Sunday, February 12, 2012

Book II Chapter 5: I love you... Chloe

I love you... Chloe


"Chloe!" malakas na sigaw ng isang babae sa bar.

Nang marinig ko ang pangalang iyon ay naghalong kaba at saya ang aking naramdam. Agad akong tumayo mula sa aking kinauupuan at hinanap kung saan nanggaling ang sigaw ngunit masyadong maraming tao kaya naman hindi ko nahanap. Napagpasyahan kong libutin nalang ang buong bar at hanapin si Chloe. Sa aking paghahanap sakanya ay biglang nagring ang cellphone ko.

Pa
Calling...

Patay natawag si erpats. Nireject ko ang tawag ng tatay ko dahil lowbat narin ang cellphone ko. Ilang sandali pa ay tumawag uli ang tatay ko at sinagot ko na ito.

"Yes pa, napatawag ka?" ang sagot ko.

Dahil sa ingay sa bar at hina ng signal ay hindi ko maintindihan ang sinasabi ng tatay ko kaya naglakad ako papalabas ng bar ngunit bago pa man ako makalabas ay namatay na ang cellphone ko. Ipinagpatuloy ko nalang ang paghahanap kay Chloe. Nakailang ikot rin siguro ako sa bar ngunit wala akong nakita ni-anino ni Chloe. Sa pagkadismaya ko ay nagpaalam na ako sa tropa at nagpasyang umalis.

Sumakay ako ng jeep ng wala akong eksaktong pupuntahan, hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon. Nasisiraan na ata ako ng ulo. Dinala ako ng aking mga paa sa isang convenience store at doon ko ipinagpatuloy ang pagpapakalasing ko. Uminom lang ako mag-isa na parang tanga habang iniisip si Chloe, kung ano ang nararamdaman ko para sakanya. Mahilo-hilo na ako at may tama na nang may isang babae ang kumausap sakin.

"Joshua, ikaw ba yan?" tanong sakin ng babae.

Tinignan ko siya at tila nabuhayan ako ng loob dahil sa gulat. Tumayo ako at niyakap ko siya.

"Ikaw ba yan? Sa wakas nagkita tayo ulit!" ang sabi ko sakanya.

"Ha? Akala mo ba bati na tayo?" sagot niya at inalis ang pagkakayakap.

"Ay, pasensya ka na kung niyakap kita. Nag-away ba tayo? Hindi naman diba?" masaya kong tanong sakanya.

"Aba kapal. Matapos mo kong away-awayin diyan." sabi niya sakin.

"Ito naman, matagal na yun ah. Hindi mo parin pala yun makalimutan. Tara lakad lakad tayo sa labas." pag-aaya ko.

Sinamahan niya ako at naglakad-lakad kaming dalawa kahit medyo hilo ako. Hindi talaga ako makapaniwalang kasama ko na siya ulit.

"Lasing ka ba?" tanong niya habang naglalakad kami.

"Hindi ah." pagsisinungaling ko naman sakanya.

Tumigil kami at umupo sa isang bench. Ilang minuto lang ay inihiga ko ang aking ulo sakanyang hita. Tinignan ko lang siya at di ko namalayang nakatulog na pala ako. Mga ilang minuto lang siguro akong nakatulog sa kandungan niya at nagising narin ako. Inayos ko ang upo ko at kinausap ko siya.

"Alam mo ba sinubukan kong kalimutan ka. Lahat ginawa ko para lang mangyari yun pero isang rinig ko lang sa pangalan mo naging back to zero ang pagmomove-on ko. First day palang nun ng makilala kita pero ibang saya na ang dinala mo sa buhay ko at habang tumatagal ay lalo mo kong pinapasaya lalo na kapag napipikon ka sa mga biro ko pero ang malas lang dahil hindi ako ang gusto mo. Ilang beses kong sinubukang sabihin sayo kung ano talaga ang nararamdaman ko baka kahit papaano matutunan mo akong mahalin pero parang may tumututol para mangyari yun--" hindi ko napapansing tumutulo pala ang aking mga luha habang sinasabi ko ito.

"Joshua..." putol niya.

"Ngayon na siguro ang pagkakataon para malaman mo ang tunay na nararamdaman ko para sayo." sabi ko habang unti-unting nilalapit ang mukha ko sakanya.

"I love you...










Chloe" dugtong ko. Nang napansin kong magkalapit na ang aming mukha ay hindi ako nag-alinlangan at ipinikit ko ang aking mga mata at hinalikan ko ang kanyang mga labi.

0 comments:

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.