Monday, March 26, 2012
Book II Chapter 26.1: Superman To The Rescue
8:41 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
Superman To The Rescue
Narrator
Habang nagsasayaw si Joshua, Janine at ang iba pa, hindi maiikala sa mga mata ni Joshua ang pagtataka, ang pagtatanong kung ano ang nangyayari, naiisip niya na gumana na naman ang selos ni Cyrus, pero hindi niya maintindihan kung papano namemorize ni Janine ang mga steps sa sandaling panahong napanuod niya ang sayaw nila. Nang ang step na ay kinailangan lumapit ng mga babae sa lalaki..
"Josh, relax and enjoy! This is your first and last performance with me infront of this crowd." sabi ni Janine habang nakangiting nagsasayaw.
Walang pagdadalawang isip na inenjoy nga ni Joshua ang sayaw na iyon. Natuwa naman ng husto si Janine.
*Ito na ang last, I can feel it! Sana huwag mong sayangin ang nangyari ngayon, Josh! Go for you dreams.* mga tumatakbo sa utak ni Janine habang sumasayaw.
*Hindi ko alam na magaling palang sumayaw si Janine, nakakabilib talaga si pare, full of surprises.* naman ang mga nasa isip ni Joshua.
Nang natapos ang kanilang sayaw, nagpalakpakan ang lahat at tuloy ang party. Nagpatugtog ulit ang DJ at nagsayawan na naman sa gitna ang iba at napuno ulit ang cocktail bar. Pagkatapos icongratulate ni Sir Flo ang lahat ng dancer at si Janine, hinatak ni Janine ang kanyang bestfriend.
"Joshua, go and find Chloe!" utos ni Janine.
"A-ano? Naguguluhan pa din ako." sabi naman ni Joshua.
"Okay, okay! I know the steps, dahil pinavideo ko yung sayaw niyo dati pa sa isang kaclassmate natin and pinasend ko via e-mail. Si Cyrus pinull out sa sayaw si Chloe dahill sa selos, I bet you know that! Nakita ko na gagawin niya yun, I warned him pero hindi siya nakinig. So what you should do now, I mean MUST DO, is find Chloe." pagpapaliwanag ni Janine.
"Uhm, pero.. pa-paano ka?" nauutal na tanong ni Joshua.
"Shush, don't worry about me. I'm fine, I know that you still love her, wag mong hayaang harapin ni Chloe mag-isa ang mga problema niya ngayon." sagot naman ni Janine.
"P-pero.."
"Joshua Garcia! Wala nang pero, pero. Go and find Chloe, I'll be at the cocktail bar if ever you need me or just give me a ring." sabi ni Janine sa kanyang bestfriend na nag-aalangan pa din umalis kahit gusto na niyang hanapin si Chloe, dahil ayaw niyang maiwan mag-isa ang date niya.
Umalis na nga si Joshua at hinanap si Chloe, nang nasa may kalayuan na siya..
*Tama ako, I really did the right thing, ang palayain ang aking sarili sa patuloy na pag-asa na isang araw mamahalin din ako ni Joshua bilang ako, bilang si Janine, si Janine na hindi lang niya bestfriend, kundi si Janine na mamahalin niya at papangarapin niyang makasama habang buhay. Joshua really loves Chloe, and I know, I can feel that she loves him too, kaya lang nabubulagan siya dahil kay Cyrus. That guy! Argh!!* ang mga tumatakbo sa isipan ni Janine habang papunta sa cocktail bar.
Joshua
Naguguluhan ako sa nangyayari, para akong batang walang kaalam alam sa mundo. Nagulat ako kay pare, alam niya ung mga steps, alam ko din na umiral na naman ang selos ni Cyrus pero para ipahiya pa si Chloe ng ganun? Buti nalang sinalo siya ni Janine. Asan na kaya ngayon si Chloe? Kanina pa ako palakad lakad dito hindi ko siya makita. Magkasama pa din kaya sila ni Cyrus? Kilalang kilala talaga ako ni pare, ayaw ko siyang iwan dahil siya ang date ko, dapat palagi ko siyang kasama, pero alam niyang gustong gusto kong tulungan si Chloe, kaya tinulak niya akong hanapin ito.
Sa may comfort room..
"Pare, nakita mo ba si Cyrus?" tanong ng isang kabatchmate namin.
"Hindi e, hinahanap ko nga." sagot ko sa kanya.
"Ganun ba? Si Chloe kasi nasa isang cubicle, umiiyak!" sabi niya sa akin. Umiiyak si Chloe, alam kong iiyak siya, iyakin naman talaga yun eh. Pero sa cubicle, cubicle na naman?
"Ako na bahala, salamat a." pagpapasalamat ko sa kanya pagkatapos ay umalis na siya, nagtungo naman ako sa comfort room. Hindi ako nahirapang hanapin kung saang cubicle nandun si Chloe dahil sa lakas ng kanyang pag-iyak. Hindi naman siya humahagulgol pero halatang halatang may umiiyak dun sa cubicle.
Lumapit ako sa cubicle. Kinapitan ko ang pinto, bubuksan ko sana kaya lang naisip ko baka matamaan siya at magalit sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko, wala akong mapiling mga salita para sabihin sa kanya. Natotorpe ako? Ano ba to? Pauli uli ako sa labas ng cubicle hanggang sa..
"Sino ka? Kanina ka pa diyan pauli uli!" sabi ni Chloe mula sa loob ng cubicle, siguro napansin niya ang shadow kong pauli uli mula sa labas.
"Ah.. Chloe.." mahinang sabi ko.
"Sino ka?" naiiyak niyang tanong sa akin.
"Can I open the door?" mahinahong tanong ko sa kanya.
"Joshua? Da-daddy?" tanong niya sa akin. Nang bubuksan ko na ang pinto ng cubicle, bigla itong bumukas at lumabas si Chloe, nakatungo siya. Kinapitan ko ang baba niya at pilit na inaangat ang nakatungo niyang ulo pero pinipigilan niya, alam kong umiiyak pa din siya. Bahagya kong inayos ang mga buhok na tumatakip sa kanyang muka. Unti unti kong sinubukang iangat muli ang kanyang ulo ngunit ayaw niya pa rin.
"Come on baby, mapuputol ang ulo mo kakatungo." sabi ko sa kanya, sinuntok naman niya ko sa dibdib pagkasabi ko niyan. Medyo masakit pero ayos lang, nang sinubukan ko ulit iangat ang ulo niya, sa pagkakataong yun ay pumayag na siya.
"Fuu--" mapapamurang sabi ko ng makita ko ang muka niya. Pulang pula ang buong muka niya lalo na ang kanyang mga mata, namumukto na din ang mga ito. Gusto ng lumabas lahat ng mga bad words na alam ko pero pinipigilan ko. Hind ko akalaing makikita ko ulit na umiiyak si Chloe, mas malala kesa nung high school. Nagagalit ako. Sa aking sarili dahil napabayaan ko na naman na umiyak si Chloe at kay Cyrus dahil sa pangalawang pagkakataon pinaiyak niya si Chloe.
Nagsimula na naman umiyak si Chloe, pero bago pa siya nakatungong muli, niyakap ko siya at niyakap niya din naman ako.
"Daaaadddyyy.." naiiyak niyang sabi sa akin na parang batang nagsusumbong sa kanyang tatay. Ako naman ay parang sinasaksak ng paulit ulit sa aking puso, nasasaktan akong makita siyang umiiyak, gusto ko man siyang pigilan umiyak, hindi ko magawa, dahil alam kong nasasaktan siya at hindi niya iyon mapipigilan.
"Salamat kasi andito ka para sa akin." pahikbi hikbing sabi sa akin ni Joshua.
"Limot mo na ata yung sinabi ko sayo nuon a.." sabi ko sa kanya, napatigil siya sa pag-iyak at tumingin sa akin, napangiti naman ako.. "Remember, once I told you that.. I'll always be here for you." nakangiting sabi ko sa kanya habang tinutuyo ang kanyang mukang basang basa na ng mga luha.
Napaisip naman siya, siguro inaalala niya kung kailan nangyari yun.
--- FLASHBACK ---
Chloe
Dahil sa pangyayaring iyon ay lumabas narin ako ng cubicle. Medyo gumaan ang loob ko dahil sa ginawa ni Joshua. Pagkalabas ko ay agad ko naman siyang niyakap.
"Daddy, ang sakit." sabi ko sakanya.
"Wag kang mag-alala baby. Daddy will always be here for you." pagcocomfort niya sakin habang hinihimas-himas ang buhok ko.
--- END OF FLASHBACK ---
"Ahh.. I remember na, sa loob din ng comfort room." napapangiting sabi niya sa akin pagkatapos ay yumakap siya ulit sa akin, niyakap ko din naman siya. "Daddy, please stay with me." paglalambing niyang sabi sa akin habang hinihimas himas ko ang buhok niya.
"You don't have to ask, I will stay, kahit ipagtabuyan mo pa ako o ni Cyrus." sabi ko sa kanya.
"DON'T SAY HIS NAME!" pasigaw na sabi niya sa akin. "Ayaw ko munang makarinig ng kahit na ano tungkol sa kanya." pagpapatuloy niya. Mukang this time malala na ang pag-aaway nila, pero sana magkaayos din sila.
Nakalipas ang ilang minuto, halos kalahating oras na.. magkayakap pa din kami, minsan sinisilip silip ko siya, baka kasi nakatulog na siyang nakatayo habang nakayakap sa akin, pero mulat pa din ang namumuktong mga mata niya. Tahimik lang siya, walang imik, paminsan minsan may bigla nalang may tutulong luha sa kanyang mga mata. Nakakangalay na, pero titiisin ko hanggang sa umayos ang pakiramdam ng prinsesa ko.
Isang oras na ang nakalipas nang bumitiw si Chloe sa pagkakayakap sa akin. "Daddy, hindi ka ba nangangalay?" tanong niya sa akin.
"Kanina pa." sagot ko sa kanya, kita ko naman ang pagkagulat niya. "Eh bakit hindi ka nagsasabi?" gulat na tanong niya sa akin pagkatapos niya akong tapikin sa braso.
"Kasi gusto ko gumaan muna yang pakiramdam mo." sagot ko sa kanya habang pinipindot ko ang namumula niyang ilong. "Wala akong pakialam kung mangalay ako hanggang sa mamanhid na basta maging maayos ka na." pagpapatuloy ko.
"Daddy talaga! Kaya mahal kita eh.." sabi niya sa akin sabay kiss sa cheeks. "Thanks!" pagpapasalamat niya.
"Naku Chloe! Tumigil tigil ka nga, tsansing ah!" pagbibiro ko sa kanya habang kunwaring nililinis ang pisngi ko.
"Ang yabang mo naman!" sabi niya sa akin sabay suntok na naman sa dibdib, bayolente na ata tong babaeng to.
"Joke lang, anytime baby! Alam mo naman mahal din kita eh.." sabi ko sa kanya.. nagkatinginan kami, nagkatitigan, wala kaming masabi sa isa't isa, basta ang nakikita ko si Chloe na mapula ang muka, namumukto ang kanyang mga mata at namumula din ang kanyang mga labi. Hindi ko alam ang sasabihin ko..
"Ay! Buti nalang walang pumapasok dito.." pambasag ko ng katahimikan namin.
"Oo nga e. Can we go somewhere else bago ako umuwi? Sama natin si Janine." request niya sa akin.
"Oo naman! Tara labas na tayo, pero let me fix your hair first." sabi ko sa kanya at inayos ko nga ang buhok niya. "Give me a smile." sabi ko sa kanya at ngumiti nga siya, ganda. "Ang plastik mo! Haha.." pagbibiro ko sa kanya.
"I hate you!" nakaismid na sabi niya sa akin. "Joke lang, my princess! Tara.." sabi ko sa kanya at lumabas na nga kami ng comfort room ng magkakapit ang kamay.
Pagbukas namin ng pinto, nakita kaagad namin sa labas si Janine.
"Ja! Anong ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kanya. Nagulat naman siya, bakit kaya siya nagulat?
"Ah, eh! Wala naman.. Kasi nakita kita pumasok diyan kaya binatayan ko ang pinto, sa ibang CR ko pinapapunta ang mga gustong gumamit." sabi niya sa akin, bakit ganun ang tono niya, parang nagpapalusot lang siya.
"Ah ganun ba. Nagyayaya si Chloe, samahan natin?" tanong ko sa kanya habang nakatungo lang si Chloe, nahihiya siguro dahil sa istura niya ngayon.
"Oh sure! I'll just get my stuffs." sabi niya at umalis papunta sa kung saan para kunin ang mga gamit niya. Pagbalik niya ay pumunta na kami sa kotse niya at umalis.
Janine
I had a couple of drinks. Pagkatapos ay nagdecide akong hanapin si Chloe, just in case hindi pa siya nahahanap ni Joshua. Makalipas ang ilang minuto nakita ko si Joshua may kausap, siguro tinanong niya kung nakita niya si Chloe, maya maya naglakad na, papunta ata sa CR, ayun dun na nga siya pumasok, siguro andun si Chloe. Pumunta ako sa may pinto ng comfort room, walang dapat na ibang makapasok dito para makapag-usap ng maayos sina Chloe at Joshua.
May mga sumubok pumasok para gumamit ng comfort room, sabi ko hindi pwede, kapag tinanong nila kung bakit isa lang ang sagot ko.. "NONE OF YOUR BUSINESS!" tapos tinuturo ko sa kanila kung nasaan ang iba pang comfort room, hindi naman ako nahirapan sa pagpapapunta sa kanila dun maliban sa isang tao, kailangan ko pa bang sabihin kung sino?
"Bawal pumasok, use the other one. Sa dulo ng alleway na ito on the right side." sabi ko sa kanya, pero hindi ako pinansin, lumapit siya sa pinto. Nang bubuksan na niya ang pinto.. "Kapag binuksan mo yang pintuan na yan, mapipilitan akong pigilan ka sa paraang hindi mo magugustuhan." pagbabanta ko sa kanya, and I'm serious.
"What the hell is your problem? I need to talk to my girlfriend!" pasigawa niyang sabi sa akin.
"Hey! Remember the last night na sinigawan mo ako? What did I tell you? Ulyanin ka na ata. And your what? Girlfriend? So she didn't break up with you.. YET!" sunod sunod na sabi ko sa kanya.
"How dare you?" galit na sabi niya sa akin.
"Haha, hindi mo ba nararamdaman? She's going to break up with you Cyrus, stop being dumb and open your eyes widely! I don't know what really happened to you two, but I'm sure this time you're gonna lose her." pang-aasar ko sa kanya. Kitang kita ko sa reaksyon niya na nagagalit na siya sa mga pinagsasabi ko, kinapitan niya ang door knob at akmang bubuksan ito, pero kinapitan ko siya sa kanyang wrist..
"Ano ba? This is none of your business!" sabi niya sa akin.
"Oh really? Then call me intrimitida! I don't give a d*mn care, but you're not going to interrupt the two of them." pagtataray ko sa kanya.
"Magkasama sila?" gulat na gulat niyang tanong sa akin.
"Is that really your question? Gosh, Cyrus!" pang-aasar ko sa kanya, naramdaman kong pipihitin na niya ang door knob kaya inunahan ko na siya, pinihit ko ang wrist niya at napabitaw siya don at napaurong, kita ko sa mga mata niya na nasaktan siya.
"Janine, wag kana makisawsaw, pwede ba? Papasok ako sa ayaw at sa gusto mo." sabi niya sa akin.
"Over my dead sizzling hot body!" pagtataray ko sa kanya habang tumapat sa harap ng pinto, tinitigan ko siya habang nakataas ang isa kong kilay, mukang magpipilit talaga siyang pumasok.
"You give me no choice.." sabi niya sa akin, as if natatakot ako sa kanya, lumapit siya sa akin at pilit akong hinihila palayo sa pinto, syempre pinipilit kong magstay sa kinatatayuan ko, trying hard talaga to, infairness, nakakairita, nauuga uga ako, baka mahilo ako nito, nakainom pa naman ako. Hanggang sa tinulak niya ako, andaya nun ah, hinilo muna ako bago ako tinulak, nga naman para maitulak niya ako. Hindi ako papayag na dayain ng kahit na sino, kaya bago pa man niya mabuksan ang pinto, mabilis ko siyang kinapitan muli sa kanyang wrist at pinihit ito hanggang sa mapatalikod siya sa sakit at umangal..
"Aray Janine, d*mn it! Let me go.." pag-angal niya habang pumapalag.
"Stop moving, lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo." sabi ko sa kanya habang pinihit ko pa ulit ng kaunti at diniinan ang kanyang braso.
"Aaaah stop!" reklamo niya.
"I'll stop, if you'll stop trying to get in!" sabi ko sa kanya.
"Oo na, I'll stop!" mabilis na sabi niya, binitawan ko siya, humarap siya sa akin. "Alam mo, hindi ko alam kung saan ka natuto ng katarayan at kung paano mo nagawa sa akin yan."
"Siguro sa New Zealand. Kasi di ba I went there? So malamang doon. What do you think?" pang-aasar ko sa kanya.
"Huwag ka ngang pilosopo." sabi niya sa akin, inirapan ko lang siya. "Tell me, why are you doing this?"
"Doing what?"
"Ito! Tinutulungan na magkausap silang dalawa, I know that you're inlove with Joshua. Bakit mo pinahihirapan ang sarili mo? Di ba magboyfriend kayo?" sabi niya sa akin.
"Exactly! I'm inlove with Joshua, long time ago, and that's the reason why I want him to be happy. Napapasaya ko naman siya pero syempre iba pa din kapag si Chloe. And NO! Hindi ko siya boyfriend." sabi ko sa kanya.
"Whaaaat? So all this time, niloloko niyo lang kami?" gulat niyang tanong sa akin.
"Not exactly! Long story and I'm tired para ikwento yun. So just disappear now!" sabi ko sa kanya, dahil naiirita na ako, kasi kahit tanggap ko na ang mahal ni Josh at si Chloe, syempre naiisip ko pa din paminsan minsan na magiging kami kahit alam kong hindi.
"I really need to talk to her. If you won't let me in, hihintayin ko nalang siyang lumabas." sabi niya sa akin, medyo naawa naman ako sa kanya, talagang gusto niyang makausap si Chloe.
"Kapag lumabas si Chloe at nakita ka niya baka pumasok lang ulit siya at magkulong nalang sa loob. Sa pagkakaalam ko ayaw ka niyang makita kaya ka niya tinaguan, kakausapin ka niya kung kailan niya gusto, so if I were you evaporate right now!" pagtataray ko pa din sa kanya.
"Can you please tell her that I am really sorry and I love her?" pakiusap niya sa akin.
"Sure, I'll also tell her na tawagan ka niya." sabi ko sa kanya, napatango naman siya at nang aalis na siya.. "Urmm.. sorry about the wrist and arm!" paghingi ko ng paumanhin sa kanya, umiling lang naman siya at umalis na, mukang iiyak na siya dahil hindi ko siya pinayagang pumasok dun, medyo nakakakonsensya pero ganun talaga.
Ilang segundo lang ang nakalipas ng umalis si Cyrus ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Joshua at Chloe. Nagulat naman ako, nakatungo si Chloe, malamang pukto ang mga mata niya at ayaw niya itong ipakita. Nagyaya nang umalis si Joshua, pumayag naman ako, kinuha ko ang bag ko at nagpaalam sa organizer ng event, sakto malapit lang siya dun sa table, pagkatapos ay sumakay na kami ni kotse.
Driver pa ang labas ko, ako ang nagdadrive. Si Joshua nasa likod nakaakbay kay Chloe habang nakapatong naman ang ulo ni Chloe sa dibdib niya. Oo, tanggap ko na, ilang beses ko pa bang kailangan sabihin, pero tao lang ako, hindi ako manhid. Nasasaktan din naman ako, part of my heart want to scream and cry but the rest of it is smiling because the love of my life is with the girl of his dreams.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Joshua.
"Chloe, saan mo gusto pumunta?" tanong niya kay Chloe habang hinihimas himas ang buhok niya. Nakita ko siya mula sa salamin na nakatulog na siya.
"She's asleep." sabi ko sa kanya. Tiningnan naman ni Joshua si Chloe, kinumpirma niya kung tulog nga ba si Chloe.
"Nakatulog na siyang umiiyak.." sabi niya.
"Sa bahay nalang tayo, my mom sent me a message, kailangan daw ulit niya umalis." sabi ko sa kanya. kaya nagdrive ako papunta sa bahay namin. Tahimik akong nagmamaneho hanggang sa kausapin ako ni Joshua.
"Ja.." pauna niya. "Yes?" tanong ko sa kanya. "Salamat ah!" pagpapasalamat niya sa akin. "Wala yun!" sabi ko naman sa kanya.
"Ja, you're full of suprises. Andami mong alam na hindi ko ineexpect.." sabi niya sa akin, napangiti naman ako.
"Sa New Zealand, I kept myself busy! I never stop learning something new. Bukod sa studies ko, nag-enroll ako sa kung ano anong extra curricular activities at mga short courses. Kaya madaming bago sa akin." pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Kahit kailan talaga, napapahanga mo ako. Salamat din pala dahil binantayan mo ang pinto kanina." sabi niya sa akin, nagulat naman ako dahil hindi ko akalaing alam niya yun. Itatanong ko na sana kung paano niya nalaman..
"I know kasi nakita kita sa labas ng pinto pagkabukas namin. Nakinig ko kasi bago kami lumabas na umikot ang door knob, pero walang pumasok, kaya nung nakita kita sa labas, I assumed na ikaw ang pumigil sa kung sino man ang nagtangkang pumasok dun.." pagpapatuloy niya.
"Yeah, well, you're welcome!" sabi ko sa kanya. Nakarating na kami sa bahay. Tulog na tulog si Chloe kaya hindi na siya ginising ni Joshua, binuhat niya ito papasok ng bahay.
Sabi ko sa kanya dun nalang sila sa guest room, nung una tumanggi pa siya, hindi daw magandang nasa iisa silang kwarto, hindi naman daw ako si Chloe na talagang bestfriend lang. Pero sinabi ko sa kanya na hahanapin siya ni Chloe at baka kung saan siya pumunta, kaya pumayag na din siya.
"I'll be in my room." sabi ko sa kanila pagkatapos ay lumabas na ako ng guest room at pumunta sa akong kwarto.
Napaupo kaagad ako sa kama. "Haaaaays. I'm hella tired!" sabi ko sa sarili ko habang tinatanggal ang high heels, "I know, I'm doing the right thing." sabi kong muli. And knock out!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Medyas Lovers!
Blog Archive
-
▼
2012
(56)
-
▼
March
(21)
- Book II Chapter 11: Textmate
- Book II Chapter 12: Break?
- Book II Chapter 13: Truth or Lie?
- Book II Chapter 14: Sorry, Goodbye!
- Book II Chapter 15: Partners in Crime
- Book II Chapter 16: "You'll never see me again!"
- Book II Chapter 17: Misunderstanding
- Book II Chapter 18: Moving On
- Book II Chapter 19: Confrontation
- Book II Chapter 20: Reconciliation
- Book II Chapter 21: JJ's Moments
- Book II Chapter 22: CC's Moments
- Book II Chapter 23: Before The Event
- Book II Chapter 24: The Event
- Book II Chapter 25: Busted
- Book II Chapter 26.1: Superman To The Rescue
- Book II Chapter 26.2: Superman To The Rescue / Date?
- Book II Chapter 27.1: Chloe's Sudden Headache
- Book II Chapter 27.2: Speechless
- Book II Chapter 28.1: Flashbacks
- Book II Chapter 28.2: My Memory Is Back!
-
▼
March
(21)
Most Viewed
Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment