Monday, March 26, 2012

Book II Chapter 17: Misunderstanding


Misunderstanding



Chloe


"CYRUS, ANO BA?" sigaw ko kay Cyrus nang itinulak niya ako sa kotse. Kahit kailan hindi ko pa nasigawan si Cyrus, ngayon lang. At yun ay dahil sa pagseselos nya kay Joshua. Nasasaktan na ako sa ginagawa niya at hindi na nakakatuwa.

"Anong ANO BA? CHLOE?" balik na sigaw sa akin ni Cyrus. Tuwing sumisigaw siya nagugulat ako at natatakot kapag nakikita kong nanlalaki at nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit.

Tumayo ako at lumabas sa kotse. "Nasasaktan na ako sa ginagawa mo Cyrus. Hindi na tama to, ano bang nangyayari sayo?" mahinahon kong tanong sa kanya kahit naiyak na ako.

"Anong nangyayari sa akin? I told you na wag ka na makipag-usap kay Joshua. Pero anong ginawa mo, ha? At dun pa sa university natin? Hindi kana nahiya, nakita ka ng mga taga dun na may kasamang ibang lalaki, anong iisipin nila, ha? Malamang hindi na nila ako igagalang!" sunod sunod na sabi niya sa akin. Ano bang nangyayari kay Cyrus? Nag-iiba na siya. Hindi na siya ang Cyrus na nakilala ko two years ago.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw lang ang nagbibigay malisya sa mga nakikita mo. Alam mong ikaw ang mahal ko, ikaw ang kasama ko, ano ba Cyrus? At kaya lang naman pumunta dun sa Joshua para ibigay tong regalo ko para 2nd Anniversary natin bukas!" depensa ko sa sarili ko habang ipinapakita sa kanya ang regalo.

"Well, I don't care!" matigas na sagot niya sa akin.

"Alam mo, hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa'yo Cyrus! Nag-iiba kana, iba kana!" naiiyak iyak kong sabi sa kanya. Talagang hindi ko na maintindihan si Cyrus. Mga ilang minuto din ang lumipas ng hindi kami nag-uusap. Pareho kaming nakatayo sa labas ng kotse, parang mga tanga lang.

"Uwi na ko." pamamaalam ko sa kanya. At dahan dahan akong naglakad papalayo sa kotse. Pero bigla niyang hinablot ang braso ko.

"NO! YOU STAY HERE!" sigaw niya sa akin. Sobrang lakas ng sigaw niya, kinig sa buong parking lot, pinagtitinginan na kami ng mga tao dun.

Pumiglas piglas ako, pero hindi niya ako binibitawan. Sinubukan ko ulit ng isang beses pa pero lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa aking braso at sa hindi ko na mabilang na pagkakataon, nasaktan ulit ako.

"Leave me.." mahinahon kong sabi sa kanya habang tinititigan ko siya na may halong galit na, pero hindi pa din niya ako binibitawan. "..ALONE!" pagtataray na sigaw ko sa kanya. Halatang halatang nagulat siya sa sigaw ko, kaya nabitawan na din niya ako. Hindi ko rin naman akalaing magagawa ko yun kay Cyrus. Mahal ko siya, Oo, pero hindi ko na kaya ang ginagawa niya. Pagkasigaw ko ay umalis na ako, dahan dahan akong naglakad hanggang sa maya maya pa'y tumakbo na kong umiiyak.





Cyrus


"CYRUS, ANO BA?" sigaw niya sa akin ng tinulak ko siya sa kotse. Kahit kailan hindi pa ako nasigawan ni Chloe, ngayon lang. At yun ay dahil kay Joshua, na dati kong bestfriend, pero ngayon ay, ano nga ba? KARIBAL?

"Anong ANO BA? CHLOE?" balik na sigaw ko sa kanya. Nanlalaki at nanlilisik na ang mga mata ko sa galit.

Tumayo at lumabas sa kotse si Chloe. Medyo nakaramdam ako ng kaba. "Nasasaktan na ako sa ginagawa mo Cyrus. Hindi na tama to, ano bang nangyayari sayo?" mahinahon niyang tanong sa akin, may mga luha nang namumuo sa kanyang mga mata.

"Anong nangyayari sa akin? I told you na wag ka na makipag-usap kay Joshua. Pero anong ginawa mo, ha? At dun pa sa university natin? Hindi kana nahiya, nakita ka ng mga taga dun na may kasamang ibang lalaki, anong iisipin nila, ha? Malamang hindi na nila ako igagalang!" sunod sunod na sabi ko sa kanya. Yun lang ang hinihingi ko sa kanya, hindi pa niya maibigay. Alam naman niya na pinagseselosan ko si Joshua. Dahil aminin man niya hindi may gusto pa din si Joshua sa kanya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ikaw lang ang nagbibigay malisya sa mga nakikita mo. Alam mong ikaw ang mahal ko, ikaw ang kasama ko, ano ba Cyrus? At kaya lang naman pumunta dun sa Joshua para ibigay tong regalo ko para 2nd Anniversary natin bukas!" sunod sunod niyang depensa at pagkatapos ay ipinakita niya sa akin ang regalong sinasabi niya.

"Well, I don't care!" pagsusungit ko sa kanya.

"Alam mo, hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa'yo Cyrus! Nag-iiba kana, iba kana!" naiiyak iyak niyang sabi sa akin. Pagkatapos nang sinabi niya ay hindi na ito nasundan. Hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin ko. Makalipas ang ilang minuto..

"Uwi na ko." pamamaalam niya sa kin. Medyo nagulat ako, hindi pwedeng umuwi si Chloe mag-isa, mamaya niyan puntahan niya si Joshua. Hindi pwede, kaya hinablot ko ang braso niya.

"NO! YOU STAY HERE!" sigaw ko sa kanya. Sa sobrang lakas ng sigaw ko, nakinig sa buong parking lot, nagtinginan na mga tao sa amin dun, pero wala akong pakialam.

Sinubukan niyang umalis sa pagkakahawak ko sa kanya. Pumiglas piglas pa siya. Pero hindi ko talaga siya bibitawan.

"Leave me.." nakakakabang sabi niya habang tinititigan ako na may halong galit, pero hindi ko pa din siya binibitawan. "..ALONE!" pagtataray na sigaw niya. Gulat na gulat ako ng mga oras na yun at sobrang kinakabahan. Hindi ko alam ang gagawin ko, parang nanigas ako na hindi ko maipaliwanag. Napatulala na para bang nabati ng kung anong demonyo. Ganun pala ang epekto ng galit ni Chloe sa akin. Parang hindi ko kaya, di ko alam.

Nang matauhan ako wala na si Chloe. Nakaalis na siya. Isang sigaw lang pala ni Chloe, taob na ko. Pumasok ako sa kotse. Nagdrive pauwi. Nang ilang kilometro nalang ang layo ko sa bahay namin, nag u-turn ako. May pupuntahan muna ako bago umuwi.





Joshua


"Tahan na baby! Aalis na ako, pasensya ka na sa gulong naidulot ko. Good luck! You'll never see me again, unless you ask for it."

Mga huling salitang nasabi ko kay Chloe. Hays. Buhay nga naman oh. Nakita ko nga ulit ang aking prinsesa mawawala lang din pala pagkatapos ng ilang buwan. Ano ba yung nangyari kay Cyrus, naging seloso. Hindi naman siya ganun dati kay Ericka. Kamusta na kaya si Chloe?

Sa pag-iisip isip ko napatingin ako sa labas ng bintana nang bus. Ay malaking palaka ka talaga Chloe oh, nang dahil na naman sayo lagpas na naman ako.

"Mama, para po!" sigaw ko dun sa bus driver.

"Kailangan bang sumigaw ng ganyang kalakas?" parereklamo ng bus driver.

Ito naman si mamang bus driver nagreklamo pa, kung hindi ko naman lalakasan e hindi ako makikinig.

"Pasensya na po, bababa na po kasi ako." mahinahon kong sabi sa kanya pero sa loob loob ko natatawa na ako, magreklamo ba naman.

"Alam ko! Obvious naman e, kaya ka nga pumara di ba?" pagsusunget ng bus driver.

Ano ba naman yun. Nasungitan na nga ako ni Chloe My Princess, pati ba naman tong bus driver na to. Pakamot kamot nalang akong bumaba ng bus. Sumakay ako ng jeep pagkatapos at sumakay ng tricycle pauwi ng bahay. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Papa, si Mama at si Janine, nagkukwentuhan, nagtatawanan, ang saya saya nila.

"Ang saya saya niyo ah! Anong meron?" bungad ko sa kanila sabay upo sa tabi ni Janine at akbay.

"Pa, tingnan mo yung dalawa, bagay hindi ba?" pang-uuyo ni Mama sa aming dalawa.

"Oo nga! Hindi na sila tao. Bagay na sila, Ma! Bagay na bagay!" natatawang pagsang-ayon ni Papa kay Mama.

Nagulat ako sa sinabi ni Papa, hindi naman siya palabiro ah. Tsaka san nanggaling ang sinabi niya? Hindi na tao? Bagay na? Ano yun Pinoy Henyo?

Natawanan ang lahat sa sinabi ni Papa.

"Pa, san ka natuto niyan? Gumaganyan ka na ah!" pangiti ngiti kong sabi kay Papa.

"Kanino pa? E di sa pare mong si Janine!" proud na proud na sabi ni Papa sa akin at nag-appear pa ang dalawa.

"Aba! Pare baka kung ano ano nang tinuturo mo sa kanila ah.." tumingin ako ng seryoso sa kay Janine.

"Ano ka ba Pare, nagkukwentuhan lang kami." sabi niya sa akin at hinampas pa ang hita ko, napangiti naman ako.

Nagpaalam ako sa kanila, pumunta ako sa kusina, kumain at dumerecho sa kwarto. Pagod e. Tsaka magulo ang utak ko. Humiga ako. Nag-isip isip. Mukang wala na talaga akong pag-asa kay Chloe, sa tingin ko kailangan ko na talagang magmove on. Ayaw na din naman niya akong makita. Ano ba yan, naiiyak na naman ako, mamaga ang mga mata ko nito e, mahahalata pa nila. Maya maya ay naisipan kong buksan ang closet ko, unang hakbang para makapagmove on.

Kukunin ko na sana ang susi sa ilalim ng laptop cooler pero wala ito dun. Pagtingin ko sa closet, andun ang susi. Bakit andun yun? Kahit kailan hindi ko naiiwan un dun?


0 comments:

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.