Monday, March 26, 2012
Book II Chapter 27.2: Speechless
8:44 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
Chloe
Nasa loob kami ng kwarto ni Janine, nang biglang pumasok si Joshua. Parang bulol siya kung magsalita dahil nakagat daw niya ang dila niya habang kinakagat niya ang yelo. Natatawa tawa naman ako habang nagsasalita siya, nag-iba ang timpla ng pakiramdam ko ng binanggit niya ang pangalan ko.. "Cowi.." Pinaulit ko sa kanya, ganun pa din.. "Cowi.." Hindi ko alam kung bakit, pero sumakit ang ulo ko lalo na nung paulit ulit niyang binanggit ang pangalan ko nung bulol siya. Sobrang sakit, hindi ko maipaliwanag kung bakit, parang may gustong pumasok at parang may mga paikot ikot na kung ano ano sa utak ko na hindi ko talaga malaman ang dahilan. Habang naririnig ko ang "Cowi.." lalong tumitindi ang sakit hanggang sa mahimatay na ako.
Nang magkamalay ko, dahan dahan kong ibunukas ang aking mga mata, nakita ko si Joshua sa tabi ko, nagbabantay, habang si Janine naman ay nasa sofa, nakalaptop.
"Ja-Janine.." tawag ko sa kanya, kaagad naman niyang itinigil ang kanyang ginagawa at pumunta sa akin.
"How are you? Are you okay now? Ano nararamdaman mo?" sunod na sunod niyang tanong sa akin, halatang nag-aalala siya.
"I feel okay, medyo nanghihina pa.. what happened?" nanghihinang tanong ko sa kanya.
"Sumakit ang ulo mo tapos nawalan ka nang malay, nagworry kami, halos 24 hours ka nang walang malay, buti nagising ka na." sagot niya sa akin.
"Ano? Ganon na katagal?" gulat na gulat kong tanong sa kanya. "Oo, buti nga nagising ka na kasi kung hindi baka dadalhin ka namin sa ospital." sagot niya sa akin.
"Kanina pa ba natutulog si Joshua?" tanong ko kay Janine. "Hindi, ngayon ngayon lang, pilit niyang pinipigilan ang sarili niya na makatulog, dahil gusto niya paggising mo siya kaagad ang una mong makikita. Buti nga nakatulog eh.." sagot niya sa akin. Kawawa naman siya, nakakahiya sa kanilang dalawa, paasikaso pa ako.
"Urmm, Janine.. Uuwi na ko ah.." sabi ko sa kanya.
"Ano? Mahina ka pa, magpahinga ka muna.. Ihahatid ka nalang namin ni Joshua pauwi." pagtutol niya sa akin.
"No, naku, wag na. Masyado na ako nakakaabala.. Papasundo nalang ako kina tito, tsaka para makapagpahinga na kayong dalawa." sabi ko sa kanya.
"Pe-peroo---"
"Please Janine, masyado na akong nakakaabala, nakakahiya na. Magpapasundo nalang ako. Salamat talaga." sabi ko sa kanya, wala na naman siyang sinabi, napatango nalang siya.
Bago siya lumabas ng kwarto, humingi ako ng isang post-it sa kanya at nanghiram ng ballpen, may isinulat ako saglit pagkatapos ay tumawag ako sa tito ko para magpasundo, buti nalang andiyan sila. Nag-ayos ako ng aking sarili, inayos ko na din ang pagkakahiga ni Joshua, mukang ang sarap ng tulog niya dahil hindi niya ako napapansin.
"Rest well." sabi ko sa kanya, hinalikan ko siya sa kanyang pisngi at lumabas na ako ng kwarto.
Kinatok ko si Janine sa kanyang kwarto, "Janine, uwi na ako ah, sa labas ko nalang hihintayin si tito." pamamaalam ko sa kanya.
"Kung di na talaga kita mapipigilan, sige. Samahan nalang kita sa labas.. Upo tayo sa bench." sabi niya sa akin.
Bago siya lumabas ng pinto.. "Pwede bang sa akin nalang ang mga yun?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman, ibibigay ko naman talaga sayo yan e.." sagot niya sa akin, kinuha niya ang mga yun at ibinigay sa akin.
"Thanks ah." pagpapasalamat ko sa kanya, napangiti nalang siya.
Lumabas na kami, naghintay saglit sa may bench at nang dumating na ang tito ko, umuwi na ako. Nang makarating kami sa bahay, kumain ako at nagpahinga sa may sala.
"Kuloy, ukey ka na ba?" tanong sa akin ni Yaya Kurds.
"Oo, okay na ko. Magpahinga ka na." sagot ko sa kanya.
"Sege, papahenga na ako." pamamaalam niya sa akin.
Ilang oras ako andoon sa sala, nakahiga sa sofa, nag-iisip. Alam ko may migraine ako, pero parang hindi naman migraine yung kanina, masyadong matindi. Nagpalakad lakad ako sa sala hanggang sa napansin ko ang mga albums doon sa may gilid ng tv. Kinuha ko ang mga iyon at isa isang tiningnan. Sa mga litratong yun, kasama ko pa ang mga magulang ko, may mga naaaalala pa ako tungkol sa kanila, sa mga ginagawa namin. Kung saan kami nakatira dati. Madami din akong hindi maalala, siguro dahil bata pa nga ako nuon, buti nalang may mga picture. Atleast kahit papano makikita ko ang mga nakasama namin noon, mga nakasama ko. Ang cute ko nung bata pa ako, haha, sa mga pictures ko mukang astig ako noon, hindi katulad ngayon.
"Kuloy, let's go to the hospital.." sabi sa akin ni tita, napatigil tuloy ako sa pagtingin sa mga albums.
"Pero tita, I'm fine na, feeling okay na po." sabi ko sa kanya.
"No Chloe, I want to make sure that there's nothing wrong, kasi mag-aout of town na naman kami ni tito mo, alam mo naman ang negosyo natin. Gusto kong masigurado na okay ang lahat bago kami umalis." sabi niya.
Wala na akong nagawa kundi ang sumama kay Tita at Tito, nagpacheck up, kung ano anong test ang pinagawa sa akin. Wala naman siguro akong sakit na malubha. Healty foods naman ang mga kinakain ko, yun nga lang minsan nalilipasan ako ng gutom. Ano ba yan? Nung dumating ang results, okay naman daw ang lahat, normal naman daw ang mga resulta, at paminsan minsan daw talaga ay nakakaranas ng ganun ang mga tulad ko.
Pagkatapos sa ospital ay umuwi na kami, nasa may gate palang kami at nakita ko na si yaya Kurds na tumatakbong papalabas ng pinto ng bahay..
"Hoy, yaya Kurds! Wag ka ngang tumakbo.." sabi ko sa kanya.
"Ih paanu naman kase kuloy, kanena pa sayo naghehentay se batman, andon sa luob, dalean mo!" sabi niya sa akin sabay alis.
Si Cyrus? Andito siya, anong ginagawa niya dito? Ready na ba talaga akong harapin siya? Okay na naman ang pakiramdam ko, yung ginawa naman niya sa akin, hmmm, ewan, hindi na naman ako galit, pero kapag naiisip ko, naaalala ko, nasasaktan pa din ako ng konti. Kakausapin ko ba siya? Mas pipiliin kong magpahinga nalang muna.
"Kuloy, bakit ba natigilan ka diyan? Harapin mo ang bisita mo." sabi sa akin ni Tita. Naku naman, magpapahinga nalang sana muna ako e, hindi ko alam kung ano ang mga masasabi ko kay Cyrus, pero I have no choice.
Pumasok ako sa bahay at dumeretso sa sala, nakita ko na nakaupo dun si Cyrus, napatingin naman siya sa akin at akmang tatayo, sinenyasan ko siya na wag nang tumayo, pagkatapos ay umupo na ako sa may tapat niya.
"Kamusta ka na? Ano sabi ng mga doctors?" mga tanong niya sa akin.
"Okay naman ang mga results ng mga test na ginawa sa akin. Kamusta na ako? Ito, medyo magulo ang isip." sagot ko sa kanya.
"I am really sorry for what I've done." sabi niya sa akin pagkatapos ay may mga tumulong luha sa kanyang mga mata. Seryoso na ba siya this time? Or may mga kasinungalingan na naman siya? Hindi ko na alam ang iisipin ko, pero ang bigat sa pakiramdam habang nakikita ko siyang umiiyak, mahal ko pa din kasi siya, kaya lang, may parte ang puso ko na nagsasabing hindi na tama ang mga nangyayari.
Nagulat ako ng may biglang kumapit sa balikat ko, si Cyrus pala, napatulala pala ako at hindi ko napansin na napaluha na din ako. Nakita ko na nakaluhod siya sa may tabi ko.
"Cyrus, ano ka ba? Tumayo ka nga diyan.." medyo natataranta kong sabi sa kanya. Pero hindi siya natitinag. Nakaluhod pa din siya. Kinapitan niya ang mga kamay ko.
"Chloe, please forgive me. Hindi ko na ulit gagawin yun, I really love you Chloe.." habang sinasabi niya ang mga yan, palingon lingon ako kasi baka nakikita kami nila tita, nakakahiya.
"Cyrus, tumayo ka dyan, nakakahiya kina tita.." pabulong na naaasar kong sabi sa kanya.
"Chloe, please, I am really really sorry. Please forgive me." pagmamakaawa niya sa akin, sino ba kasing may sabing galit ako sa kanya?
"TUMAYO KA NGA DIYAN!" napasigaw kong sabi dahil sa kabwisitan ko sa kanya, tumayo naman siya, kumalma naman ako nang nakita kong tumayo siya.
"Patawarin mo na ako Chloe, please please.." pagmamakaawa pa din niya sa akin. Umupo ako, umupo din naman siya sa may tabi ko..
"Hindi naman ako galit sayo eh." sabi ko sa kanya. "Hindi ka galit? Talaga? So pinapatawad mo na ako?" parang excited na excited niyang sabi sa akin.
"Hindi ako galit sayo, pero hindi ibig sabihin nun na hindi ako nasaktan sa ginawa mo." sabi ko sa kanya, tahimik lang naman siya.
"Hindi ko pa din maintindihan kung saan nanggaling ang mga dahilan mo para gawin mo yun." pagpapatuloy ko.
"I don't know either, maybe I just love you too much and I didn't notice that I wasn't doing the right thing." sabi niya.
"Siguro nga, pero sobrang masakit yung ginawa mo sa akin." sabi ko naman sa kanya.
"I know, I just realized. And I am really really sorry for what I've done. I love you, Chloe, nabulag ako, hindi ko kaagad nakita na nasasaktan ka na pala ng pagmamahal ko. I beg for your forgiveness, Chloe Yu." paghingi na naman niya ng tawad.
"Gaya ng sinabi ko sayo kanina, hindi ako galit sa'yo, masakit lang talaga yung ginawa mo sa akin, so you don't have to beg for my forgiveness." sabi ko.
"Pero nasaktan kita, sorry Chloe, sorry!"
"Stop saying sorry Cyrus, alam ko naman na hindi mo din gustong mangyari yun, na nagawa mo lang yung because of love, but it's too much." sabi ko sa kanya pagkatapos niyang magsorry, nakakairita na, paulit ulit.
"Okay!" ang tanging nasabi niya. Hindi ko na alam ang sasabihin ko, wala na din naman siyang sinasabi. Ilang minutong pareho kaming hindi nagsasalita hanggang sa.. "Chloe.. can I ask you a question?" tanong niya.
"Ano?" tanong ko sa kanya.
"Do.. Do you.. You still lo-love me?" nauutal niyang tanong na nakapagpatulala sa akin, bakit ganun? Hindi ko alam ang isasagot ko, alam ko sa isip ko na mahal ko siya, pero bakit merong pumipigil sa akin na sabihin yun. Tama nga kaya si Janine? Na hindi talaga si Cyrus ang mahal ko? Na blinded lang ako sa kanya pero ang totoo si Joshua talaga ang mahal ko? Naguguluhan ako. Ano na nga ba?
"Chloe.." sabi niya sa akin, na nagpatanggal sa pagkatulala ko, napalingon ako sa kanya at biglang tumulo ang aking mga luha, hindi ko pa din alam ang aking sasabihin. "Chloe, please give me another chance.." sa sinabi niyang yan, lalong tumulo ang aking mga luha, lalo akong nawalan ng mga salita, para ako biglang napipi, parang nakain ng pusa ang dila ko, hindi ko alam ang aking sasabihin.
"Chloe, do you still love me?" parang dinudurog ang puso ko sa tanong niyang yan, pagkatapos kong makinig yan ay kinapitan niya ang aking mga kamay na siyang naging sanhi ng tuluyan kong pag-iyak. Pinipigilan ko ang aking pag-iyak pero hindi ko kaya hanggang sa niyakap ako ni Cyrus.
"Chloe.. please stop crying, sorry!" sabi niya sa akin, kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Sorry? No! No, Cyrus!! I am sorry.." pasigaw na sabi ko sa kanya, halata sa kanyang mata ang pagtataka. "I am really sorry, Cyrus!" naiiyak ko pa ding sabi sa kanya.
"So you, you mean.. you, you don't.. love me anymore?" tanong niya sa akin.
"Please! Please don't make me answer that question 'cause.. it's breaking me into pieces.." para akong dinudurog habang sinasabi ko ang mga yan.
"I am the one whose breaking into million pieces, Chloe." napapaluhang sabi niya sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, ang alam ko lang is I cant be with him anymore as my partner but I can't tell him.
"Bakit ganun, Chloe? Sabi mo.. Sabi mo walang iwanan pero bakit parang unti-unti mo na akong iniiwanan. Hindi ko alam kung paano haharapin ang bukas at makalawa ng wala ka.." sabi niya sa akin habang umiiyak.
"Hindi ko alam, Sai." naiiyak ko pa ding sabi sa kanya. Pagkatapos ng sagot ko sa kanya, nagsimula ang napakahabang katahimikan, walang nagsalita ni isa sa aming dalawa, ang tanging naririnig lang namin ay ang mga pag-iyak namin, ang pagsubok na pigilan ang pagtulo ng aming mga luha. Halos mag-iisang oras na ata kaming hindi nagsasalita, unti-unti na din kaming kumakalma, napapatigil na kami sa aming pag-iyak hanggang sa makarecover na nga kami sa aming pag-iyak.
"Uhmm.." pauna ni Cyrus. Napatingin lang naman ako sa kanya. "I know you're getting irritated 'cause I kept on saying that I am really sorry, I'm really sorry, Chloe. I have to say sorry kasi alam kong nagkamali ako and I deserve all this." pagpapatuloy niya.
"Sai.." pagputol ko sana sa kanya pero nilagay niya ang kanyang isang daliri sa aking mga labi para pigilan akong magsalita.
"Chloe, you don't have to say anything for now, I know you're hurt, you're confused. I was. But someone made me realize everything." sabi niya sa akin habang bahagyang nakangiti. Sino kaya ang someone na yun? Kilala ko kaya yun?
"I know you love me, I can feel it, but I also know that you're inlove with Joshua." naluluha luha niyang sabi sa akin, nagulat naman ako sa sinabi niya. Pareho sila ng sinabi ni Janine, na inlove ako kay Joshua. Siguro, malamang tama sila, sa nararamdaman kong 'to.
"Chloe, alam ko ang dahilan kung bakit hindi mo masabi sa akin na hindi ka na sa akin inlove, di ba dahil ayaw mo akong masaktan?" seryosong sabi niya sa akin. "Okay na, okay lang.. sa totoo lang matagal ko nang alam yan, pero hindi ko pinapansin kasi naisip ko na kung totoo man yung nararamdaman kong yun, sasabihin mo sa akin, siguro dahil ako na yung boyfriend mo, pinanindigan mo nalang dahil may nararamdaman ka din namang pagmamahal para sa akin, di ba?" pagtatapos niya.
Hindi ko alam ang sasabihin ko, nang ibubuka ko na ang aking bibig para magsalita, pinigilan na naman niya ako.
"Don't! Kapag sure ka na at hindi ka na naguguluhan tsaka ka magsalita. Didistansya muna ako, you can call me anytime you want, kapag ready ka na, call me. I'm willing to do everything you want." sabi niya sa akin. Napaluha na naman ako, wala na akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak, hindi na ba to titigil?
"Alis na ako, Chloe. Pasenxa na sa istorbo, magpagaling ka, okay? Take care." pagmamaalam niya at hinalikan niya ako sa noo, pagkatapos ay umalis na siya. Nilingon ko siya habang papalabas ng bahay, nakita kong lumingon din siyang nakangiti. Hindi ko na nagawang magsalita, hindi ko alam kung bakit, ngayong araw na to lang ako napipi ng ganito.
Cyrus
Pumunta ako sa bahay nila Chloe para kausapin siya, para humingi ng tawad at para humingi ng second chance, kung saka sakaling hindi niya ako bigyan ng isa pang pagkakataon, alam ko na ang aking gagawin. Pero pagdating ko dun, wala siya dun, sabi ni yaya Kurds nasa ospital daw si Chloe, bigla naman akong kinabahan, buti nalang check-up lang naman daw pala. Natawag pa akong OA ni yaya Kurds. Naghintay ako ng ilang oras bago siya dumating.
Nakita ko kanyang mga mata na para bang ayaw niya akong makita, na naguguluhan siya, na hindi alam ang gagawin o sasabihin niya. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. Umupo siya sa sofa sa harapan ng inuupuan ko, kinamusta ko siya, humingi ako ng tawad sa kanya, lumuhod pa ako para ipakitaa sa kanya ang sincerity ko. Nairita siya, sinigawan niya ako. Nagkaiyakan kaming dalawa. Kitang kita sa mga mata niya at sa kilos niya na talagang naguguluhan siya, na hindi niya alam kung anong sasabihin. May mga panahong pareho kaming hindi nagsasalita. I asked her if she still loves me, pero hindi siya makapagsalita. Ngayong kumpirmado na na talagang kay Joshua siya sa inlove, kung nuon nararamdaman ko lang, ngayon sa hindi niya pagsasalita alam ko nang hindi na talaga ako ang mahal niya.
Ang sakit sakit, unti unti akong nadudurog. Pero alam ko naman na kasalanan ko din hindi ko lang ineexpect na ganito ang mangyayari. Kahit gusto na niyang magsalita, pinigilan ko siya, dahil alam kong hindi siya sigurado sa mga sasabihin niya. Sinabi ko nalang sa kanya na tawagan niya ako kapag ready na siyang makipag-usap, pagkatapos ay nagpaalam.
Pinigilan ko ang umiyak, pangiti ngiti pa nga ako nung nasa harap ni Chloe hanggang sa huling paglingon ko sa kanya, pinilit kong ngumiti hanggang sa paglabas ko ng bahay nila. Nang nakasakay na ako sa kotse, hindi ko na napigilan ang umiyak. Para akong batang babaeng inagawan ng pinakapaboritong candy. Hindi ko alam ang gagawin ko, tama ang sinabi ko sa kanya, hindi ko alam ang gagawin ko ng wala siya sa piling ko.
Joshua
Pagmulat ng mga mata ko si Chloe kaagad ang hinanap ko pero hindi ko siya makita sa kama kung saan nakahiga siya dapat. May nakita akong post-it note sa may side table, binasa ko iyon.
*Daddy, thanks for taking care of me.
Uuwi na muna ako, don't worry, I'll be fine.
Magpahinga ka, okay? ?*
Naku! Bakit ba kasi ako nakatulog. Anong oras na ba? Gabi na pala, kaya pala nagugutom na ko. Buong araw akong nakatulog? Record yun ah. Lumabas ako ng kwarto, pumunta ako sa kwarto ni Janine pero wala siya dun, hindi naman niya siguro ako iniwan habang natutulog. Pagpunta ko sa kusina, nakita ko ang mesa, madaming pagkain, mga paborito ko pa, malamang para sa akin to. Umupo ako dun at kumain. Maya maya nakita ko na padating na si Janine.
"Gising ka na pala Sleeping Handsome, eat well." pagbati niya sa akin.
"Salamat. Tara kain tayo, gutom na gutom na talaga ako." pagyaya ko sa kanya.
"Halata naman eh, sige lang, para sayo talaga yan.." pagtanggi niya sa akin.
"Nga pala? Bakit mo hinayaang umalis si Chloe?" tanong ko sa kanya bago ako sumubo, umupo naman siya sa kabilang upuan.
"She insisted." maiksing sagot niya sa akin.
"Uhmm.. Sure ka kumain ka na?" tanong ko ulit sa kanya kahit si Chloe ang natakbo sa isip ko, kamusta na kaya siya?
"Are you really concern? Parang hindi naman, Chloe is alright. Pinacheck up siya ng tita niya when she got home, okay naman daw ang mga results, nagpapahinga na siya ngayon." sabi niya sa akin, halata bang si Chloe ang iniisip ko?
"Paano mo naman nalaman yan? Galing ka ba sa kanila? O tinawagan mo siya?" tanong ko sa kanya.
"Relax. I have connections noh? Just keep on munching, punta lang ako sa room ko." sabi sa akin ni Janine at nagpunta na nga siya sa kanyang kwarto, ako naman ay nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatpos kong kumain, naghugas ako ng pinagkainan ko at inayos ko yung kwartong tinulugan ko. Pumunta ako sa room ni Janine, pagkabukas ko ng pinto nakita ko na may kausap siya, nang makita niya ako nagpaalam kaagad siya sa kung sino mang kausap niya.
"Finished eating?" tanong niya sa akin.
"Yup! Thanks ah, sarap." sabi ko sa kanya sabay upo.
"You're welcome. Stop worrying about Chloe, she is fine." sabi niya sa akin. Muka ba talagang nagwoworry ako masyado kay Chloe? Halatang halata ni Ja, nakakainis naman.
"Tawagan ko kaya siya?" tanong ko sa kanya, tumango lang naman siya sa akin.. "Nagkausap na ba sila ni Cyrus?" dugtong na tanong ko sa kanya.
"That's possible." sagot niya sa akin.
"Really?" napakunot noo kong tanong. "Gusto kong malaman kung ano ang napag-usapan nila." sabi ko.
"Why? Ready ka na ba na ipaglaban si Chloe?" seryosong tanong niya sa akin, napaisip naman ako bigla.
"Ipaglaban si Chloe? Paano? Si Cyrus ang mahal niya." sabi ko naman sa kanya.
"O-M-G! Are you guys stupid? Honestly, you're frustrating!" napakalalim na buntong hiningang sabi sa akin ni Janine, ganun na ba talaga akong katanga? You guys? Kami? Nakaausap niya si Chloe tungkol dito?
"Nakausap mo si Chloe about this?" tanong ko kay Janine.
"Urm.. yes! Both of you should talk." sabi niya, wala naman akong nasabi. "Atleast ikaw alam mo na si Chloe ang mahal mo, na inlove ka sa kanya pero si Chloe is still blinded, or maybe ngayon unti unti na niyang narerealize na, oo mahal niya si Cyrus, pero sayo naman talaga siya inlove." pagpapatuloy ni Janine.
"Alam mo talaga lahat eh noh?" sabi ko sa kanya with fake smile.
"Of course!" sabi niya sa akin at ginantihan niya ako ng fake smile din, cute. "At alam ko din na nag-aalala na sayo ang mama at papa mo, kaya tinawagan ko na sila, I told them that you're here and you're busy with your lovelife."
"Ikaw talaga, pati ba naman yun!" sabi ko sa kanya. Pareho kaming natahimik, ako nag-iisip kung ano ang dapat gawin, siya naman ay nasa harap ng laptop niya. Sinilip ko kung anong ginagawa niya, about fashion pala. Kung ano anong picture ng damit. Napahiga ako, hindi ko pa din alam ang gagawin ko. Tatawagan ko ba si Chloe? Ano naman ang sasabihin ko? Kakamustahin ko siya, pagkatapos? Hindi ko na alam. Hays.
"Ja, help me!" pag-ungot ko kay Janine, kaagad naman niyang isinara ang kanyang laptop. At humarap sa akin. "Ano ang dapat kong gawin?" tanong ko sa kanya, napairap naman siya pagkatapos ay ngumiti.
"Muka ba talaga akong adviser?" seryosong tanong niya sa akin. "Ja, naman eh." arti-artihang sabi ko sa kanya.
"Joke lang. Okay!" sabi niya sabay hinga nang malalim. "You're inlove with Chloe, she is inlove with you, pero dinedeny pa niya. Sa tingin ko, you should go for her, make her realize that she is really inlove with you before it's too late." sabi niya sa akin.
"What about Cyrus?" tanong ko sa kanya, bahagya siyang napatawa.
"Cyrus? Don't worry about him.." sabi niya. "I'll take charge.." nakakalokong sabi niya.
"Anong pinaplano mo?" curious na curious kong tanong sa kanya.
"Nah, I was just kidding. But seriously, don't mind him. Trust me!" sagot niya sa akin, kinuha niya ang cellphone ko, may mga pinindot at ibinigay sa akin. "Here! Talk to her." sabi niya.
"What? I'm not yet ready, hindi ko alam ang mga sasabihin ko.." pag-angal ko sa kanya.
"Baaaaah, speak your heart out kid!" pagtataray niya sa akin.
*Hello..* sabi sa kabilang linya. Naasar naman ako bigla kay Janine, hindi ko alam ang sasabihin ko.
*Josh, ikaw ba talaga yan?* tanong ni Chloe. Napatingin ako kay Janine, medyo binigyan ko siya ng matalim na tingin. Ginantihan naman niya ako ng pagpapout ng lips, pagpapacute na smile at pilik sabay tawa. Babaeng to talaga, baliw. Sinagot ko ang tanong ni Chloe at nag-usap na nga kami, pumuwesto ako dun sa sofa ng kwarto ni Janine.
Janine
I was talking with someone when Joshua entered my room. Nagulat ako kaya nagpaalam kaagad ako sa kausap ko. Then we talked for a while, tapos silence, so I decided to check my collections on my laptop. Matapos ang ilang minuto, tinanong ako ni Joshua tungkol sa kung anong gagawin niya. Ganun na ba talaga sila katanga? I'm not being mean, pero alam naman na nila ang gagawin nila, ang gusto nilang gawin, pero kailangan ba talaga na itanong pa sa akin o sa kung kanino? Sinabi ko sa kanya ang sa tingin kong kailangan niyang gawin at idinial ang number ni Chloe sa kanyang cellphone at ibinigay ito sa kanya, nag-arti artihan pa siya, hindi daw alam ang gagawin, kaasar ng konti.
Habang nakikipag-usap si Joshua kay Chloe sa phone, patingin tingin ako sa kanya, mukang okay naman ang pag-uusap nila. Nararamdaman ko na finally, matatapos na din ang mga gusot about sa lovelife nila. Everything will be okay very soon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Medyas Lovers!
Blog Archive
-
▼
2012
(56)
-
▼
March
(21)
- Book II Chapter 11: Textmate
- Book II Chapter 12: Break?
- Book II Chapter 13: Truth or Lie?
- Book II Chapter 14: Sorry, Goodbye!
- Book II Chapter 15: Partners in Crime
- Book II Chapter 16: "You'll never see me again!"
- Book II Chapter 17: Misunderstanding
- Book II Chapter 18: Moving On
- Book II Chapter 19: Confrontation
- Book II Chapter 20: Reconciliation
- Book II Chapter 21: JJ's Moments
- Book II Chapter 22: CC's Moments
- Book II Chapter 23: Before The Event
- Book II Chapter 24: The Event
- Book II Chapter 25: Busted
- Book II Chapter 26.1: Superman To The Rescue
- Book II Chapter 26.2: Superman To The Rescue / Date?
- Book II Chapter 27.1: Chloe's Sudden Headache
- Book II Chapter 27.2: Speechless
- Book II Chapter 28.1: Flashbacks
- Book II Chapter 28.2: My Memory Is Back!
-
▼
March
(21)
Most Viewed
Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment