Monday, March 26, 2012

Book II Chapter 26.2: Superman To The Rescue / Date?





Narrator

Inihiga muna ni Joshua si Chloe sa sofa dun sa loob ng guest room, tinanggalan ng high heels at nag-open bed. Pagkatapos ay inilipat na niya si Chloe sa kama at sa sofa naman siya humiga.

Pinagmamasdan ni Joshua si Chloe mula sa sofa, mahimbing ang tulog ni Chloe.

"Huling beses na napagmasdan ko si Chloe na natutulog ay nung may sakit siya." sabi niya sa kanyang sarili. Maya maya ay nakakatulog na siya. Napapikit na siya nang biglang..

"Sinungaling ka! Sinungaliiiiiiiiiiiiing!!!!!!" sigaw ni Chloe habang umiiyak siyang nakapikit, sa gulat ni Joshua nagmadali siyang pumunta kay Chloe, nadapa pa nga sa pagkataranta.

"Chloe.. Chloe.." panggigising ni Joshua sa kanya. Napamulat naman si Chloe makalipas ang ilang segundo, umiiyak, masyado siyang nasasaktan sa nangyayari sa kanya. Nang nakita niya na si Joshua ang nasa harapan niya, niyakap niya ito ng mahigpit..

"Da-daddy! Please, pi-please don't leave me.. natatakot ako!" nauutal na pakiusap niya kay Joshua habang umiiyak.

"I won't baby, shusshhhh.." mahinahong sabi naman ni Joshua sa kanya habang kinocomfort niya ito.








Chloe

Sobrang nasasaktan ako sa ginawa ni Cyrus, sa mga pagsisinungaling niya, humingi pa siya ng sorry tapos ganun lang din naman pala. Puro kasinungalingan, mahal ko si Cyrus, oo, pero ilang beses na niya akong pinagsinungalingan, bakit? Alam kong mahal niya din ako, pero bakit ganon? Bakit nag-iba ang pagmamahal niya sa akin? Naging possesive siya, seloso at sinungaling! Yun ang pinakaaway ko sa lahat, ang sinungaling!

Buti nalang palaging andito si Joshua kapag kinakailangan ko siya. Hindi ko alam pero sobrang malapit ako at ang puso ko sa kanya. Alam kong si Cyrus ang mahal ko pero nasasaktan ako kapag pilit kong nilalayuan si Joshua. Kahit nilalayuan ko siya, pilit kong iniisip na kailangan layuan ko siya para sa amin ni Cyrus, pero ang puso ko naman pilit hinihilang papalapit sa akin si Joshua. Nagpapasalamat na din ako dahil andiyan si Janine.

Hindi ako matigil sa aking pag-iyak hanggang sa nakatulog ako at napanaginipan ko ang mga nangyari, panaginip na parang bangungot, napasigaw ako.. "Sinungaling ka! Sinungaliiiiiiiiiiiiing!!!!!!"

Maya maya ay may nakinig akong nanggigising sa akin, nung una ay ayaw kong buksan ang aking mga mata dahil baka si Cyrus ang makita ko, pero gusto kong matapos ang bangungot na ito, kaya mumulat ako. Si Joshua ang nakita ko, kaagad ko siyang niyakap, takot na takot pa din ako..

"Da-daddy! Please, pi-please don't leave me.. natatakot ako!" pagmamakaawa ko sa kanya.

"I won't baby, shusshhhh.." ang sabi niya sa akin.

Mabuti nalang at andito pa din si Joshua para damayan ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang aking nararamdaman, umiiyak ang puso ko dahil sa nangyayari sa amin ni Cyrus pero sa kabilang banda, parang ngumingiti ang puso ko dahil kasama ko si Joshua.

"Tahan na baby, kailangan mong matulog para makapagpahinga ka ng maayos. Kung gusto mo pwede nating pag-usapan lahat ng nangyari sa inyo kapag okay ka na.." sabi niya sa akin, ang lambing lambing ng boses niya. Napapatango nalang ako sa mga sinasabi niya.

"Isa pa, lalo kang pumapanget. Itsura mo ooh.." pang-aasar niya sa akin habang tinitingnan tingnan ang muka ko. Inirapan ko lang siya.

"Pwede bang huwag ka munang umalis hanggang sa makatulog ako?" hiling ko sa kanya.

"Sa isang kondisyon!" sabi niya sa akin. "Ano?" mabilis kong tanong sa kanya kahit na medyo sumabit ang boses ko.

"Titigil ka na sa pag-iyak at matutulog na." sabi niya sa akin. "Opo!" ang tanging naisagot ko at ipinikit ang aking mga mata. Hanggang sa ako't makatulog na nakayakap kay Joshua.







Cyrus

"Aaah.. sakit ng ulo ko! A-aw!" daing ko habang kapit kapit ko ang aking ulo. Bago kasi ako umuwi sa bahay, nag-inom muna ako sa isang bar malapit sa aming bahay, sobrang nalasing siguro ako, kaya masyadong masakit ang ulo ko, sa tingn ko ang pinsan kong nagtatrabaho dun ang nag-uwi sa akin.

Pinilit ko ang aking sarili na tumayo at maligo. Pagkatapos ay nag-ayos ako ng aking sarili. Bumaba sa sala, pumunta sa kusina. Wala na naman tao, ilang buwan nang palaging walang tao dito sa bahay kundi ako at mga maids lang, bihira ko nang nakikita sina Mommy, Daddy at Cyril, business kasi. Nagpahanda ako ng pagkain at gamot sa isa naming kasambahay.

Kumain ako. Ininom ko ang gamot para sa sakit ng ulo at katawan. Pumunta sa sala, nag-isip isp hanggang sa makarating sa terrace, makarating sa kwarto, nag-iisip isip pa din. Bakit ba ako naging ganito? Bakit nagawa kong magsinungaling kay Chloe? Bakit nagawa ko siyang saktan for the second time? Andaming tanong sa aking isipan, parang alam ko ang sagot, pero naguguluhan ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang isang number.

"Hello?" sabi sa kabilang linya. "Hey? Do I know you?" tanong niya.

"Yes! I need to talk to somebody and I chose you, mag-iintay ako sa Starsbucks, Trinoma." sabi ko sa kanya at kaagad pinutol ang linya para hindi na siya makatanggi, sigurado ako pupunta siya dahil kung hindi makokonsensya siya na meron siyang pinag-iintay.

Pumunta ako sa Starbucks, ilang minuto lang ako naghintay, wala pa sigurong 30 minutes, dumating na siya.

"Ang kapal din ng muka mong pagbabaan ako ng telepono no?" sabi niya sa akin.

"Sorry, have a sit!" sabi ko sa kanya, umupo naman siya.. "Kaya ko lang naman ginawa yun ay para hindi ka makatanggi. Thanks for coming, Janine." pagapatuloy ko, inirapan lang niya ako, hindi ko alam ang sasabihin ko, halos isang minuto kaming tahimik..

"Ililibre mo ba ako?" tanong niya sa akin. "Oo naman!" mabilis na sagot ko at wala pang dalawang segundo nakatawag na kaagad ng waiter at umorder. Andami niyang inorder, parang si Chloe lang, matakaw din ata to.

"Tititigan mo lang ba ko buong maghapon?" tanong niya sa akin.

"Gusto ko lang sanang may makausap.." sagot ko sa kanya.

"About?" tanong niya ulit matapos nagzizip sa inorder niyang cold drinks na kakadala lang ng waiter.

"About Chloe and Joshua.." mahinang sagot ko sa kanya habang siya naman ay kumakain. Napakibat balikat lang siya, hindi nagsalita. "Nakinig mo ba ko?" sabi ko sa kanya.

"Were you talking to me?" tanong niya sakin. "Niloloko mo ba ako?" tanong ko sa kanya.

"No! of course not. Akala ko kasi sarili mo kausap mo, hindi ka kasi nakatingin sa akin tapos ang hina ng boses mo, so I assumed na kinakausap mo ang sarili mo.." sagot niya sa akin..

"Hindi ako nagbibiro, Janine." seryosong sabi ko sa kanya. Nilunok niya ang nginunguya niya, uminom siya at inayos ang upo.

"Cyrus, hindi din ako nagbibiro. If you want to say or ask something, go straight to the point. We're too old para magpaikot ikot. Plus ang sarap ng kinakain ko, noh!" sabi niya sa sakin, "Salamat nga pala." pahabol niyang sabi habang nakangiti. Mukang enjoy na enjoy siya sa kinakain niya. Napabuntong hininga naman ako. Ilang minuto din ang nakalipas bago ako nakapagsalita..

"Mahal ko si Chloe.." sabi ko, napatingin naman siya sa akin, ang matataray niyang mata nakatitig sa mga mata ko na parang nagsasabi na *I Know Right?*, taray talaga nito. "Alam ko mahal din ako ni Chloe.." pagpapatuloy ko, hindi nagbago ang reaksyon ng kanyang muka. "Pero alam ko din na mas mahal niya si Joshua.." napahina kong sabi, sa pagkakataong yun hindi pa din nagbago ang pagkakatitig niya sa akin.

"Any comments?" nabubwisit na tanong ko sa kanya, dahil nakatitig lang siya sa akin na para bang hindi nakikinig. Umayos muli siya sa kanyang pagkakaupo pagkatapos at ngumiti.

"I Know Right!" medyo pasigaw niyang sabi. Yun lang ang sasabihin niya? Dapat pala iba nalang ang tinawagan ko. Nabubwisit na talaga ako dahil nakalipas na ang ilang minuto hindi pa din siya nagsasalita. Tumayo ako para umalis.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.

"I'm leaving, di ka naman nagsasalita e, I think I'm wasting my time." sagot ko sa kanya, tumawa lang siya.

"You silly! Haha, sit down!" sabi niya sa akin, napatingin lang naman ako sa kanya. "Sige na, umupo ka na, pinagbabaan mo kasi ako ng phone kanina, gumaganti lang, nakakaasar di ba? Haha.. C'mon, don't waste my time, let's talk! Haha.." pang-aasar niya. Napaupo naman ako kasi I really need to talk to someone, e siya lang naman talaga ang nakakaalam ng lahat tungkol sa amin.

"Okay, alam ko na mahal mo si Chloe and alam kong mahal din ni Chloe si Joshua at mahal ni Joshua si Chloe. Pareho naman nating alam kung sino sino ang nagmamahalan. Pagkakaiba lang natin, ako, tanggap ko na si Joshua ay inlove kay Chloe, ikaw, alam mo nga, hindi mo naman tanggap." sabi niya.

"Paano mo ba nagawa yun?" tanong ko sa kanya. "Alin?" balik tanong niya. "Lahat ng yun, ang isuko ang pagmamahal mo kay Joshua? Makapagmove on? Makita silang magkasama? Hindi ka ba nasasaktan." sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Una sa lahat hindi ako MANHID! Oo, nasasaktan ako kapag nakikita silang magkasama at masaya, pero mas nangingibabaw ung saya, kapag nakikita kong masaya si Joshua kasama ang mahal niya. Sinubukan kong magmove on, pero nothing happened, kasi I'm really in love with him, so the best thing that I can do is maging masaya kasama ang mahal niya. Tama na sa akin yung andyan siya, yung nakikita siyang masaya, yung nakakausap siya at natutulungan siya paminsan minsan." mahabang explanation niya.

"Martir ka!" ang tanging nasabi ko. Pinagtaasan niya ako ng kilay..

"Well, at least, hindi ko sinasaktan ang pinahihirapan ang mahal ko!" mataray na sabi niya sa akin. Aray naman, nasapul ako, simula ng bumalik to galing New Zealand, palagi nalang akong tablado.

"Sana makaya ko din yan." sabi ko, nagulat naman siya at biglang napatingin sa akin.

"So? Papabayaan mo na sila? Makikipagbreak ka na kay Chloe?" sunod sunod niyang tanong sa pagkakagulat niya.

"I think so.." mahinang sagot ko sa kanya. "Pakiulit!" sabi niya. "I SAID, I THINK SO!" napalakas kong sabi sa kanya, bahagya naman siyang napangiti. "Wala naman akong choice di ba? Ayoko nang masaktan si Chloe.." pagpapatuloy ko.

"Kahit may ibang chance ka pa, sa tingin mo masasaktan mo pa ulit si Chloe? Sa tingin mo papayag pa si Joshua na saktan mo siya?" sabi niya.

Oo nga naman, sa tingin ko hindi na din pakakawalan ni Joshua si Chloe, malamang buong gabing umiyak si Chloe, nakita ko na dati kung gaano nagalit sa akin si Joshua nung una kong nasaktan si Chloe, ngayon, sa tingin ko hindi na niya ako mapapatawad.

"Sa tingin mo.. dapat ko na ba siyang kausapin?" nag-aalangang tanong ko pa sa kanya.

"Hindi! Pabayaan mo munang lumamig ang ulo niya, magsink in at matanggap niya kung ano man ang pinag-awayan niyo na sa tingin ko ay hindi lang dahil dun sa kagabi.." sabi niya sa akin na parang nagsasabi na din na.. *Tell me what really happened or I'll kill you!* Nakakatakot minsan ang babaeng to.

Umorder na din ako ng drinks, pagkainom ko at kinuwento ko na sa kanya lahat lahat ng mga kasinungalingan ko at lahat ng mga nagawa ko kay Chloe na hindi ko alam na hindi tama noong mga panahong yun.

"What? Seriously? Naku! You're so dead, lalo na kapag nalaman yan ni Joshua. Tsk! Tsk! Tsk!" gulat na gulat niyang reaksyon na may halong pang-aasar pa. Napabuntong hingi na naman ako.

"Well, I guess that's the right thing to do." sabi ko na parang ayaw kong sabihin pero kailangan. Yun ang dapat, siguro yun nga ang tama, kailangan ko ng pakawalan si Chloe, pero parang hindi kp kayang makipagbreak sa kanya, parang wala akong karapatan. Habang naiisip ko ang mga yun, kain lang ng kain si Janine at nakuha pang umorder ulit. Hindi ba talaga nabubusog to?

"Thanks ha!" sabi ko sa kanya. "Ha? Para saan?" tanong niya sa akin na para bang wala siyang naitulong. "Sa pakikipag-usap sa akin, sa pagpapaintindi sa akin ng kailangang gawin.." sagot ko sa nagmamaang maangang tanong niya.

"Pagpapaintindi? Alam mo Sai, we both know that you knew everything long time ago. Dinedeny mo lang sa sarili mo dahil ayaw mong mawala sayo si Chloe, pero matagal mo nang alam." sabi niya sa akin, napaisip ako sa sinabi niya, may point siya, dahil after graduation kahit masaya kaming magkasama ni Chloe, palagi niyang hinahanap ang kanyang "Daddy", si Joshua. Bakit ko ba nga pinatagal pa ng ganito, tuloy pare-pareho kaming nahihirapan, siguro hindi lang masabi sa akin ni Chloe na mas mahal niya si Joshua dahil ayaw niyang masaktan ako, o hindi pa niya narerealize na mas mahal niya si Joshua.

"Anyways, thanks pa din!" pagpapasalamat ko muli sa kanya.

"Thanks to you, andami kong nakain." nakangiting sabi niya sa akin.

"Antakaw mo nga eh.." medyo pabiro kong sabi sa kanya.

"Hindi naman masyado, Starbucks eh, tsaka minsan ka lang manlibre, syempre lulubus lubusin ko na ang grasya." sabi niya habang inuubos ang natitirang drinks niya.

"I have to go, Janine. Salamat talaga!" pamamaalam ko sa kanya.

"Oh sige na nga, walang anuman, mapilit ka!" sabi niya sa akin, umalis na ako para magbayad habang siya naman ay nakaupo pa din dun, palabas na ako ng maisipan kong lumingon, nakita ko kausap niya ang waiter, naku! mukang oorder na naman, hindi talaga siya nabubusog.







- End of Chapter 26 -


* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

Pambitin effects:


"Sabi mo walang iwanan pero bakit parang unti-unti mo na akong iniiwanan. Hindi ko alam kung paano haharapin ang bukas at makalawa ng wala ka." -???


"Hihintayin kita hanggang sa maging handa ka na. Hindi kita mamadaliin, hindi kita pipilitin. Wala akong ibang hihilingin basta hayaan mo lang akong manatili sa tabi mo." -???


"Siguro kung ganyan ka lang kabait nung una palang malamang nagustuhan kita." sabi ni ...???


"Hindi ko kailangang maging mabait para mahalin mo rin ako. Masyado ka lang talagang naging focus sa isang bagay kaya hindi mo nagawang mapansin ang mga bagay na nasa paligid mo." -???


"Aaaaaaaaaaahhhhhhh! Aaaaaaaah.. Araaaaaaaaaaaaaay! Aaaaaahhhhh.." angal ni Chloe hanggang sa nawalan siya ng malay.


"Parang pamilyar siya." -???
(merong magbabalik? sino ang magbabalik? makakabuti ba? o makakagulo?)

0 comments:

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.