. Nakakatuwa talaga tong si ate Kurdapya.
"Ui daddieeeeeeeeeeeeeee!" pagbati sakin ni Chloe sabay yakap sakin. Ramdam ko ang saya niya. Kung alam niya lang, mas masaya akong nakita ko siya ulit.
"Sinong kasama mo?" tanong ni Chloe sakin.
"Si..." sabay dating naman ni Janine.
"Si Janine." sabi ko habang tinuturo ko si pare.
"Ui Janine, hello!" sabi ni Chloe kay Janine sabay kaway.
"Ui Chloe! Sinong kasama mo? Si Cyrus?" pagtatanong ni pare kay Chloe. Bakit naman ganyan tanong mo pare, nananadya ka ba sabi ko sa sarili ko.
"Ako ang kasama ni Kuloy, at seno ka? Baket mo kasama si Soperman ko?" pagsingit ni ate Kurdapya sabay tingin ng masama kay Janine. Nangingiti naman ako.
"Siya nga pala ang pare ko ate Kurdapya." pagpapaliwanag ko naman.
"Pare, pare, walang pare pare saken." sagot naman niya.
"Ano ba yan yaya Kurds? OA ha." pagbibiro ni Chloe.
"So, ano na gagawin niyo? Kami kasi magbabayad na sa counter." tanong ni Chloe.
"Kami rin magbabayad na. Sabay na tayo." sagot naman ni Janine.
"Sige tapos kain narin tayo diyan sa may foodcourt para makapagkwentuhan naman tayo. Kung ok lang sainyo?" pagtatanong ni Chloe.
"Ewan ko kay Joshua?" pagtatanong naman sakin ni Janine.
"Ok lang, kayo bahala." sagot ko. Pero sa kaloob-looban ko, siyempre naman ok na ok. Ang tagal kong hindi nakita si Chloe eh.
Nagbayad nga kami sa counter at pumuntang foodcourt.
"Mag-shopping lang mona ako ng damet sa taas Kuloy balekan nalang keta dyan pagkatapos. Baka hende ako makarelet sa pag-osapan niyo somaket lang ang olo ko. Oke? Dyan ka lang ha." pagpapaalam ni ate Kurdapya kay Chloe.
"Sige yaya Kurds." sagot ni Chloe.
"Ekaw Soperman bantayan mo mona ang Kuloy ko. Oke?" sabi naman sakin ni ate Kurdapya.
"Para sayo ate Kurdapya." sagot ko naman sakanya habang nakangiti.
"Wag mo akong ngetean ng ganyan Soperman, baka hende ako makatolog mamayang gabe neyan. O siya ales na mona ako. Dyan mona kayo mga keds." sabi ni ate Kurdapya.
At naiwan na nga kaming tatlo nila Chloe at Janine. Umorder naman kami ng pagkaen para may mangangata habang nagkkwentuhan.
Grabe, sobrang namiss kita Chloe. Parang ayaw ko ng matapos ang oras na toh. Hindi ko maiwasang titigan ka, hindi talaga ako makapaniwala.
Ang dami naming pinagkwentuhang tatlo. Mga experiences namin nitong college life. Pansamantalang nananahimik kami sa pagkkwentuhan.
"Joshua." pagtawag sakin ni Chloe.
"Oh baket panget?" sagot ko naman.
Napangiti si Chloe nang tawagin ko siyang panget. Marahil naaalala niya ang asaran namin dati.
"May ketchup kasi sa gilid ng labi mo." sabi ni Chloe.
-----
Narrator
Kumuha si Chloe ng tissue para punasan ang dumi sa gilid ng labi ni Joshua. Hawak na sana niya ang tissue, ngunit...
"Ay oo nga. Ang kalat mo paring kumain pare." sabi ni Janine habang pinupunasan ang dumi.
Para naman hindi mahalata na naunahan si Chloe, ginamit nalang ni Chloe ang tissue na hawak niya upang ipamunas sa sarili niyang labi.
-----
Joshua
"Ay pare salamat." pasasalamat ko kay Janine.
Nagpatuloy naman kami sa pagkain. Nang magpaalam si Janine.
"Teka Joshua, Chloe. May bibilhin pala ako sa taas. Maiwan ko muna kayo saglit ha." pagpapaalam ni pare.
"Sama na kami Janine." pagpigil ni Chloe.
"Hindi, sige wag na. Saglit lang naman ako. Maiwan ko muna kayo dyan ha." sabi ni pare.
Bago siya umalis ay siniko niya muna ako. Nananadya ka ba talaga pare? Bakit ka aalis? Anong gagawin namin ni Chloe dito?
Anong gagawin ko ngaung si Chloe nalang ang kaharap ko?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Medyas Lovers!
Blog Archive
-
▼
2012
(56)
-
▼
February
(11)
- Medyas: A Love Story *Book II*
- Book II Chapter 1: The Beginning
- Book II Chapter 2: Orientation Day
- Book II Chapter 3: Peer Pressure
- Book II Chapter 4: Together Again?
- Book II Chapter 5: I love you... Chloe
- Book II Chapter 6: Reality
- Book II Chapter 7: The Deal
- Book II Chapter 8: Game Over?
- Book II Chapter 9: A Song Lyric
- Book II Chapter 10: They are back!!
-
▼
February
(11)
Most Viewed
Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment