Sunday, February 12, 2012
Book II Chapter 1: The Beginning
9:24 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
The Beginning
Joshua
"Josh, padating na ang bride mo. Relax lang dude ha. Congrats." sabi sakin ni Cyrus, ang bestfriend ko nung highschool.
"Ang ganda niya Sai, ano? Matagal kong pinangarap yan." sagot ko naman sakanya.
Tinitigan namin pareho ang mapapangasawa kong naglalakad sa gitna ng altar na papalapit sa akin. Ang ganda niya. Buong buhay ko, siya lang ang nakita ng mga mata at puso ko. Sa wakas, matutupad na ang pinapangarap ko simula pa nung fourth year highschool.
At nakarating na ang bride ko sa aking harapan. Inalok ko ang aking kaliwang kamay upang alalayan siya papuntang altar.
"Ang gwapo mo ngaun daddy." nakangiting sinabi ni Chloe sakin na nakasuot ng napakagandang wedding dress.
Bago pa man niya maiabot ang kamay niya sa aking kamay...
Eeeeeeeeeeeeenggggkkkkkshhhhh.
"Ano ba yan?!" sabi ng mga tao sa loob ng bus.
Bigla nalang akong nagising sa aking mahimbing na pagkakatulog nang mauntog ako dahil sa napakalakas na brake na pinakawalan ng drayber ng bus. Panaginip nanaman!? sabi ko sa sarili ko. Hanggang panaginip na nga lang hindi parin matuloy-tuloy.
Sumilip ako sa bintana upang tignan kung nasaan na ba ako.
"Shit! Lumagpas nanaman ako!" sabi ko nang makita kong lagpas na pala ako sa bababaan ko. Walang pinagbago. Lagi parin akong lumalagpas. Si Chloe kase eh!
Bumaba ako at dali-daling naglakad ng mahigit 30 metro ang layo mula sa binabaan ko hanggang sa university.
Dalawang taon na ang lumipas simula ng grumaduate ako sa highschool. Matapos ang graduation ay wala na akong nabalitaan kina Chloe at Cyrus basta ang alam ko lang masaya na sila. Lumipat kami ng bahay at nagpalit narin naman ako ng sim card kaya naman hindi na nila ako makokontak. Pero kahit ganun, hindi parin nawala sa isip ko si Chloe. Para bang isang multo na ayaw akong tantanan. Kahit anong gawin ko hindi ko siya makalimutan, ung picture niya sa kisame ng kwarto ko andun parin. Ung medyas niyang kerokerropi sinasabit ko yun tuwing christmas, nagbabakasakaling lumabas siya dun paggising ko. Para akong ewan na umaasa sa wala.
Marami narin naman akong naexperience nitong college pero mahirap parin talagang kalimutan ang mga nangyari nung fourth year highschool dahil yun ang pinakamasayang taon na naranasan ko, nang makilala ko ang babaeng hanggang ngayo'y nagpapatibok ng puso ko. Minsan nga naisip kong baka merong gayuma ung medyas ni Chloe kasi kahit hindi na kami nagkikita at nagkakausap ay mahal ko parin siya. Mabuhay ang mga tanga!
Sa wakas, sa hinaba-haba ng nilakad ko ay malapit na ako sa classroom.
"Hi Papa Josh!" bati sakin ni Mariel, ex ko nung 2nd sem nung 1st year college ako.
Nginitian ko lang siya dahil nagmamadali na ako.
Ilang sandali pa habang naglalakad ako, nakasalubong ko naman ang isa ko pang ex.
"Joshuaaa!" bati naman sakin ni Liz, ex ko naman nung 1st sem nung 1st year college ako.
Ngiti lang rin ang sinagot ko sakanya.
"Ang mga ex ko nagkalat parang mga virus." sabi ko sa sarili ko.
Naka-siyam akong girlfriends simula nung first year college. Walang seryoso dahil pare-pareho lang naman sila ng purpose. Ang idisplay ako sa mga kaibigan nila. Kumbaga trip-trip lang ang lahat, basta nalang may masabi silang boyfriend nila.
Nang makarating na ako ng classroom ay pumasok ako kaagad. Lagot nanaman ako kay Kalbo, ang professor namin sa napakaboring na subject, ang Kasaysayan.
"Mr. Garcia, late ka nanaman. Puro L nalang ang nakalagay sa record mo sakin." sabi ni Sir Argos.
"Sir, gwapo niyo ngayon ah." pambobola ko sakanya at dumiretso na ako sa upuan ko.
"Bakit late ka nanaman?" nag-aalalang tanong ng seatmate ko.
Nung unang taon ko sa college, aminado ko, ginagawa ko lang laro ang mga bagay-bagay lalong-lalo na ang relationship kaya nga sa napakaikling panahon nakasiyam agad ako. Hanggang sa merong isang tao na nagparealize sakin na mali pala ang ginagawa ko. Ewan ko ba kung bakit pero simula nang mapansin ko siya si Chloe ang nakikita ko sakanya, hindi rin naman nagtagal ay naging mag-bestfriend kami. Binigyan niya ako ng halaga, atensyon, at pagmamahal na humantong sa puntong hindi ko na kayang tumbasan.
"Uy best, tinatanong kita bakit late ka nanaman?" muling niyang tanong.
"Lumagpas nanaman ako best eh." sagot ko sakanya habang nakangiting napapakamot ng ulo.
Siya nga pala si Ana, ang bestfriend ko.
Paano nga ba kami nagkakilala?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Medyas Lovers!
Blog Archive
-
▼
2012
(56)
-
▼
February
(11)
- Medyas: A Love Story *Book II*
- Book II Chapter 1: The Beginning
- Book II Chapter 2: Orientation Day
- Book II Chapter 3: Peer Pressure
- Book II Chapter 4: Together Again?
- Book II Chapter 5: I love you... Chloe
- Book II Chapter 6: Reality
- Book II Chapter 7: The Deal
- Book II Chapter 8: Game Over?
- Book II Chapter 9: A Song Lyric
- Book II Chapter 10: They are back!!
-
▼
February
(11)
Most Viewed
Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment