Sunday, March 25, 2012

Book II Chapter 16: "You'll never see me again!"

Joshua


"Di nga?......." mga salitang lumabas sa bibig niya.

Nagulat ako. :O

Gising si pare?

Narinig niya kaya ang sinabi ko? :O



"Weh? Totoo? Ganun na kamahal ang gatas?" dugtong niya. Ahahahaha.. Pasaway talaga to si pare. Akala ko naman narinig niya mga nasabi ko. Nananaginip lang pala. Maya maya ay humilik na ulit siya.

Pumunta na din ako sa sofa para magpahinga. Hindi na din naman ako nito makakatulog ng maayos. Dahil simula ng nakatext ko si Chloe, nagkainsomnia na ako. BI talaga yun, haha.. Buti nalang hindi ako nagsummer classes. Isang buwan nalang pasukan na ulit. Sana bago magpasukan maging okay na kami nila Chloe at Joshua. Makaidlip na nga muna.

*Tu.. tut.. tu.. tut.. tu.. tut.. tu.. tut..*

Nang makinig ko ang alarm clock ko ay kaagad ko itong kinuha para hindi magising si Pare. Nadapa pa ako sa pagmamadali, buti nalang tulog mantika siya. Dali dali akong naligo at nagbihis. Pagtingin ko sa orasan, sakto! A las 7 palang. Makakabili pa ko ng pang almusal ni Janine sakaling magising siya at wala pa ako dito sa bahay.

Pagkabalik ko, inihanda ko na ang pagkain sa mesa, tinakpan ko ito. Baka kasi may maligaw na langaw. Haha.. Pagkatapos ay dumerecho ako sa kwarto. Tulog pa din si pare. Kailangan kong umalis dahil susunduin ko sina mama at papa kaya nag-iwan nalang ako ng note sa kanya, tsaka ako umalis. Halos isang oras ang byahe papunta sa ospital may kaluyuan kasi. Pagdating ko ay naghahanda na sila para umuwi. Niyakap ko si mama at nagmano naman ako kay papa.

"Kamusta po?" pangangamusta ko sa kanilang dalawa.

"Okay naman ako anak, mas gumaan ang pakiramdam ko." sagot sa akin ni mama.

"Ikaw muna dito anak, magbabayad lang ako!" sabi sa akin ni papa.

"Mama, sorry po talaga sa nagawa ko.. Pangako po hindi mauulit. Nagpapakabait na po ako." paghingi ko ng tawad sa kanya. Kaya nagkasakit si Mama ay dahil sa akin. Nung nagbulakbol dati, pero hindi na mauulit yun. Paminsan minsan ay kinakailangang dalhin si Mama sa ospital para inconfine dahil nahihirapan siya sa paghinga.

"Anak! Okay na. Basta ung pangako mo, tuparin mo. Hindi mo kailangang humingi ng pagpapatawad araw araw. Nakakasawa na din anak." sabi sa akin ni mama.

"Mama naman nagbibiro pa. Pero salamat po." pagkatapos at hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap. Ang nanay ko talaga maloko din. Sa kanya ako nagmana. Si papa kasi serious type.

Maya maya pa umuwi na nga kami. Pagdating namin sa bahay andun pa rin ang mga pagkain sa mesa. Mukang hindi pa nagigising si pare.

"Oh anak, ipinaghanda mo kami? Mabuti naman at naisipan mo yan." sabi sa akin ni papa ng makita ang mga pagkain sa mesa.

"Pero bakit sobra ata ng plato?" pagpuna naman ni mama.

"Hindi po, dito na po kasi nakatulog si Janine kaya pinaghanda ko na din siya ng makakain." sagot ko kay mama. napatango nalang si papa at kumain na.

"Si Janine? Kayo na ni Janine? Ay mabuti naman, bagay kayo anak! Nakakatuwa naman.." sunod sunod na sabi ni mama.

"Ma, hindi po. Magbestfriend lang po kami. Ay hindi po pala, partners in crime po pala. Hehe.." sagot ko sa kanya. Kitang kita sa muka ni mama ang saya ng mga sinabi niya yun. Mukang gusto ni mama si Janine para sa akin ah.

"Kayo talagang mga bata kayo!" ang huli niyang sinabi habang papunta na ako sa aking kwarto.

Tulog pa nga si Pare. Talagang napagod siya. Sana naman pagbalik ko gising na siya. Pupuntahan ko si Chloe sa university nila at ibibigay tong regalo niya para kay Cyrus. Kung hindi lang niya to pinagpaguran hanapin, itatapon ko na to e. Haha.. Bitter ako? Jokes lang yun. Tsaka gusto ko din makausap si Chloe. Ito na ang chance ko.

Nag-iwan nalang ulit ako ng note para kay pare. Kinuha ko ang cap ko at ang shades para magdisguise ng konti. Humarap ako sa salamin, tiningnan ko kung hindi na ba ako mahahalata sa suot ko. Sus! Pogi pa rin o! Haha.. Mas pogi pa nga e.Pagkatapos ay pumunta na ako sa university nila Chloe at Cyrus. Ang layo layo naman. Pero okay lang basta makita at makausap ko si Chloe, sana hindi ako makita ni Cyrus.

Ang daming tao sa labas, saan ko kaya makikita si Chloe? Hindi naman ako pwedeng magtanong dahil baka kaibigan ni Cyrus ang mapagtanungan ko. Sikat pa naman daw siya dito dahil sa mga achievements niya. Pero sikat din naman ako sa university namin, yun nga lang dahil sa mga kagaguhan ko nuon, pero mas gwapo pa din ako sa kanya, walang duda. Haha..

Pumasok na ako sa university nila. Hihintayin ko nalang dito si Chloe, umupo ako sa may bench sa may ilalim ng puno. Medyo nakatungo ako, pero kita ko pa din ang mga dumaan. Pumasok o lumabas man si Chloe makikilala ko siya, kahit nakatalikod pa siya. Mag-iisang oras na din akong naghihintay dun at nagmamasid pero walang Chloe.

Maya maya pa ay nagulat ako ng may umupo sa tabi ko. "Pashare ah! May hinihintay lang." pagpapaalam ng isang babaeng kilala ko ang boses. At hindi ako pwedeng magkamali. "Chloe?" pagtatanong ko kung siya nga ang prinsesa ko. Walang duda, siya na nga. Ganda talaga niya kahit pagod na siya. Kitang kita sa muka niya.

"Joshua?" balik niyang tanong sa akin na para bang hindi makapaniwala.

"Oo ako to! Mas gwapo kapag may shades no? Haha.." pagyayabang ko pa sa kanya.

"Yabang mo talaga! Alis na ko, hindi kita pwedeng kausapin!" pagtataray niya sa akin, tumayo siya naglakad papalayo.

"Chloe, usap naman tayo. Saglit lang." sabi ko sa kanya ngunit hindi siya umiimik, patuloy siya sa paglalakad.

"Sige na Chloe, sandali lang naman e! Tsaka ito oh dala dala ko yung binili mong regalo para kay Sai." wala pa din siya sa kaing sinasabi.

"Chloe please. Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano ba sinabi ni Sai? Bakit mo ako iniiwasan? Chloe please.." kung saang saang building na kami nakarating pero di pa din niya ako kinakausap. Para akong asong susunod sunod sa kanya. Minsan titigil siya, akala ko kakausapin na niya ako, tas maglalakad ulit siya. Anlabo.

"Chloe, kausapin mo ako ng maayos! Ikwento mo sa akin ang nangyari.. Sige na.. Wala naman akong balak manggulo e. Kung hindi mo kukunin ang regalong to, wala kang pangregalo kay Sai." pagmamakaawa ko pa din sa kanya.

Humarap siya sa akin. Hala, naiyak ang prinsesa ko. "Chloe, wag kang umiyak." tanging nasabi ko sa kanya.. Kitang kita sa mga mata niya na gulong gulo siya.





Chloe


Hays. Ang init init naman. Asan na ba c Cyrus? Nakakaasar na ha. Isang oras mahigit na ko nag-iintay dito pero wala pa din siya. Ang arte naman kasi. Kailangan pa akong sunduin at ihatid sa bahay. Pwede naman ako magcommute or magpasundo kay tito o tita. O di kaya sa library nalang ako pinaghintay, at least nakaaircon diba? Nakakapagod na. May mga nakaupo pa naman sa mga bench, may space pa naman dun sa isang bench na yun. Kaya lang ang weird naman nung lalaki yun. Nakacap na nga nakashades pa, tapos nakatungo pa, wala naman araw pero sobrang init talaga! Nagdecide akong umupo sa tabi ng lalaking yun, no choice eh. Pero bago ako umupo nagpaalam muna ako sa kanya..

"Pashare ah! May hinihintay lang." sabi ko sa lalaking mukang ewan dahil sa cap at shades niya.

"Chloe?" sabi nung lalaking weird. Kilala niya ako? Teka, parang kilala ko ang boses na yun?

"Joshua?" pagulat kong tanong sa kana. Bakit siya andito? Bakit ganyan ang suot niya? Infairness gwapo pa din si daddy.

"Oo ako to! Mas gwapo kapag may shades no? Haha.." pagyayabang niya sa akin.

"Yabang mo talaga! Alis na ko, hindi kita pwedeng kausapin!" pagtataray ko sa kanya, tumayo ako at naglakad palayo. Pero totoo naman yung sinabi niya, ang gwapo talaga ni Daddy.

"Chloe, usap naman tayo. Saglit lang." sabi niya sa akin ngunit hindi ako umiimik, patuloy ako sa paglalakad.

"Sige na Chloe, sandali lang naman e! Tsaka ito oh dala dala ko yung binili mong regalo para kay Sai." hindi pa din ako nagsasalita, wala pa din akong sinasabi sa kanya. Kahit gustong gusto ko siyang kausapin.

"Chloe please. Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano ba sinabi ni Sai? Bakit mo ako iniiwasan? Chloe please.." pagmamakaawa niya sa akin. May mga pagkakataon na hihinto ako sa paglalakad para kausapin na siya, pero naaalala ko ang sinabi ni Sai, ayaw kong magalit siya sa akin. Anniversary pa naman namin bukas. Kaya patuloy ako sa paglalakad. Naiiyak na ako, gustong gusto ko siya makausap pero hindi pwede.

"Chloe, kausapin mo ako ng maayos! Ikwento mo sa akin ang nangyari.. Sige na.. Wala naman akong balak manggulo e. Kung hindi mo kukunin ang regalong to, wala kang pangregalo kay Sai." pagmamakaawa niya sa akin. At sa pagkakataong yun, tumulo na nga ang mga luha ko at humarap na ko sa kanya.

Gusto ko mang pigilan ang pagtulo ng mga luha ko pero hindi ko magawa. Para akong tanga. Gulong gulo ako.

"Chloe, wag kang umiyak." ang sabi niya sa akin. Awang awa siya sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa. Maya maya pa'y pinunasan na niya ang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata.

"My Princess, huwag ka nang umiyak. Ayaw kitang umiiyak. Gusto lang naman kita makita at gusto ko lang naman ibigay to sa'yo dahil pinaghirapan mo tong hanapin sa mall, dba? Para to sa anniversary niyo ni Sai." sabi niya sa akin habang pinupunasan pa din ang mga luhang walang tigil sa pagpatak, nakakaasar parang gripo.

"Hindi tayo pwedeng mag-usap Joshua. Sorry talaga." sa mga sinabi kong yan sa kanya, lalong bumilis ang pagpatak ng mga luha ko.

"Ganun ba?" malungkot na tanong niya sa akin. Nakikita ko na napapaluha na siya pero pinipigilan lang niya. "Kung yan ang gusto mo my princess, masusunod." tumulo na nga ang mga luha niya. Para namang nadudurog ang puso ko sa mga oras na to, si Joshua naiyak ng dahil sa akin, first time kong nakita to. "Pero kunin mo na ang regalo mo para kay Sai." pangungulit niya tungkol sa pesteng regalo na yun.

"Ang kulit mo talaga, sayo na yang regalong yan, d ko na ibibigay yan. May sumpa yan. Muntik na kaming magbreak dahil diyan." pagtataray ko sa kanya, pero naiiyak pa din ako. Makulit talaga si Joshua, inabot pa din niya sa akin ang regalo, wala na akong nagawa kundi kunin ang regalong yun.

"Tahan na baby! Aalis na ako, pasensya ka na sa gulong naidulot ko. Good luck! You'll never see me again, unless you ask for it." pagpaalam niya sa akin kasama ang pilit na ngiti at may mga namumuong luha sa kanyang mga mata. Pero bago siya umalis, pinunasan niya ang mga luha ko at inayos ang buhok ko. Ang sweet talaga ni daddy. Nakakaasar kasi si Sai, natutong magselos. :'(

Wala pang isang minuto ng umalis si Daddy ay nakita ko si Sai, nakatingin sa akin. Sobrang nagulat at natakot ako nung mga oras na yun. Nakita kaya ni Sai si Daddy? Nakita niya kaya kaming nag-uusap? Ano kaya ang sasabihin niya sa akin? Baka mag-away na naman kami.




"Aray! Sai..."

"Sai... nasasaktan ako..."




Cyrus


Kausap ko ang mga kaorg ko sa ilalim ng puno malapit sa library nang makita ko si Chloe naglalakad na parang wala namang patutunguhan. At may sumusunod pa sa kanya na nakacap at nakashades, si Joshua siguro yun. Nag-init kaagad ang ulo ko.

"Guys, I have to go. Just message me everything, ok?" pagpapaalam ko sa kanila.

Sinundan ko si Chloe, gusto kong malaman kung saan sila pupunta at kung si Joshua nga yun. Malalagot talaga sa akin ang dalawang yun. Nasa may likod lang nila ako nalalakad, paminsan minsan medyo dumidistansya dahil baka makita nila ako. Ang layo na ng narating namin pero hindi pa din natigil si Chloe, minsan akala mo titigil pero derederetso pa din siya, hanggang sa lumingon siya..

"Si Joshua nga yun, I'm sure! At talagang kakausapin pa ni Chloe ah." nabubwisit kong sabi sa aking sarili. Kaya nagpasiya akong lapitan sila.

"Admin Cyrus!" sigaw ng isang lalaki. "Kailangan niyo pong sumama sa akin." ang sabi niya, isa sa mga kaorg ko.

"I'm sorry, I can't!" pagtanggi ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad papunta kina Chloe.

"But this is very very important!" pagpipilit niya sa akin.

"Okay fine! I'm coming.." paangil kong sabi sa kanya. At umalis na nga kami, pero tiningnan ko muna sina Chloe, mukang seryoso ang usapan, mukang matatagalan sila. Maabutan ko pa sila. Hindi naman pwedeng pabayaan ko ang mga kaorg ko.

Pagpunta ko sa mga kaorg ko. Kinausap ko sila at tinanong kung anong problema. Nasolusyonan din naman namin kaagad yun. Mabuti nalang at mabilis lang. Kailangan ko ng bumalik kina Chloe. Masama talaga ang kutob ko. Pagdating ko dun, natigilan ako ng nakita ko sila. Kausap ni Chloe ang lalaking yun, hindi ko makita ang kanyang muka dahil nakatalikod siya. Pero kitang kita ko ang ginagawa niya. Pinupunasan niya ang mga luha ni Chloe at inaayos pa ang buhok. Si Joshua nga to. Nang lalapit na ako, biglang umalis ang lalaki. Napahinto ako at napatitig nalang kay Chloe. Wala pang ilang segundo at nakita na ako ni Chloe, nagkatitigan kami. Naaasar ako sa kanya, sa kanila, talagang sinusubukan nila ako.

Lumapit ako kay Chloe.. Kinapitan ko siya sa kanyang braso at hinila papunta sa parking lot ng university.


"Aray! Sai..." daing niya. Mahigpit kasi ang pagkakapit ko sa kanya. Sinabi ko ng wag siyang makipag-usap kay Joshua pero hindi siya nakikinig.

"Sai... nasasaktan ako..." mahinang daing niya. Kitang kita sa itsura niya na nagmamakaawa siyang bitawan ko na siya. Pero hindi pwede. Kailangan namin mag-usap ng masinsinan. Hindi pwedeng ganito. Tumutulo na ang mga luha niya pero hindi siya pumapalag dahil alam niyang pareho kaming mapapahiya.

Nang makarating kami sa parking lot. Binuksan ko ang pinto at pinipilit ko siyang pumasok. Ayaw niyang pumasok, umiiyak siya, kaya wala akong nagawa kundi ang itulak siya papasok ng kotse.



"CYRUS, ANO BA?"

"Well, I don't care!"

"NO! YOU STAY HERE!"


"LEAVE ME.. ALONE!"

0 comments:

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.