Monday, March 26, 2012

Book II Chapter 21: JJ's Moments

Janine



Pagkagaling ko sa university nila Chloe at Cyrus, dumeretso na ako kaagad sa bahay nila Joshua para bumawi. Pagdating ko dun, nakita ko si Joshua nasa sala, mukang kanina pang naghihintay.

"Josh!" bati ko sa kanya. Bigla naman siyang napatayo.

"Janine! Kamusta lakad mo?" tanong niya sa akin.

"Okay naman." sagot ko sa kanya. "Nga pa--"

"Ganun ba? O bumawi ka na sa akin." pagputol niya sa akin. Sasabihin ko sana kung saan ako nanggaling. Pero mukang excited na excited si Joshua.

"Oo nga. Kaya nga ako nandito diba." sabi ko sa kanya habang nakangiti. Napangiti naman siya.
"Bakit bihis na bihis ka? San lakad mo? Kala ko ba babawi ako sayo, may pupuntahan ka atah.." pagpuna ko sa kanya.

"Ako? Tayo ang may pupuntahan.." sabi niya, nagtaka naman ako. "Diba babawi ka sa akin? Kaya sasamahan mo ako magliwaliw." pagpapautloy niya.

"Magliwaliw?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "At san naman tayo pupunta?" sunod na tanong ko sa kanya.

"Kahit saan, may kotse ka, road trip tayo! Ako bahala sa gasolina, tapos KKBSP a!" sabi niya sa akin.

"Ano? KKBSP?" nagtatakang tanong ko pa din sa kanya. Napatawa naman siya.

"Kanya Kanyang Bayad Sa Pagkain! Matakaw ka kasi, baka maubos pera ko, hehe.." malokong sabi niya.

"Ah ganun? Magroad trip ka mag-isa." sungit sungitan kong sabi sa kanya.

"Ito naman, joke lang. Basta ako na ang bahala sa expenses." pagbawi niya sa sinabi niya. "Pero kung may hiya ka, hatian mo naman ako, haha.." pagbibiro niya.

"Tse!" ang tanging nasabi ko. "Teka.." sabi ko sa kanya, at may kinuha ako sa shoulder bag ko.
"Nakikita mo to?" tanong ko sa kanya habang ipinapakita ang kinuha ko sa bag.

"Oo, may nareceive din ako niyan. Wag ka mag-alala, pupunta tayo diyan." sabi niya sa akin.

"Okay! So ilang oras tayo magroroadtrip?" tanong ko sa kanya.

"Oras? Cheap mo pare, gusto ko matagal, so siguro 3 days, tapos deretso na tayo sa event!" sagot niya sa akin.

"Seryoso ka?" gulat na tanong ko sa kanya. Saan naman kaya kami pupunta nito at araw ang kailangan.

"Oo! Huwag kang mag-alala dail naipagpaalam na kita kay Tita at naipaghanda na kita ng mga damit." sabi niya sa akin habang tinuturo ang pamilyar na maleta sa may sofa.

"Akin yan a. Pinag-impake mo ako?" gulat na gulat kong tanong sa kanya.

"Obvious ba Pare? Mga tanong mo ah." pambabargas niya sa akin, inirapan ko lang siya. Kinuha niya ang maleta ko at ang bag pack niya.

"Tara na!" yaya niya sa akin habang papalabas na ng bahay at papunta na sa kotse ko.

"OA ka, maleta talaga?" sabi ko sa kanya. "Aba! Malay ko kung ano talaga ang mga kailangan mo, kaya lahat ng pwede mong kailanganin andiyan na. Wag ka na magreklamo." sabi niya sa akin.

Ano pa nga bang magagawa ko? Kundi ang sumakay sa kotse at umpisahan na ang road trip namin. Kauna-unahang pinuntahan namin syempre gasoline station, pinafull tank niya tapos sa isang 24/7 shop para bumili ng mga pagkain. Akala mo naman hindi na uuwi si Joshua at andaming pinamili. Siguro ito ang paraan niya para makapagmove on. Okay lang. As long as he is happy. Pagkatapos namin mamili, nagdrive na ulit ako, walang siguradong patutunguhan. Habang nagddrive ako nagkukwentuhan kami, nagkukulitan, soundtrip, minsan napapasayaw pa. Ang cute talaga niya sumayaw lalo na kapag may halong kalokohan.

"San ba tayo pupunta? Maggagabi na o." sabi ko sa kanya.

"Palit tayo, ako na ang magdadrive." sabi niya sa akin. At nagpalit nga kami, ngayon sia na ang nagdadrive at ako na ang nasa passenger's seat.

"San mo naman ako balak dalin? Baka kidnapin mo na ako a." pagbibiro ko sa kanya pero itsurang seryoso.

"Haha, pwede ba Pare, KIDNAP? E ang tanda mo na, kid pa!" natatawang sabi sa akin ni Joshua.

"So san nga?" tanong ko ulit sa kanya.

"Basta, relax ka lang diyan. Makikita mo din." sabi niya sa akin. Kaya sumandal ako, nagrelax, maya maya'y napatitig ako sa kanya.






Joshua


Pagkagsing na pagkagising ko, nag.ayos kaagad ako at tinawagan ko ang mommy ni Janine. Para naman habang wala pa si Janine e malibang ako. Ipinagpaalam ko siya na magrroadtrip kami na wala talagang patutunguhan. Nagpaalam din kina Mama at Papa ayaw ko na silang mag-alala pa. Pinayagan naman nila ako. Pagkatapos kong kausapin ang mommy ni Janine pumunta kaagad ako sa bahay nila, buti nalang at andun ang kasambahay nila at pinapasok ako. Pinag-impake ko si Janine. At dahil hindi ko alam kung ano ano ang kakailanganin niya kinuha ko ang maleta at ipinaglalagay ang mga gamit na sa tingin ko e gagamitin niya. Nakita ko ang madaming pack ng napkin, "Magkakaron kaya siya these days?" tanong ko sa sarili ko. Haha. Babaunan ko na din ng ilang pack, Whisper pala may Charmee pa. Haha.

Umuwi na ako sa bahay dala dala ang maleta ni Janine nang matapos kong ilagay ang mga pwede niyang kailanganin at sinimulan ko na din mag-impake. Nag-isip isip ako kung saan kami pwedeng magpunta sa loob ng tatlong araw bago ang event na pupuntahan namin. Ano kaya ang maisuot sa event na yun? Ah, kahit ano basta dapat terno kami ni pare, siya ang date ko.

Nasa sala ako ng dumating si Pare at niyaya ko kaagad siya sa aking plano. Andami daming tanong ng babaeng to, pero pumayag din naman siya. Pinafull tank ko ang kotse niya at nagsimula na kaming magroadtrip. Maya maya nakipagpalit ako sa kanya para ako naman ang magmaneho, dadalhin ko siya sa isang lugar na hindi pa niya nakikita dito sa Pinas, pero siguro nakita na niya sa ibang bansa.

Habang nagmamaneho ako, napansin kong nakatitig sa akin si Janine. Saktong red light, kaya inilapit ko ang muka ko sa kanya..

"Ganito na ba ako kagwapo at sobra ang titig mo sa akin?" pagkakacute kong sabi sa kanya. Ilang segundo din ang lumipas pero hindi siya umiimik.. "Cute ko no?" sabi ko sa kanya at bigla siyang napapikit. Nakatulog? Tinulugan ako? Bumalik ako sa tamang posisyon para magmaneho.

"Pare ang yabang mo, nakatulog ka?" sabi ko sa kanya, pero hindi siya umiimik. "Yabang mo! Hindi nakakaantok ang kagwapuhan ko no." sabi ko sa kanya, pero mukang nakatulog siya.

Nagmaneho ako ng nagmaneho hanggang sa makadating kami sa isang lugar na para sa akin maganda, sana magustuhan din niya.

"Janine, gising na.. Andito na tayo." paggising ko sa kanya.

"Asan tayo?" tanong niya. "Nasa tuktok ng bundok, malapit ng mahulog!" pagbibiro ko sa kanya.

"ANOOOOO? BAKIT?" napapraning na sabi niya.

"Joke lang." sabi ko sa kanya habang nakapeace sign.

"Wag mo kong bibiruin kapag bagong gising, baka masapak kita diyan." nakangusong pakamot kamot sa ulo niyang sabi sa akin.

Nag-unat unat siya nang lumabas ako sa kotse at pumunta sa kabilang side. Pinagbuksan ko siya ng pinto ay ginuide palabas.
"Welcome to my so called Philippines' Little Stars!" masayang sabi ko sa kanya.

Hindi kaagad siya nagsalita, siguro hindi nia nagustuhan. Naku mali ata ang lugar na napili ko.
"Janine, tara na." pagyayaya ko sa kanya dahil sa tingin ko hindi niya nagustuhan. Pero hindi pa din siya nagsasalita, imbis na bumalik sa kotse naglakad pa ito papalayo.

"Why?" tanong niya sa akin. "Ha? Anong why?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Why you didn't tell me earlier that there's such place!" nakakanosebleed na tanong niya.

"Ahh, kasi.." nauutal kong sabi sa kanya. Di ko alam kung bakit ako nauutal.

"Ang ganda! I've seen this kind of view sa New Zealand but seeing this here in the Philippines.. Wow!" sabi niya sa akin. Nagustuhan pala niya, banong bano siya sa nakita niya. Akala ko hindi niya nagustuhan. Nasa mataas na lugar kami, kung saan madalang ang mga taong dumadaan, tagong lugar siya, isang napakagandang view ang itinago ng lugar na ito, narerelax ako kapag nakikita ko ito. Parang mga bituin ang mga ilaw ng mga buildings at mga kotse na mabagal ang galaw, kapag nakikita ko ito, naiisip ko na hindi imposibleng maabot ang mga pangarap ng kahit na sino, dahil parang kayang kaya kong abutin ang mga bituin at sa katunayan parang mas mataas pa ako sa mga ito.

"Akala ko hindi mo nagustuhan, sige titigan mo lang." sabi ko sa kanya. Pumunta ako sa kotse at kumuha ng snacks at maiinom. Konting alak, bonding lang. Umupo ako sa ibabaw ng kotse at inihanda doon ang aming kakainin at iinumin.

"Ang daya mo Josh, hindi mo kaagad ito sa akin ipinakita." sabi niya sa akin habang nakangiting umaakyat sa ibabaw ng kotse niya.

"Ngayon lang ako nagkaron ng chance e." sabi ko sa kanya.

"Ganun ba? So paano mo ito nadiscover?" tanong niya habang binubuksan ang isang pack ng junk foods.

"Urmm.. nung unang beses kong subukang kalimutan ang nararamdaman ko para kay Chloe." seryosong sabi ko sa kanya pagkatapos ay uminom.

"Nagagawa nga naman ng mga nagmumove on." sabi niya sa akin. Napangiti lang ako. "Pero it wasn't successful, was it? So bakit ka bumalik dito?" sabi niya, nang-aasar ba to?

"Oo, I failed. I don't know. Siguro dahil gusto ko na ulit simulan ang pagmumove on." sagot ko sa tanong niya.

"Talaga bang sinubukan mong magmove on?" tanong niya sa akin habang nakatitig sa view.

"Oo naman! Hindi ka ba naniniwala?" sabi ko sa kanya.

"Naniniwala naman. Pero.." napabuntong hininga siya at tumingin siya sa akin. "Joshua, may sasabihin ako sayo pero sana wag mo akong pagtawanan, okay?" sabi niya sa akin. Tumango naman ako at napabuntong hininga ulit siya.

"Okay! When I was in New Zealand I also tried to move on. Sinubukan ko din na kalimutan ang feelings ko para sayo hanggang umabot sa punto na sinubukan kong kalimutan ka." seryosong sabi niya sa akin habang nakatitig siya sa mga mata ko. "But I failed, just like you, I know naman na you know na I still love you, hindi ba?" tanong niya sa akin, nabigla naman ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko, tama siya. "Tama ako, right? Pero narealize ko na, I wasn't moving on. Na I just can't blocked my feelings for you out of my heart, life.. kasi I really love you and I can't.. I just can't. Lalo na kapag naaalala ko yung mga pinagsamahan natin noon." pagpapatuloy niya, hindi ako makapagsalita dahil sa mga narinig ko, nakatulala lang ako. Parang dinudurog ang puso ko sa mga narinig ko, sinubukan niya akong kalimutan, ang lupit naman. Napangiti nalang siya sa akin dahil sa reaksyon ng muka ko.

"Joshua, Walang ibang makakatulong sa iyong makapagmove-on kundi ang sarili mo. Kung talagang ayaw mo na siyang maalala, wag mong ipipikit ang mata mo kung ang iisipin mo lang rin naman ay ang nakaraan niyo." pagkasabi niya yan at tumayo siya sa kotse, inubos ang kanyang inumin at sumigaw ng napakalakas.

"Janine, ano ba yan? Magigising ang mga engkanto." pagbibiro ko sa kanya.

"Haha, o ayan, nakapagsalita ka na." natatawang sabi niya sa akin. "Oo, Joshua! Sinubukan kong kalimutan ang feelings ko para sayo at ikaw na mismo. Pero hindi ko kinaya, dahil mahal talaga kita at madami na tayong napagsamahan." seryosong sabi niya sa akin, maya maya'y napangiti siya. "Sinasabi ko to sa'yo not because I want you to give me a chance, napalaking NO! I'm telling you this just to show you na you can be happy even though you're not moved on. Gets mo ba? pagpapatuloy niya.

"Hindi!" deretsong sagot niya sa akin.

"Hay naku, diba matalino ka? Ang mga matatalino nga naman pagdating sa pag-ibig nabobobo din." pang-aasar niya sa akin.

"O tapos? Anong point? Sige na. Deretsuhin mo na. Pinag-iisip mo pa ako." sabi ko sa kanya habang nagbubukas ng bagong maiinom. Nagbukas din siya bago siya nagsalita.

"Tamad mo, ilang taon hindi mo naisip, nagconcentrate ka kasi isang bagay e." sabi niya sa akin sabay inom. Ang lakas pala uminon ni Janine. Baka mauna pa akong malasing kaysa sa kanya. "Ganito lang yan, Mr. Joshua Garcia, kung hindi mo siya kayang kalimutan or ung nararamdaman mo para sa kanya, e di pag-aralan mo siyang mahalin ng walang kapalit. Hindi mo ba naisip yun?" sabi niya.

"Naisip.." sabi ko sa kanya.

"Talaga? Siguro nga naisip mo, pero hindi mo ginawa. Siguro naisip mo maging masaya para sa kanya, pero at the same time you were still wishing na sana mahalin ka rin niya balang araw." pagpapatuloy niya. Hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko. Natatawa naman siya sa akin. "Okay lang yan, ganyan din ako dati, hanggang sa sinubukan ko, pinag-aralan kong mahalin ka nang hindi umaasa na mamahalin mo din ako one day.. mahirap kasi umasa. Tsaka tumatanda na tayo we must know how to face these kinds of things, hindi ba?"

"Salamat pare ah, expert ka pala di mo kaagad sinabi." sabi ko sa kanya.

"Hindi naman ako expert, di ko naman talaga dapat sasabihin eh, mas okay kasi kung ikaw mismo ang makakaalam, pero since mukang hindi mo talaga narerealize, sinabi ko na. Goodluck!" sabi niya sa akin at tinapik ang balikat ko.

"Salamat talaga. Sana makayanan ko ang nakaya mo." sabi ko habang niyakap ko siya.

"Kaya mo yan! Wag mong sabihin na magpapatalo ka sa akin? Haha. Weeeaaaak!" pang-aasar niya.

"Yabang mo naman pare!"

"Hindi naman, oh ito last, masarap sa pakiramdam kapag mahal ka ng taong mahal mo di ba? Pero trust me mas masarap sa pakiramdam kapag natutunan mo siyang mahalin ng walang kapalit." pagtatapos niya. Napaisip naman ako, mukang tama siya. Kayayanin ko to.

"Kakayanin ko, basta gabayan mo ko, pwede ba?" rekwes ko sa kanya.

"Oo naman, partners in crime?" sabi niya sabay taas ng bote.

"Partners in crime!" sigaw ko. At biglang bumuhos ang napalakas na ulan.

"Patay na, kaya pala biglang humangin." sabi ni Janine habang bumababa sa ibabaw ng kotse.

"Ako na ulit ang magmamaneho." sabi ko sa kanya.

"No! No way! Nakainom ka.." sabi niya sa akin habang patakbong pumunta sa pinto ng driver's seat. Ayaw niya akong papasukin.

"Basang basa na tayo oh! Pumasok ka na dun sa kabila, nakainom ka din naman." sabi ko sa kanya.

"Oh well, at least I know that I can drive even I'm drunk! Alis na, ako na kasi!" pagpipilit niya sa akin.

"Teka nga!" at binitawan ko ang pinto. "Sino bang mas lasing sa atin? Basang basa na tayo oh.." tanong ko sa kanya.

"Sino ba? Eh di ikaw." natatawag sabi niya. "Basa lang yan, natutuyo din naman yan!" pagpapatuloy niya.

"Paano mo nalaman? Aber?" tanong ko sa kanya.

"Oh sige, patagalan tayong nakatayo na gamit ang isang paa, tapos ang kabilang paa naman nakatukod sa tuhod ng isang paa, tapos ilagay ang thumb sa noo then tutungo tayo at gamit ang hinliliit ipapatong un sa ibabaw sa tuhod ng paang nakatukod." paghahamon niya sa akin.

"Yun lang pala eh, sige!" pagsang-ayon ko sa kanya.

"Ako na ang mauuna!" pagmamayabang niya. At ginawa nga niya yun, sinundan ko naman siya. Ilang segundo na ang nakakalipas ngunit hindi pa siya bumabagsak. Maya maya pa'y napatagilid na ako at natumba na. May tama na nga ata ako.

"Ahaha, o ayan. Sabi sayo eh, sino mas lasing sa atin ngayon?" pang-aasar niya. "Lasing na nga, nagdumi ka pa dyan sa ulanan, haha, parang bata lang o.." patuloy niya sa pang-aasar.

Habang tumatawa siya hinila ko siya pababa, kaya napaupo na din siya sa ulanan.
"Oh ano? Pareho na tayong madumi!" sabi ko sa kanya sabay takbo papasok sa loob ng kotse, sa passenger's seat ako naupo dahil talo ako. Pagkapasok ni Janine sa loob, tuloy pa din ang pang-aasar niya.

"Madumi na kung madumi, pero sino ang lasing? Sino ang may tama? Si JOSHUAAAAA!" pang-aasar pa niya.

"May tama si JOSHUAAAA!"

"Si JOSHUA may tamaaaaa.. Ahahaha..·


Inistart na niya ang kotse at nagsimulang magmaneho.







Janine



I can't believe na nasabi ko lahat yun kay Joshua, na nasabi kong mahal ko pa din siya. Hay naku. Basta nasabi ko na, sana magawa din niya para sumaya na din siya. Basang basa kaming pareho, pati loob ng kotse ko nabasa na to, papacar wash ko nalang to.

"San mo naman ako dadalhin?" sabi sa akin ni Joshua.

"Kikidnapin kita." pagbibiro ko sa kanya.

"Kidnap? Tanda ko na kaya." sabi niya.

"ISIP KID naman!" natatawang sabi ko sa kanya. Kikilitiin niya sana ako.. "O, o nagmamaneho ako." sabi ko sa kanya sa mapang-asar na malambing na boses.

"San tayo?" muling tanong niya.

"San pa, kundi sa lugar kung saan pwede tayong magpalinis ng kotse at magpalit ng damit. Magagalit si Mommy kapag nagkamansta ang kotse ko." sabi ko sa kanya.

Kaya nagpunta kami sa isang gasoline stationg kung saan 24/7 ang pacar wash ng buong kotse, mula loob hanggang labas, nagputik kasi dun sa pinuntahan namin kaya pati loob ng kotse naputikan pagpasok namin. Pagkatapos ay nagdinner kami sa isang restaurant, nagdrive ulit at ng antukin naghanap ng matutuluyan. Kinabukasan naligo lang, kumain at muling naglaboy. Tamang sound trip at kulitan sa loob ng kotse. Hanggang sa naisipan namin pumunta sa Enchanted Kingdom. Walang masyadong tao kaya madami kaming nasakyang rides.

Akala ni Joshua hindi ako marunong magkart, nagulat tuloy ang mokong. Naglaro din kami ng kung ano ano dun. May mga prizes kaming nakuha, magaling si Joshua sa mga ganung bagay. Pangperya tong taong to eh, haha. Nilibot namin ang buong enchanted kingdom, kapag napapagod, uupo muna saglit, magpipicture pagkatapos ay magagagala at magsasakay na ulit sa mga rides. Madaming kulitan at asaran ang nangyari nung araw na yun, masaya ako at masaya din naman siya. Ito ang isa sa mga pinakamasayang araw ng buhay ko, ang makasama ang taong mahal ko kahit wala akong inaasahang kapalit mula sa kanya.

Bumili din kami ng tig-isang cotton candy! Parang mga bata talaga kami. Walang ibang ginawa kundi ang magkulitan at mag-asaran. Wala kaming pakialam kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao. Nang madilim na sinimulan na namin pilahan ang mga water rides, para kahit mabasa kami, okay lang, pauwi na din naman. Pagkatapos namin magrides, nasakto may event ata, may mga nagparade, ang gaganda nila, para talagang magic. Andami naming nadala pauwi, mga stuff toys at mga souvenirs.
Pagdating namin sa kotse, nagkatanungan kung san ang sunod na lakad, pareho kami ng naisip, kinabukasan pupunta kami sa EK BIKI Waterworld, mag-aasal bata na naman kami. At yun na nga ang nangyari, maghapon ulit kami dun, nagswimming, nagkulitan, nagbasaan at kung ano ano pa. Madami din kaming nakalarong mga bata. Minsan naiisip ko, magkakaanak kaya ako ng ganitong kadami? Haha, sino naman ang tatay? Nako, ba naman ang mga napag iiisip ko. Pangalawang araw na namin ni Joshua na magkasama na walang inatupag kundi ang magkulitan at bumalik sa pagkabata.

Nang pauwi na kami may naiwan si Joshua sa loob ng locker kaya binalikan niya ito, pinaghintay nalang niya ako sa exit para hindi na daw ako mapagod sa paglalakad lakad. Kamalas malasan nga naman, may nakatulak pa sa akin.

"Aray! Ano ba? You're so careless!" mataray na sabi ko sa nakatulak sa akin.

"I'm sorry naman. Di ko sinasadya, ung kaibigan ko kasi eh." sabi nung nakabangga sa akin.

"Well then both of you are careless!" pagtataray ko pa din sa kanya. Nagulat ako ng nakita ko sa likod nang nakatulak sa akin si Joshua.

"Hon, anong problema?" tanong niya sa akin.

"Ito kasi......." mabilis kong sagot sa kanya pero natigilan ako.. Ano daw? Anong sabi ni Joshua? Hon? Nabingi ba ako sa pagkakabagsak ko? O ano? Malamang nabingi lang ako.

"Ano Hon?" muling tanong niya. Aba! Hon nga ang sabi niya, mapag-uusapan yan mamaya ang importante e ung nakatulak sa akin.

"Ah yan kasi, napakacareless! Nakaasar! Napabagsak tuloy ako." pagsusumbong ko sa kanya.

"Pre, sa susunod mag-iingat ka a. She is so precious para lang mabagsak." sabi niya sa nakabangga sa akin. Nagsorry naman siya at umalis na.

"Napakahot headed mo." sabi sa akin ni Joshua sabay akbay.

"Eh nasaktan ako e!" reklamo ko sa kanya.

"Yaan mo na, tara na Hon! Pahinga na tayo." pagyaya niya sa akin, at talagang Hon pa a.

"Hon? Hon ka dyan, eh kung hinaHON-PAS kita dyan, a?" natatawang sabi ko sa kanya.

"Sige gawin mo yan, haHON-likan naman kita." pambawi niya sa akin. Tanga ba to? Pabor ata sa akin yun. Haha.

"HON-la wag nalang. Baka magkakompitensya." sabi ko sa kanya.

"HON-o?" nagtatakang pabirong sabi niya.

"HON-yaan mo na, LG ka e! Haha.." sabi ko sa kanya at pumasok na kami sa kotse, nagdrive papunta sa makakainan at matutulugan.



Pareho kaming pagod kaya nakatulog kaagad kami, syempre kahit sa iisang kwarto lang kami natutulog palaging 2 beds ang kinukuha namin. Alam naman naming walang mangyayari, pero just in case, baka kung anong isipin ng ibang tao. Kinabukasan nauna akong nagising sa kanya kaya naghanda kaagad ako, pagkatapos ko gumamit ng CR, saktong gising naman ni Joshua.

"Good Morning, sleeping beauty!" malokong bati ko sa kanya

"Sleeping beauty ka dyan." sabi niya at dumeretso sa banyo. Naligo at nagbihis. Pagkatapos ay nagyaya na. Malling ang trip niya. At dahil malakas ang sapak niya, sa Mall Of Asia pa nagyaya. Nagbreakfast muna kami, pagkatapos ay nag-ice skating. Masaya, nakakatawa, andaming bagsak namin pareho. Marunong kaming magroller blades pero iba pa din kapag sa yelo. Nagshopping ng konti at nagtingin tingin ng damit para sa susuotin namin sa event bukas. Terno kami ng binili damit, syempre ako daw ang date niya, wala naman akong ibang choice, siya lang din naman ang makakadate ko. Matapos kaming mamili at kumain, nagdecide kaming manuod ng isang movie, AMNESIA GIRL ang napili namin. Tawa kami ng tawa sa mga pick up lines na nakikinig namin. Kami ang pinakamalakas tumawa, medyo naiyak naman ako sa drama part, at ang malokong Joshua, nag-inarte na kinocomfort niya ako. Pagkatapos namin manuod ng sine, napagpasyahan namin na umuwi na, para makapagpahinga para sa pupuntahan naming event.

Hinatid ko muna si Joshua bago ako umuwi, syempre ako ang may kotse, kaya siya muna ang mauunang umuwi. Nang nasa tapat na kami ng bahay nila Joshua..

"Ja, thanks for being here for me." seryosong sabi niya sa akin.

"Ja? Kelan pa? Shortcute kana din a." sabi ko sa kanya.

"Seryoso. Madaming salamat talaga, lalo na dun sa mga advice mo." pagpapatuloy niya.

"Josh, advice lang yun, ikaw pa rin ang makakapagsabi kung gagawin mo yun at kung sa tingin mo yun ang dapat mong gawin." sabi ko sa kanya.

"Okay, maraming salamat talaga." sabi niya sabay yakap sa akin. "No problem, anytime!" sabi ko sa kanya.

"Kaya love kita eh.." sabay kiss sa cheeks ko, medyo natulala naman ako. "Sige Ja, sunduin kita bukas sa inyo." sabi niya sabay baba sa kotse, napatango nalang ako. Lalaking yun, wag ganyan Josh, wag ganyan.


"JANINE! BESTFRIEND LANG KAYO!" sabi ko sa sarili ko..












0 comments:

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.