Monday, March 26, 2012

Book II Chapter 19: Confrontation

Confrontation





Joshua


Sa sobrang pagod namin, napahiga kami, nagpasalamat ako sa kanya, maya maya'y naramdaman ko nalang na napapalapit ako sa kanya, parang namamagnet na hindi ko malaman.

Palapit ako ng palapit sa kanya habang nakatitig lang siya at nakangiti sa akin. Lalong napapalapit ako sa kanya. Napapalapit na ang mga labi ko sa kanyang mga labi. Malapit na malapit na aming mga labi sa isa't isa. Hahalikan ko na siya..

*knock knock*

..ng biglang may kumatok. Pareho kaming natauhan ni Janine. Ano ba yung muntikan ko nang magawa? Hays. Hindi tama, pero naramdaman ko nalang na parang kailangan kong gawin yun. Siguro nadala lang ako sa emosyon ko.

*knock knock*

"Pasok po!" sabi ko sa kumakatok habang si Janine ay natatawa tawang nakaupo sa kama habang kapit ang isang libro na kala mo'y nagbabasa.

"Anak! Si Cyrus nasa labas." ang sabi sa akin ni Mama.

Ano? Si Cyrus? Nasa labas? Nagulat ako sa sinabi ni Mama. Pati si Janine nagulat din, napatigil siya sa pagtawa niya at isinara ang libro.

"Hoy mga anak! Sabi ko si Cyrus nasa labas." pambasag ng katahimikan namin.

Tinulak naman ako ni Janine. "Pare! Bestfriend mo nasa labas daw." sabi niya sa akin. Nang-aasar ka ba pare? Bestfriend? E mukang hindi na yun ang turing niya sa akin.

"Ah opo, bababa na po." ang tanging nasabi ko kay Mama, pagkatapos at isinara na niya ang pinto.

"Kakausapin ko muna si Cyrus." pagpapaalam ko kay Janine. Tumango naman siya at lumabas na ako ng pinto.






Pumunta ako sa sala, pero wala siya dun. Baka sa labas siya naghihintay. Paglabas ko ng bahay sa may garden andun nga siya.

"Sai." pagtawag ko sa kanya. "Ano meron? Tara pasok muna tayo, ang init dyan eh. Magmeryenda ka muna." pagyayaya ko sa kanya.

"Hindi na Joshua! May sasabihin lang ako sayo." pagtanggi niya sa alok ko, mukang alam ko na ang sasabihin niya.

"Ah, ano ba yun?" pagkukunwaring tanong ko sa kanya na para bang hindi ko alam ang sasabihin niya.

"Huwag ka nang magmaang maangan Joshua. Alam mo kung tungkol saan ang sasabihin ko." seryosong sabi niya sa akin. Hindi nalang akong nagsalita.

"Mula ngayon, ayaw ko nang kakausapin mo si Chloe, huwag mo na siyang lalapitan, huwag mo na siyang itetext. Kahit ano, wag na. Gusto kong layuan mo si Chloe." sunod sunod na sabi niya sa akin. "Noong nawala ka sa buhay namin. Naging maayos ang relationship namin, now that you're back into our lives, nagkagulo gulo na naman. I want you to leave us alone. Gusto ko mawala ka na ulit sa buhay namin at huwag ng babalik pa."

"Sai.." ang natangi kong nasabi.. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan si Cyrus. Anong nangyari sa bestfriend ko? Bakit ganyan na siya?

"Joshua, tama na pwede ba? Sana ito na ang huling pag-uusap natin. Nahihirapan si Chloe, alam mo ba yun?" dugtong niya.

"Yun na nga Sai eh, si Chloe ang nahihirapan. Ano bang problema? Hindi na ba tayo pwedeng maging magkakaibigan ulit?" tanong ko sa kanya.

"Magkakaibigan? Hindi na pwede Joshua, dahil hanggang ngayon alam kong hindi ka pa din nakakapagmove on. Alam kong mahal mo pa din si Chloe. At aagawin mo siya sa akin." sunod sunod niyang sabi sa akin, nagulat ako sa mga sinabi niya.

"Cyrus, kahit kailan hindi ko gagawin sayo yan, dahil bestfriend kita. Kung dati nga hindi ko ginawa sayo yan, ngayon pa? Alam ko naman na ikaw ang mahal ni Chloe e." depensa ko sa sarili ko.

"E yun naman pala e, so leave us alone!" pagmamatigas niya sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"What's happening here?" tanong ng isang babaeng pumunta sa amin ni Cyrus. Si Janine pala.

"Ah wala naman. Nag-uusap lang kami ni Sai." sagot ko kay Pare.

"Pinagsasabihan ko lang ang boyfriend mo na layuan na si Chloe dahil lapit pa din siya ng lapit sa kanya." sagot niya kay Janine.

"Cyrus!" pasigaw kong sabi sa kanya para matigilan siya sa mga sinasabi niya.

"O bakit? Hindi ba totoo? Kanina pumunta ka sa university namin para kausapin si Chloe, bumuntot buntot ka pa nga sa kanya eh." sabi niya sa akin habang tinititigan niya ako ng masama, ibinaling niya ang tingin niya kay Janine, "Janine sa susunod aalagaan mo ng mabuti ang boyfriend mo para hindi pumupunta sa ibang babae." patuloy niya. Napatingin ako kay Janine, nakita ko ang reaksyon niya, mukang nainis siya sa mga sinabi sa kanya ni Cyrus.

"Cyrus, pwede ba, wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Janine." pagtatanggol ko sa kanya, naiinis na ako kay Sai.

"Joshua.." mahinahong sabi sa akin ni Janine na nakangiti pa. Pumunta siya sa harap ni Cyrus.

"Alam mo Cyrus, nakakaawa ka." sarkastikong sabi ni Janine habang nakangiti kay Cyrus. "Alam mo kung bakit? Kasi talagang pumunta ka pa dito para sabihin ang mga yan sa amin. And for your information, alam ko na pumunta si Joshua sa UNIVERSITY NIYO." dugtong ni Janine tapos tumalikod at muling humarap kay Cyrus.

"At para sabihin ko sa'yo marunong akong mag-alaga ng boyfriend ko. Don't be so paranoid, insecure ka? Kahit kailan hindi aagawin ni Joshua sa'yo si Chloe. Kawawa naman siya, ung boyfriend niya walang tiwala sa kanya." sabi niya kay Cyrus. "Tsk. Tsk. Haysss.." pang-aasar pa niya. Tapang ni Pare.

"What? Of course, may tiwala ako kay Chloe, alam kong ako ang mahal niya." depensa ni Cyrus.

"Is that so? So maybe wala kang tiwala sa pagmamahal mo sa kanya. Is your love not enough to keep Chloe? Huh?" nakakanosebleed na pagtataray ni Pare kay Cyrus.

"How dare you talk to me like that?" pagmamataas ng boses niya kay Janine.

"Cyrus! Huwag mong pagtataasan ng boses si Janine, ah!" pasigaw kong sabi sa kanya.

"Then tell your girlfriend na ayos ayusin niya ang pagkausap sa akin." sabi naman ni Cyrus.

"Really? Tinatapatan ko lang ang tono ng boses mo. Kung ayaw mong kausapin kita sa ganitong tono, umayos ka din." pagtataray pa din ni Janine. Hindi ko alam na ganito na pala siya kataray ngayon.

Napabugtong hininga si Cyrus. "Basta, ang sinasabi ko, Joshua, layuan mo si Chloe kung ayaw mo ng gulo." mga salitang huli niyang sinabi bago siya tumalikod palabas ng gate namin.

"PRANING!" sigaw ni Janine na siyang kinagulat ko at naging dahilan ng paglingon ni Cyrus. "IKAW ANG NAGHAHANAP NG GULO! HINDI KAMI!" pasigaw na dugtong ni Janine. Naku si Pare, naging warfreak na ata. Nakakatakot naman.

Pagkatapos ay sumakay na si Cyrus sa kotse niya at umalis na.


"Angas ng bestfriend mo, Pare!" sabi sa akin ni Janine.

"Bestfriend pa ba yun?" pagtatanong ko sa kanya.

"Ay, mali! Enemy na ba?" tanong niya sa akin sa tonong nang-aasar.

"Enemy ka diyan. Tara na nga sa loob, nagutom ako." pagyayaya ko sa kanya. At pumasok na nga kaming dalawa. "Ang taray mo pala, Pare!" pamumuna ko sa kanya habang napasok kami ng bahay.

"Natutunan ko sa NZ. I'm tougher now!" sabi niya sa akin.

"Tougher?" tanong ko sabay pindot sa pisngi, braso at tagiliran niya.

"Ay! Ano ba?" napaiktad niyang sabi.

"Tougher pala ha!" pang-aasar ko sa kanya. Hinampas naman niya ako sa baliktad. Masakit!








Chloe


"Kuloy! Komaen ka na daw." sabi sa akin ni Yaya Kurds.

"Hindi pa po ako nagugutom." pagtanggi ko sa kanya.

"Anong hende? Eh hende ka pa kaya nakaen semula ng dumateng ka. May saket ka ba?" tanong nia sa akin.

"Wala! Hindi nga ako gutom. Pakisara ng pinto paglabas mo." pagsusungit ko kay Yaya Kurds.

"Aba, ang songet mo naman. Oo na, lalabas na." sabi ni Yaya Kurds sabay labas at isinara nga ang pinto.

Hays. Ilang oras na ko dito sa kama, uupo, hihiga o magpapagulong gulong habang umiiyak. Napapagod na ako pero wala akong ibang magawa. Naiisip ko pa din si Cyrus. Bakit siya nagkaganun? Bakit siya nag-iba? Bestfriend niya si Joshua, bakit ganun na siya sa kanya? Selos nga lang ba? Nasasaktan na ako sa ginagawa niya. Hindi naman ako papayag na palagi niya akong masasaktan kapag nagseselos siya. Masyado na siyang possesive, minsan nakakatakot na, pero mahal ko si Cyrus. Siya ang mahal ko, kaya talagang iiwasan ko na si Daddy, I mean, si Joshua. Pero ang hirap, may pinagsamahan din kami ni Joshua, masaya kami nung high school, siya ang palaging kasama ko kapag wala si Cyrus. Masaya ako kapag kasama ko siya. Kahit papano.. kahit papano.. mahal ko din siya.

*knock knock* "Kuloy!"

"Hindi nga ako gutom Yaya Kurds!" sigaw ko sa kanya. Pero binuksan niya ang pinto.

"At seno ang may sabe na gotom ka? Hende ako benge Kuloy." pagtataray tarayan ni Yaya Kurds.

"Eh anong kailangan mo?" pagbaba ng boses ko sa kanya.

"Si Batman nasa labas, inaantay ka." sabi niya sa akin.

"Ah! Sabihini mo tulog na ako." mabilis na sabi ko sa kanya pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita.

"Ha? Magsesenongaleng ako? Ayoko nga!" pagtanggi niya sa akin.

"Isusumbong kita kay Tita na nakikipahchismisan ka araw araw sa mga kapitbahay sige." paghahamon ko sa kanya.

"Hoy wag! Oo na, magsesenongaleng na." sabi niya sa akin at isinira ang pinto. Agad agad naman akong pumunta sa may pinto at ikinawang iyon. Tiningnan ko si Yaya Kurds kung sasabihin nga niya yun.

"Oh ano pretty Kurds? Pwede na ba akong umakyat sa kwarto ni Kuloy?" nakangiting sabi nung lalaki kay Yaya Kurds.

"Ah, eh.. Tolog na siya!" pagsisinungaling niya.

"Ha? Ang aga naman pretty." pagtataka nung lalaki.

"Ah basta, tolog na siya. Ales ka na, at ako'y may gagawen pa." pagtataboy ni Yaya Kurds dun sa lalaki, at lumabas na nga ang lalaki sa bahay.

Hays. Hindi ko pa siya makakausap, nalilito ako, naguguluhan.







Cyrus


Hindi ko inaasahan na makikisabat si Janine sa usapan naming dalawa ni Joshua. Ibang iba na si Janine ngayon, tumapang na siya. Tumaray. Marunong na siyang makipagsabayan. Bakit niya hinahayaang lumapit si Joshua kay Chloe? Hindi ba niya alam na mahal pa din ni Joshua si Chloe? O totoo ang sinabi sa akin ni Janine? Na naiinsecure ako kay Joshua, na wala na akong tiwala kay Chloe, na wala na akong tiwala sa pagmamahal ko kay Chloe? Kung ano anong mga tanong ang gumugulo sa isip ko. Nakakaasar, traffic pa naman. Bago ako pumunta sa bahay nagdesisyon ako na dumaan kina Chloe, para humingi ng tawad, para makipagbati sa kanya.

Nagdoorbell ako sa bahay nila Chloe, si Yaya Kurds ang nagbukas. Pinapasok niya ako, pagkatapos ay pinuntahan si Chloe sa kwarto niya. Pagbalik niya sabi niya sa akin tulog na daw si Chloe, imposible. Ganitong oras, tulog na? Malamang ayaw akong makausap ni Chloe, papalipasan ko muna, sana makausap ko na si Chloe.

Pagkalabas ko ng bahay nila dumeretso na ko sa bahay. Kumain at nagpahinga, sana kausapin na ako ni Chloe bukas, sana maayos na namin to.

Kinabukasan nagdecide akong sunduin si Chloe sa bahay nila para pumasok, last week na ng summer class namin. Plano kong bumawi sa kanya, tutal nakausap ko na naman si Joshua, hindi na yun manggugulo. Pagdating ko sa bahay nila, nakita ko si Chloe nasa labas na.

"Chloe!" sigaw ko sa kanya. "Tara, sabay na tayo pumasok." pagyaya ko sa kanya.

"Hindi na, salamat." pagtanggi niya. Maya maya ay lumabas na ang tito niya. Doon siya sa tito niya nagpahatid. Mukang galit pa din sa akin si Chloe.

Pagdating sa university, sinubukan ko siyang kausapin. "Chloe, pwede ba tayong mag-usap?"

"Wag muna ngayon, please." sagot niya sa akin at nagpatuloy siya sa paglalakad. Ilang beses ko siyang sinubukan kausapin nung araw na yun pero wala talaga. Ayaw niya sa akin makipag-usap.







"Cyrus!" sigaw ng isang babae habang nag-iisip isip ako sa ilalim ng puno, lumingon ako kaagad sa pag-aakalang si Chloe yun. Schoolmate lang pala namin na nagpapatulong manligaw.

"I'm sorry, pero wala ako sa mood ngayon. I have my own problem." kaagad kong pagtanggi sa kanya kahit wala pa siyang nasasabi sa akin.

"Ay naman si bro bad mood. Huwag kang ganyan dude!" malakas na sabi niya sa akin habang umakbay at tinapik tapik ang balikat ko.

"Wala akong panahon para dyan sa ngayon!" pagsusungit ko sa kanya, pagkatapos ay tumayo ako pero hinila niya akong paupo.

"Ay! Ay! Masyado kang BV bro. Alam ko ang problema mo." pangisi ngisi niyang sabi sa akin. "At alam ko rin ang solusyon dyan. He! He! He!" pagpapatuloy niya na nakakaloko.

"Wag mo kong lolokohin ah, wala ako sa mood ngayon!" pagbabanta ko sa kanya habang napapaisip kung alam nga ba nya ang dapat kong gawin. Kung paano ako papansinin ni Chloe.

"He! He! Don't worry, ako bahala dude. Ako naman ang tutulong sayo." pagyayabang niya sa akin.

Hinila niya ako papunta sa may.. "Principal's Office?" pasigaw kong tanong sa kanya. "Anong ginagawa natin dito?"

"Oh? Nagulat ka naman." nakangiti niyang sabi sa akin. "Alam mo ito ang naisip ko, romantic kaya to, medyo nakakahiya pero promise, magkakabati kayo ni Chloe." pangiti ngiti niyang sabi sa akin.

Mukang confident na confident tong taong to ah. Ano kaya ang plano niya?

"Oh ano? Ayaw mo?" pagtatanong niya. Hindi kaagad ako nakasagot.

"Sige, alis nalang ako." pamamaalam niya.

"Ah, teka lang!" pagpigil ko sa kanya, kitang kita ko naman na napangiti siya.

"Ano ba ang plano?" tanong ko sa kanya. Inakbayan niya ako at sinabi sa akin ang plano niya para kausapin na ako ni Chloe.

"Baliw ka ba?" reaksyon ko plano niya.

"Yun na nga! Baliw, kabaliwan, isang baliw lang ang gagawa ng ganito. At dahil baliw na baliw ka kay Chloe at gusto mong makipagbati sa kanya, magagawa mo to." nakangiti pa din siya sa akin, nakakalokong ngiti, nakakaasar siya. Pero mukang wala akong ibang choice kundi ang gawin ang sinabi niya, dahil ayaw talaga akong kausapin ni Chloe.

"Tsaka papayag naman si Ma'am, ikaw kaya ang The Great Mr. Bernal!" panigurado niya sa akin na papayag ag Principal sa plano niya.

"Sige, gagawin ko na." pagsang-ayon ko sa kanya. "Teka, paano kung lalo akong hindi pansinin ni Chloe?" tanong ko sa kanya.

"Aba! Hindi ko na problema yun.." nakangiti pa din niyang sabi, nang babatukan ko na siya, tinakbuhan niya ako. "Ikaw na bahala dyaaaan.." sigaw niya sa akin habang tumatakbo.

Tama siya. Wala na akong ibang choice kundi gawin ang kabaliwang plano niya. Wala din naman akong ibang maisip na paraan. Hays. Kabaliwan talaga. Baliw!

Pumasok ako sa Principal's Office, pagpasok ko nakita ko kaagad ang Principal, nagbabasa, mukang madaming ginagawa. Aabalahin ko pa ba siya? Hays. Kahit ayaw ko at alam kong hindi naman tama, gagawin ko dahil kailangan eh.

"Excuse me, Ma'am Del Valle." paunang sabi ko sa Principal namin, napatigil naman siya sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin. "Good Afternoon po." bati ko sa kanya.

"Good Afternoon Mr. Bernal, what brings you here? Have a sit." mahinahong bati at pagpapaupo niya sa akin.

"Uhmm.. I, I ac.. act..-" pautal utal kong sabi sa kanya.

"Mr. Bernal, sabihin mo na sa akin ng deretsuhan." pagputol niya sa akin.

"I actually need a favor." mabilis ko namang sabi sa kanya.

"Hey, hey Mr. Bernal, easy!" pagsaway sa akin ni Ma'am.

"Pasensya na po. Kinakabahan lang po talaga ako." paghingi ko ng tawad sa kanya. Tiningnan lang niya ako, naghihintay siya sa mga sasabihin ko.

"I actually need a favor, Ma'am." sabi ko sa kanya pero hindi pa din siya nagsalita, umupo lang siya ng maayos habang nakatingin pa din siya sa akin. Sinabi ko lahat sa kanya ang tungkol sa amin ni Chloe at ang favor na hihingin ko sa kanya. Kitang kita kong gulat na gulat siya sa mga sinabi ko.

"What? Are you serious? And what makes you think that I'll help you?" mga tanong na lumabas sa kanyang bibig ng matapos ako sa pagsasalita.

"Please Ma'am, wala na po akong ibang maisip na paraan." pagmamakaawa ko sa kanya. Pero hindi siya nagsalita, nakatingin lang siya sa baba, mukang hindi siya papayag, patay wala na, wala na akong pag-asa.

"Well, Mr. Bernal, since you're an excellent achiever on this university, I will help you." nakangiting sabi niya sa akin.

Nabuhayan naman ako ng dugo sa mga sinabi niya, napangiti ako at napatingin sa kanya.
"Maraming salamat po." pagpapasalamat ko sa kanya.

"Hey! But this is the first and last favor, okay?" pagsusungit sungitan niya. Tumango na lang ako habang nakangiti pa din. Yun na ata ang pinakamalaking ngiti ko, Principal ng University napapayag ko sa plano ng mokong na yun.

"Thanks you very much po talaga." pagpapasalamat ko pa din sa kanya.

"So, paano mo gusto simulan?" tanong niya sa akin.



This is it! Kakausapin na ako ni Chloe.







Chloe



Ang kulit ni Cyrus. Sana wag na muna niya akong kulitin dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Hindi naman sa galit ako sa kanya at hindi ko na siya mahal pero kasi ayokong isipin niya na bale wala lang sa akin ang mga ginagawa niyang hindi ko nagugustuhan. Sumosobra na din kasi siya. Pero miss na miss ko na siya. I'm sure mahuhulog kaagad ang loob ko kapag may ginawa siyang romantic, pero sana hindi. Ah, ewan. Magulo.

Maya maya nagring ang cellphone ko.

"Hello Janine!" masayang bati ko sa kanya.

"Hi Chloe, we have to talk!" seryosong bati niya sa akin. "Meet me at the library of your university, I'll be waiting." patuloy niya.

Ano kayang sasabihin niya? Bakit seryosong seryoso siya? May nagawa ba ako? Lalong gumugulo ang utak ko, dumadami ang iniisip ko. Aaarg, mapuntahan na nga si Janine.












Bakit kakausapin ni Janine si Chloe? Anong sasabihin niya? Mag-aaway kaya sila?

Tsaka, anong gagawin ni Cyrus? Kakausapin nga ba siya ni Chloe?

0 comments:

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.