Sunday, March 25, 2012

Book II Chapter 15: Partners in Crime

Joshua

"Pare, ano to? Para kanino to?" tanong sa akin ni pare. Tiningnan ko naman kung ano ang kapit kapit niya.

Tumayo ako at lumapit kay pareng Janine. Napangiti ako.

"Pare! Kaya mahal kita eh, ang galing mo talaga!" nakangiting sabi ko sa kanya at kinuha ang kapit kapit niya..

Yun ung regalong binili ni Chloe para sa 4th Anniversary nila ni Cyrus. Naiwan niya yun sa table na pinagpahingahan namin kaya ako nalang ang nag-uwi. Sayang naman kung maiiwan lang dun.

"Oh so para kanino nga yan pare?" muling tanong sa akin ni Janine.

"Para kay Cyrus to!" sagot ko sa kanya. Medyo nalungkot ako, sana kasi para sa akin nalang.

"What? Regalo mo para kay Cyrus?" nagulat na tanong ni Janine. Natawa naman ako.

"Ano ka ba pare, ito yung binili ni Chloe para kay Cyrus!" natatawang sagot ko sa kanya.

"Ah! Linawin mo kasi, akala ko nililigawan mo na si Cyrus! Haha.. Suhol!" natatawang pang aasar ni pareng Janine.

"Sige, pagtawanan mo pa ko!" inis inisang sabi ko sa kanya pero tuloy pa din siya sa pagtawa. "Alam mo ikaw, nagpunta ka lang ng New Zealand pagbalik mo marunong ka na mang-asar!" patuloy na sabi ko sa kanya.

"Aba! Syempre.. Nadevelop na yung talent ko dun e! Kaya may katapat ka na." proud na proud niyang sabi sa akin at may padila dila pa.

"Ang yabang mo na ngayon ah!" nakangiting sabi ko sa kanya habang nilalapitan ko para kurutin ang kanyang pisngi.

"Aray! Aray! Mana lang sayo!" pagrereklamo niyang sabi habang nangingiliti sa bewang. Hindi niya ako tinitigilan hangga't hindi ko binibitawan ang kanyang pisngi.

"Kakabagan ako nito pare kakakiliti mo!" sabi ko sa kanya habang mamatay matay akong natawa.

"Eh di mabuti! Para mamatay lahat ng lamok dito sa inyo. Haha.. Bitawan mo muna ako." Nang bitawan ko siya ay derecho siya sa pangungutingting ng mga gamit ko.

Itong si pare malaki na talaga ang pinagbago. Pero natutuwa ako dahil ngayon may kasabayan na ko sa pang-aasar. Mayabang na din siya ngayon. Haha.. Magbestfriend nga kami. Sayang lang at di ko kayang tumbasan ang pagmamahal niya sa akin. Alam ko naman na hindi pa din nakakapgmove on tong si Pare e. Sa gwapo ko ba namang to! Haha..

"Pare, di ko alam mahilig ka pala sa kero keroppi! Haha.. Parang bata! Akala ko superman lang." pambasag niya sa katahimikan.

"Ha? Superman lang ang favorite ko." mahinahong sagot ko sa kanya.

"Eh bakit may nakaframe kang medyas ng kero keroppi? Wag mong sabihing regalo yan sayo? Haha.." natatawang pang-asar ni pare.

"Ah yan! Kay Chloe yan eh!" sagot ko sa kanya. Napatingin naman niya sakin, kitang kita sa kanyang mga mata na siya'y naguguluhan.

"Kasi pare, nung first day of school nung naglaro tayo, ako ang nakakuha ng sapatos ni Chloe pero binigay ko kay Cyrus. Yung medyas lang ang kinuha ko. Tapos ayan pinaframe ko!" nakangiting pagpapaliwanag ko kay pareng Janine, kapag naaalala ko kasi ang mga nangyari nuon hindi ko maiwasang mangiti. "Nakaframe para hindi lumabas ung amoy! Haha.. Baho kasi.." pagpapatawa ko.

"Sira ka talaga pare." ang tanging naisagot niya sa akin. Hindi talaga mapigil si Pare sa pagkalkal ng mga gamit ko. Natutuwa naman ako dahil first time ko siyang makitang ganyan. Pagkakaangat niya ng mga gamit ko sinisigurado niyang nasa tamang pwesto ang mga iyon.

"Ganyan ba tinuturo sa inyo sa NZ?" pagtatanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin. Mukang hindi niya nagets. "Ang makialam ng mga gamit ng ibang tao?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Tumigil siya sa ginagawa niya at humarap sa akin. At nakapamewang pa. Mukang magtataray siya. Haha..

"Hoy! Hindi ako pakialamera ha! Curious lang!" medyo pasigaw niyang pagtataray, pero sa loob loob ko natatawa ako.

"Chillax pare, nagbibiro lang eh!" pangisi ngisi kong sabi sa kanya.

"Chillax lang naman ako eh. Ayos ba pare? Yung pagtataray ko? Haha.." natatawa niyang sagot habang bumabalik sa pangingialam ng mga gamit ko.

"Alam mo pare, this is one of my ways to know what you've been up to. Tagal kaya nating hindi nagkasama." sabi niya sa kin.

"Nakakanosebleed ka naman pare! Haha.." pang-asar ko sa kanya na mukang hindi naman siya tinablan.

"May tissue sa bag ko, pwede mong gamitin!" pambasag niya sa akin. Laki talaga ng inimprove nitong babaeng to.

"Magbestfriend nga tayo! Partners tayo ah! Wag ka nang tumanggi ah. Simula ngayon ikaw na ang partners in crime ko, haha.." sabi ko sa kanya, dahil sa lakas nyang mang-asar pwede na talaga kaming magpartner.

"Oo na, may magagawa pa ba ko?" ang tangi niyang nasabi.

"Oh pagod ka na?" tanong ko sa kanya ng makita kong paupo na siya sa aking sofa.

"Oo eh! Tsaka isang bagay nalang naman ang hindi ko nakikita. Yung closet mo. Na nakalock pa ha! Tsaka na yan. Hindi naman ako nagmamadali eh." sagot niya sa akin habang nakaupo sa sofa. Mukang napagod ka kakakalkal. Haha.. Naging pakialamera na nga si pare.

"Ano ba nakita mo pare? Alam mo na ba ang mga nangyari sa akin nung nawala ako dahil sa pangangalkal mo?" tanong ko sa kanya.

"Oo! Na nagwalang hiya ka." matamlay niyang sagot, inaantok na siguro siya.

"Nalaman mo yun nang dahil lang sa pangangalkal?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"OA ka naman. Parang basura lang ah. PANGANGALKAL!" sinadya niya talagang diniinan ang salitang yun. Nakakatuwa talaga to si pare. "Tsaka ko na sayo sasabihin kung pano, 4am na pala oh! Uwi na ko." pamamaalam ni pare.

"Hindi pwede! Hindi ka uuwi ngayon!" mabilis na kontra ko sa sinabi niya.

"At bakit naman?" nagtataka niyang pagtatanong.

"Hahayaan ko ba namang umuwi mag-isa ng ganitong oras ang GIRLFRIEND KO?" nakangiting sagot ko sa kanya habang pinapataas taas ang kilay ko.

"GIRLFRIEND.. KA.. DIYAN!" sagot niya sa akin sa tonong nang-aasar na bata pagkatapos ay dumila pa.

"Sus! Kunwari pa to. Gustong gusto naman." sabi ko sa kanya.

"Ang kapal ng face mo!" sagot naman niya sa akin.

"Totoo naman ah. Hindi ba tinext mo pa kay Chloe na girlfriend kita kaya wag kana tumanggi!" pagpapaalala ko sa kanya.

"Hoy! Joke lang yun dbah? Para lang naman yun maayos ung gulong pinasukan mo!" depensa naman niya sa akin.

"Oo nga! Pero--"

"Wag mong sabihing may gusto ka na din sa akin ah? Hahaha.." pagbibiro niya sa akin. Patawa talaga to si Pare.

"Assuming ka pare!" pangbara kong sinabi sa kanya.

"Nagbibiro lang, alam ko naman na si Chloe lang eh!" medyo seryoso niyang sagot sa akin.

"Pero pare, hindi talaga kita papayagan umuwi ng ganitong oras, kahit nakakotse ka pa! Dito ka nalang matulog sa kama ko. Tas ako sa sofa! Di rin naman ako makakatulog dahil pupuntahan ko pa sila mama sa hospital mamayang umaga." sabi ko sa kanya habang inaayos na ang hihigaan niya. Hindi naman ata tama na pauwiin ko siya ng ganitong oras.

"Sige na nga. Pero wag mo kong pagnanasaan ah!" pagbibirong matamlay na sabi niya sa akin habang nakasandal sa sofa, ako naman inaayos pa din ang hihigaan niya.



Janine

Nakakapagod icheck ang mga gamit ni pareng Joshua. Andami dami. Pero infairness kahit lalaki siya at napakarami niyang gamit eh ang linis linis ng room niya. Nagpaalam na ako kay Joshua para umuwi pero pinigilan niya ako. Kaya pumayag na din akong matulog dun.

"Sige na nga. Pero wag mo kong pagnanasaan ah!" pabiro kong sabi sa kanya. Alam ko naman kasi na si Chloe lang ang pinagnanasaan niya. Haha.. Hays.. Inaantok na talaga ako.

Habang inaayos ni Joshua ang hihigaan ko, kung ano ano ang natakbo sa utak ko. Halatang halatang may gusto pa din siya kay Chloe sa lahat ng nakita ko, ay! Hindi pala gusto. Mahal pala. Mahal pa din niya si Chloe. Medyo masakit, isipin mo ba naman yung taong mahal mo may mahal na iba. Pero mas nasasaktan ako kapag nakikitang namomroblema siya dahil sa sitwasyon nila ni Chloe. Sana maayos na sila. Sana maging masaya na si Pare. Sasaya na din ako para sa kanya.





"You.. You.. k-know what?"

"I.. I tried to, b-but.. Zzzzzz.."


"Di nga?"








Joshua


Matapos kong ayusin ang hihigaan niya at kunin ang mga gagamitin ko.. "Oh ayan! Matulog ka na dito. Ako na diyan sa sofa, pare!" sabi ko sa kanya. Pero hindi siya naiingli sa sofa kaya tiningnan ko siya at sinabing.. "Dito ka--"

"Haha.. Nakatulog ka na diyan pare. Lipat na dito." pagyaya ko sa kanya ngunit wala siyang kibo. Mukang tulog na tulog na nga ata siya. Hindi naman pala sanay sa puyatan e, nagpupuyat pa. Di naman pwede na diyan siya sa sofa matulog.

Nilapitan ko si pare. Sinubukan ko siyang gisingin pero hindi talaga siya magising. Ano kaya ang ginawa niya buong araw at mukang pagod na pagod. Sumandal lang siya e nakatulog na. At dahil hindi siya magising nagpasya akong buhatin nalang siya at ilipat sa kama. "Ang bigaaaaaat!" pabulong kong pagrereklamo. Haha.. Hindi ko akalaing mabigat si pare ng ganito. Pero okay lang, kesa naman sumakit ang likod niya sa sofa, sisihin pa ko.

Pagkalapag na lapag ko sa kama.. "You.. You.. k-know what?" ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Tulog? Nagsasalita, buti nalang at hindi Crispin at Basilio ang sinabi niya, kundi pareho sila ni Chloe. Haha.. "Huh?" ang salitang lumabas ulit sa kanyang bibig.

"Hindi eh! Ano ba yun?" Haha.. tulog kinakausap ko. Pero malay mo sumagot! Mukang sekreto ang sasabihin.
"I.. I tried to, b-but.. Zzzzzz.." ang mga huling salitang sinabi niya bago siya humilik. Haha.. nahilik si pare. Mabidyohan nga, haha.. Sayang hindi natuloy ang sasabihin niya.

Habang binibidyohan ko siya, napansin ko lalo ang kagandahan niya. Ang ganda ganda talaga ni pare. Dati pa naman ay maganda na siya. Pero nagtomboy tomboyan siya dahil sa akin, dahil sinusungitan ko siya nuon. Akala ko tuloy tomboy siya. "Ang ganda ganda mo talaga, pare! Pasensya na at hindi ko kayang tumbasan ang pagmamahal mo sa akin. Pero sana sa'yo nalang ako nainlove! Wag kang masyadong magpapacute sa akin dahil baka magkaron ng karibal si Chloe, haha.." pabulong kong sabi sa kanya sabay halik sa noo.

"Di nga?" mga salitang lumabas sa bibig niya.

Nagulat ako. :O

Gising si pare?

Narinig niya kaya ang sinabi ko? :O








0 comments:

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.