Tuesday, February 14, 2012
Book II Chapter 6: Reality
9:42 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
Reality
Nakaramdam ako ng kakaibang kaba ng magkalapat ang aming labi. Hindi pa lumagpas ng tatlong segundo ay itinulak na ako ni Chloe papalayo at ang mukha ko ay nakatanggap ng isang malakas na sampal. Sa sakit ng sampal na yun ay napapikit nalang ako.
"Bastos ka Joshua!" narinig kong sinabi niya matapos niya akong sampalin.
Naramdaman kong tumayo siya sa bench na kinauupuan namin kaya naman iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko siyang nakatalikod at mukhang nagbabalak ng umalis.
"Chloe..." muli kong pagtawag sa pangalan niya.
"Joshua, hindi Chloe ang pangalan ko kundi Ana! Alam kong lasing ka pero kailangan mo ba talagang gawin yun? Your insane Joshua! At sa tingin ko if ever magkita kayo ng Chloe mo she'll never like you! Nakita mo ba sarili mo ngayon? Subukan mong tumingin sa salamin at malalaman mo kung ano sinasabi ko!" sabi niya habang humarap sakin at nang matapos ay naglakad na papalayo.
Nanlaki ang mga mata ko nang si Ana na ang nakita ko at hindi na si Chloe. Masakit ang sinabi niya sakin pero totoo. Aminado ako. Lubos akong nalungkot ng gabing yun. Umuwi akong dinidibdib ang sinabi ni Ana. Paulit-ulit itong pumapasok sa isip ko.
Pagkauwi ko sa bahay ay wala akong taong nadatnan, buti nalang at dala ko ang spare key. Nasaan kaya si Mama at Papa ng ganitong oras, alas-onse na ah? Naalala ko naman na tinatawagan nga pala ako ni Papa kanina baka sasabihin kung saan sila pupunta kaya naman chinarge ko ang cellphone ko. Iniwan ko saglit ang cellphone ko para maghilamos.
Tulad ng sinabi ni Ana, tinignan ko nga ang sarili ko sa salamin. Gwapo parin naman ah? Mukhang astig nga eh may konting balbas na. At kahit ano namang ichura ko, Chloe will never like nor love me. Matapos kong maghilamos ay dumirecho ako sa kwarto at tinignan ang cellphone ko.
3 messages
received
WALA KA NA TALAGA
SIGURONG PAKIALAM
SA AMIN? WAG NA WAG KA NG
MAGPAPAKITA DITO! HINDI
KA NA NAMIN KAILANGAN NG
MAMA MO HINDI NAMIN KAILANGAN
NG ANAK NA KATULAD MO!
Sender:
Papa
Ha? Anung pinagsasabi ni Papa? Labo.
Bakit mo pinatay ang cellphone
mo?! Kanina pa kita tinatawagan
Naospital ang mama mo!
Pumunta ka rito sa SDMC
kung meron ka pang natitirang
pagmamahal sa mga magulang mo.
Sender:
Papa
Matapos kong basahin ang message na yun ay agad kong tinanggal ang saksak ng charger at dinala ang cellphone ko. Umalis ako at pumunta sa ospital. Hindi ako mapakali, kaya naman pala ganun na kung makatawag sakin si papa kanina. Hindi ko mapigilan ang maluha sa sasakyan habang iniisip kung ano ba talaga ang nangyari sa nanay ko. May katandaan narin kasi ang nanay ko at medyo mahina na ang pangangatawan lalo na ang kanyang puso kaya hindi talaga maaalis sa isip ko ang lubos na pag-aalala.
Nang makarating ako sa ospital ay agad akong tumungo sa emergency room at tinanong kung dinala nga ba dun ang nanay ko. Tinuro naman sakin kung saan ako dapat pumunta. Kasabay ng pagmamadali ko ay ang pagmamadali rin sa pagtibok ng puso ko.
Nakita ko ang papa ko na nakayuko habang nakaupo sa may waiting area ng ICU.
"Pa..." mahina kong pagtawag sakanya habang pumapatak ang mga luha ko sa aking mga mata.
Tumingin ang tatay ko na mahahalata mo ang bahid ng lungkot sakanyang mukha.
"Sumunod ka sakin." sabi ng papa ko at sumunod naman ako.
Pumunta kami sa may likod na bahagi ng ospital. Binigwasan ako ng tatay ko ng isang malakas na suntok at hinawakan ang kuwelyo ng polo shirt na suot ko.
"Ano bang sinabi ko sayo? Di ba sabi ko wag ka ng pumunta dito? Hindi ka talaga marunong sumunod sa magulang mo noh! Halos mamatay-matay na ang nanay mo kanina! Pero nasaan ka? Nagpapakasarap at nagpapakalunod sa alak! Ganyan nalang ba talaga ang pangarap mo sa buhay? Ang maglustay ng perang pinaghihirapan ng mga magulang mo? Pinabayaan ka namin sa mga gusto mong gawin sa buhay mo dahil akala namin malaki ka na para malaman kung ano ang tama sa mali. Pero nagkamali kami. At pinagsisisihan ko yun." sabi ng tatay ko sakin.
Takot na takot ako ng mga oras na iyon dahil sa unang pagkakataon ay pinagbuhatan ako ng kamay ng tatay ko. Hindi ko alam ang gagawin kundi ang umiyak.
"Wala kang ginawa kundi pag-alalahin ang nanay mo. Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niyang unti-unti mong sinisira ang buhay mo. Wala akong magawa dahil lagi ka nalang niya pinagtatanggol sakin sa mga kagaguhang ginagawa mo kaya naman ngayon lang ako nagkaroon ng tamang pagkakataon para ipamukha sayo ang mga maling ginagawa mo! Sinasayang mo lang ang buhay mo sa paggawa ng mga walang kwentang bagay. Sinasayang mo lang ang pagod at sakripisyo naming mga magulang mo araw-araw. Hindi kami namumulot ng pera Joshua! Mabuti na nga lang at ang laking tulong na nagagawa ng kuya mo at nakakaluwag-luwag tayo ngayon. Kaya habang maaga pa sabihin mo na kung ayaw mo na mag-aral, hindi kita pipigilan. Matutuwa pa ako dahil hindi na kami magtatapon ng pera para sa walang kwentang anak lalo na ngayon at kailangan natin ng pera dahil nasa ospital ang mama mo. Pababayaan na kita ng tuluyan, kung gusto mong lumayas at mabuhay mag-isa bahala ka sa buhay mo. Desisyon mo yan, wag mo kaming sisisihin sa kung ano man ang mangyari sa buhay mo. Wala na akong pakialam sayo dahil kapag may masamang nangyari sa nanay mo ngayon, hindi na kita kilala. Sana marealize mo kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. Wag mong sayangin ang panahon dahil hindi habang buhay pwede mong gawin ang mga bagay na nagagawa mo ngayon. Ayokong dumating ang oras na puro sa pagsisisi nalang tatakbo ang buhay mo." mahaba-habang pangaral sakin ng tatay ko.
Matapos nun ay itinulak niya ako pababa sa sahig at iniwan. Hindi tumitigil sa pagpatak ang mga luha ko, hindi ko mapigilan. Tama si papa, wala naman talagang patutunguhan tong pinaggagagawa ko sa buhay ko. Kung ipagpapatuloy ko toh parang tinapon ko narin ang pagmamahal na binigay ng mga magulang ko, ang mga paghihirap nila sa pagpapalaki sakin through out these years. Alam kong hindi pa huli ang lahat, kaya ko pang patunayan sa mga magulang ko at sa sarili ko mismo na mababalik ko sa normal ang lahat. Maaayos ko ang pag-aaral ko at magtatagumpay ako balang-araw. Hindi na ako dadagdag sa populasyon ng mga kabataang napariwara ang buhay at naligaw ang landas. Magbabago ako para sa mga magulang ko. Magbabago ako para sa sarili ko. At magbabago ako para kay Chloe, alam kong magkikita kami balang araw at kapag may ipagmamalaki na ako ay hindi ko na hihintayin dumating ang araw na yun, ako na mismo ang maghahanap sakanya.
Nang matapos akong makapag-isip-isip ay pumunta muna ako sa Tropical Hut na katapat ng nasabing hospital para bumili ng pagkain namin ng papa ko. Mayroon pa nga akong nabunggong batang babae sa pagpunta ko dun.
"Ay pasensya ka na ah." sabi ko sa batang babae habang inaakay siya patayo, umupo ako ng bahagya para pagpagin ang marumi niyang damit.
"Sabi ko sayo bechay tumingin ka sa dinadaanan mo eh. Ikaw talaga." sabi naman ng kasama niyang lalaki habang tinutulungan ako sa pagpagpag ng damit.
Matapos nun ay pumunta na ako sa dapat kong pupuntahan at bumili na ng pagkain. Habang naglalakad pabalik ng ospital ay naalala kong mayroon pa palang isang text akong hindi nababasa kaya naman kinuha ko ang cellphone ko ngunit wala ito sa bulsa ko. Sinubukan kong hanapin sa mga lugar kung saan ako nanggaling ngunit hindi ko na ito nakita. Napagpasyahan ko nalang na pumasok ng ospital at dalhin ang pagkaing binili ko.
---
Few minutes ago.
"Uy, kuya tignan mo oh. Cellphone ba yan?" sabi ng isang batang babaeng nasa pitong-taong gulang habang nakaturo sa sahig.
Pinulot ng batang lalaking nasa walong-taong gulang ang cellphone.
"Oo nga bechay cellphone nga. Nagana kaya toh?" tanong ng batang lalaki.
"Swerte natin kuya! Mabebenta kaya natin yan? Para naman may pambili na tayo ng gamot ni nanay." tanong ng batang babae.
"Bechay tignan mo oh! Nagana pa! Tignan mo ung lalake sa picture ang pogi!" sabi ng lalaki matapos niyang buksan.
"Kuya, bakla ka ba?" tanong ng babae.
"Hindi ah! Hindi mo kasi ako pinapatapos sa sasabihin ko eh. Ang pogi nung lalake kamukha ko!" sagot naman nung lalake.
"Di ba kuya yan ung lalaking nakabunggo sakin kanina?" tanong ng babae.
"Oo, siya nga yun! Tara bechay hanapin natin siya. Isauli natin ung cellphone." pag-aaya ng lalaki.
"Pero kuya... Kapag nabenta natin yang cellphone kay Manong Carding makakabili na tayo ng gamot ni nanay at gagaling na siya." pag-aalinlangan ng batang babae.
"Pero bechay, hindi atin tong cellphone at alam natin kung sino ang may-ari." sabi naman ng nakatatandang kapatid.
"Kuya, gusto ko pang mabuhay si nanay. Ayokong iwan niya ako, tayo." sabi ng babae na naluluha na.
Sa awa ng batang lalaki sa kapatid ay hindi nalang nila hinanap ang tunay na may-ari ng cellphone at napagpasyahang gawin kung ano ang balak ng nakababata niyang kapatid.
Sa pag-uwi ng magkapatid ay pinakialaman muna nila ang cellphone. Tinignan ang mga letrato, video, laro at mga messages. Binuksan nila ang isang message na hindi pa nababasa ng may-ari ng cellphone.
ui Daddyyyy! is
this u? finally
i got ur number!
antgal tgal nmin hinanap
ni sai ung number m!
kung kni-knino kmi ngtnong
pero wlang nkakaalm!
buti nlng my stalker k nung
hs days ntin kya aun nhagilap
nya ang mhiwgang # m!
hay nako abnormal
k tlga! as in wla
kming blita sau..
musta k nb? nkakainis
k nmn oh wla k mn lng prmdam
after graduation, hay..
i miss u n daddy! see u soon ha!
Sender:
Unknown Number
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Medyas Lovers!
Blog Archive
-
▼
2012
(56)
-
▼
February
(11)
- Medyas: A Love Story *Book II*
- Book II Chapter 1: The Beginning
- Book II Chapter 2: Orientation Day
- Book II Chapter 3: Peer Pressure
- Book II Chapter 4: Together Again?
- Book II Chapter 5: I love you... Chloe
- Book II Chapter 6: Reality
- Book II Chapter 7: The Deal
- Book II Chapter 8: Game Over?
- Book II Chapter 9: A Song Lyric
- Book II Chapter 10: They are back!!
-
▼
February
(11)
Most Viewed
Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment