Sunday, February 12, 2012

Book II Chapter 2: Orientation Day

Orientation Day


"Joshua nak, gising na. Kakaen na tayo." panggigising sakin ng nanay ko kasabay ang walang tigil na pagkatok.

"U-uuhhhhhmm" pagsagot ko sakanya na antok na antok pa.

"Oo ka nanaman ng oo, hindi ako aalis dito hangga't hindi mo binubuksan ang pinto." sabi niya uli na hindi parin tinatantanan ang pinto ko sa kakakatok.

Wala akong choice kundi bumangon.

"Good morning Kuloy." ang bati ko sa picture na nasa kisame.

Binuksan ko ang pinto at niyakap ko ang nanay ko bilang pagbati at dumiretso na sa C.R. para maghilamos. Matapos nun ay tumungo na akong hapag-kainan.

"Gandang umaga." pagbati ko sakanila sabay kain.

"Ngayon ang orientation niyo anak diba?" pagtatanong ng tatay ko.

Sinagot ko naman siya sa pamamagitan ng pagtaas ng dalawang kilay.

Oo nga pala, ngayon ang orientation day. Ano kayang meron dun? Masaya kaya un? Ano kayang mangyayari sa college life ko? Makikita ko pa kaya si Kuloy? Miss na miss ko na kakulitan niya at ang pagiging pikon niya. Hay. Parang imposible na atang makita ko siya dahil magkaiba naman kami ng university na pinasukan, magkasama sila ni Cyrus. Kailangan ko na sigurong magmove-on. Pero paano? Bahala na.

Matapos kong kumain ay nagpalipas ako ng oras. Nanood ako ng T.V., nagcomputer, at kung anu-ano pa hanggang sa nag-ayos na ako papuntang orientation.

Hindi ako mapakali, kinakabahan ako baka kasi maligaw ako. Wala naman kasi akong ideya kung ano ang mga gagawin dun, basta kung ano nalang sabihin nila un nalang ang gagawin ko.

Pagkapasok ko ng university, "Ang laki putek saan dito ang Alumni Auditorium?!" ang tanging nasabi ko sa sarili ko.

Nagtanong ako sa manong guard na nakatayo sa guard house.

"Boss, saan po ung Alumni Auditorium?" tanong ko sakanya.

"Nakikita mo un? Ako ren nakikita ko un. Pagkarating mo dun, kakanan ka tapos sa dulo kakaliwa ka tapos dirediretso na un. Kapag madaming tao dun na un." sagot naman niya.

"Salamat po." pagpapasalamat ko naman.

Nag-umpisa na akong maglakad. At naglakad pa. At naglakad. At naglakad.

"Bakit parang wala akong nakikitang mga tao?" tanong ko sa sarili ko.

Hanggang sa makarating ako sa building na madaming tao sa labas. Sa wakas, nandito na yata ako. Papasok na sana ako ng building kaya lang...

"Nakapirma ka na ba dun? Pirma ka muna bago pumasok." sabi sakin nung nagbabantay sa pinto habang tinuturo ang isang desk na may mga nakaupong babae at may mga libro.

Kaya naman pumunta ako dun sa desk at hinanap ang pangalan ko. Artista ba? Kailangan pang pumirma pirma. Orientation palang attendance is a must na ata. Matapos kong makapirma ay binigyan ako nung isang babae ng isang libro. Handbook pala ang librong un.

Sa wakas pinapasok na ako at umakyat papunta dun sa orientation room. Wow, parang theater. Ang dilim. Ang stage nasa ibaba dahil medyo nahuli ako ng dating, sa taas ako napaupo pero buti nalang at mas madami pang late kesa sakin. Proud na proud ako sa sarili ko. Hahaha.

Ang boring. Discussion lang ng tungkol sa mga nangyari sa university ang sinasabi pero no choice kailangan kong makinig. Mga 20 minutes na siguro ang nakalipas at habang nakikinig ako, nagulat nalang ako ng merong isang ulo na sumandal sa balikat ko. Ulo ng isang babae. Hindi na ako gumalaw baka kasi magising ko siya. Nakakahiya naman sakanya diba? Ang himbing kasi ng tulog niya. Kaya pinabayaan ko nalang na matulog siya sa balikat ko.

"Inaantok ba kayo?" tanong ng emcee ng program.

"Hindi." sabay-sabay na sagot ng mga andun.

"Sino inaantok? Tumayo." masiglang tanong ng emcee.

Dahil naman sa tanong na iyon ay nagpasya akong gisingin ang babaeng natutulog sa balikat ko dahil medyo nangangalay narin ako.

"Miss, tatayo daw--"

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay tumayo agad siya malamang dahil sa gulat.

"Inaantok ka ate na nakatayo?" pagtatanong nung emcee ng mapansin ang katabi ko.

"Miss, tatayo daw ang inaantok." pagtutuloy ko sa dapat na sasabihin ko.

Nagbungisngisan ang mga tao sa paligid niya at nakita kong ang mga nakaupo sa baba ay pilit na nilingon kaming mga nasa 2nd floor. Kahit ako ay medyo natawa sa ginawa niya pero hindi ko ginustong ipahiya siya. Malay ko bang tatayo siya agad.

Nang manumbalik siguro ang katinuan niya ay agad din siyang umupo at tumungo dahil siguro sa kahihiyan. Matapos nun ay bumalik na uli sa dati ang program pero ang katabi ko? Nakatungo parin.

Natapos na ang program at lumabas kami para itour sa university. Pagkalabas ko ay nakita ko si seatmate. Nakita ko ang mga mata niya, parang umiyak. Bigla akong nakunsensya, pakiramdam ko ako ang may kasalanan bakit siya napahiya kaya naman nilapitan ko siya at kinausap.

"Ui, pasensya ka na kanina ha. Hindi ko naman--"

"Wala kang kasalanan." putol niya sa pagsasalita ko at dumiretso na pababa.

Aray! Nasungitan ako ng wala sa oras. Hindi ko na nga lang siya kakausapin, basta nakapagsorry na ako.

Pagkababa ko ay agad kong hinananap ang mga ka-row ko para sa tour. Sa paghahanap ko ay napabaling ang tingin ko sa isang babaeng nakatalikod na parang familiar ang tindig, ayos ng buhok at pananamit. Sa excitement ko ay nagmamadali akong lumapit sakanya.

"Chloe." sabi ko sabay hawak sa mga balikat niya at nakangiting abot tenga.

Pagkaharap niya, mukha ng masungit kong seatmate ang nakita ko. Nanlamig ang pakiramdam ko, para akong kinuryente, at ang ngiti kong abot tenga ay parang nanigas na nagmukhang pilit na ngiti.

"Sorry uli." ang tangi kong nasabi sakanya habang nakangiting pilit sabay alis ng kamay ko sa balikat niya.

Akala ko nagbago bigla ang ihip ng hangin at napadpad dito si Chloe sa university. Guni-guni lang pala. Ang masaklap pa si masungit na seatmate pa napagkamalan ko. Watta day!

At nag-tour na nga kami sa napakalaking university, nilibot kami sa iba't-ibang building ng aming mga tour guide na kapwa rin namin studyante sa university na yun. Madaming puno sa university namin, marami rin sigurong insekto? Ayan ang mga bagay na naglalaro sa isip ko habang naglilibot.

Malapit na kaming makabalik sa pinanggalingan namin nang may narinig akong bulong.

"Aray." mahinang sabi nung babaeng nasa likod ko.

Nilingon ko naman siya agad para makichismis. Nako! Si sunget nanaman, nakahawak siya sa mga mata niya. Pagkakataon ko na siguro toh para makabawi kaya lang baka sungitan niya lang uli ako? Bahala na.

Nilapitan ko siya uli at tinanong.

"Miss bakit? Ano nangyari?" pagtatanong ko sakanya.

"Napuwing kasi ako eh." sagot naman niya.

Nagfeeling close ako at hinawakan ko ang ulo niya at tinanggal naman niya ang kamay niya. Tinignan ko ang kanyang kaliwang mata at dahan-dahang hinipan ito.

"Sa kanang mata ako napuwing." sabi niya.

"Ay sa kanan ba. Sorry." sagot ko sabay napangiti. Mali pala hula ko. Hahaha.

Dahan-dahan ko namang hinipan ang kanang mata niya.

"Ok na. Salamat ha." pagpapasalamat niya sakin habang inalis ang mga kamay ko sa ulo niya.

"Bati na tayo ha? Miss puwing." pagbibiro ko sabay balik sa pinanggalingan namin. Umalis na ako kaagad baka kasi masungitan nanaman ako. Sa pagsusungit lang naman ni Chloe ako natutuwa eh.

Sa wakas natapos din ang napakahabang orientation at makakauwi na ako. Ilang araw nalang rin ang pahinga ko at first day na.

First day. Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko.

0 comments:

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.