Monday, March 26, 2012
Book II Chapter 23: Before The Event
8:34 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
Before the event
Joshua
Okay na ba to? Kanina pa akong nasa harap ng salamin na to, pero parang kulang. Ano pa ba? Okay na naman tong suot ko. Gwapong gwapo na, nakakahiya sa date ko kung hindi. Ang ganda ganda ni Janine eh. Ay teka, alam ko na ang kulang, perfume! Matapos kong maglagay ng perfume ay inayos ayos ko na naman ang hair ko. Maya maya nagbukas ang pinto ng kwarto ko..
"Mama, ikaw pala." sabi ko sa nagbukas ng pinto.
"Oh anak, excited ba? Kanina ka pa ata diyan sa salamin." sabi sa akin ni Mama.
"Opo Ma, ayaw kong mapahiya ako sa date ko." sagot ko sa kanya habang nakatingin pa din sa salamin.
"Si Janine ang kadate mo anak, bakit ka nagkakaganyan?" nagtatakang tanong sa akin ni Mama.
"Syempre Mama, kahit bestfriend ko ang kadate ko, iba na siya ngayon, magandang maganda na siya at ayaw ko siyang mapahiya ng dahil sa akin." sagot ko kay Mama. Peor bakit nga ba ganito ako? Parang OA naman, pero hindi ko alam, basta dapat mas gwapo pa ako sa gwapong gwapo si Joshua Garcia. Haha, ako din pala yun.
"Lika nga anak.." sabi sa akin ni Mama at humarap ako sa kanya. "Gwapo na, anak!" nakangiting sabi niya sa akin. "Isang smile nga diyan.." hiling ni Mama, kaya ngumiti naman ako. "Ayan, palagi ka dapat nakasmile, yang killer smile na yan ba ang magpapahiya kay Janine?" pambobolang tanong sa akin ni Mama, napailing nalang ako sa kanya. "Anak, tingnan mo nga ako ng kunwari ako si Janine." utos niya sa akin.
"Maaaaa!?" medyo napasigaw kong angal sa kanya. Anong pumapasok sa utak ni Mama.
"Sige na, testing lang!" pagpilit niya sa akin. Inuuto na ata ako ni Mama, pero sinakyan ko nalang ang trip niya, baka masabihan pa ako na basag trip. Habang nakangiti ako unti unti kong inimagine na si Mama ay si Janine, medyo lumabo ng konti ang tingin ko at nang luminaw na ito si Janine na ang aking nasa paningin. Ang ganda niya, ang sarap titigan, hindi ganun kakapal ang make up niya, tama lang sa magandang muka niya, hindi ako magsasawang tingnan siya.
"Kung ganyan mo titingnan si Janine, malamang hindi na kayo makakarating sa event dahil matutunaw na siya." ang mga narinig ko habang nakatingin ako kay Janine na unti unting nagiging si Mama, naku! Nadala ata ako sa pag-iimagine ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Mama.
"Anak, okay lang yan. Huwag kang mag- alala, kasi hindi mo maiipahiya si Janine." sabi sa akin ni Mama pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.
Nacarried away ata ako sa pag-iimagine. Tumingin ulit ako sa salamin at pinagmasdan ang aking sarili mula ulo hanggang paa at mula paa hanggang ulo, hanggang sa makita ko sa salamin ang isang frame na nakasabit sa dingding.
"Kailangan mo ng bumaba diyan." sabi ko sa frame. Parang tanga lang kinakausap ang frame, kinuha ko na ang frame at inilagay sa isang paper bag. Tumingin ako sa relo at lumabas na sa kwarto. Nasa sala sina Mama at Papa, nagpaalam ako sa kanila at lumabas na ng bahay, susunduin ko na si Janine.
Narrator
"Pa, si Joshua mukang inlove!" sabi ng nanay ni Joshua sa asawa nito.
"Matagal na yang inlove dun sa mga pictures sa kisame niya di ba?" tanong naman ng tatay niya sa nanay niya habang nanunuod ng TV.
"Ibig kong sabihin, kay Janine na. Hindi na kay Chloe." pagpapaliwanag ng Mama ni Joshua.
"Ah! Gusto ko si Janine, mabait na bata.. Hindi ko kilala ang Chloe na yun.." sabi naman ng Papa ni Joshua na busy sa panunuod.
Janine
"Anong oras na ba?" Tanong ko sa sarili ko sabay tingin sa relo. Okay, pagdating ni Joshua, I'll be ready. Parang ninenerbyos ako. First time kong makakadate si Joshua, yung official. Tumayo ako sa upuan at humarap sa salamin na kita ang buong katawan ko. Tiningnan ko ng mabuti ang aking sarili sa lahat ng anggulo, umikot ikot pa ako. Ayaw kong mapahiya kay Joshua, hindi isang tulad ko ang magpapahiya sa isang Joshua Garcia. Inilapit ko ang muka ko sa salamin at sinipat sipat bawat anggulo ng aking muka, tiningnan ko kung ayos na ba ang make up ko. Okay na naman, buti nakapagworkshop ako sa New Zealand nang tungkol sa pagmemake up. Maya maya'y tumunog ang cellphone ko, si Mommy calling..
"Hello Mom! What's up?" pangangamusta ko kay Mommy na nag out of town.
"I'm okay, where are you?" tanong ng nasa kabilang linya.
"I'm home, but remember I'm texted you that I'm invited in an event?" pagpapaalala ko sa kanya.
"Yes dear, that's why I'm arriving in 5 minutes, I wanna see my princess before going to that event." malambing na sabi sa akin ni Mommy.
"Mommy naman, ang sweet talaga.." medyo nahihiyang sabi ko sa kanya. At naputol na ang linya.
Si Mommy talaga kapag may event hindi pumapalya na tingnan muna kung anong itsura ko bago ako papuntahin. Gustong gusto niya na nagtransform na ako bilang Janine talaga, yung babaeng babae. Kaya lahat ng luho sa pagdadamit ay ibinibigay niya sa akin, minsan nakakahiya na nga. Gaya ng sabi ni Mommy dumating na nga siya after 5 minutes. Pinaikot ikot niya ako at pinababa pa ng hagdan, nireview ang tamang paglakad ng isang babae. Si Mommy talaga as if naman na makakalimutan ko pa ang mga yun.
"You look perfect my dear princess.." pangbobola sa akin ni Mommy.
"Ma, of course, you'll say that.. I'm your only daughter di ba?" pambabasag ko naman sa pangbobola niya.
"Hay naku! That's true anak, I'm not a liar.." depensa naman niya na nagtaas pa ng kilay niya.
"Okay okay, naniniwala na po, I'm the prettiest princess!" pagpapacute kong sabi kay mommy habang nakangiti.
"That's the spirit! Keep that head high, anak!" sabi niya. Naku naman si Mommy, nakakatuwa talaga, siya ang number one fan ko, next si Daddy! Maya maya pa tumunog ang doorbell.
*dingdong* *dingdong*
"I think it's your prince!" pangtitease sa akin ni Mommy.
"Mom, he is just my date, though I really want him to be MY PRINCE!" kinikilig na sabi ko sa kanya.
"Well, it's not impossible.." nakangiting sabi sa akin ni mommy habang nanlalaki ang kanyang mga mata.
"Oh no, Mom, I know that look.." mabilis kong sabi kay mommy nang nakita ko ang kanyang mga tingin.
"I'm just kidding." sabi sa akin ni mommy habang natatawang papasok sa kanyang kwarto.
"Excuse me Janine, andito na po si Sir Joshua.." sabi ni ate Becky.
"Sir ka diyan, sabi ko sayo Joshua nalang.." sabi naman ni Joshua kay ate Becky na nagbablush, may crush ata ito kay Joshua. Pagkasbai ni Joshua ay umalis na si ate Becky.
"Ganyan talaga si ate Becky, masyadong magalang." pabungad ko kay Joshua. Napangiti nalang si Joshua. My gosh, ang gwapo gwapo ni pareng Joshua, lalong lumulutang ang kanyang kagwapuhan sa suot niya. Dagdag pa ang mga ngiting yan at ang mga titig, pwede na akong matunaw.
"Ja! Ready?" pambasag niya sa aking pagpapantasya.
"Urm, yeah!" nakangiti kong sagot sa kanya.
"Joshua.. How are you, hijo?" bati naman ni mommy kay Joshua pagkalabas niya sa kwarto. At nagbeso beso sila.
"Okay naman po." sagot naman niya. "Kayo po kamusta na?" pangangamusta ni pare kay mommy.
"I'm fine!" nakangiting sagot mommy. "Naku! You're really handsome, no wonder.." pangungulit ni mommy. Napapangiti naman si Joshua.
"Okay Mom, okay na! We're leaving na, baka kung ano pa masabi mo diyan." pagpigil ko sa kung ano mang balak na pangungulit ni Mommy.
"Okay lang, Ja!" kontra naman ni Joshua. "Baka matraffic tayo.." nakangiting parang ewan ang sabi ko kay Joshua.
"Haha, my princess, relax.." natatawang sabi sa akin ni mommy. "Here, bring this.. it fits your attire." sabi sa akin ni mommy sabay abot ng mini bag, na ang kasya lang ay cellphone at keys. Nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam na kami. Nang nasa may kotse na kami..
"Joshuaaa!" sigaw ni mommy. "Take good care of my only princess, okay?" sabi niya. Gosh si mommy talaga oh, may pahabol pa.
"I will!" sagot naman ni Joshua at pumasok na kami sa kotse.
"I'm sorry ah, ang kulit ni mommy." paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
"Okay lang un, ano ka ba?" sabi naman ni Joshua at inistart na niya ang kotse.
Nag-usap kami ni pareng Joshua habang nasa loob ng kotse. Mabilis kaming nakarating sa location ng event dahil hindi naman traffic. Buti nalang at maaga kami ni Joshua pumunta, dahil kung hindi maiipit kami sa traffic at baka mahirapan pa kami sa parking.
Joshua
Pagdating ko dun si ate Becky ang nagbukas sa akin, ang kasama nila sa bahay.
"Hi ate Becky Babes.." pagbati ko sa kanya.
"Ikaw talaga sir Joshua!" namumulang sabi niya sa akin.
"Joshua nalang! Asan si Hon ko?" pagtatanong ko sa kanya.
"Hon? Si Ma'am Janine po ba? Nasa loob po, tara po.."
"Wag ka na mag po po diyan, tsaka wag mong sasabihin na tinaag ko siyang Hon ah, baka ibreak ako nun, ako lang ang nakakaalam na kami." natatawang sabi ko kay ate Becky.
"Ang kulit mo talaga Sir.." sabi naman sa akin ni ate Becky na natatawa na din habang papasok kami ng bahay.
"Excuse me Janine, andito na po si Sir Joshua.." sabi ni ate Becky.
"Sir ka diyan, sabi ko sayo Joshua nalang.." sabi ko kay ate Becky pagkatapos ay siya. Mukang namumula siya.
"Ganyan talaga si ate Becky, masyadong magalang." nakangiting sabi sa akin ni Janine. Ang ganda ganda niya, bagay na bagay sa kanya ang evening gown na binili namin, pati ang make up niya sakto lang, lalong naemphasize ang beauty niya. Para siyang isang prinsesa, nanatili akong nakangiti at nakatitig sa kanya hanggang sa medyo nangati ang mata ko, natuyo ata dahil sa pagtitig sa kanya.
"Ja! Ready?" ang nasabi ko ng ipinikit ko ang aking mata at muling inimulat.
"Urm, yeah!" nakangiti sagot niya sa akin.
Maya maya ay lumabas ang Mommy ni Janine, nagbeso beso kami, kamustahan at konting kulitan. Pagkatapos ay nagpaalam na kami. Nang malapit na kami sa kotse, sumigaw ang mommy niya..
"Joshuaaa!" sigaw nito. "Take good care of my only princess, okay?" sabi niya.
"I will!" nakangiting sagot ko sa kanya. Pagkatapos ay pumasok na kami sa loob ng kotse. Sino ba naman ang hindi mag-aalaga sa ganito kagandang prinsesa. Ang swerte ko at siya ang kadate ko.
Habang nasa loob ng kotse..
"Pare, pwedeng magtanong?" nag-aalangan tanong sa akin ni Janine.
"Kakatanong mo lang, pero pwede ka ulit magtanong ng isa pang beses. Pero isa nalang ah." pambabargas ko sa kanya.
"Ewan ko sayo!" nakausmid na sabi niya sa akin. "Anyways, gusto ko lang malaman kung anong laman ng paper bag na yan.." tanong sa akin ni Janine habang nakatingin sa paper bag.
"Ah, yung frame ng medyas ni Chloe.." sagot ko sa tanong niya. Natahimik lang siya, alam kong tatanungin niya kung bakit dala dala ko yun kaya inunahan ko na siya.. "Ibabalik ko na yan kay Chloe, tutal I'm moving on na, and I think 10% na lang ang kulang pwede ko nang masabi na.. MOVED ON na nga ako.
"Really? That fast?" gulat na gulat na reaksyon niya. Napatango nalang ako. "Well, goodluck!" bahagyang ngiting sabi niya sa akin.
Buti nalang at maaga kaming pumunta ni Janine, hindi kami naipit sa traffic, andami ng tao sa labas ng location ng event, mukang excited ang lahat. Mabilis kaming nakahanap ng parking kaya naman nakapunta kaagad kami sa entrance ng event.
Chloe
"How do I look, yaya Kurds?" tanong ko kay yaya Kurds habang dahang dahang umiikot.
"Yo lok, yo lok, maganda!" sabi naman niya sa akin. Napangiti naman ako. Talagang sinubukan pa niyang mag-english.
"Wala na bang kailangan idagdag? O ibawas?" panguso nguso kong sabi kay yaya Kurds habang nakaharap sa salamin.
"Nakalemotan mong magpabango.." sabi sa akin ni yaya Kurds. Oo nga noh, paano ko nakalimutan yun? Ano ba yan.. buti nalang andito si yaya Kurds. Wala kasi sila tito at tita, busy sa business, lumalago na kaya doble ang pagtatrabaho nila..
Matapos kong magpabango, kinuha ko ang pouch bag ko at nanalamin ulit. Pangiti ngiti ako mag-isa.
"Hoy! Kuloy, para kang sera deyan.." pagpuna sa akin ni yaya Kurds. Pero hindi ko siya pinansin, patuloy pa din ako sa aking ginagawa. Napatingin ako sa relo ko, padating na siguro si Cyrus.
"Ano ba eyang hawak hawak mo? Pinsel keys ba yan? Baket mo kaelangan ng pinsel keys?" mga tanong sa akin ni yaya Kurds, nakakatawa talaga to.
"Pouch bag ang tawag dito.." sabi ko sa kanya.
"Aaaaaah, anong laman neyan? Selpon lang ang kaysya deyan.." sabi niya sa akin. Speaking of cellphone, nawawala pa din, mukang hindi ko na makikita.
"Basta! Hay nako, yaya Kurds, dami mo naman tanong." sabi ko sa kanya pagkatapos ay umupo ako sa harap ng tocador nakaharap pa din sa salamin.
"Wag maenet ang olo, sabe nga ni soperman, chellax!" sabi niya sa akin. At talagang binanggit pa si Joshua. Makikita ko kaya siya mamaya? Malamang kasama niya si Janine, sana maging okay ang lahat.
"Ekokoha na mona keta ng maeenom.." pagpapatuloy niya.
"Wag na, matatanggal ang lipstick ko.." pagtanggi ko sa alok niya.
"May lepstek ka nga pala, seya labas na ko, magloloto pa ako.." pagpaalam niya sa akin.
"Salamat yaya Kurds!" pasweet kong sabi sa kanya.
"Walang anoman Kuloy.." sabi niya sabay labas ng kwarto ko.
Asan na kaya si Cyrus? Dapat andito na siya, baka maabutan kami ng traffic. Darating naman siguro siya, baka may kinailangan siyang gawin. Pumunta na ako sa sala pero wala pa din, inip na inip na ko, 1 hour late na siya. Nakakaasar. 15 minutes pa, kapag wala pa siya, pupunta ako mag-isa. Kaya lang, paano naman? Jeep, bus? Hindi pwede sa suot ko. Taxi? Naku, gagastos pa talaga ako dahil lang late si Cyrus. Pero kailangan kong totohanin ang sinabi ko sa kanya para malaman niyang seryoso ako sa mga sinasabi ko. Pinatawag ko ng taxi si yaya Kurds, kung marunong lang sana akong magdrive, kotse nila tita ang gagamitin ko. Ilang minuto lang ang nakalipas nang bumalik si yaya Kurds.
"Kuloy, kuloy, dalean mo, ang taxe tataas ang mitru.. beles!" natatarantang sabi niya sa akin.
"Okay yaya, madaming salamat!" pagpapasalamat ko sa kanya at lumabas na.
"Kuloy engat ka, ekamosta mo ako kay soperman ko." pahabol niya sa akin. Ano ba tong si yaya Kurdapya, superman nalang ng superman, at may ko pa, pag-aari niya? Kaloka a.
Binuksan ko ang pinto ng taxi, sumakay ako at noong isinasara ko ag pinto, merong pumigil sa akin sa pagsara.
Cyrus
Ito ang unang beses na gagawin ko ang bagay na ayaw ko naman talagang gawin. Gagawin ko ito para kay Chloe, para makabawi sa kanya. Pero ayaw ko talagang gawin to, pang-asar naman oh. Pagkatapos kong magbihis ay umalis ako kaagad ng bahay dala ang aking kotse, nagmamadali ako dahil late na ako nakapag-ayos, dahil hindi ako excited at uulitin ko ayaw ko naman talaga pumunta. Hindi ko namalayan na ganun na pala akong kalate dahil nalibang ako sa paglalaro ng xbox.
Nasa tapat na ako ng bahay nila Chloe, pero may pumipigil sa akin na bumaba at sunduin na siya. Naisip ko kapag nalate ako, hindi na talaga pupunta si Chloe, mag-iimbento nalang ako ng dahilan kung bakit hindi ako nakapunta, hindi naman siguro siya magdududa dahil hindi ko naman siya kinontra. Maghihintay nalang ako dito sa kotse, hindi naman magcocommute yun dahil hindi bagay ang outfit niya sa mga public transportation.
Mag-iisang oras na akong late sa usapan naming oras na dapat susunduin ko siya. Hindi pa din ako bumababa, andun lang ako sa loob ng kotse medyo malayo sa bahay nila Chloe para di niya makita na andun ako, pero tanaw na tanaw ko pa din kung may papasok o lalabas sa bahay nila. Ninety minutes na ang nakakalipas ng nakita kong lumabas si yaya Kurdapya. Saan kaya siya pupunta? Baka may pinapabili lang si Chloe. Di pa rin ako natitinag sa aking kinauupuan habang nakikinig sa akong iPod. Matapos ang ilang minuto nakita ko ang isang taxi tumigil sa may gate nila Chloe, bumaba si yaya Kurds at pumasok sa loob, hindi naalis ang taxi. Naku, mukang pinakuha ni Chloe si yaya Kurds ng taxi, nakita kong nalabas ng bahay si Chloe habang nagmamadali akong nagmamaneho palapit sa taxi, nakapasok na si Chloe ng taxi, isasara na sana niya ang pinto nang mapigilan ko ito.
"Anong ginagawa mo? Malelate na ako sa reunion." sabi niya sa akin.
"Sorry, I'm late, I had an emergency and natraffic pa ako." pagsisinungaling ko sa kanya. "Sa akin ka na sumabay.." sabi ko sa kanya habang inaalalayan ko siyang lumabas ng taxi. Humingi naman ako ng paumanhin sa taxi driver at binayaran ito.
Habang papunta na kami sa nasabing reunion, hindi umiimik si Chloe, tahimik lang siya, nakakabingi ang katahimikan naming dalawa, halatang nagtatampo siya.
"Chloe, I'm really sorry, may kinailangan lan talaga akong ayusin." paghingi ko ng tawad sa kanya.
"Pwede mo naman akong tawagan di ba? Para sabihan na malelate ka.." sabi ni Chloe habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Di ba nawala ang cellphone mo?" sabi ko sa kanya.
"I know, may landline naman kami!" sabi niya sa akin. Oo nga naman, paano na ba to?
"Nakaalis na ako ng bahay nung tumawag sila Mommy at Daddy, pinasundo sa akin si Cyril sa birthday party ng classmate niya at pinahatid sa work place ni Mommy, ndi ko makita kung nasaan ang cellphone *KO* kaya hindi ako nakatawag. Sorry na!" pagpapalusot ko sa kanya. Hindi pa dinsiya nagsasalita, sana naman makalusot ako.
"Chlobi, hindi bagay ang ganyang expression sa suot mo, pero you look pretty pa din.." nakangiting sabi ko sa kanya. "I am really sorry, sayang ang pagpunta natin dun kung hindi tayo magkabati.." pagpapatuloy ko.
"Sa susunod, aabisuhan mo ako, may mga pay phones naman kung san san eh." sabi niya sa akin. Yes finally, nagsalita na din siya. Magiging okay na kami.
"Sorry na Chlobi, I love you!" paglalambing ko sa kanya sabay kiss.
"Saibi! Baka maaksidente tayo.." pagsaway naman niya sa akin.
Nang dumating kami sa location ng event, madami ng mga kotseng nakapark. Nagpapasukan na ang mga batchmates namin. Ilang beses na kaming umikot ikot sa parking lot pero wala pa din kaming nakitang slot. Nakailang bugtong hininga si Chloe, hanggang sinabi ko na sa kanyang mauna nalang siya at susunod nalang ako. Pero ayaw ni Chloe, ilang ikot pa ang aming kinailangang gawin para lang makakita ng slot, sa wakas nakakita din kami.
Habang naglalakad na kami papunta sa entrance ng event..
"Chlobi, I'm sorry ah, nahilo ka ata sa kakaikot natin dito sa parking lot." paghingi ko ng tawad sa kanya.
"Okay na, punta nalanng tayo sa event." nakangiting sabi niya sa akin. Buti nalang hindi na siya galit, ginantihan ko din siya ng isang matamis na ngiti.
Sa may entrance, andun ang mga nakaassign para icheck ang mga dumarating. Nakangiti kaming pumunta dun sa table. Nakilala naman kaagad ako ng isa dun..
"Oh finally Mr. Bernal!" sabi niya sa akin. "Ilang minuto nalang at mag-uumpisa na ang event." nakangting sabi niya sa akin.
"I'm sorry we're late.." nakangiting sabi ko sa kanya.
"Not really, just please sign the log book.. and she is.. Ms. Yu? Am I right?" sabi niya.
"Yes. I'm Chloe Yu, nice to see you again Jenny!" sabi naman ni Chloe, kilala pa pala niya si Jenny.
"Me too, just please sign the log book guys.." sabi niya sa amin. Habang nagsasign kami ni Chloe.. "You're on table 8.. kanina pa kayong hinahantay ng mga batchmates natin." pagtatapos niya.
Table 8? May table arrangements pala, sino kaya ang makakasama namin sa table? Huwag naman sana kaming malasin. Hinanap kaagad namin ni Chloe ang table 8, noong nakita na namin ang nasbaing table, pinuntahan kaagad namin, merong isang babae at lalaki ang nakaupo dun, mukang couple sila, sana hindi sila ang aking nasa isip. Nang malapit na kami sa table, napatigil ako, dahil nasigurado kong ang malas malas ko sa gabing ito.
"Cyrus? Let's sit down.." sabi ni Chloe, na naging dahilan ng paglingon ng dalawang nakaupo.
"This is unbelievable!" napalakas na sabi ko, napatingin naman sa akin si Chloe at napatayo ang couple na ayaw kong makasama ni makita.
Narrator
Napalingon si Janine at Joshua nang marinig nila ang boses ni Chloe at ang pangalan ni Cyrus.
"This is unbelievable!" sabi ni Joshua nang makita niya ang dalawa. Napatayo naman sila sa sinabi ni Cyrus. Tiningnan ni Chloe si Cyrus, napatingin na din siya sa dalaga, ang mga mata niya ay parang nagsasabi na wag gagawa ng kahit anong eskandalo si Cyrus.
"No offense guys, I mean, after all, kahit dito sa event, tayo tayo pa din ang magkakasama.." pagpapalusot ni Cyrus. Napangiti naman si Chloe. "Kamusta kayo?" plastik na tanong ni Cyrus sa dalawa.
"Okay naman kami Sai.." sagot ni Joshua, napangiti lang si Janine dahil hindi niya gusto ang tabas ng dila ni Cyrus. "Kayo kamusta? Buti andito na kayo, magstart na daw in a few minutes e." pagpapatuloy ni Joshua.
"We're fine!" malamig na sagot ni Cyrus. At nagtungo na sila sa kanilang seats. Nagkamustahan si Janine at si Chloe, maayos naman ang pakikitungo ni Janine kay Chloe dahil wala naman siyang problema sa kaibigan niya yon, kay Cyrus lang talaga. Paminsan minsan ay iniirapan ni Janine si Cyrus kapag nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya. Si Joshua naman ay tahimik lang, nakikinig sa pag-uusap ng dalawang dalaga at malimit naman ang tingin kay Cyrus. Hanggang dumating sa punto na natahimik silang apat dahil pinatay ang ibang ilaw sa paligid.
Cyrus:
Is this Janine? She looks so.. gorgeous! I mean, she's extremely beautiful. Bagay na bagay sa kanya ang purple night dress niya, hindi ganung kagarbo pero elegant, kitang kita ang kagandahan ng kanyang katawan, kumikinang kinang siya sa kanyang dress at make up. I can't believe that Janine is really.. aah.. whatever!
Joshua:
Wow! Ang ganda talaga ng baby princess ko, perfect ang color pink para sa kanya. Fit na fit sa kanya ang kanyang suot, maiksi lang, hindi kasing haba ng kay Janine, wala akong ibang masabi kundi ang ganda niya. Lalo na kapag ngumingiti siya, nangungusap ang kanyang mga mata. Hanggang tingin nalang ako, hanga, dahil alam kong ssi Cyrus ang mahal niya.
Janine:
My gosh! He's right, this is so unbelievable, ang plastik niya! Siguro kaya lang siya pumunta dito dahil gusto ni Chloe, dahil kitang kita ko sa mga face expressions niya na ayaw niya kung nasaan siya, na sana nasa ibang lugar nalang siya, txaka bad vibes ang dala niya. Plus, mukang hindi niya pinaghandaan 'to, oo, maganda ang suot niya, black suit, gray necktie, pero bakit gray? Sana tinerno niya sa suot ni Chloe. Ang hair niya, binasta lang ata. Naku, sayang ang kagwapuhan niya kung ganyan ang itsura ng muka niya, nakasimangot!
Chloe:
Daddy, I wish I'm still you're baby. Hindi ko pa din maintindihan kung bakit nagkaganun si Cyrus, pero wala na akong magagawa, ayaw kong masira ang relationship namin, mahal ko si Cyrus. Pero hindi ko maiikaila na ang gwapo niya, lalo na ngayon, terno sila ni Janine, naka black suit din siya gaya ni Sai, pero purple ang necktie niya, parehong pareho ng kay Janine. Ang gwapo gwapo niya talaga, feeling ko masaya siya, blooming siya, inlove na inlove talaga siya sa girlfriend niyang si Janine. Minsan naiisip ako, sana ako nalang si Janine, ewan ko ba.
Narrator
"Ladies and gentlemen, please have a look at the monitor.. we prepared a short presentation, enjoy!" sabi ng Emcee ng event. At nagsimula ng magplay ang nasabing presentation.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Medyas Lovers!
Blog Archive
-
▼
2012
(56)
-
▼
March
(21)
- Book II Chapter 11: Textmate
- Book II Chapter 12: Break?
- Book II Chapter 13: Truth or Lie?
- Book II Chapter 14: Sorry, Goodbye!
- Book II Chapter 15: Partners in Crime
- Book II Chapter 16: "You'll never see me again!"
- Book II Chapter 17: Misunderstanding
- Book II Chapter 18: Moving On
- Book II Chapter 19: Confrontation
- Book II Chapter 20: Reconciliation
- Book II Chapter 21: JJ's Moments
- Book II Chapter 22: CC's Moments
- Book II Chapter 23: Before The Event
- Book II Chapter 24: The Event
- Book II Chapter 25: Busted
- Book II Chapter 26.1: Superman To The Rescue
- Book II Chapter 26.2: Superman To The Rescue / Date?
- Book II Chapter 27.1: Chloe's Sudden Headache
- Book II Chapter 27.2: Speechless
- Book II Chapter 28.1: Flashbacks
- Book II Chapter 28.2: My Memory Is Back!
-
▼
March
(21)
Most Viewed
Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment