Sunday, March 25, 2012

Book II Chapter 14: Sorry, Goodbye!

Chloe

Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong ni Cyrus. Ilang segundo ang nakalipas bago ako nakasagot sa katanungan niya.

Si tita kasama ko ngaun saibi, bakit?

Matapos kong sumagot ay naputol ang tawag galing kay Sai. May hindi maipaliwanag akong naramdaman na naging dahilan ng pagtingin ko sa isang lugar. Laking gulat ko nang makita ko si Cyrus na nakatingin kung saan kami naroroon ni Joshua. May galit at gigil akong nakikita sakanyang ichura, lalo na ng napalingon si Joshua sa kinaroroon ni Cyrus. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nagmadaling pinuntahan si Sai habang siya naman ay tumalikod at naglakad papalayo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napakalaking pagkakamali itong nagawa ko. Napakalaking katangahan. Naluluha na ako ng mga sandaling yun.

Nang maabutan ko si Sai, hinawakan ko ang braso niya.

"Sai..." sabi ko sakanya.

Lumingon siya at nagkatitigan kami ng mga ilang segundo. Matapos non ay hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko, napakahigpit. Habang hawak niya ang kamay ko ay hinihila niya ako ng mabilis papalabas ng mall.

"Sai, bitawan mo na ako, nasasaktan na ko." pagrereklamo ko habang pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luha.

Napahinto si Sai nang hawakan ni Joshua ang balikat niya.

"Cyrus." medyo hinihingal na sinabi ni Joshua.

Hinawi lang ni Cyrus ang kamay ni Joshua sa kanyang balikat.

"Tigilan mo na si Chloe. Wala ka ng pag-asa." malumanay ngunit may galit ang tono ng pagsasalita niya.

"Pero Sai--" pagsabat ko.

"Manahimik ka." sagot ni Sai.

Ito ang unang pagkakataon na sinagot ako ng ganyan ni Cyrus. Ramdam na ramdam ko ang galit niya sa bawat salitang binibitawan niya. Bakit ba kasi nagkita pa kami ni Joshua at nagkataon pang nandito rin si Cyrus?! Tapos ayaw pang makinig ni Cyrus sa mga paliwanag ko. Haaaay.

Naglakad na ulit kami papalayo ni Sai. Inalis niya ang pagkakahawak sa kamay ko at hinawakan niya ang palad ko. Mas mahigpit kaysa sa nakasanayan ko. Nilingon ko naman si Joshua ngunit hindi ko na siya nakita.

Hinatid ako ni Sai pauwi. Habang nasa byahe kami papauwi, hindi ko mapigilang hindi umiyak dahil baka kung anu-ano na ang iniisip ni Sai at masira ang tiwala niya sakin. Kung anu-ano ang iniisip ko kaya naman hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay ko.

"Bumaba ka na." sabi ni Cyrus sakin.

"Ayoko hangga't hindi ka nakikinig sa paliwanag ko." sagot ko sakanya.

"Wala kang dapat ipaliwanag. Baba na." pagpupumilit niya.

"Sai nagkataon lang na nagkita kami ni Joshua dun sa mall tapos--"

"Sabing wala kang dapat ipaliwanag eh. I said GO!" pasigaw niyang sinabi sakin habang hinampas niya ng malakas ang manibela ng kotse niya.

Natakot ako ng oras na yun. Sa takot ko ay niyakap ko si Sai.

"Sai, alam mo namang ikaw lang ang mahal ko. Selos selos ka pa diyan." sabi ko kay Sai ng buong puso.

"Anong gusto mong maramdaman ko? Nagsinungaling ka na nga, siya pa ang kasama mo." sagot niya.

"Kasi... bumili lang naman talaga ako ng regalo para sa anniversary natin." sagot ko sakanya.

"Last na toh Chloe. Ayokong mahuhuli pa kitang kasama o kausap siya." sabi niya sakin.

Inalis ko ang pagkakayakap ko kay Sai.

"Grabe, ganyan ka ba talaga kaselos kay Joshua?" pagtataka ko.

"Basta ayokong mag-usap pa kayo." sagot niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Sige, hindi na. Iiwasan ko na siya para sayo." sabi ko at pagkatapos ay bumaba na ako ng kotse niya at pumasok sa loob ng bahay.

Nakatulog akong umiiyak at nag-iisip ng kung anu-ano. Wala naman akong maisip na dahilan para sobrang ikagalit niya kay Joshua. Maliban nalang kung alam niya ung mga pinaggagagawa ni Joshua nung highschool kami. Hay. Namimiss ko ang mga panahong yun.

-----

Joshua

Ang saya-saya naming nag-uusap ni Chloe nang biglang may tumawag sakanya. Ilang saglit lang ay napatulala siya sa isang lugar kaya naman napalingon ako para tignan kung ano ang nakita niya. Si Cyrus. Tumayo siya para puntahan si Cyrus, naiwan pa nga niya ang binili niyang regalo sa kanyang pagmamadali. Kinuha ko ito at sinundan siya. Hinihila palabas ni Cyrus si Chloe, mukhang nahihirapan ang prinsesa ko kaya binilisan ko ang paglalakad para maabutan ko sila. Hinawakan ko ang balikat ni Cyrus para pigilan siya.

"Cyrus." sabi ko sakanya.

Hinawi lang ni Sai ang kamay ko.

"Tigilan mo na si Chloe. Wala ka ng pag-asa." sabi niya at nag-umpisa na silang maglakad uli.

Nang marinig ko yun, parang tumigil ang mundo ko ng ilang segundo. Wala na akong ibang narinig. Bakit nga ba si Chloe parin? Eh may Cyrus na nga siya? Parang pinahihirapan ko lang si Chloe dahil nag-aaway sila ni Cyrus dahil sakin. Pero... si Chloe lang talaga e. Aanhin ko ang iba, kung hindi naman ako masaya.

Matapos ko mag-drama sa isip ko, wala na akong nagawa kundi maglakad palayo habang dala-dala ko ang regalo ni Chloe kay Sai na sana regalo niya para sakin.

Akala ko pa naman maayos na ang takbo ng plano kong makasama si Chloe pero sa pangalawang pagkakataon nasira nanaman ito ni Cyrus.

-----

Chloe

Hays.. Paano ba to? Paano ko iiwasan si Daddy? Paulit ulit na tanong ko sa aking sarili. Sobrang miss ko pa naman siya, tapos siya din ang madalas kong nakakausap kapag may problema kami ni Sai. Di ko akalaing siya ang magiging dahilan ng napalaking problema namin ngayon.

Mahirap iwasan si Joshua pero mas hindi ko ata kakayanin na mawala sa akin si Cyrus. Halos 4 na taon na kaming magkasama, halos 4 na taon naming inalagaan ang relationship namin. Sa gulo ng utak ko humiga ako sa kama at dun nagpaikot ikot. Hindi ko namalayan na madaling araw na pala. Maya maya nakita ko ang cellphone ko.

Alam ko na. Itetext ko nalang si Daddy, hindi ko kakayanin na sabihin sa kanya ng harapan na mag-iwasan nalang kami.


Ui Joshua!
Sori bout
wat hapend..
umalis aq
ng ndi nkpgpaalam..


Message Sent


Wala pang dalawang minuto ay tumunog na ang cellphone ko. Akala ko naubusan ako ng load. Nagulat ako, nakapagreply kaagad si Joshua. Napatingin ako sa orasan, madaling araw na pero gising pa rin sya.


Ok lng un baby!
Aq nga dpt magsori..
nag away ata kau ni Sai..
hayaan mo d na muna
kta yayain or itetext..

Sender:
Jo


Buti naman at kahit papaano ay naiintindihan ni Joshua ang nangyayari. At siya na rin ang nagsabing hindi na niya muna ako yayayain at itetext. Napabuntong hininga ako. Pero teka, muna? Tama ba nabasa ko? May muna? Dapat wala na talaga at all. Babasahin ko na sana ulit ang text ni Joshua para tingnan kung may "muna" nga ba ang text nya, nang bilang tumunog ang cellphone ko.


Baby! Sa mga susunod
na araw nlng kta ittxt
at yayain.. palipacn
muna ntn ang sitwasyon..
slip kna.. may pasok pa! (:

Sender:
Jo


Whaaaaaaat? Nagulat ako sa text niya. No! This can't be. Hindi pwede. Baka lalo kaming mag away ni Sai! Mabilis akong nagreply sa kanya.


Joshua, im sori ulit
pro d na tau pdeng
mgtxt or lumabas
kht kelan kc magagalit
si Sai.. ayw qng mag away
kami.. mahal ko siya!
Last na to!

Message Sent


-----


Joshua



Anong oras na pero wala pa rin akong balita kung anong nangyari sa kanila. Kamusta kaya si Chloe? Nag awa kaya sila? Wag naman sana. Ayaw kong umiyak si Chloe. Gusto ko man syang itext or tawagan nag aalangan ako kasi baka na ka Cyrus ang cellphone. Baka nagpalit na naman sila. Ang dami talaga nilang kaartehan.

Napapagod na ko kakalakad dito sa kwarto ko at nahihilo na ko kakaikot dito sa kama pero wala pa din kahit isang text. Chloeeee, magtext ka naman. Maya maya nga ay tumunog ang cellphone ko.

Uy text! Sana si Chloe..


Boyfrend, musta?
Wala aq mgwa at d aq
mkatulog, pede ba
pumunta dyn?

Sender:
Pare

Si pare lang pala. Akala ko naman si Chloe. Pero ayos din naman, timing na timing talaga to si pare.


Cge pare! Timing,
d rin aq mkatulog.

Message Sent



Maya maya ay dumating na si pare. Naupo siya sa kama ko at kinutingting ang laptop ko habang ako palakad lakad lang sa kwarto ko, tinitingnan ang cellphone kada minuto.

"Pare!" tawag sa akin ni Pareng Janine. Napalingon naman ako kaagad.

"Oh pare? May problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Ako, wala! Enjoy ka ba sa ginagawa mo? Di ba yan boring?" tanong nya sa akin. Hindi ko sya magets. Napakunot lang ang noo ko.

Biglang may dumapong unan sa muka ko. Nasaktan naman ako.

"Aray!" daing ko.

"Gising ka na ba? Para kang tanga pare. Kanina ka pa dyan paikot ikot. Paulit ulit mong tinitingnan yang cellphone mo." mabilis na sabi sa akin ni Janine.

"Pare naman eh. May nangyari kasi kanina.." sabi ko sa kanya. At kinukwento lahat ng nangyari.


"Pare, di ba ang alam nila girlfriend mo ako? Eh bakit pa nagseselos si Cyrus? Seloso naman nun." sabi ni Pareng Janine matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari sa amin nina Chloe kanina.

"Hindi ko alam pare! Pero nag aalala ako kay Chloe, ano kayang nangyari sa kanila?" Gulong gulo pa din ang utak ko.

"Gusto mo itext ko sa Chloe?" tanong ni Janine sa akin.

"Ano naman sasabihin mo?" balik na tanong ko sa kanya.

"Ako nang bahala.." nakangiting sabi ni Pare. Hays. Buti nalang andito sa pare kahit kailan talaga maaasahan ko siya.

Nagpipipipindot na si Janine sa kanyang iPhone para itext si Chloe ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Wag na pala pare, nagtext na si Chloe.."

"Paano mo namang nalaman na si Chloe nga yan? Eh ndi mo pa nababasa?"

"Syempre, lukso ng puso! Haha.."

"Weh? Pabasa.."

Alam kong si Princess kaagad yun dahil iba ang ringing tone na nilagay ko. At sabay naming binasa ang text niya.


Ui Joshua!
Sori bout
wat hapend..
umalis aq
ng ndi nkpgpaalam..

Sender:
My Princess


Napatingin naman ako kay Janine. Nakangit lan si Pare at pataas taas ang kilay. Parang sinasabi niya na magreply na ako. Kaya nagreply kaagad ako.

Ok lng un baby!
Aq nga dpt magsori..
nag away ata kau ni Sai..
hayaan mo d na muna
kta yayain or itetext..

Message Sent


"Ayan! Sa tingin ko naman okay si Chloe, dba pare?" tanong ko sa kanya.

"Oo, hindi naman magtetext yan ng ganyan kung hindi dbah?" sagot niya sa akin habang nakangiti. Cute talaga ng smile ni pare.


Hindi na nareply si Chloe. Maya maya ay tinext ko ulit si Chloe, dagdag sa pauna kong text.


Baby! Sa mga susunod
na araw nlng kta ittxt
at yayain.. palipacn
muna ntn ang sitwasyon..
slip kna.. may pasok pa! (:

Message Sent


Pero wala pang ilang minuto ay nagreply na kaagad siya. Nakibasa ulit si Pare. May pagkachismosa din to.


Joshua, im sori ulit
pro d na tau pdeng
mgtxt or lumabas
kht kelan kc magagalit
si Sai.. ayw qng mag away
kami.. mahal ko siya!
Last na to!

Sender:
My Princess



"Pare, pano yan?" tanong sa akin ni Janine.

Hindi kaagad ako nakasagot. Natulala ako sa text niya. Hindi pwede to. Hindi pwedeng mawala na naman sa akin si Chloe.

"Aray!" may dumapo na namang unan sa pisngi ko.

"Pare! Paano na?" madiing tanong ni Pareng Janine.

"Hindi pwede to pare!" ang tanging nasagot ko sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko at nagreply ako kay Chloe. Pero hindi siya nagreply. Paulit ulit ko siyang tinitext pero wala talagang reply.

"Pare! Subukan mo kayang tawagan." mga salitang nakaalintana sa pagtetext ko.

"Honga no, Pare! Hindi ko naisip un!" At dinayal ko na nga ang number ni Chloe, habang nagriring...

"Minsan kasi Pare, gamitin mo ang utak mo! Haha.. Hindi lang basta nakapatong dyan." pang-aasar naman ni Janine na hindi ko masyadong napansin dahil abala ako sa pagcontact kay Chloe, hindi niya sinasagot. Hanggang sa...... *The number you have dialed is out of service or coverage area, please try again later.*

"Pare! Pinatay niya ang cellphone nya!" inis na inis kong nasabi kay Janine.

"Oh? Eh bat ganyan ang tono mo sa akin?" seryosong sabi ni Janine habang nakatitig sa akin.

"Pare, pasensya na. Alam mo naman e!" malambing na sabi ko sa kanya na para bang nagmamakaawa.

"Mukang ayaw na niya talagang makiusap sayo. Anong plano mo?" mahinahong sabi niya sa akin.

"Hindi ko alam!" matamlay na sagot sa kanya, napaupo nalang ako bigla sa sahig. Si pare naman kung ano ano pa ding kinukutingting sa mga gamit ko.

Magulo na naman ang utak ko. Akala ko okay na. Akala ko papalamigin lan ang sitwasyon. Yun pala. Haaay. Nakakaasar naman.

"Pare, ano to? Para kanino to?" tanong sa akin ni pare. Tiningnan ko naman kung ano ang kapit kapit niya.

Tumayo ako at lumapit kay pareng Janine. Napangiti ako.

"Pare! Kaya mahal kita eh, ang galing mo talaga!" nakangiting sabi ko sa kanya at kinuha ang kapit kapit niya..


0 comments:

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.