Monday, March 26, 2012
Book II Chapter 18: Moving On
8:25 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
Moving On
Janine
"Uhhhmmm.. Aaahhh.. Haaayss.." mga kung ano anong salita ang lumalabas sa bibig ko habang nag-uunat. Napasarap ang tulog ko. Inaantok pa din ako, maya maya na ko
babangon. Nakapikit pa din ako sa kama, sinusubukan matulog ulit..
*Don't you know I've tried and I've tried
To get you out my mind
But it don't get no better..*
Ang ganda talaga ng kantang yan. Saktong sakto sa mga nangyari sa akin sa New Zealand. Rihanna talaga oh! Kung ano anong naiisip na kanta..
*As each day goes by
And I'm lost and confused
I've got nothin to lose
Hope to hear from you soon..*
Dahil sa ganda ng kantang yan, ang ginawa kong ringtone. Ay teka, ringtone ko nga yan ah.. Hala may natawag ata sa akin.
*P.S. I'm still not over you
Still not over you..*
Ano ba yan asan na ang cellphone ko? Kinapakapa ko sa side table ni Joshua, tinatamad kasi akong mumulat. Ayun sa wakas..
"Hello?" mangatal ngatal kong sagot sa kung sino mang tumawag.
"Good Afternoon Janinang!" magandang bati sa akin ng nasa kabilang linya.
"Mommy?" pagsisigurado ko sa nasa kabilang linya. Si Mommy lang naman ang natawag sakin ng Janinang. At si Mommy nga yun. Sabi niya may business trip daw siya.
Kaya wala daw akong makakasama sa bahay kung gusto ko daw sumama daw ako sa kanya. Ayoko nga. Display na naman ako dun. Mabobored lang ako dun. Dito nalang
ako. Masaya pa ako.
Nag-unat unat ako. Palagi kong naaalala yung sinabi ni Joshua nung mga bata pa kami, kailangan mag-unat ng mag-unat sa umaga para humaba ang mga buto,
pangpatangkad. Kahit na alam kong kasinungalingan yun. Nag-uunat pa din ako. Wala lang. Nakakatuwa lang kasi. Habang nag-uunat ako minulat ko na ang mga mata ko,
pagmulat ng mata ko, nagulat ako sa aking nakita..
"Chloe?" siya kaagad ang nakita ko pagmulat na pagmulat ko, napalaki pa ang mga mata ko na parang magpapop out na sa laki. Puro mga stolen shots ang mga nakadikit na
pictures ni Chloe sa kisame. Naging paparazzi pala si Pare. Ngayon ko lang nalaman. Ano ba yan. Sana pictures ko nalang ang nandyan, hindi pa stolen, magpopose pa ako
para lang sa kanya. Haha. "Hoy Janine! Lumalandi ka ah." pamumuna ko sa sarili ko.
Tumayo ako sa kama, inayos ang aking hinigaan. Ay may notes, para sa akin ito malamang, iniwan ni Joshua, kasi wala na siya.
*Good Morning!
Pare, may nakahanda nang almusal sa baba..
Kumain ka nalang pagkagising mo. Susunduin
ko lang sila Mama sa ospital.
LY,
Joshua.*
Almusal? What time is it? Almost 3pm na eh. Malamang andito na sila. Ay teka may isa pang note. Urmm..
*Pare! Sarap tulog mo ah.
Andyan sina Mama at Papa,
kumain ka lang pagkagsing mo,
okay lang yan! feel at home..
ibibigay ko lang ung regalo kay Chloe..
LY,
Joshua na Pogi*
LY? Laging Yabang! Haha.. Pogi daw. Sa bahay nalang ako kakain. Nakakahiya naman. Inayos ko ang aking sarili. Ginamit ko ang bagong toothbrush na nakatabi sa maliit na
cabinet ni Joshua sa banyo. Hindi ata pwedeng umuwi ako ng hindi nakakapagsepilyo. Dyahe! Pagkatapos ay lumabas na ng kwarto. Walang tao. Malamang nagpapahinga
sila Tito at Tita. Kaya umuwi ako ng walang paalam.
Pagdating ko sa bahay. Naligo ako. Nag-ayos. Nanuod ng TV. NABORED! Ano bang buhay toh. Ang boring! Punta nalang ulit ako kina Joshua. Baka andun na si Pare, kamusta
kaya ang pagkikita nila ni Chloe? Makikitsismis ako.
Pa-stranger effect pa ako. Padoorbell doorbell pa. Alam ko naman kung nasaan ang spare key.
*Ding Dong.. Ding Dong..*
"Sandali.." boses ng isang mama. Mukang si Tito. Nang istorbo pa ako. Sorry naman po.
"Hi Tito! Si Janine po.." nakangiting pagbati ko sa kanya.
"Oh hija, andiyan ka? Akala ko.." pakamot kamot niyang sabi sa akin habang binubuksan ang pinto.
"Kamusta po? Andiyan na po ba si Joshua?"
"Wala pa eh. Pagkahatid sa amin dito sa bahay, umalis din siya kaagad." sagot ni Tito.
"Ah ok po." maiksing sagot ko kay Tito. "Asan po si Tita?"
"Naliligo pa. Pero lalabas na din yun." nakangiting sagot sa akin ni Tito pero kita sa mga mata niya na nagtataka siya sa kung anong bagay na hindi ko maipaliwanag. "Pano
hija, feel at home ha! May aayusin lang ako sa kusina." dagdag pa niya.
"Oh sige po, salamat po!"
At umalis na nga si Tito. Dumerecho naman ako sa kwarto ni Joshua. Naalala ko kasi may isa pa kong bagay na hindi nakakalkal. At yun ay ang closet niya. Haha. Yari sa akin
to.
Pagdating ko sa kwarto ni Joshua, hinanap ko ng hinanap ang susi ng closet na yun. Mahiwagang susi. Hindi ko makita. Napagod nalang ako at lahat. Wala pa din. Umupo ako
sa kama. Napatingin sa laptop ni Joshua. Lalaking yun, organize nga ang mgagamit niya. Nakatagilid naman ung laptop dun sa laptop cooler. Nang inaayos ko na, may
napansin ako sa ilalim, ANG MAHIWAGANG SUSI! Sa wakas nakita ko na.
"Tit tiririt! Tiririt Tirit!" pakanta kanta ako habang papunta sa closet na nakasusi. Mukang sikreto. Pero bestfriend naman ako eh, kaya oks lang yan. Hindi naman nagagalit sa
akin si pare.
Kaya binuksan ko na ang closet gamit ang wonder susi. Aba! May kurtina pa. Haha. Ano to teatro? Nang nahawi ko ang kurtina kurtinaan nang closet na yun, nagulat ako sa
nakita ko, actually nasaktan, pero konti lang naman. Alam ko naman eh.
Puro mga pictures ni Chloe ang andun. Meron pang mga pictures nila Chloe na mukang nagsasayaw sila nun. Halos lahat stolen shots. Paparazzi talaga. Haha. May mga
sticky notes pa. Superman kuno. Arte talaga ni Pare. Pero infairness, nakakakilig kapag may mga ganun ganun. Walang pinagbago si pare. Chloe pa din talaga. Parang ako
lang, walang pinagbago, kundi Joshua, Joshua pa din.
Maya maya'y nakinig ko ang boses ni Tita at Tito nag-uusap. Isinara ko ang paparazzi mural closet ni Joshua, o kung ano mang tawag dun at lumabas na ako ng kwarto.
"Hello po!" bati ko kay Tita.
"Oh Janine, gising ka na pala. Kumain ka na ba?" tanong sa akin ni Tita.
"Ah.. Nakauwi na po ako at nakain na din at nakabalik na din po dito." sagot ko kay tita habang nakangiti.
"Ah ganun ba? Akala ko bagong gising ka pa lang." sabi naman sa akin ni Tita. "Halika, magkwentuhan muna tayo." pagyayaya sa akin ni Tita.
"Sabi ko na nga ba eh. Tama ung narinig ko kay Joshua, na natutulog ka kanina dun sa kwarto niya." pakamot kamot pa din sa ulong sbai ni Tito.
Yun pala ang laman ng nagtatakang mga mata ni Tito. Haha. Nakakatawa naman.
Matapos nun ay umupo nga kami sa sofa. Nagkwentuhan. Tawanan. At nagkulitan na din. Mga ilang oras na din ang lumipas pero wala pa si Joshua. Kamusta kaya ang lakad
niya?
Maya maya pa'y dumating na si Joshua. Nakipagkwentuhan ng konti sa amin tapos kumain at pumunta sa kwarto. Mukang pagod na pagod. Makalipas ang ilang minuto
nagpaalam ako kina tito't tita at pumunta sa kwarto niya. Pagbukas ko ng pinto nakita kong nakatitig si Joshua sa susi ng closet niya, nang namalayan niyang andun ako,
tumitig siya sa kin. Kinabahan ako ng husto, mukang galit siya. Ngayon palang ako tinitigan ng ganun ni Joshua. "P-pa-paree.." nauutal na sabi ko.
Joshua
Mukang wala na talaga akong pag-asa kay Chloe, sa tingin ko kailangan ko na talagang magmove on. Ayaw na din naman niya akong makita. Ano ba yan, naiiyak na naman
ako, mamamaga ang mga mata ko nito e, mahahalata pa nila. Maya maya ay naisipan kong buksan ang closet ko, unang hakbang para makapagmove on.
Kukunin ko na sana ang susi sa ilalim ng laptop cooler pero wala ito dun. Pagtingin ko sa closet, andun ang susi. Bakit andun yun? Kahit kailan hindi ko naiiwan un dun? Niisip
ko kung kailan ko huling binuksan to, nang biglang.. "Si pare.." matamlay na nasabi ko, malamang siya ang nagbukas nito. Naiisip ko na naman si Chloe at ang mga sinabi
niya. Kaya lalong tumulo ang aking mga luha. Naramdaman kong may nagbukas ng pinto, kaya napatingin ako, si Pare.
"P-pa-paree.." nauutal na sabi niya. Anong nangyari dun? Di naman siya nauutal, mukang ninenerbyos.
"Pare!" bati ko sa kanya at tumayo akong patalikod para tuyuin ang aking mga mata at pisngi, tapos ay humarap kay pare. Pilit ko siyang binigyan ng ngiti, napakunot naman
ang noo niya. Mukang nahalata ni pare na fake ung smile ko, lumapit siya sa akin.
"Ano nangyari?" tanong niya. Pagkatanong na pagkatanong niya sa akin ay niyakap ko siya. Hindi ko na kinaya, iniyak ko na ng iniyak ang lungkot na nadarama ko. Niyakap
naman ako ni Pare, swerte ko talaga na andito siya sana hindi na niya ulit ako iwanan. Pagkatapos ng ilang minuto ay pinilit kong itigil ang aking pag-iyak. Kumalas ako sa
pagkakayakap namin.
"Pare, pwede bang magrequest?" nalulua ko pa ding tanong sa kanya.
Napangiti siya. "Syempre! A--"
Nang marinig ko ang sinabi nyang *Syempre* pinutol ko na kaagad ang pagsasalita niya. "Pwede bang wag mo na akong iwan?" pagmamakaawa ko sa kanya.
Bahagya siyang napaatras, kitang kita sa mga mata niya ang pagtataka. "Please? Janine, please.." pagmamakaawa ko pa din sa kanya.
Kinapitan ng dalawang kamay niya ang aking muka, tinuyo ang mga luha sa aking mga pisngi at mata dahil tuloy pa din ito sa pagpatak. Pagkatapos ay ngumiti siya.
"Joshua, don't worry, andito lang ako hindi kita iiwan. Wag ka nang umiyak, hindi bagay sayo.." mahinahon na sabi niya sa akin habang nakangiti, medyo gumaan ang
pakiramdam ko.
"Lika, upo tayo." pagyayaya niya sa akin. Umupo nga kami. Pero hindi ako naiimik, hindi ko alam ang sasabihin ko. Basta gusto ko andyan lang siya sa tabi ko.
"Joshua? Anong nangyari? Kwento ka naman.." tanong niya sa akin. Napabugtong hininga ako at kinwento ko sa kanya ang mga nangyari. Maiiyak na naman sana ako ng
biglang.. "SUBUKAN MO PANG UMIYAK JOSHUA GARCIA, SISIPAIN KITA PALABAS NG BINTANA!" nakapamewang na sigaw sa akin ni pare, gulat na gulat ako sa reaksyon
niya, nahalata niya kaagad na malapit na ulit akong maiyak. Hays. Napahikbi nalang ako. Maya maya'y tumabi na ulit sa akin si pare.
"So, what's your plan?" tanong niya sa akin.
"Ano pa ba? E di move on." mabilis na sagot ko sa kanya pagkatapos ay napabugtong hininga. Tumayo ako at nagpunta sa may cabinet, sumunod naman si Janine.
Napatingin ako sa may susi, nilingon ko si Janine, nakangiti siya at nakapeace sign. Siya na nga ang nagbukas nito at iniwan ang susi dito.
"Pare, hehe, peace tayo ah!" nakangiti niyang sabi sa akin.
"Oo naman." mabilis na sagot ko sa kanya. "Yes!" malakas na sigaw niya at napatalon pa. "Akala ko kasi magagalit ka." pagpapacute na dugtong niya.
"Hindi, alam ko naman na kakalkalin mo din to eh. Tulungan mo nalang ako." sabi ko sa kanya.
"Anong gagawin?" pagtatanong niya.
"Tatanggalin lahat ng nakita mo dito. Magmomove on na talaga ako." sagot ko sa tanong niya.
"Sure ka ba pare?" tanong niya sa akin na para bang sinasabi niyang hindi ko kaya.
"Oo pare, kaya tulungan mo na ako." sagot ko sa kanya habang binubuksan ang pinto ng cabinet at kinuha ang kahon sa may ibaba. "Dito natin ilalagay lahat ng mga yan,
tapos itatapon ko na." pagpapatuloy ko.
Habang tinatanggal namin lahat ng mga nakalagay dun, patingin tingin sa akin si pare. "Alam mo pare, kailangan ko na talagang magmove on, wag mo akong sulyap
sulyapan diyan, talagang this time gagawin ko na. Kailangan matanggal na lahat ng nakakapagpaalala sa akin ng tungkol sa kanya." Hindi nagsasalita si pare, patuloy lang
siya sa pagtatanggal ng mga nakadikit sa cabinet abang nakikinig sa mga sinasabi ko.
"Nagkahiwalay kami nung high school graduation tapos hindi ko na ulit siya nakita. Sinubukan kong magmove on pero nabigo ako. Ilang taon bago ko ulit siya nakita sa hindi
inaasahang pagkakataon. Akala ko may pag-asa na ulit akong makasama si Chloe, kahit naman hindi maging kami, okay na sa akin un basta makausap ko siya, makasama,
okay na. Hindi na ako naghahangad ng kahit ano pa. Pero ang sabi niya hindi na daw kami pwedeng magkita, si Cyrus talaga ang mahal niya. Ayaw ko namang maging
malungkot ang Prinsesa ko ng dahil sa akin, kaya ibibigay ko ang gusto niya. Hindi ko na siya kakausapin, hindi ko na siya itetext at hindi ko na din siya pupuntahan. Titigilan
ko na talaga siya, Pare." ang mga nasabi ko habang tinatanggal ang mga pictures at sticky notes sa cabinet na yun.
"If you say so.." ang tanging nasabi sa akin ni Pare, mukang hindi siya sa akin naniniwala.
"Kukuha lang akoh ng hagdan, para matanggal ung mga pictures na nasa kisame." sabi ko sa kanya, lumabas ako at kinuha ang hagdan. Pagbalik ko sa kwarto tapos na ni
Janine tanggalin lahat maliban sa mga pictures na nasa kisame. Nang tanggalin ko na ang mga pictures na yun, kinuha sa akin ni Janine at inilagay sa kahon.
"Meron pa ba?" tanong niya sa akin. "Wala na, yan nalang." sagot ko sa kanya. Isinara na ni Janine ang kahon at inilaga sa tabi ng bag niya. Bakit niya nilagay dun? Eh
itatapon ko na nga.
"Akin na Pare, itatapon ko na." sabi ko sa kanya habang kukunin na sana ang kahon.
"Ah, eh, ako.. ako nalang ang magtatapon." pangiti ngiti niyang sabi sa akin.
"Bakit?" pagtataka ko. "Ako nalang, o kaya sunugin nalang natin para sigurado." sabi ko sa kanya.
"Hindi pare, ako nalang. Wag ka nang magpumilit ha." pagmamatigas ni pare. Hindi na ako umimik. Kinuha ko ang cellphone ko at binura lahat ng messages namin ni Chloe.
Pati ang cellphone number niya binura ko na rin. Nakita naman ni Janine ang ginawa ko, bigla siyang natawa.
"Bakit ka natatawa?" pagtataka ko.
"Pare, pwede ba? Haha.. May padelete delete ka pa diyang nalalaman, eh kabisado mo naman ang number niya. Haha.." pang-aasar niya sa akin.
"Pare naman eh, wag ka nang mang-asar." nakasimangot na sabi ko sa kanya.
"Haha.. Bakit ba? Eh yun naman talaga ang totoo.. Haha.. Delete all messages.. Delete contact.. Sus! Haha.." pang-aasar pa din sa akin ni Pare. Tawa siya ng tawa.
Nakakahawa ang tawa ni Pare kaya napapatawa na din ako.
"O tingnan mo na, natatawa ka sa sarili mo, kasi alam mong totoo, delete daw. Haha.." pang-aasar pa din niya. Kailan kaya ito titigil ng pang-aasar.
"Natatawa ako sa tawa mo, nakakahawa kaya." pagdepensa ko sa sarili ko.
"Sus, aminin mo na kasi, kabisado mo! Haha.." patuloy pa din sa pang-aasar. Nahahawa talaga ako sa tawa ni Pare, ayaw kong matawa dahil hindi naman ako masaya. Pero
wala akong magawa dahil talagang nakakahawa ang mga tawa ni pare pati na ang itsura niya, kahit mamatay mataya na siya sa kakatawa, ang cute pa din niya.
"Hindi ka titigil ng kakatawa diyan?" napapatawang tanong ko sa kanya kahit pinipigilan ko.
"Ha? Ako ba ang kausap mo? Haha.." pang-asar niya habang natawa pa din.
"Ah, ayaw mong tumigil ah! Sige, lalo kitang papatawanin ng walang tigil.." sabi ko sa kanya habang papalapit sa kanya. Mukang alam niyang kikilitiin ko siya.
"Naku pare, titigil na ko. Oh?" tumigil siya sa pagtawa niya pero halatang natatawa pa din siya. "Ahahahaha, sorry pare, pero hindi ko talaga kayang itigil, natatawa talaga
ako sayo.." pagpapatuloy niya sa pagtawa niya. Pagkatapos ay lumayo siya sa akin.
"Hindi ka makakatakas sa akin." sabi ko sa kanya habang pataas taas ang kilay ko.
"Makakatakas ako!" sabi niya sa akin at dinilaan pa ako. "Ah ganun ah!" sabi ko sa kanya. Pagkatapos at hinabol ko siya. Lumabas pa siya ng kwarto kung saan saan
tumakbo, sala, sa kusina, sa labas ng bahay pagkatapos ay pumasok ulit ng bahay, tapos dumerecho sa kwarto. Wrong move Pare. Haha. Wala ka ng kawala ngayon.
"Pare, ayoko na! Suko na ko.." hingal na hingal niyang sabing sa akin. "Matapos mo akong pagurin? Swerte mo naman." nakangiti kong sabi sa kanya.
"Pare, suko na talaga ako. Mauutas na ako." pagod na pagod niyang sabi sa akin. Napaupo siya sa kama at napahiga na sa sobrang pagod.
"Nakakaasar ka!" nakasimangot na sabi ko sa kanya habang naupo na din sa may kama. "Pinagod mo lang ako, tapos susuko ka." pagrereklamo ko sa kanya hanggang sa
napahiga pa din ako sa tabi niya.
"Ah ganun ba?" mahinahon na sabi niya sa akin, na para bang may binabalak. "Eh di hindi susuko!" umupo siya sa kama at kinuha ang unan at pinaghahampas ako.
"Pillow fight?" tanong ko sa kanya. "Sige ba! Sasabog lahat ng unan mo, pati ikaw sasabog." pagmamayabang niya sa akin. Kaya nagpaluan kami ng nagpaluan ni Pare ng
unan, naalala ko tuloy nung mga bata pa kami, madalas naming ginagawa to. Palagi kaming masaya, hdini kami titigil hangga't walang nagpapatigil o nang-iistorbo. Sa
pagpalo ko sa kanya napaupo siya, hala, mukang napalakas ata ang palo ko. Nang malapit na ako sa kanya para icheck siya pinalo niya ako ng malakas na siyang naging
dahilan ng pagkaupo ko din. Nang magkatitigan kaming dalawa, nagtawanan nalang kami. Para kaming mga baliw, pinagpawisan kami sa pinaggagawa namin.
"Miss ko yung ganito pare." sabi ko sa kanya habang hinahabol ang hininga ko.
"Ako din e, matagal na din natin tong hindi ginagawa." sabi niya sa akin pagkatapos at napahiga siya. Humiga na din ako para mabilis kaming makapagpahinga. Mga ilang
minuto din ang nakalipas bago ako nakapagsalita. "Pare, salamat ah!"
"San? Sa malalakas na palo?" tanong niya sa akin habang natatawa tawa siya. Tumagilid ako at tinitigan siya.
"Hmm.. Oo! Salamat sa lahat." seryosong sabi ko sa kanya. Hinawakan ko ang isang kamay niya. "Thank you talaga." pagpapasalamat ko ulit sa kanya.
Tumagilid din siya at tumitig sa akin. "Hindi mo kailangan magpasalamat, hindi ba partner's in crime tayo?" nakangiti niyang sabi sa akin.
Ang tatamis talaga ng ngiti ni pare, pati mga mata niya. Unti-unti akong napapalapit sa kanya, hindi ko alam kung bakit, pero parang namamagnet ako sa kanya na ewan.
Palapit ako ng palapit sa kanya habang nakatitig lang siya at nakangiti sa akin.
Lalong napapalapit ako sa kanya.
Napapalapit na ang mga labi ko sa kanyang mga labi.
Malapit na malapit na aming mga labi sa isa't isa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Medyas Lovers!
Blog Archive
-
▼
2012
(56)
-
▼
March
(21)
- Book II Chapter 11: Textmate
- Book II Chapter 12: Break?
- Book II Chapter 13: Truth or Lie?
- Book II Chapter 14: Sorry, Goodbye!
- Book II Chapter 15: Partners in Crime
- Book II Chapter 16: "You'll never see me again!"
- Book II Chapter 17: Misunderstanding
- Book II Chapter 18: Moving On
- Book II Chapter 19: Confrontation
- Book II Chapter 20: Reconciliation
- Book II Chapter 21: JJ's Moments
- Book II Chapter 22: CC's Moments
- Book II Chapter 23: Before The Event
- Book II Chapter 24: The Event
- Book II Chapter 25: Busted
- Book II Chapter 26.1: Superman To The Rescue
- Book II Chapter 26.2: Superman To The Rescue / Date?
- Book II Chapter 27.1: Chloe's Sudden Headache
- Book II Chapter 27.2: Speechless
- Book II Chapter 28.1: Flashbacks
- Book II Chapter 28.2: My Memory Is Back!
-
▼
March
(21)
Most Viewed
Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment