Sunday, March 25, 2012

Book II Chapter 11: Textmate


Kaming dalawa nalang ni Chloe. Wala si ate Kurdapya. Wala si Janine. At higit sa lahat, wala si Cyrus. Teka, nasaan na nga ba si Cyrus? Bakit

hindi sila magkasama ni Chloe? Break na kaya sila? Hindi ako nag-alinlangang nagtanong kay Chloe.

"Nasaan boyfriend mo?" pagtatanong ko.

"Wala." sagot ni Chloe.

"Wala ka ng boyfriend?" may pagkagulat kong tanong na may halong saya pero hindi ko pinahalata.

"Sira. I mean, wala dito si Cyrus. May family trip kasi sila eh." natatawang sagot ni Chloe.

Akala ko break na sila. Sayang naman. Nawala tuloy ung saya ko.

"Bakit hindi ka sumama?" pag-uusisa ko.

"Ayoko lang. Baka magsawa si Cyrus sakin kung lagi nalang akong sasama sa mga lakad niya." sagot niya.

"Hindi naman ikaw ung tipo ng babaeng pinagsasawaan." sagot ko naman sakanya. Ako hinding-hindi magsasawa sayo, sabi ko sa sarili ko.

"Basta ganun lang ung pakiramdam ko. Maiba tayo, kamusta naman lovelife mo?" pagtatanong naman niya sakin.

"Parang hindi mo naman alam diba?" sagot ko. Hindi ka parin talaga nagbabago Chloe, manhid ka parin.

"Hindi naman talaga? Tagal na kaya kaming walang balita sayo." pagtataka niyang sagot.

"Wala. Wala akong lovelife." sagot ko.

"Akala ko pa naman kayo na ni Janine." parang may panghihinayang niyang sagot.

"Ay, oo nga. Kami pala ni pare, pero hindi niya alam." pagbibiro ko kay Chloe.

Natawa naman kaming pareho.

"Parang ikaw...


Mahal kita pero hindi mo alam." ang biglang nasabi ng bibig ko.

Napatigil si Chloe sa pagtawa niya at natahimik kaming dalawa. Napatingin nalang kami sa isa't-isa.

"Dati pa un. Feeling mo. Ang ganda mo naman?" pambawi kong sagot para. Hindi nga siya maganda pero mahal ko parin talaga siya.

"Alam mo, ikaw, hindi ka parin nagbabago. Ang yabang mo parin." sagot niya habang kurot sa braso ko.

-----

Chloe

Napakayabang talaga nitong Joshua na toh pero hindi ko maitatangging namiss ko rin naman kahit papaano ang kayabangan at pangungulit nito

simula pa noong highschool pa kami.

Habang kinukurot ko si Joshua ay nag-ring ang cellphone ko.

Saibi
Calling...

Ang irog ko na pala ang tumatawag. Kaya agad ko itong sinagot.

Hello Chlobi. Miss na miss ka na ni Saibi. pagbati ni Sai.

Mas miss daw ni Chlobi si Saibi niya. Kamusta naman diyan? sagot ko naman.

Eto, magba-byahe na kami pauwi. Anong ginagawa ng Chlobi ko?

Dito sa mall, nag-grocery. Alam mo ba nagkita kami ni Joshua. Nandito nga siya kasama ko eh. Gusto mo siyang makausap Saibi?

Ah sige, next time nalang natin pagkwentuhan magddrive na ako.

Sige. Ingat kayo Saibi ko.

Ingat rin ikaw, I love you so much.

I love you more bebi.

At pinutol na ni Sai ang tawag.

"Sino yun?" pag-uusisa ni Joshua.

"Si Cyrus." sagot ko.

"Saibi? Ang korny niyo talaga. Hahaha." pang-aasar niya.

"Inggit ka lang." sagot ko naman sa pang-iinis niya.

"Ako inggit? Sawang-sawa na nga ako sa ganyan eh." pagmamayabang naman niya.

"Hay nako Daddy, kunyari ka pa. Hanap mo na kasi ako ng mommy." sagot ko sakanya.

"Meron na. Papakilala kita sakanya." sagot niya.

"Talaga? Dali pakilala mo ko ha." masaya kong sagot.

"Oo. Tumingin ka na sa salamin." pag-uutos niya.

"Nye. Ano kaya un? Mag-seryoso ka nga Joshua." sagot ko sabay hampas ko sakanya.

"Seryoso naman ako ha?" sagot niya habang may seryosong mukha.

Ayan nanaman, hindi ko alam isasagot ko. Totoo ba lahat ng sinasabi mo? Maniniwala ba ako sayo o pinagt-tripan mo nanaman ko?

Nang biglang dumating si Yaya Kurds.

"Kuloy, uwe na tayo. Tapos na ako magsyapeng. Baka hanap naren tayo ng teta mo." pag-aaya ni Yaya Kurds.

"O cge yaya kurds." sagot ko sakanya.

"O, paano Daddy? Una na kami ha. Hindi na namin mahihintay si Janine. Pareho kaming mapapagalitan ni tita eh." pamamaalam ko kay Joshua.

"Cge. Ingat prinsesa ko. I-tetext kita." pagpapaalam niya sabay ngiti.

"Tigilan mo na nga yang pang ttrip mo. Sige. Bbye." sagot ko.

At umuwi na nga kami ni Yaya Kurds. Madami nanaman akong makkwento kay Cyrus nito.

-----
Joshua

Ano kaya naging reaction ni Chloe? Haaay. Kinakabahan ako. Baka iwasan na niya ako.

Ilang sandali rin naman ay dumating na si pare at umuwi narin kami. Habang nasa byahe pauwi, kinausap niya ako.

"Kamusta naman ang date niyo pare?" pagtatanong niya.

"Date na ba un? Haha. Ayun, sinabi ko... Mahal ko siya." sagot ko.

"Talaga? Nasabi mo un?" tanong niya.

"Magtatanong tapos hindi maniniwala." sagot ko.

"Eh di maniniwala na. Ano naman sagot ni Chloe?" tanong uli niya.

"Wala." sagot ko.

"Masakit?" pahabol niyang tanong.

"Pare naman?" sagot ko at natawa si Janine pagkasagot ko.

Hanggang sa makauwi kami magkahalong kaba at lungkot ang nararamdaman ko. Nanood nalang ako ng tv para malibang.

Mag-alas-diyes na ng gabi ng maisipan kong itext siya.

hi bhe. =]

Ang tagal magreply, mga 10 minuto siguro ang nakalipas.

bhe?

Sender:
My Princess

Ano ba yan. Ang tagal tagal kong hinintay ang reply niya tapos ang ikli ikli lang naman pala ng reply. Ngunit ilang segundo lang ay muli akong nakatanggap ng text mula sakanya.

sino ka?

Sender:
My Princess

Ay, oo nga pala. Baka kaya ganun lang ang reply niya kasi hindi niya alam na ako ung nagtext. Kaya naman nagreply ako.

si Daddy mo toh baby..

Ang tagal nanaman magreply. Nakakainis naman tong mga ganitong ka-text lalo na kapag hinihintay mo reply nila. Pagkalipas ng 15 minuto sa wakas dumating na ang reply niya.

sinong daddy?
and y u're calling me baby?

Sender:
My Princess

Gumaganon na si Chloe ngayon sa text ah.

hon.. c joshua toh..

Hindi kaya, iniiwasan na niya ako? Bakit ganun siya magreply?

Tulad ng inaasahan, naghintay nanaman ako ng matagal para sa reply niya.

c sai to.

Sender:
My Princess

0 comments:

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.