Sunday, February 12, 2012
Book II Chapter 3: Peer Pressure
9:33 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
Peer Pressure
Tulad ng inaasahan ko, mabilis lumipas ang oras at ngayon may pasok nanaman. Umpisa na ng college life ko. Umpisa na ng buhay na wala akong Chloe na iniinis. Hanggang kailan kaya mananatili si Kuloy sa isip ko?
Mga kinse minutos bago mag-time ay nasa university na ako. Mabuti na lang at nakinig ako dun sa tour guide namin kaya alam ko na kung saan ako pupunta, kung hindi baka naligaw na ako. Ang hindi ko nalang alam ay kung saang room ako pupunta. Habang naglalakad ay kinuha ko ang registration form ko sa pouch bag para tignan kung saang room ang una kong klase. Hindi ko namalayan na may kasalubong akong tao kaya nagkabanggaan kami.
"Sorry hindi ko sinaaaa--"
Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko na si Miss puwing pala ang nabangga ko. Patay siya nanaman, sa isip-isip ko.
Mga ilang segundo bago siya magreact. Nginitian niya ako ng bahagya na para bang nagsasabing Ok lang at matapos nun ay pumasok siya sa room na malapit doon. Hindi ko inaasahan ang reaksyon niyang yun ah. Akala ko susungitan nanaman niya ko.
Bago ako mag-umpisang maglakad uli ay may napansin akong isang kerokeroppi na keychain sa sahig. Baka kay Miss puwing ito? Ibabalik ko sana ang keychain kaya lang pagtingin ko sa relo ay limang minuto nalang ang natitira sakin at mag-ta-time na. Kaya napagpasiyahan kong ilagay nalang muna ito sa bag ko.
Kerokeroppi, naalala ko nanaman si Chloe. Hay. Napailing nalang ako at napangiti.
Nagsimula akong maglakad uli. Matapos kong makuha ang registration form ko tinignan ko agad kung saan ang room ko. Lumagpas na pala ako ng dalawang room kaya bumalik ako at pumasok sa room na nakalagay sa registration form ko. Direcho upo na ako sa upuang malapit sa pinto dahil andun na ang professor namin.
Seryoso akong nakikinig sa pagdidiscuss ng professor ko ng syllabus. Matapos niya ito idiscuss ay pinatayo niya kami dahil aayusin na daw ang aming sitting arrangement. Ang korny, college na may sitting arrangement pa, sabi ko sa isip ko.
"Gamboa. Dun ka." sabi ng professor namin sabay turo sa isang upuan.
Habang hinihintay kong matawag ang pangalan ko, natulala ako nang makita ko ang huling tinawag. Tae! Si Miss puwing nanaman!
"Garcia. Sit next to her." pagtawag sakin ng professor.
Lalo akong nanlumo ng malaman kong siya ang makakatabi ko. Ayoko sa mataray, ayoko sa masungit, patay na! Hindi ko alam kung ano bang meron ang babaeng toh at sa tuwing nakikita ko siya pakiramdam ko katapusan na ng mundo! Pero sabagay, hindi naman niya ako sinungitan kanina nang mabangga ko siya kaya hindi narin siguro masamang makipagkaibigan sakanya.
Palihim ko siyang tinignan para makita kung mukha bang badtrip o hindi. Wow nakangiti siya sa akin, bati na siguro kami? Gumaan na ang loob ko at nginitian ko rin siya.
"Timothy! Sayang hindi tayo tabi." sabi ni Miss puwing.
Nawala ang ngiti ko at napatingin sa likod ko.
"Oo nga eh! Hindi bale magkalapit naman." sabi ng lalaki habang papaupo sa upuan niya.
Napahiya ako, akala ko ako ang nginitian niya. Dahil sa nangyaring yun, napatungo nalang ako at kunyari may hinahanap sa pouch ko. Nakita ko ang kerokeroppi na nalaglag kanina kaya naman nagpasya akong isauli na iyon.
"Uhm, Miss puwing." pagtawag ko sakanya.
"Ana.. Ana Gamboa." sagot niya habang iniabot ang kamay niya at nakangiti.
"Joshua Garcia." sagot ko naman at nakipagkamay.
"Siya naman si Timothy." pagpapakilala niya sa lalaking nginingitian niya kanina.
"Hi Timothy. I'm Joshua." sabi ko at iniabot ang kamay ko.
"Nice to meet you tol." pakikipagkamay ni Timothy na pansin ko ang sobrang pagkangiti.
"Hala Timmy, nawawala ung keychain na binigay mo!" sabi ni Ana habang hinahalungkat ang bag niya.
Kinuha ko ang kerokeroppi na keychain sa bag ko at ipinakita kay Ana.
"Ito ba ung hinahanap mo? Nakita ko kasi kanina pagkatapos kita mabangga." tanong ko sakanya.
"Ayan nga! Thanks ha. Thank you thank you talaga." sagot ni Ana.
"Sir malabo po mata ko!" pang-aagaw eksenang sigaw naman ng isa naming classmate.
"Ganun ba? Sige makipagpalitan ka nalang kay... Uhm, kay Mr. Garcia." sabi ng professor.
"Sir bakit sakanya?" pagtatanong ni Timothy.
"Yaan na, nice to meet you both." bulong ko kina Ana at Timothy habang papatayo sa upuan ko.
Pagkaupo ko naman sa nilipatan kong upuan ay agad naman akong kinausap ng katabi ko.
"Hi, I'm Liz." pakikipagkilala niya.
"I'm Joshua." sabi ko sabay ngiti.
"Lumandi ka nanaman sis. Haha!" sabi ng babae kay Liz na nakaupo sa tapat niya.
"Nakipagkilala lang kaya." nangingiting sagot ni Liz kay babae.
"Joshua sama ka naman samin after this class oh? Dadalhin ka namin sa heaven ng tropa ko. Hahaha." sabi ni Liz sa akin na may kasama pang kakaibang ngiti.
Sinagot ko naman ng isang nakakalokong ngiti si Liz.
Natapos na nga ang first class namin at inaya na ako ni Liz na sumama sakanila. Pagkatayo ko ng upuan, sa hindi malamang kadahilanan ay napatingin ako kay Miss puwing at nakatingin rin siya sakin na para bang may gustong sabihin. Hinawakan naman ni Liz ang kamay ko.
"Tara Joshua. Mag-eenjoy ka promise!" sabi niya habang hinihila ako palabas ng room.
"Makakatanggi pa ba ako sa grasya? Este makakatanggi pa ba ko? Eh hila-hila mo na ako." pagbibiro kong sagot sakanya.
Kasama ko ang tropa ni Liz na sina Mariel, Dina, at Luis na isang brokeback. Kasama rin namin ang boyfriend ni Dina at ang barkada nito. Sa mga oras na iyon, ang gaan ng pakiramdam ko, hindi ko na naiisip si Chloe. Sana ito na ang paraan para makalimutan siya nang mabigyan ko naman ng oras ang sarili kong ienjoy ang buhay.
"Papa Josh, ok lang ba sayo magcutting?" tanong sakin ni Liz.
Nagulat naman ako sa tanong na yun dahil sa buong buhay ko ay hindi pa ako nakakapagcutting. Ewan ko pero nakaramdam ako ng excitement at challenge ng mga oras na iyon.
"Ok na ok! First day palang naman eh." sagot ko kay Liz.
"Paano guys? Go daw sabi ni Papa Joshua ko!" sabi ni Liz at nagkantyawan ang grupo.
Sumakay kami sa kotse ng boyfriend ni Dina at wala akong kaideideya kung saan kami pupunta. Masaya ang road trip namin, ang iingay nila at ang kukulit. Pakiramdam ko hindi ako left-out sa grupong ito. Ilang minuto lang ay nakarating narin kami sa pinuntahan namin.
"Andito na tayo sa Heaven Eleven Bar. I uber miss this place." sabi ni Luis pagkababa ng kotse.
"Ang landi mong bakla ka. Kagabi lang nandito tayo noh!" pabirong sabi ni Mariel sakanya.
Sa bar pala kami pupunta, since highschool never pa akong uminom. Napakaconservative kasi ng environment ko kaya hindi ako exposed sa mga ganyang klaseng activities. Pumasok kami sa loob. umupo sa table at nag-order na sila.
"Ilang bote ba ang kaya mong patumbahin Papa Josh?" tanong ni Liz sakin.
"Magbobowling ba tayo?" pabiro kong tanong kay Liz.
"Hahaha. Loko ka ah. Ilang bote ng beer kako ang kaya mong inumin?" sagot niya.
"Hindi ako nainom Liz eh." nahihiyang sagot ko sakanya.
"Good boy naman pala yang si papa Josh mo Liz." sabat ni Luis.
"Really? Hindi ka nainom? Try mo uminom gagaan ang pakiramdam mo. Inumin mo toh." sabi ni Liz habang iniaabot ang isang shot glass na may lamang alak.
Kinuha ko naman ang shot glass at bago ko pa man ito inumin ay nag-isip muna ako kung tama ba itong gagawin ko. Siguro naman walang masama dahil isang beses lang naman toh. Huminga ako ng malalim at ininom ko ng straight ang alak na nasa shot glass. Matapos nito ay iniabot ni Liz sakin ang isang baso habang nagkakantyawan ang mga kasama namin.
"Josh, ito chaser." sabi ni Liz.
Kinuha ko naman ang basong iyon at ininom ko. Red horse ang laman ng basong iyon.
Parang wala lang pala ang pag-inom ng alak. Pakiramdam ko umiinom lang ako ng tubig. Ewan ko pero parang naadik agad ako.
"Oh kamusta naman ang experience mo sa pag-inom? Ayos diba?" tanong ni Liz.
"Parang tubig lang ah. Wala bang harder diyan?" pagbibiro ko.
"A...a...a... Hinay hinay lang baka magsuka suka ka naman diyan mamaya! Hahaha." sabi ng isang barkada ng boyfriend ni Dina, si Ed.
"Pagnalasing si Papa Josh, ako ang mag-uuwi sakanya ha!" sabi ni Luis.
"Ang bakla bakla mo talaga! Baka gahasain mo lang si Joshua noh! Hahaha." sabi naman ni Dina.
"Bruha nga yang Luis na yan, ako kaya ang nagdala kay Josh dito kaya ako rin ang mag-uuwi in case!" sabi ni Liz.
"Hahaha. Mga loko kayo ah. Makakauwi naman ako mag-isa." pagsabat ko sa usapan nila.
"Goodluck sayo." sabi ni Liz na nangingiti pa.
Tuloy-tuloy ang inuman namin with matching videoke pa. Kanta dito, kanta doon. Mabilis lumipas ang oras at nakakaanim na bote kami ng Emperador at isang case ng red horse. Aminado akong medyo hilo-hilo na ako ng oras na iyon. Pakiramdam ko hindi na ako makakatayo ng maayos. Hilong-hilo na talaga ako. Hindi ko na kaya........
Nagising nalang ako na hindi ko alam kung nasaan ako. Ang sakit ng ulo ko at wala na akong maalala kung ano ang nangyari kagabi. Bigla nalang pumasok sa isip ko ang pag-uusap nila Liz, Luis at Dina. Hindi kaya na kina Luis ako?!
Nagulat ako ng makita kong may katabi pala ako sa kama, nakatakip siya ng kumot at dahan-dahan ko itong inalis.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Medyas Lovers!
Blog Archive
-
▼
2012
(56)
-
▼
February
(11)
- Medyas: A Love Story *Book II*
- Book II Chapter 1: The Beginning
- Book II Chapter 2: Orientation Day
- Book II Chapter 3: Peer Pressure
- Book II Chapter 4: Together Again?
- Book II Chapter 5: I love you... Chloe
- Book II Chapter 6: Reality
- Book II Chapter 7: The Deal
- Book II Chapter 8: Game Over?
- Book II Chapter 9: A Song Lyric
- Book II Chapter 10: They are back!!
-
▼
February
(11)
Most Viewed
Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment