Sunday, February 12, 2012
Book II Chapter 4: Together Again?
9:33 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
Together Again?
Laking gulat ko ng makita ko si Liz na mahimbing na natutulog. At siyempre medyo naging masaya narin dahil hindi si Luis ang nag-uwi sa akin. Pero... May pasok pa kami! Anong oras na ba? Anong oras ba klase namin ngayong araw na toh? Agad akong bumangon at hinanap ang pouch bag ko at tinignan agad ang schedule namin. Nawala ang kaba ko ng makita kong 1 pa pala ang klase namin at 6 palang ng umaga.
"Gising ka na pala Josh. Lasing na lasing ka kagabi ah." pagbibiro ni Liz.
Nagising ko ata siya dahil sa pagpapanic na ginawa ko. Hindi ko alam pero pumasok nalang sa utak ko ang isang bagay,
"Liz, may nangyari ba?" pagtatanong ko sakanya ng direcho.
"Ha? Sira! Lasinggera ko pero hindi ako pokpok noh! Hahaha." natatawa niyang sagot.
"Loko lang. Hindi ka na mabiro. Nga pala, nasaan tayo?" muling tanong ko.
"Andito ka sa bahay namin at paniguradong andun na sa labas ng pinto ng kwarto ang tatay ko at dala-dala na ang shotgun niya." sagot niya sakin.
"Ano?! Wala namang ganyanan Liz." natatakot kong sinabi sakanya. Takte, disgrasya agad toh kung nagkataon!
"Hahaha. Nakakatawa naman reaksyon mo. Ako lang mag-isa dito sa bahay noh. Dadalhin ba kita dito kung andito parents ko?! Hello?!" panloloko ni Liz sakin.
"Buti naman." sagot ko at nakahinga na ako ng maluwag.
"Anong breakfast gusto mo? Ipagluluto nalang kita." pag-aalok niya habang nabangon sa kama.
"Wag na. Sa bahay na ako mag-aalmusal. Uuwi na ako baka nag-aalala na nanay ko sakin eh. At tsaka ang baho baho ko na oh." sagot ko habang papuntang cr.
"Ay ganun. Sige, hatid nalang kita sa sakayan. Teka antayin mo ko mag-ayos lang rin ako saglit." sabi niya.
"Ok na Liz. Wag na. Kahiya eh." sagot ko naman.
"Oh sige, ikaw bahala. Basta pagnaligaw ka wag mo akong sisisihin ah." sabi niya uli.
"Ay, oo nga noh? Hindi ko pala alam tong lugar. Hahaha. Sige na nga samahan mo na ako. Thank you ah." sagot ko uli sakanya.
Sinamahan nga ako ni Liz sa sakayan at habang nasa byahe ay natulog muna ako. Isang oras din akong nagbyahe at sa wakas ay nakarating na ako sa bahay. Naabutan ko namang nagwawalis sa labas ang nanay ko.
"Ang aga naman ng uwian niyo anak." pambungad na bati sakin ng nanay ko na halata ang pagtatampo.
Niyakap ko siya bilang paglalambing.
"Aba't amoy alak ka Joshua. Kailan ka pa natuto uminom?" medyo wala sa mood niyang sinabi.
"Ngayon lang toh ma. Nagbonding lang kami kahapon ng mga bagong classmate ko." pagpapalusot ko habang naglalambing parin sa nanay ko.
"Oh xa, xa. May magagawa pa ba ko? Pumasok ka na dun sa loob at mag-almusal." sagot niya sakin.
"Bait talaga ng nanay ko." pambobola ko na may kasama pang kiss sa pisngi.
Kumain ako, umidlip ng kaunti, at pumasok na uli sa school. Sa pagkakataong ito, katabi ko na talaga sina Miss puwing at Timothy.
"Uy Joshua, bakit absent ka sa klase natin ng hapon?" pagtatanong ni Ana.
"Inaya kasi ako nina Liz ng inuman eh. Ano ginawa niyo?" tanong ko naman sakanya.
"Ah ganun ba, wala nagdiscuss lang ng syllabus." sagot niya sakin.
"Ang boring naman pala nun, buti nalang umabsent ako." sabi ko sakanya.
"Joshua, sino kasabay mo maglunch mamaya?" tanong ni Timothy sakin.
"Samin ka sasabay mamaya diba Joshua?" pagsabat naman ni Liz.
At ganun nga ang nangyari. Sina Liz nanaman ang kasama ko at nagcutting nanaman kami. Ganito ang naging takbo ng first sem sa buhay first year college ko. Hindi lilipas ang isang linggo na wala akong klaseng hindi inatendan. Kung hindi naman absent pumapasok naman sa klase ng nakainom. Ayos diba? Pero may advantage din naman pala ang mga pinaggagagawa ko dahil hindi ko namamalayang lumilipas ang isang araw na hindi pumapasok sa isip ko si Chloe. Basta ang alam ko nalang ngayon ay masaya ako at nag-eenjoy ako sa ganitong klaseng lifestyle kahit magkandalecheleche na ang pag-aaral ko.
Hindi rin naman nagtagal, naging kami ni Liz pero alam naming pareho na laro-laro lang yun kaya wala ring pinatunguhan. Bukod sakanya ay naging girlfriend ko din ang iba pa niyang kabarkada. Ang dating makulit na Joshua ay unti-unting naging pasaway, basagulero, sira-ulong Joshua na.
Semestral break na at kuhanan na ng grades ngayon. Pumunta akong school at kinuha ang grades ko, ano pa bang aasahan ko sa grades ko? Kundi mga pasang-awa. Matapos kong makuha ang grades ay inuman nanaman kami ng tropa, what's new? Sa kalagitnaan ng pag-iinuman namin ay may nagtext.
joshua! nkuha m n grades m?
Sender:
Ana(puwing)
Si Ana nanaman pala. Madalas niya akong tinetext kesyo bakit hindi ako pumasok, nasan na ako, nainom nanaman ba ako, basta andami niyang tanong daig pa ang nanay ko. Minsan nga hindi ko nalang nirereplyan. Medyo may tama na ako ng oras na yun, kaya hindi ko na alam masyado ang mga pinaggagagawa ko. Nireplyan ko si Ana.
alam mo ang kulit kulit mo..
tnong k ng tnong! gf b kta?
o bka nmn gsto m ring mging gf ko?
Oo, alam kong ayan ang nireply ko pero hindi ko alam na magagawa kong makapagreply ng ganyan. Ilang minuto lang ay nagreply na si Ana.
ang sama ng ugali m!
ngaalala n nga sau ung tao
tpos ayn p ssbihin m!
cge magpariwara k! bhla k s buhay m!
Sender:
Ana(puwing)
Nagreply parin ako sa text niya.
tlgang bhla ako!
Matapos nun ay hindi na nagreply si Ana at ako naman ay patuloy na naghahappy-happy kasama ng tropa.
Umuwi nanaman akong medyo may tama. Marahil napapansin na ng magulang ko ang malaking pinagbago ko kaya naman ng gabing iyon nagulat ako ng kausapin ako ng nanay ko.
"Nak, binigay na ba ang grades niyo?" tanong sakin ng nanay ko.
"Hindi pa nay eh" pagsisinungaling ko sakanya. Naramdaman ko ng oras na iyon ang kaba.
"Malapit na ulit ang enrollment ah, bakit hindi pa binibigay ang grades niyo nak?" medyo may pagdududang tanong niya.
"Eh sa wala pa nga eh! Ano bang magagawa ko?! Eh di kayo ang pumunta sa school ng malaman niyo!" pasigaw kong sagot sa nanay ko sabay akyat sa kwarto.
Sa kauna-unahang pagkakataon nasigawan ko ang magulang ko. Dala ba ito ng pagkalasing? Ewan ko. Pagkapasok ko sa kwarto ay direcho higa na ako sa kama at natulog ni hindi ko man lang naisip kung ano ang naramdaman ng nanay ko pagkatapos nun.
Pagkagising ko parang kakaiba ang naramdaman ko. Weird. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Papa na papasok ng pinto at si Mama naman na paakyat sa hagdan.
"Umalis kayo Pa?" pagtatanong ko sa tatay ko.
"Pumunta kaming ospital ni mama, nahirapan daw siyang huminga kanina eh." sagot niya.
"Ma, ok ka na?" tanong ko kay mama.
Ngunit hindi sumagot si mama at direcho pasok ng kanyang kwarto. Bigla ko nalang naalala ang nangyari kagabi, may naramdaman akong kurot sa dibdib na isang senyales ng pagkaguilty. Lumipas pa ang ilang araw na hindi ako pinapansin ni nanay, ramdam na ramdam ko ang pagkasama ng loob niya. Akala ko dahil dito ay manunumbalik na ang dating Joshua ngunit hindi na ata mangyayari un.
Mabilis lumipas ang sembreak at ngayon ay second sem na, patuloy parin ako sa pag-inom at pagsira ng buhay ko. Hindi narin naman ako kinakausap ni Ana simula ng mag2nd sem, sinubukan kong humingi ng tawad sakanya ngunit ganun ba talaga kasama ang ginawa ko para hindi niya ako pansinin? Bakit nga ba ako apektado kay Ana? Hindi naman ako interesado sakanya.
Nagcelebrate ako ng christmas at new year siyempre kasama ng tropa. Habang buhay na nga lang bang magiging ganito ang takbo ng buhay ko? Hindi bale na atleast nakakalimutan ko ang mga bagay na dapat kong makalimutan.
Sa pagpasok ng bagong taon lalong naging malala ang bisyo ko. Ako na mismo ang nag-aaya sa tropa na huwag pumasok. Hindi narin siguro nakapagtatakang nakakuha ako ng failing grade sa dalawang subject.
Tulad ng kinasanayan, isang gabi ay pumunta kami sa isang bar na nadiskubre ng isa kong kabarkada. Inom dito, inom doon. Yosi dito, yosi doon. Ngunit may hindi ako inaasahang mangyari ng gabing iyon. Nang marinig ko ang pangalan ng taong naging dahilan kung bakit ako nagkaganito...
"Chloe!" malakas na sigaw ng isang babae sa bar.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Medyas Lovers!
Blog Archive
-
▼
2012
(56)
-
▼
February
(11)
- Medyas: A Love Story *Book II*
- Book II Chapter 1: The Beginning
- Book II Chapter 2: Orientation Day
- Book II Chapter 3: Peer Pressure
- Book II Chapter 4: Together Again?
- Book II Chapter 5: I love you... Chloe
- Book II Chapter 6: Reality
- Book II Chapter 7: The Deal
- Book II Chapter 8: Game Over?
- Book II Chapter 9: A Song Lyric
- Book II Chapter 10: They are back!!
-
▼
February
(11)
Most Viewed
Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment