Sunday, March 25, 2012
Book II Chapter 13: Truth or Lie?
11:07 PM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
Truth or Lie?
Cyrus
Nagulat ako nang makita kong biglang umiyak si Chloe sa harap ko. Hindi ko alam kung anong masama ang nasabi ko. Kaya naman agad akong umupo sa tabi niya at pinunasan ang mga luha niya.
"May problema ba?" tanong ko sakanya.
"Ako ang dapat magtanong niyan Cyrus. May problema ka ba? Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi kita maramdaman. Tapos ngayon nakikipagbreak ka." sagot niya.
Hindi ko napigilan ang aking sarili at ako ay natawa sa sinabi ni Chloe.
"Ano ka ba? Kakain lang tayo. Nagugutom na kasi ako eh. Kung anu-ano iniisip mo. Tara maglunch na tayo." sabi ko sakanya habang inaakay siyang tumayo ngunit pinigilan niya ako.
"Seryoso ako Sai. Wala ba talagang problema? Hindi ko na kasi maintindihan. Pakiramdam ko ang layo mo kahit nandiyan ka lang sa tabi ko." sabi niya sakin.
"Wala namang problema. Bakit Chloe? Hindi rin kita maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan." pagtataka ko.
"Wala ba? Sana nga wala. Wag mo nalang akong intindihin. Kumain ka mag-isa, wala na akong ganang kumain." sagot niya sabay tayo at lakad papalayo habang pinupunasan ang mga luha niya.
Tumayo rin ako at sinundan siya kung saan man siya pupunta. Hindi ko na sinubukang kausapin siya dahil baka matarayan niya lang ulit ako. Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad ay pumasok siya sa CR ng mga babae. Gutom na gutom na talaga ako ng oras na yun.
---
Chloe
Bakit kaya ganito? Pinapahirapan ko ba talaga ang sarili ko sa pag-iisip ng kung anu-ano? Siguro nga sadyang napapraning lang ako pero hindi ko talaga kayang huwag umiyak sa mga nangyayari.
Umiyak lang ako ng umiyak sa loob ng cubicle ng CR. Nilalabas ko ang sama ng loob ko na parang hindi man lang mapansin ni Cyrus. Sobrang nakakalungkot.
Mahigit dalawampung minuto siguro akong nag-iiyak sa loob ng CR at maya-maya'y napagpasyahan kong ayusin na ang aking sarili dahil mag-uumpisa na ang aming klase. Matapos non ay lumabas na ako ng CR.
Nagulat ako ng bigla akong sinalubong ni Cyrus sa aking paglabas. May hawak siyang isang rosas na gawa sa papel at may nakasulat na "I'm Sorry". Sa ginawang yun ni Cyrus, para bang ang lahat ng inis ko sakanya kanina ay nawala. Natuwa ako pero hindi ko dapat ipahalata na natuwa ako sa ginawa niya. Akala mo porket binigyan mo ko ng rose, bati na tayong lalake ka.
"Ano yan?" tanong ko.
"Peace offering po. Sorry na, Chlobi." sagot niya.
Kinuha ko ang rosas na gawa sa papel at palihim na napangiti.
"Tara na. Malalate na tayo sa klase." pagmamatigas ko paring sagot sakanya kahit kinilig talaga ako sa ginawa niya.
"Teka, bibili lang ako ng sandwich para satin. Nagugutom na talaga ako eh." sabi niya.
Lalong lumambot ang puso ko nang malaman kong hindi pa pala kumakain si Sai at hinintay niya ako hanggang matapos ako sa pagmumukmok ko sa CR. Hay. Wala nga sigurong mali. Ako lang tong nag-iisip ng kung anu-ano. Hindi ko na siya hinintay na bumalik at napagpasyahan kong pumunta nalang ng classroom dahil mag-uumpisa na ang klase.
Saktong pagkarating ko ng classroom ay siyang pagdating din ng professor namin. Mga limang minuto siguro ang nakalipas ng maramdaman kong nagrerebelde na ang aking tiyan. Nako, nagugutom na ako tuloy-tuloy pa naman ang klase ko hanggang alas-kwatro. Maya-maya ay napalingon ako sa may pintuan. Nakita ko si Sai na sumesenyas sakin na lumabas ako. Kaya naman ako'y dahan-dahang lumabas.
"Oh bakit nandito ka pa? Late ka na sa klase mo." pag-aalala ko.
"Ok lang yan. Minsan lang naman. Oh ito 2 sandwich at isang C2. Alam kong gutom ka na at kulang sayo ang isa." sabi niya habang inaabot ang brown paperbag.
"Ay ganon? Kulang sakin ang isa? Sige ako na matakaw." pabirong sagot ko.
"Ikaw naman talaga." nangingiting sagot niya.
Kinuha ko na ang paperbag.
"Nakuha mo pang mang-asar ha." pabiro kong sabi habang kinurot ang bewang ni Sai dahil may kiliti siya dun.
"Aray tama na. Hindi ka na matakaw." sabi niya kasabay ng pagpigil niya sa pangungurot ko.
"Sige papasok na ako sa klase." pagpapaalam ni Sai at binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap bago siya umalis. Pumasok narin naman ako sa loob ng classroom.
Siguro nga ako lang tong praning sa ikinikilos ni Cyrus. Hay. Kailangan kong bumawi sakanya.
Pagkaupo ko ay palihim kong binuksan ang binigay sakin ni Sai dahil sobrang gutom na ako talaga. Pagkabukas ko ay may nakita akong isang papel. Kinuha ko ito at binasa.
Eatwell babe.
Sorry for everything.
I love you. =)
"Ang haba naman ng hair mo teh. Natatapakan ko na oh." hindi ko namalayan na nakikibasa na pala ang katabi kong baklang chismosa.
"Loka. Panira ka talaga ng moment." napangiti kong sagot.
Naging ok na kami ulit ni Cyrus matapos non at pinapunta ko siya sa bahay upang ipagluto ng pagkain dahil ginutom ko siya noong isang araw.
Masaya kaming nagkekwentuhan habang kumakain. Matapos non ay nanood kami ng movie sa sala habang nakasandal ang ulo ko sakanyang balikat. Tamang kwentuhan ulit nang biglang naging seryoso ang usapan namin.
"Chlobi, sorry kung parang nagbago ako this past few days." sabi ni Sai.
"Ok na tayo ulit diba? Kinalimutan ko na yun. Sorry rin kung naging praning ako." sagot ko.
"Hindi, kasalanan ko naman talaga eh. Kung hindi naman kita bibigyan ng dahilan, hindi mo naman maiisip un." sabi ni Sai.
Nag-iba ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Natahimik ng mga 30 seconds siguro.
"Alam mo ba ung ..." pabitin na salita ni Cyrus.
"Ung?" pagtataka ko. Napaupo ako ng diretso at napatingin ako sakanya.
"Selos?" medyo nahihiyang sabi ni Sai na medyo napatungo pa.
Napangiti ako na kinilig na natatawa na ewan sa tanong na un ni Sai.
Inasar ko si Sai. Kinikiliti ko ang bewang niya habang siya naman ay hindi makatingin sakin ng diretso.
"Kaya naman pala. Nagseselos na pala ang boyfriend ko kaya nagkakaganun." sabi ko habang patuloy siyang kinikiliti.
"Tigilan mo nga ako. Isa." sagot niya na naiinis dahil sa pang-aasar ko sakanya.
Matapos nun ay niyakap ko siya ng mahigpit.
"Kanino ka naman kaya nagselos eh ikaw lang naman mahal ko?" pagtataka kong tanong.
"Kay... Joshua." sagot niya.
Nagkatinginan kaming dalawa ngunit mga ilang segundo lang ay ibinaling ko ang paningin ko sa TV.
"Bakit ka naman magseselos dun?" pagtatanong ko.
"Natatakot kasi akong mawala ka." sagot niya.
"Sus, alam mo namang hindi mangyayari yun eh. Nakamove-on na ung bestfriend mo for sure, yun pa." sabi ko sabay pisil sa ilong niya.
"Malay mo hindi pa. Lagi mo pa namang katext." sabi ni Sai.
"Minsan lang kaya, seloso." pang-aasar ko uli sakanya at nagkulitan na kami uli matapos non.
Ilang buwan narin ang nakalipas. Kahit alam kong pinagseselosan ni Sai si Joshua, hindi naman kami nawalan ng communication at nagkikita parin kami ni Joshua dahil para sa amin wala naman kaming ginagawang masama. Hindi ko nalang sinasabi kay Sai para walang gulo.
Malapit na ang aming 4th anniversary ni Sai. Kaya naman naisipan kong maghanap na ng ireregalo ko para sakanya. Pumunta ako sa mall mag-isa pero ang alam ni Sai ay kasama ko ang tita ko sa ibang lugar.
Habang naglilibot-libot ako sa mall nagtext si Joshua.
Musta Chloe? ü
Sender:
Jo
ito naghahanap ng gift para kay sai.
lapit na 4th anniv namin daddy. =)
Nagreply naman siya kaagad.
Congratulations sainyo baby.
Stay happily inlove. ü
San ka ngaun?
Sender:
Jo
dito sa trinoma.
ikaw?
---
ui nandito rin ako.
san ka?
gusto mo samahan kita?
Sender:
Jo
Sa wakas may mahihingian narin ako ng opinyon kung anung magandang gift para kay Sai. Kaya pumayag akong samahan ako ni Joshua.
cge daddy.
kita nlng tau sa carousel. =)
Nagkita nga kami ni Joshua. Tinulungan niya akong maghanap ng pangregalo. Pagkatapos nun ay naisipan namin magpahinga muna at kumain bago umuwi.
Masaya kaming nagkkwentuhan nang biglang nag-ring ang phone ko.
Saibi
Calling...
Hindi naman akong nag-alangan na sagutin ang tawag ni Sai.
Chloe: Oh babe napatawag ka?
Cyrus: Nasaan ka? Sino kasama mo?
Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Kung sasabihin ko ba ang totoo na kasama ko si Joshua o panindigan ang kasinungalingan kong kasama ko ang tita ko.
Anong sasabihin ko?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Medyas Lovers!
Blog Archive
-
▼
2012
(56)
-
▼
March
(21)
- Book II Chapter 11: Textmate
- Book II Chapter 12: Break?
- Book II Chapter 13: Truth or Lie?
- Book II Chapter 14: Sorry, Goodbye!
- Book II Chapter 15: Partners in Crime
- Book II Chapter 16: "You'll never see me again!"
- Book II Chapter 17: Misunderstanding
- Book II Chapter 18: Moving On
- Book II Chapter 19: Confrontation
- Book II Chapter 20: Reconciliation
- Book II Chapter 21: JJ's Moments
- Book II Chapter 22: CC's Moments
- Book II Chapter 23: Before The Event
- Book II Chapter 24: The Event
- Book II Chapter 25: Busted
- Book II Chapter 26.1: Superman To The Rescue
- Book II Chapter 26.2: Superman To The Rescue / Date?
- Book II Chapter 27.1: Chloe's Sudden Headache
- Book II Chapter 27.2: Speechless
- Book II Chapter 28.1: Flashbacks
- Book II Chapter 28.2: My Memory Is Back!
-
▼
March
(21)
Most Viewed
Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment