Tuesday, January 17, 2012

Book I Chapter 26 *Finale*: Saying Byebye to Highschool!


Saying Byebye to Highschool!




Cyrus

"BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPP!!!"

Nagulat ako nang makita ko ang isang paparating na kotse. Hindi ko inaasahan ang pangyayaring yun. Masyado kasi akong excited makarating kina Chloe.

Mabuti nalang at alerto ang driver ng kotse at bago pa man niya ako mabunggo ng tuluyan ay napahinto na niya ang sasakyan niya.

"Magpapakamatay ka ba?" sigaw ng driver sakin.

Dali-dali akong umalis sa dadaanan niya.

"Pasensya na po." pagpapaumanhin ko. At hinarurot na niya muli ang kanyang sasakyan.

Muntik na ako dun ah. Buti nalang. Pagkatawid ko ay agad akong sumakay sa tricycle para makapunta na kina Chloe.

Nang makarating ako sakanila medyo alangan pa ako kung yun nga ang bahay nila dahil first time kong pumunta sakanila. Nagdoorbell ako at isang babae ang sumilip sa pinto.

"Hu u?" sabi ng babaeng sumilip.

"Si Cyrus po. Andiyan po ba si Chloe?" pagtatanong ko sa babae.

"Lowe? Walang Lowe deto." sabi niya.

"Kurdapya meron." dugtong niya na may kasamang ngiti at pungay ng mata.

"Hindi po ba nakatira dito si Chloe?" paninigurado ko.

"Ay ambot sa imo. Tika lang." sabi nung babae at isinarado ang pinto.

Naghintay naman ako dahil sabi niya teka lang. Malakas ang kutob kong dito nga nakatira si Chloe. Sana hindi ako naligaw medyo makulimlim pa naman.

Ilang sandali pa ay may muling sumilip sa pinto. At nakita ko si Chloe.

"Chloe!" sigaw ko sa kanya ng makita ko siya pero dali-dali niyang sinarado ang pinto at maya-maya'y pati na ang mga bintana.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako kinakausap!" sigaw ko sakanya pagkasarado niya ng pinto.

Ngunit ilang minuto at oras nang nakalipas hindi parin siya lumalabas. Galit talaga sakin si Chloe, sa isip-isip ko. Naabutan narin ako ng malakas na ulan sa kalsada, pero wala talaga. Hindi ako nawalan ng pag-asang kakausapin niya ako, gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako sa nagawa ko at bumalik kami sa dati. Handa akong tiisin lahat, lahat-lahat.

Umupo nalang ako sa may gilid ng kalsada habang iniintay siya lumabas. Lumalakas ang ulan pero wala akong pakielam. Niyakap ko nalang ang aking mga tuhod para kahit papano ay makayanan ko ang lamig. Alam ko pasimple siyang sumisilip sa bintana mula sa taas.

Tinititigan ko nalang ang leather bracelet na ibibigay ko sana sakanya habang iniisip ko siya.

Nakaisip naman ako ng paraan kung paano ko siya palalabasin ng bahay nila.

----------

Chloe

Kinahapunan ng sabado, nanonood lang ako ng T.V. Ang boring ng buhay. Pinalipat-lipat ko lang ng channel ang T.V.

Kamusta na kaya si Cyrus? Ok lang ba siya? Grabe naman kasi suspended agad. Paano kaya kung pumunta akong guidance office sa monday para sabihin na si Abel talaga ang nanguna? Yung Mr. Lungab naman kasing yun hindi ako pinasama. Si Cyrus nanaman ang iniisip ko. Kailan ba ako magigising sa katotohanan? Hay.

Maya-maya'y may nagdoorbell sa bahay.

"Ate kurds may nagdoorbell. Tinatamad ako eh." pag-uutos ko kay ate kurds.

"Ekaw talagang bata ka. Lalapad ang puwit mo niyan kauupo." pagbibiro niya.

At sinilip nga ni ate kurds kung sino ung nagdoorbell habang patuloy parin ako sa pagpapalipat-lipat ng channel.

"Hu u?" sabi ni ate kurds. Medyo naririnig ko ang sinasabi ni ate kurds pero dun sa taong nasa labas, hindi. Loko talaga tong si ate, ginawang text.

"Lowe? Walang Lowe deto." sabi niya.

"Kurdapya meron." dugtong pa niya. Aba. Nagpacute pa si ate. Siguro lalaki yung nagdoorbell.

"Ay ambot sa imo. Tika lang." sabi niya muli sa kausap niya. At lumapit sakin si ate kurds.

"Kuloy, ekaw nga kumausap dun sa gwapong lalaki sa labas. Hende kami magkaentendehan." sabi niya. Sabi na nga ba lalaki yun eh. Hahaha.

"Sino daw ba siya ate?" pagtataka kong tanong kay ate.

"Mukhang mamalemos lang eh, nakapambahay lang kase pero gwapo. Baka siya na si Batman?" pagdedescribe niya.

"Batman? Hahaha. Loko ate." nangingiti kong sagot sakanya at pumunta na akong pintuan para silipin kung sino ang sinasabing batman ni ate. Si ate naman dali-daling pumunta sa kwarto niya.

Pagkasilip ko ay si Cyrus ang nakita ko. Bakit andito siya?

"Chloe!" sigaw ni Cyrus.

Sa gulat ko ay dali-dali kong sinara ang pinto. Nang makita ko siya para bang nanumbalik ang sakit na naramdaman ko nung makita kong hawak-hawak ni Ericka ang kamay niya.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako kinakausap!" muli niya sigaw.

Lumabas naman si ate mula sa kwarto niya na may dala-dalang notebook at bolpen.

"Saan ka pupunta?" tanong ko kay ate.

"Magpapaperma kay Batman, tabe diyan Kuloy." sabi niya sakin habang inalis ako sa pagkakaharang sa pinto.

"Ate hindi si Batman yun! Magnanakaw! Sarado natin ang pinto! Baka pasukin tayo!" pang-uuto ko naman sakanya.

Inihagis naman ni ate ang dala-dala niyang notebook at lapis.

"Ay magnanakaw! Dali Kuloy sarado mo ang pinto! Esasarado ko ang mga bentana!" natetense na sagot ni ate kurds habang isasarado nga ang mga bintana.

Buti nalang at naniwala si ate kurds sakin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Magulo ang isip ko. Kanina lang iniisip ko siya pero ngayong andito siya naiinis ako. Chloe ano ba talaga!

Sa ilang minuto kong pag-iisip napagpasyahan kong pabayaan nalang siya. Maiinip din yang si Cyrus. Mas ok nang ganito, ayaw ko ng marinig ang mga sasabihin niya baka kung ano nanaman yun at mapaasa nanaman ako.

Pinili ko nalang na umakyat sa taas at matulog. Pero dahil sa kaiisip hindi ako makatulog at paikot-ikot sa kama. Sinisilip-silip ko rin si Cyrus kung umalis na ba siya o andun parin. Aba. Andiyan parin ang loko. Naulan na at lahat hindi parin umalis. Kaya pa kitang tiisin Cyrus, kaya ko pa sa isip isip ko.

"Bakit ba ayaw mo pang umalis! Basang-basa ka na sa ulan pero hindi ka parin umaalis! Ano bang kailangan mo?! Umalis ka na Cyrus bago pang muli akong magpakatanga sayo." sabi ko sa isip ko na kunyari'y kausap si Cyrus.

Nagulat ako ng bigla nalang bumagsak si Cyrus sa kalsada. Agad naman akong bumaba. Bahala na, tanga na kung tanga pero mahal talaga kita.

"Ate payong?!" tanong ko kay ate pagkababa ko.

"Sikret." sagot naman niya saken.

"Ate?!" naiirita kong tanong. Si ate kase eh tense na tense na ako kung anu-ano pang sinasagot.

"Andiyan sa may elalem ng hagdan nakasabet. Hende naman mabero ang batang toh." matinong sagot niya.

Agad kong kinuha ang payong at lumabas ng bahay. Pinuntahan ko ang nakahigang si Cyrus sa kalsada.

"Sai." sabi ko habang tinatapik ang pisngi niya.

Pero hindi siya nagrereact.

"Uy Sai. Ano ba?" muli kong paggising sakanya.

Wala talaga.

Nang biglang...




























"Bulaga!!!" sabi ni Cyrus na bigla nalang bumangon at nakangiti pa.

Nagulat ako at napaupo sa basang kalsada. Naihagis ko rin ang payong na hawak-hawak ko kaya pati ako ay basang-basa na ng ulan.

Hindi ko alam kung baket pero isang sampal ang sumalubong kay Cyrus.

Pak!!!

Pareho kaming natahimik nang sandaling iyon at hindi ko napapansin ang mga luhang unti-unting pumapatak sa mga mata ko.

Lumapit si Cyrus at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.

"I'm sorry Chloe." sabi niya na medyo naririnig ko ang kanyang paghikbi.

"Nakakainis ka! Lagi mo nalang akong pinagmumukhang tanga!" sagot ko naman sakanya habang sinusuntok suntok ang dibdib niya dahil sa inis.

Hindi ko na napigilang umiyak sa harapan niya.

"Hindi na kita iiwan Chloe. Hinding-hindi na. I'm really really sorry." sabi ni Cyrus sakin na hinigpitan pa ang pagkakayakap niya na naging dahilan naman ng pagtigil ng pagsuntok ko sakanya.

Lumambot ang puso ko sa sinabi niyang yun. Sana totoo na nga talaga na hindi na niya ko iiwan dahil ipagkakatiwala ko na muli ang buong puso ko sakanya.

"Cyrus... Hindi na ako makahinga." sagot ko sakanya dahil sa sobrang higpit ng yakap niya.

Inalis naman niya ang kanyang pagkakayakap. Nagkatinginan kami at nginitian ang isa't-isa.

Hinawakan niya ang braso ko.

"Wag mong huhubarin toh Chloe ha. Ito muna pansamantala. Meron din ako niyan. Sa susunod wedding ring na ang isusuot ko sayo." sinasabi niya habang nilalagay ang isang leather bracelet.

"Sinagot na ba kita ha Mr. Bernal?" tanong ko sakanya.

"Oo." nakangiting sagot niya.

"Kailan?" tanong ko.

"Ngayon." sabi niya sabay halik sa mga labi ko sa gitna ng madilim naming kalsada habang umuulan. Kahit malamig, gumaan ang pakiramdam ko sa halik ni Cyrus. Sana maging maayos ang lahat sa aming dalawa. Sana.

----------

Graduation Day

Joshua

Ilang buwan narin ang nakalipas simula ng matapos ang lahat ng gulo. Sina Cyrus at Chloe ba? Masayang-masaya na silang dalawa kaya naman masaya narin ako. Unti-unti akong lumalayo sakanila para walang istorbo sa labing-labing nila (pero hindi sila PDA) at syempre para mabawasan ang sakit na aking nadarama.

Graduation na. Paalam na sa lahat. Alam kong dadating rin ang babaeng para sakin. Hindi lang siguro ngayon.

----------

Chloe

Hindi ko akalaing magkakaroon ng dream come true ang buhay ko. Parang fairy tale. Masayang-masaya ako sa araw-araw na kasama ko ang prinsipe ko. Wala na talaga akong mahihiling pa kundi ang makasama pa siya sa habang buhay.

Matatapos na ang napakasayang highschool life naming lahat. Isa nanamang kabanata ang magbubukas sa buhay ko at siyempre kapiling si Cyrus. Alam kong hangga'y andiyan sa tabi ko, magiging maayos ang lahat.

Grumaduate si Cyrus na isang valedictorian, siyempre proud na proud ako, si daddy naman second honorable mention.

Nang matapos ang graduation ceremony, malungkot ang lahat. Picture dito, picture doon. Kanya-kanyang remembrance ika nga.

Umupo muna ako sa may bench dahil kausap pa ni Cyrus ang mga teachers namin at kinocongratulate siya. Ang tita at tito ko naman tinitignan ang mga burloloy ng graduation namin.

Sa gitna ng panonood ko sa mga kabatchmates ko isang eroplanong papel na may nakalagay na READ ME! ang tumama sakin mula sa likod. Ang daming tao kaya hindi ko alam kung kanino nanggaling.

Binasa ko naman ang nakasulat dito.

Congratulations!
maybe we'll not see
each other anymore.
but you'll be
My Princess. FOREVER. (:

Yours truly saying goodbye,
Superman

Natouch ako sa sinabi ni Superman. Sayang hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na malaman kung sino siya. Sana maging masaya din siya kagaya ko.

"Huy!" pang-gugulat ni Joshua sakin na mahinang tinulak ang likod ko.

"Daddy naman!" pagbati ko naman sakanya.

"Penge papel at bolpen dali." sabi niya nang makaupo siya sa tabi ko.

"Wala ako nun. Daddy naman." sagot ko. Paano naman ako magkakaroon ng bolpen at papel graduation na graduation day. Hahaha. Si Joshua talaga oh.

Inilabas niya ang bolpen sa kanyang bulsa at isang maliit na papel at nagsimula siyang magsulat.

"Meron ka naman pala sakin ka pa naghahanap." sabi ko.

Pinagmasdan ko ang pagsusulat niya pero hindi ang sulat niya. Parang may mali.

"Daddy, diba kanan gamit mong pansulat? Bakit kaliwa--"

"Oh, basahin mo mamaya. Sige una na ako. Ibblow-out pa ako nila mama eh. Ingat Kuloy." putol ni Joshua sa pagsasalita ko at iniabot ang papel na sinulatan niya at dali-daling umalis.

Tinignan ko naman siya habang papalayo, sumabit pa yung pantalon niya sa alambre at nakita ko pa nga yung suot niyang medyas eh. Teka. Teka. Teka. Yung kero kerropi kong medyas yun ah! Tumayo ako para habulin siya.

"Chloe!" sigaw ni Cyrus sakin na naging dahilan kaya hindi natuloy ang paghabol ko kay Joshua.

Ingat Kuloy...

Ang medyas kong kero kerropi...

Ayan ang naglalaro sa aking isipan ng mga oras na iyon.
Agad ko namang binuksan ang sulat na binigay sakin ni Joshua.

Alagaan mo bestfriend ko ah. Walang iwanan.
Imbitahan niyo ko sa kasal niyo kung magkikita pa tayo! (:

Superman says goodbye to his Princess for one LAST time. (:

Si Joshua si...














Superman?

*close curtains*

Book I Chapter 25: Letting Go

Letting Go




Cyrus

Pumasok si Cyril sa bahay habang nag-uusap kami ni Joshua at sinabing may babae raw na naghahanap sakin. Nakakapagtaka. Sino namang babae ang pupunta dito? Baka si Chloe yun kaya tinignan ko agad kung sino naghahanap sakin.

Nagulat nalang ako nang makita ko si Ericka ang nasa labas.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya.

"Cyrus, can we talk?" sagot naman niya.

"May kailangan pa ba tayong pag-usapan?" muli kong tanong.

"Madami. Please Cyrus. Give me a chance." pagmamakaawa niya.

"Umuwi ka na. Wala ka ng mapapala sakin." sabi ko sakanya at isinarado ang pinto.

"Cyrus! Please! I'm begging you! We need to talk! I have so many things to tell you!" sigaw ni Ericka ng isarado ko ang pinto.

"Sai, si Ericka?" tanong ni Joshua.

Tumingala ng bahagya naman ako bilang pagsang-ayon.

"Kausapin mo na siya Sai. Alam kong hindi magmamakaawa ng ganyan si Ericka without any reason." sabi sakin ni Joshua.

"Paano kung guluhin lang na naman niya ang buhay ko?" sagot ko.

"I'm here beside you." sabi naman niya.

Napilitan nalang akong pagbuksan si Ericka ng pinto at pinapasok ko siya sa bahay.

"Thanks Cyrus." sabi niya sakin habang niyakap ako. Inalis ko naman kaagad ang pagkakayakap niya.

"Tungkol saan ba ang sasabihin mo Ericka?" tanong ni Joshua.

"Gusto ko sanang magsorry sa mga gulo na nadala ko kay Cyrus." sabi ni Ericka.

"Is that all?" tanong ko sakanya.

"I'm really sorry. Hindi ko talaga akalain na ninang would do that for me. They thought i desperately want to have you but the thing is i'm just hoping that we'll go back to what we had before. I really don't mean it. Sorry Cyrus." naluluhang pagkukwento ni Ericka.

"Tapos na yun Ericka. Hindi na natin mababalik pa." sagot ko sakanya na para bang walang pakialam sa pag-iyak niya.

Niyakap naman ni Joshua si Ericka para icomfort.

"Akala ko may mababalikan pa akong Cyrus but i was wrong. Nahirapan akong tanggapin yun. Kaya kahit sinabi mong may gusto ka ng iba, hindi parin ako nawalan ng pag-asa na i still have a room inside your heart, yun nalang ang katangi-tangi kong pinagkukuhanan ng lakas to hold on. Then i was really happy when you came back to me. Pero isa lang palang laro yun. It really took time for me to realize everything. Then one day, nagising ako at naisip itama ang lahat ng gulong nadulot ko sayo." muling pagkukwento ni Ericka.

"What do you mean? I don't get your point." naguguluhan kong tanong sakanya.

"Yesterday, I talked to ninang. I told her na don't bother you anymore and linisin niya ang record mo sa school and bring everything back to normal sa kahit anong paraan. I know she's so powerful sa school natin to do that." sabi ni Ericka.

"Really?" pagtatanong ko sakanya ng nakangiti na medyo nagulat. Naging masaya rin naman ang kaibigan kong si Joshua para sakin.

"Yeah. Makakagraduate ka na uli with honors." nakangiti rin naman niyang sagot.

Sa tuwa ko ay napayakap ako kay Ericka. Inalis naman ni Joshua ang pagkakaakbay niya nang nakita niyang yayakapin ko si Ericka.

"Thank you Ericka. I'm sorry for being so rude to you." sabi ko naman habang nakayakap ako sakanya. Naguilty kasi ako na sa kabila ng sobrang pagsusungit ko sakanya, tinulungan niya pa ako.

"I miss this hug." sagot niya na yumakap din.

"Pwede sumali? Hahaha." sabi naman ni Joshua na nakiyakap samin.

"Loko ka talaga." sabi ko at inalis ko na ang pagkakayakap ko.

"That hug made me happy Cyrus. I know i'll never experience that hug again because it's time for me to learn how to live my life without hoping we'll be together again. I'm now setting you free. Go to your princess and explain everything to her." sagot ni Ericka.

"Kapag hindi ka na niya tinanggap just tell me. My heart is still open for you. Hahaha." pahabol niya.

Niyakap ko uli siya bilang pagpapasalamat. Tinignan ko naman ang bestfriend kong si Joshua dahil hindi ko maiwasan ang mag-alala para sakanya. Kapag umagree siya, then i go. Kapag naman mukha siyang malungkot, then i'll forget my feelings for Chloe and learn to love Ericka again.

Pagkatingin ko kay Joshua ay isang pagtingala ng bahagya na parang nagsasabing Go Cyrus. I'm fine. with matching ngiti pa. Kaya naman sinagot ko siya ng isa ring ngiti at tinapik ang kanyang braso at dali-daling umakyat sa kwarto ko.

Dali-dali rin naman akong bumaba.

"Ma! Kayo na muna bahala sa mga bisita dito ah." sigaw ko kay mama.

"Oh pano? Mauna na ako. Kayo na munang bahala dito ah." sabi ko naman kina Joshua at Ericka.

"Goodluck Sai." nakangiting sabi ni Joshua sakin bago ako makalabas ng pinto.

At nagmadali akong pumunta kina Chloe.

----------

Joshua

Si Ericka pala ang naghahanap kay Cyrus. Nung una ay ayaw itong papasukin ni Sai pero pinakiusapan ko nalang siya dahil alam kong hindi naman talaga masama si Ericka, yun ang pagkakakilala ko sakanya.

Nang makapasok si Ericka ay tinanong ko kung ano ang pag-uusapan at nag-explain naman siya kay Cyrus. Pero mainit talaga ang dugo ni Sai sakanya. Hindi ko na masisisi si bespren dahil masakit naman talaga ang ginawang pag-iwan sa ere ni Ericka sakanya.

Kinomfort ko si Ericka bilang isang kaibigan. Naaawa ako sakanya dahil nararamdaman kong ganun parin niya kamahal si Cyrus pero si Sai, hindi na.

Maya-maya'y sinabi ni Ericka na mababalik na uli sa normal ang lahat. Makakagraduate na ang bespren ko na may honor. Masayang-masaya ako para sakanya dahil deserve naman talaga yun ni Sai at buti ay may natitira pang katarungan sa mundong ito.

Nang magyakapan sila ay nakidamay naman ako.

"Pwede sumali? Hahaha."

Ayan ang nasabi ng mga labi ko. Hahaha.

Saan nga ba hahantong ang usapang ito? Palalayain ba ni Ericka ang bestfriend ko o patuloy kukulitin na magkabalikan sila? Habang nag-uusap sila ay naisip ko si Chloe.

Kailan kaya mababalik ang mga ngiti sa labi niya?

Ako ba o si Sai ang magbabalik nito?

Ano bang mangyayari sa lovelife ko?

Habang iniisip ko ang mga ito ay bigla kong narinig ang sinabi ni Ericka kay Cyrus.

"I'm now setting you free."

Alam ko hindi magdadalawang isip si Sai na puntahan si Chloe at sabihin ang lahat lahat. Magaganap na rin ang katapusan ng laban ko pero hindi ang katapusan ng pagmamahal ko.

Sabi nila kung talagang mahal mo ipaglaban mo pero sa kaso ko, wala naman akong ipanlalaban kaya dun nalang ako sa isang kasabihan na kapag mahal mo palayain mo.

Tinignan ako ni Cyrus. Pinakita ko ang suporta ko sa pamamagitan ng pagtingala ng bahagya at pagngiti. Alam kong dun muling sasaya si Chloe. Panahon narin siguro ng pagdistansya sakanilang dalawa dahil bukas,makalawa sila na. Pero sana mangyari parin ang kaisa-isang pangarap ko.

"Goodluck Sai." sabi ko sa bespren ko bago siya pumunta sa nag-mamay ari ng puso ko.

----------

Narrator

Nagmamadaling bumyahe si Cyrus papunta sa bahay nila Chloe at hindi na niya pinansin na nakapambahay lang siya. Jersey at shorts lang ang kanyang suot. Kinakabahan siya na medyo excited. Mixed emotions kungbaga. Masayang-masaya talaga siya sa ibinalita ni Ericka.

"Chloe..." sabi ni Cyrus na nakangiti habang pinaglalaruan ang hawak hawak niyang leather bracelet na binili niya bago pa man dumating ang kalbaryo sakanilang dalawa.

"Para!" sabi ni Cyrus sa drayber nang makarating na siya sa kanto nila Chloe.

Dali-dali siyang tumawid ng kalsada. Hindi pinapansin ang pakikipagpatintero niya sa mga kotse. Halatang excited siyang puntahan si Chloe. Nang biglang...





























BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPP!!!

Book I Chapter 24: Goodbye Kiss



Goodbye Kiss




Joshua

Nang hapon na iyon ay inihatid ko si Chloe sa kanilang kanto bago ako umuwi sa bahay namin. Simula kasi ng magkabalikan sina Cyrus at Ericka ay lagi ko ng hinahatid si Chloe sa kanto nila para kahit papano'y maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.

"Chloe, smile lang ha." pagpapaalam ko kay Chloe. Yan ang lagi kong sinasabi tuwing nagpapaalam ako sakanya. Ngiti naman ang lagi niyang isinasagot sakin pero kitang-kita ko parin sakanyang mga mata ang kalungkutan. Hay! Hanggang ngayon ay apektado parin siya sa pagbabalikan nila Cyrus at Ericka. Kung alam niya lang. Kung hindi lang sinabi ni Cyrus na wag ko sabihin sakanya malamang matagal na niyang alam na napilitan lang si Cyrus na balikan si Ericka at hindi sana siya ganito kalungkot ngayon. Hindi ko man lang siya magawang pasayahin. Si Sai lang talaga ang dahilan ng bawat pagngiti niya.

Pagkauwi ko ng bahay ay nagbihis ako at pumunta na sa plaza kung saan kami magkikita ni pare.

Pagkarating ko roon ay nakita kong nakaupo si pare sa swing at dahil nakatalikod siya ay naisipan kong takpan ang mga mata niya.

"Sino toh? Joshua ikaw na ba yan?" tanong naman ni pare ng takpan ko ang kanyang mga mata.

Inalis ko ang pagkakatakip ng aking kamay at umupo sa kabilang swing.

"Ano ba pag-uusapan natin pare?" tanong ko naman sakanya nang makaupo ako.

"Naaalala mo ba itong swing na toh?" sabi niya sakin.

"Oo, ang tagal na nito noh? Akalain mo hanggang ngayon nagagamit parin natin." pagsang-ayon ko naman.

"Dito kita unang nakalaro." nakangiting pagkukwento niya.

"Dito ba? Hindi ko na maalala eh. Ang tagal na kasi noon." napapangiti ko namang sagot sakanya.

"Joshua, matanong ko lang. Bakit hindi ka nakikipaglaro sa mga babae dati?" tanong ni pare.

"Ang boring kaya nilang kalaro. Puro barbie. Natandaan ko dati, nakapalda ka pa noon tapos inaya mo kong maglaro dala-dala ung kalbo mong barbie tapos kinabukasan naging lalake ka na. Hahaha." natatawang pagkukwento ko sakanya.

"Naalala mo pala yun." malungkot na sagot naman ni pare. Hala, nasaktan ko nanaman ata si pare dapat pala hindi ko nalang pinagtawanan. Lagot nanaman ako sa seatmate niyang si Chloe!

"O pare. Biro lang yun. Ito naman." sabi ko kay Janine.

Maya-maya'y may pumatak na luha sa kanyang mata akong nakita.

"Pare naman di ka na mabiro." sinabi ko sa kanya. Tumayo naman ako sa swing na inuupuan ko at pumunta sa harap niya para punasan ang kanyang mga luha. Ilang sandali lang ay niyakap ako ni pare.

"Joshua, mamimiss kita." sabi niya sakin habang nakayakap.

"Baket mo naman ako mamimiss pare eh araw-araw naman tayo magkasama sa classroom?" pagtataka kong tanong.

"May sasabihin ako sayo Joshua. Nagkagusto ako sayo noon--"

"Ako rin eh, nung bata pa tayo. Kaya nga kita sinungitan para mapansin mo ako eh. Kaya lang, lalake ka rin pala kaya nga--"

"At ngayon mahal na kita." putol naman ni Janine sa pagkukwento ko. Parang natulala ako nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko alam ang mararamdaman. Matutuwa? Malulungkot? Nagulat talaga ako sa sinabi niya.

"Nagbibiro ka ba pare?" hindi parin makapaniwala kong tanong.

"Hindi ako nagbibiro. Siya nga pala, bukas na flight namin papuntang New Zealand." sabi ni Janine at inalis ang kanyang pagkakayakap.

"Ha? Bakit biglaan naman pare?" mas lalo kong ikinagulat na tanong.

"Hindi naman biglaan. Dapat nga last 2 weeks pa kaya lang nadelay ung flight. Naapprove na kasi ang petition samin ni Dad eh kaya ayun. Mamimiss talaga kita Joshua." nakangiti niyang sinabi habang naluluha na hindi maintindihan kung nagbibiro ba o talagang nalulungkot.

"Pare naman, wala namang ganyanan. Paano pagnawala ka? Wala na akong kasabay magsoundtrip, wala na rin akong masasabihan ng mga problema ko." sabi ko kay Janine.

"Pare hindi bagay sayo magdrama." pagbibiro niya sakin.

"Pare naman oh, umayos ka nga." sabi ko sakanya.

"Totoo yun. Kaya magpapakabait ka ah at wag maging babaero." pagbibilin ni pare.

"Bukas na ba talaga alis niyo?" muli kong pagtatanong.

"Oo nga. Wag mong subukang pigilan ako at baka sumunod nga ako." pabirong sabi ni Janine.

Aalis na ata talaga si pare. Nakakalungkot naman. Bakit kaya niya naisipang sabihin sakin ang nararamdaman niya? Ano nga bang dahilan? Siguro kung hindi siya nagbihis lalake noon malamang mahal ko narin siya ngayon pero si Chloe na ang laman ng puso ko eh. Parang nakamighty bond na siya dito. Ayaw maalis. Lahat gagawin ko basta lang maging masaya siya.

"Pare, bakit mo nga pala sinabi sakin na mahal mo ako?" tanong ko naman kay Janine. Medyo awkward yung tanong pero nacucurious talaga ako kung bakit.

"Joshua, gusto ko sana humingi ng favor." sagot naman niya.

"Ano un?" tanong ko naman sakanya.

"Will you kiss me goodbye?" sabi niya. Tumayo siya at hinila rin akong patayo at sabay ipinikit niya ang kanyang mga mata. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung hahalikan ko ba siya o hindi. Pero friendly kiss o kaya goodbye kiss lang naman diba? Wala na sigurong malisya.

Hinawakan ko ang kanyang baba at ipinikit rin ang aking mga mata at unti-unting inilapit ang aking labi sa kanyang mga labi. Ilang saglit lang at naramdaman ko ang lambot ng kanyang mga labi. Mga tatlong segundo lang siguro tumagal ang halik ko sa kanya.

"Maraming salamat Joshua. Babaunin ko talaga ang lahat ng alaala natin bukas." nakangiting sinabi ni Janine.

"Wala un pare. Isa pa ba?" pagbibiro ko sakanya.

"Loko." sagot naman niya.

"Wag mo akong kalimutan pare ha. Dumalaw ka naman dito sa Pilipinas. Wag mo ring kalimutan ung pasalubong." sabi ko.

"Oo naman. Hayaan mo dadalhan kita ng madaming gatas ng baka." sagot niya.

"Hahaha. Sige ba, kahit gatas lang yan hindi ko tatanggihan yan. Basta pare ah. Wag kang magpapaligaw dun ng basta-basta ah. Pumili ka nung kasing gwapo ko at kasing bait ko. Hahaha." pagbibiro ko.

"Sira. Uwi na nga tayo." sabi niya at naglakad papalayo.

Sinundan ko naman siya at inakbayan. Hinatid ko siya hanggang sa bahay nila.

Kinabukasan naman ay araw na ng flight ni Janine. Sumama kaming dalawa ni Chloe sa paghatid sa kanila.

"Salamat Chloe sa lahat ah." paghingi ng pasasalamat ni Janine kay Chloe with matching yakap.

"Wala yun. Ingat ka dun Janine." sagot naman ni Chloe sakanya.

"Pare magpakatino ka na ah." sabi naman ni Janine sakin na yumakap rin.

"Matagal naman na akong matino ah?" sagot ko sakanya.

At naglakad na nga papaalis ang pamilya nila Janine.

"Balik ka dito pare ah. Antayin kita." sigaw ko sa kumakaway na si Janine.

Paglingon ko naman kay Chloe ay nakita ko siyang naiyak.

"Oh bakit ka naiyak?" tanong ko kay Chloe.

"Kasi wala na akong kachismisan at katabi sa classroom. Wala na rin akong kasabay kumain ng chichirya sa klase ni Mrs. Dizon." sagot niya.

Natawa naman ako sa sagot niya. Yun lang pala. Itong si Chloe talaga.

"Tara na nga." nangingiti kong pag-aaya kay Chloe.

Habang nasa byahe kami pauwi napatingin ako sa eroplanong nalipad at naisip ko si pare. Nakakalungkot talaga ang pag-alis niya lalo pa at unti-unti kong naaalala ung mga panahon na magkasama kaming maglaro ng basketbol at kung anu-ano pa not knowing na may gusto pala siya sakin. Ang pare ko talaga pasaway.

Pumunta muna ako kina Cyrus at si Chloe naman ay dumirecho na pauwi nang makabalik na kami.

"Musta na Sai?" tanong ko kay Cyrus nang pagbuksan niya ako ng pinto.

"Ito tambay." nananamlay niyang sagot.

"Gagawa ako ng paraan para malinis yang pangalan mo sa guidance. Hinayupak talaga yung gurang na Lungab na yun." pagdamay ko sakanya.

"Ok lang Josh. Karma na toh sa ginawa ko kay Chloe." sabi niya naman.

"Hindi mo naman sadya yun eh. Tinakot ka lang ni Mrs. Ranillo." sagot ko sakanya.

"Nagpasindak naman ako. Musta na nga pala kayo?" tanong niya sakin.

Bigla namang pumasok si Cyril na bunsong kapatid ni Cyrus.

"Kuya may babaeng maganda naghahanap sayo." sabi ni Cyril sa kuya niya.

Agad namang tumayo si Cyrus at tinignan kung sino ang babaeng naghahanap sakanya.









Sino kaya yung babaeng yun?

Book I Chapter 23: Suspension


Suspension


Pagkarating nina Cyrus at Mr. Lungab sa may guidance office agad nilang tinungo ang discipline officer.

"Mr. De Jesus, nahuli kong may kodigong nakalagay sa upuan niya itong si Mr. Bernal." pagsusumbong ni Mr. Lungab.

"Talaga? Si Mr. Bernal nangongodigo? I guess I can't agree with that." pagkabigla ng discipline officer.

"Hindi ba dapat ay masususpend na itong si Mr. Bernal dahil isang major offense ang nilabag niya?" pagtatanong ni Mr. Lungab.

"Pero wala tayong sapat na ebidensya na kay Mr. Bernal nga ang papel na iyan. Since elementary pa kasi ay isa na siyang achiever sa school na ito." pagdududa ng discipline officer.

"Pwede po bang mag-suggest ng idea para mapatunayan kung akin nga yang kodigong yan? Kung papayag kayo willing akong iretake ang exam kahit sa harap niyo pa mismo." pagmumungkahi ni Cyrus.

"Sang-ayon ako kay Mr. Bernal. Mr. Lungab papayag ka ba?" pagtatanong ng discipline officer.

"Hindi na kailangan. Absuwelto ka na Mr. Bernal. Mas kinakampihan na pala ngayon ang mga estudyante kesa sa mga teacher." pagsusungit ni Mr. Lungab sa discipline officer.

"Hindi naman sa ganon pero wala talaga sa ichura ni Mr. Bernal ang gumawa ng kodigo. Alam kong alam mo rin yun Mr. Lungab." pagpapaliwanag ng discipline officer.

"O siya, siya. Bumalik ka na sa classroom Cyrus. Susunod nalang ako." pagpapaalam ni Mr. Lungab.

Lumabas nga si Cyrus ng guidance office.

"May araw ka rin Mr. Bernal." bulong ni Mr. Lungab kay Cyrus bago pa man siya makalabas ng opisina.

----------

Chloe

Ano bang nangyayari kay Cyrus? Bakit siya nagkakaganun? May problema ba? Hay! Bakit nga ba si Cyrus parin ang iniisip ko kahit sobra niya akong nasaktan. Ang hirap magmove-on.

Pagkalabas nila Mr. Lungab at Cyrus ay siya ring paglabas ng mga kaklase ko para makichismis. At nabalewala na ang long quiz namin dahil nagsipagkopyahan na sila.

"Chloe saglit lang ha, CR lang ako." pagpapaalam ni Joshua.

"Teka, ano ba talagang problema?" pagpigil ko sakanya.

"Magiging ok din ang lahat." seryosong sagot naman ni Joshua at dumirecho na ng CR.

Hindi ko naman nagets ung sagot ni Joshua. Parang anlayo dun sa tinanong ko eh. Anong problema tapos magiging ok din ang lahat? Ano ba un.

Lumabas din naman ako para makichismis sa mga chumichismis. Pagkalabas ko ay nakita kong papaakyat na si Cyrus. Nang biglang...

"Chloe my labs payakap! Hahaha!" sabi ng manyak naming kaklase na si Abel habang yumakap sakin.

Sa gulat ko ay bigla ko siyang nasampal!

"Bastos!" sigaw ko.

Maya-maya'y nakita kong tumakbo papalapit si Cyrus at pinagsusuntok si Abel.

"Kapal din ng mukha mong yakapin si Chloe ah!" sinasabi ni Cyrus habang sinusuntok niya si Abel.

Sinubukan kong pigilan si Cyrus kaya lang nakakatakot silang lapitan. First time kong makapanood ng live boxing. Nagkakantyawan naman ang iba naming kaklase. Hindi nagtagal ay dumating narin si Joshua at inawat niya si Cyrus.

"Sai ano problema niyo?" tanong ni Joshua kay Cyrus nang maawat niya ito.

"Paano kasi yang manyak na yan niyakap si Chloe!" pagdadahilan ni Cyrus.

"Eh loko ka pala eh!" sabi ni Joshua kay Abel at inambahan niya ito ngunit pinigilan naman siya ni Cyrus.

"Ano ba kayo! Tama na nga!" pag-awat ko sakanila. Parang mga sira!

"Anong kaguluhan ito?" tanong ni Mr. Lungab na karating-rating lamang.

"Si Cyrus po bigla nalang akong sinuntok!" pagsusumbong ni Abel na nagdudugo ang kilay.

"Pagkaminamalas ka nga naman Mr. Bernal. Dalhin niyo na si Abel sa clinic. At kayo masipasok na kayo sa classroom walang lalabas! Clarisse maglista ka ng noisy at standing!" pag-uutos ni Mr. Lungab.

"Tara na muli sa guidance office Mr. Goodboy." sabi naman nito kay Cyrus.

Walang nagawa si Cyrus kundi sumunod.

"Sir." pagtawag ko kay Mr. Lungab.

"Yes?" sagot naman nito.

"Pwede po bang sumama sa inyo sa guidance office? Kasi wala naman talaga pong kasalanan si Cyrus eh. Si Abel po talaga may kasalanan ng lahat." pagpapaliwanag ko.

"Ms. Yu anong sinabi ko?" medyo malambing na sinabi ni Mr. Lungab.

"Diba sinabi kong pumasok na kayo ng classroom!" biglang sigaw naman niya.

"Tara na Chloe. Wala tayong laban diyan. Hari yan eh." pag-aaya sakin ni Joshua.

Sa takot ko ay pumasok nalang rin ako ng classroom. Nag-aaalala ako ng sobra kay Cyrus. Napakamalas naman itong araw na ito!

----------

Narrator

Muli ngang bumalik sina Cyrus at Mr. Lungab sa guidance office.

"Oh Mr. Lungab, nagbago ba ang isip mo?" pagtatanong ng discipline officer pagkapasok nila.

"Hindi Mr. De Jesus. Ang kinikilala niyo lang namang goodboy ay nanuntok ng kaklase niya kani-kanina lamang." sabi ni Mr. Lungab.

"Mr. Bernal, is that true?" paglilinaw ng discipline officer.

Tumango-tango nalang si Cyrus bilang pag-oo nito.

"Mr. Bernal, hindi na kita mapagbibigyan ngayon. Sorry but i have to suspend you." may pagkadismayang sinabi ng discipline officer.

"Oh paano Mr. De Jesus? Iwanan ko muna sayo si Mr. Bernal dahil may klase pa akong naghihintay sa taas." sabi naman ni Mr. Lungab na medyo nakangiti.

Inayos naman ng discipline officer ang suspension letter na ipabibigay niya sa magulang ni Cyrus, habang si Cyrus naman ay nakatungo lamang na nakaupo.

"Oh Mr. Bernal, ibigay mo toh sa parents mo. You'll be suspended for three days and the worst news is hindi ka na makakagraduate with honors dahil sa record mo sa school. You may go." sabi ng discipline officer na medyo nalulungkot para kay Cyrus.

Kinuha ni Cyrus ang sulat at dumiretso pabalik sakanilang classroom. Kinuha niya ang kanyang gamit at lumabas na siya ng school. Pinipigilan niyang maluha habang nasa byahe siya pauwi ng bahay. Nang makarating siya sakanila ay hindi na niya napigilang pumatak ang kanyang luha.

----------

Chloe

Habang nagkaklase si Mr. Lungab ay pumasok si Cyrus sa loob ng classroom nang walang anu-ano. Kinuha niya ang kanyang gamit.

"Sai, ano nangyari?" tanong ni Joshua kay Cyrus.

Ngunit hindi sumagot si Cyrus at dumirecho palabas ng classroom.

"Ano kayang nangyari kay Cyrus?" pagtatanong ko kay Joshua.

"Suspended ata. Badtrip!" naiinis na sagot naman niya.

Kinakarma kaya si Cyrus? Hindi ko naman hiniling na karmahin siya eh! Hay ang gulo na ng paligid ko! Pati si Joshua apektadong apektado sa mga nangyayari. Kailan ba matatapos ito?

----------

Narrator

Matapos ang klase ay kinausap ni Janine si Joshua.

"Joshua, pwede ba tayong magkita mamaya sa plaza?" pagtatanong ni Janine.

"Pare pwede bukas nalang?" pagtanggi ni Joshua.

"Eh Joshua, may importante akong sasabihin kasi eh." sagot naman ni Janine.

"Importante ba? Ngayon mo nalang sabihin." sabi naman ni Joshua.

"Hindi pwede eh. Aantayin kita mamaya sa plaza ha!" sagot naman ni Janine at umalis na siya.

"Ano naman kaya ung importanteng sasabihin ni pare?" tanong ni Joshua sa sarili niya.

Book I Chapter 22: Consequence


Consequence



"Girl, nakita mo ba si Cyrus?" paghahanap ni Ericka kay Cyrus sa kaklase nilang si Monique.

"Ay girl, nakita ko silang papunta ni Papa Joshua kanina dun sa may hallway papuntang Elementary Building. Ikaw ah, mawala lang saglit si Cyrus sa paningin mo hindi ka na mapakali." sagot naman ni Monique kay Ericka.

"Siyempre, kailangan makabawi sa mga pagkukulang ko kay Cyrus, mahirap na baka maghanap nanaman ng iba. Sige girl puntahan ko lang si Cyrus. Thanks." sabi naman ni Ericka.

Naglakad nga papunta sa kinaroroonan ni Cyrus si Ericka. Nang makarating doon si Ericka ay narinig niyang nag-uusap sina Cyrus at Joshua kaya pinili nitong makinig muna sa pinag-uusapan ng dalawa.

"Anong gulo Cyrus? Meron ba akong hindi alam?" pagtatanong ni Joshua kay Cyrus.

"Sayo ko lang sasabihin toh Joshua dahil i trust you. Lahat ng ito ay pakana ng ninang ni Ericka." pagkukwento ni Cyrus.

"Si Mrs. Ranillo?!" pagkagulat na tanong ni Joshua.

"Anong meron? Bakit pinag-uusapan nila si ninang?" tanong ni Ericka sa sarili niya.

"Oo. Tinakot niya ako na hindi ako makakagraduate kung hindi ko babalikan si Ericka. Kaya wala akong nagawa kundi balikan siya dahil wala akong laban sa mga kayang gawin ni Mrs. Ranillo." pagtutuloy ni Cyrus.

"Hindi. Hindi ito totoo. Mahal pa ako ni Cyrus kaya niya ako binalikan. Hindi!" pagpapaniwala ni Ericka sa sarili niya.

"CYRUS!!!" pasigaw na pagtawag ni Ericka kay Cyrus matapos marinig ang pag-uusap nila ni Joshua.

"Is it true? Tell me!" dugtong nito.

Hindi naman nakasagot si Cyrus sa pagkagulat ng makita niya si Ericka.

"Oh Ericka, nagpapraktis lang kami ni Cyrus para sa play." pananakip butas naman ni Joshua sa kaibigan niya.

"Shut up Joshua! Wag mo akong gawing tanga! Narinig ko ang lahat! Cyrus sagutin mo ako!" galit na naluluhang tanong ni Ericka.

"Ericka, i'm sorry." paghingi ng patawad ni Cyrus.

"What does it mean?" mas galit pang sigaw ni Ericka.

"Yeah Ericka. Pinilit lang ako ng ninang mo na makipagbalikan sayo." sabi ni Cyrus na hindi naman makatingin sa mata ni Ericka.

"Manloloko ka Cyrus! Paasa!" sabi ni Ericka sabay walkout. Umiiyak na bumalik si Ericka sa kanilang classroom at ang magbestfriend naman na sina Joshua at Cyrus ay nagpatuloy sa pag-uusap.

"Paano na Sai?" nag-aalalang tanong ni Joshua.

"Ako ng bahala. Josh, please wag mo nalang ipaalam kay Chloe about dito. Ikaw munang bahala sakanya ha." sagot naman ni Cyrus.

"Bilisan mo at baka maunahan na kita." pagbibiro naman ni Joshua sa bestfriend niya.

At napagpasyahan na ng dalawa na bumalik na sa classroom.

Simula ng araw na iyon ay hindi na pumasok si Ericka. Ang magbestfriend naman na sina Joshua at Cyrus ay naghahanap ng paraan para matapos ang gulong napasukan ni Cyrus habang si Chloe nama'y inabala ang sarili sa pag-aaral.

"Sai, tawag ka ni Mrs. Ranillo." sabi ng classmate nila Cyrus nang makasalubong nila ito habang naglalakad papuntang library.

"Do you want me to go with you?" pag-aalala ni Joshua sa kaibigan niya.

"Sige, wag na. Kaya ko na toh." sagot naman ni Cyrus.

At pumunta nga si Cyrus sa Principal's office.

"Malinaw ang usapan natin na walang makakaalam diba Mr. Bernal?" bati ni Mrs. Ranillo nang makapasok si Cyrus.

Hindi naman sumagot si Cyrus.

"Alam mo na kung saan ka pupulutin. So better prepare yourself as early as now. You may now leave the room." pagbabanta ni Mrs. Ranillo.

Nang makalabas si Cyrus ay agad naman tinawag ni Mrs. Ranillo ang isang sipsip na teacher na si Mr. Lungab, siya ang guro nila Cyrus sa Mathematics IV.

"Yes ma'am? May ipaguutos ba kayo?" tanong ni Mr. Lungab kay Mrs. Ranillo.

"Gusto kong gumawa ka ng paraan para masuspend ang Cyrus Bernal na yan." pag-uutos naman ni Mrs. Ranillo habang nakatingin kay Cyrus na papalabas na ng faculty.

"Pero ma'am?" medyo pag-angal ni Mr. Lungab.

"Gagawa ka ng paraan o ako ang gagawa ng paraan para mapatalsik ka sa eskwelahang ito?" pananakot ni Mrs. Ranillo.

"Ok ma'am sabi ko nga dapat masuspend yang Cyrus Bernal na yan." napipilitang pagsang-ayon ni Mr. Lungab.

"Good." sabi naman ni Mrs. Ranillo.

Kinabukasan ay may long quiz ang klase nila Chloe sa Mathematics IV. Ipinamigay ni Mr. Lungab ang mga test paper at siya'y nagmasid-masid sa mga estudyante. Lingid sa kaalaman ng lahat ay lihim na inutusan ni Mr. Lungab si Ruel na ilagay ang papel na naglalaman ng formula sa likod ng kinauupuan ni Cyrus kapalit ng mataas na grado niya sa Mathematics.

"Mr. Bernal!" paninita ni Mr. Lungab nang makita niya ang papel na inuupuan ni Cyrus.

"Ano yang papel na yan?" dugtong pa nito. At kinuha niya ang papel.

"Kodigo toh ah. At nakacomputerized pa." sabi ni Mr. Lungab matapos mabasa ang papel at binuklat ito sa harap ng kanyang mga estudyante.

Ang ibang mga estudyante ay sinamantala ang pagkakataon at tinignan ang formula sa papel na ipinakita ni Mr. Lungab at nagsipagsagot sa kani-kanilang test paper. Ang iba nama'y hindi makapaniwalang nagawa iyon ni Cyrus.

"Paano niyo naman nasabing kay Cyrus nga yang papel? Hindi na niya kailangan niyan para makapasa sa long quiz niyo!" pag-angal ni Joshua sa teacher nila.

"Kitang-kita ko nasa upuan niya ang papel na ito. Cyrus can you explain this to me?" tanong ni Mr. Lungab.

"I don't know anything about that Sir." pagpapaliwanag ni Cyrus.

Kinuha ni Mr. Lungab ang test paper ni Cyrus.

"Don't you know that cheating in any form is a major offense sa school natin?" sabi ni Mr. Lungab kay Cyrus habang pinupunit ang test paper niya.

"Come with me to the Guidance Office." sabi naman ni Mr. Lungab na papalabas na ng pinto.

"Pero Sir?!" muling pag-angal ni Joshua.

"Bakit Mr. Garcia gusto mo sumama?" pagtataray ni Mr. Lungab.

"Sai matuto ka namang lumaban!" sabi ni Joshua sa kaibigan niyang si Cyrus.

Ngunit hindi umimik si Cyrus at nagpatuloy sa paglabas ng classroom kasunod ni Mr. Lungab.


Book I Chapter 21: Truth


Truth

"Cy.... Rus...." ang aking sinabi habang tinititigan si Cyrus na papasok ng classroom. Ni-isang sulyap ng kanyang mata ay wala akong nakita. Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay hindi na ako nag-eexist sa mundo ni Cyrus. Ang sakit.

Hindi ko napapansin na may mga luha na palang pumapatak sa aking mga mata. Pinunasan ito ni Joshua ngunit hindi pa man niya natatapos punasan ang mga ito ay agad na akong tumakbo sa Ladies' C.R. at dun inilabas ang sakit na nararamdam ko.

----------

Narrator

Matapos naman tumakbo ni Chloe papuntang C.R. ay hindi nagdalawang isip si Joshua na sundan ito. Hindi niya inalintana ang pagpasok sa Ladies' C.R. na kasulukuyan namang si Chloe lang ang tao dahil maaga pa naman nun.

"Chloe. Buksan mo toh." sabi ni Joshua habang kinakatok ang pinto ng cubicle kung saan naroroon si Chloe.

Ngunit hindi ito binuksan ni Chloe.

"Chloe. Ano ba. Buksan mo sabi eh." pangungulit ni Joshua.

"Leave me alone!" sagot ni Chloe sakanya na hindi pa rin binubuksan ang pinto.

"I want to. But i can't." bulong ni Joshua sa sarili niya.

Maya-maya'y bumukas ang pinto ng C.R. at pumasok si Mrs. De Leon, isang teacher sa school na iyon. Nanlaki ang mga mata nito. Kung nagkataon ay malalagot si Joshua kapag nagsumbong ito sa Discipline Office.


































"Hoy bruha! Napakatagal mo naman mag-C.R. Hanap na aketch ng mga fafa ko. Ang chuva naman. Make it faster nga... Ay ma'am andiyan pala kayo. Tagal kasi ni sister eh." pagbabakla-baklaan ni Joshua para makalusot sa pagsusumbong ni Mrs. De Leon.

"My God, Mr. Joshua Garcia, you're a..." sa gulat nito ay hindi na niya natapos ang sasabihin at isinarado na ang pinto.

Hindi naman mapigilan ni Joshua ang matawa dahil napaniwala niya si Mrs. De Leon.

----------

Chloe

Sino kaya yung pumasok sa C.R.? Bakit biglang nagtransform si Joshua? Para akong sira dito sa loob ng cubicle dahil habang umiiyak ay natatawa ako sa pagbabakla-baklaan ni Joshua, bagay na bagay sakanya. Loko talaga toh, sa isip isip ko.

Dahil sa pangyayaring iyon ay lumabas na rin ako ng cubicle. Medyo gumaan ang loob ko dahil sa ginawa ni Joshua. Pagkalabas ko ay agad ko naman siyang niyakap.

"Daddy, ang sakit." sabi ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala baby. Daddy will be always here for you." pagcocomfort niya sakin habang hinihimas-himas ang buhok ko.

Napagpasyahan na rin naming bumalik ng classroom.

Hindi nagpapansinan sina Cyrus at Joshua simula ng araw na iyon marahil siguro ako ang kasama ni Joshua. Tumagal pa ng isang linggo ang walang pansinan na drama namin at si Joshua naman ang lagi-lagi kong kasama sa panahong parang namatay ang puso ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit sa ginawa sakin ni Cyrus kahit sobrang sakit talaga ang pagpapaasang ginawa niya. Minsan nga ay nakikita ko siyang tinitignan ako na parang may gustong sabihin at minsan pa'y nagkakatitigan nalang kami.

Lugmok na lugmok talaga ako ng mga panahong iyon, hindi ko magawang tumawa ng malakas, makipagkulitan, makipagdaldalan at kung anu-ano pa. Parang namatayan ako. Ngunit life must go on, kailangan kong magmove-on kaya lang mahirap dahil sa araw-araw ko silang nakikita at lalo lang akong nasasaktan sa tuwing gustuhin kong kalimutan siya.

Ano ba talaga ang nangyari? Bakit bigla nalang silang nagkabalikan? Akala ko seryoso talaga siya pero hindi pala.

----------

Flashback

Linggo nun nang ipatawag si Cyrus ni Mrs. Ranillo sa kanyang office.

"Mr. Bernal, i want to talk to you." sabi ni Mrs. Ranillo kay Cyrus.

"Yes ma'am? About what?" pagtatakang tanong naman ni Cyrus.

"About you and Ericka. Alam kong matagal din kayong nagkasama ng inaanak ko and until now she still loves you." pagkukwento ni Mrs. Ranillo.

"Then? Sorry but i don't love her anymore." sabi ni Cyrus na tumayo at nagbalak lumabas ng office.

"Kabastusan yang ginagawa mo Mr. Bernal. Sit down!" pagalit na sabi ni Mrs. Ranillo.

"Wala naman pong patutunguhan tong pag-uusap na ito." pagmamatigas ni Cyrus.

"Nakalimutan mo na bang ako ang principal sa school na pinapasukan mo?" pagsusungit ni Mrs. Ranillo.

Dahil alam ni Cyrus na kahit ano ay pwedeng gawin ng malditang principal nila ay nagpasya nalang itong maupo uli.

"Gusto kong balikan mo si Ericka." pag-uutos ni Mrs. Ranillo kay Cyrus.

"What if i don't?" pagmamatigas uli ni Cyrus.

"Then expect the worst things you can experience in your entire life." pananakot ni Mrs. Ranillo.

"Akala niyo matatakot niyo ako? Baka nakakalimutan niyo pwede kayo matanggal sa posisyon niyo dahil sa ginagawa niyong yan sakin." pang-hahamon ni Cyrus.

"Are you daring me Mr. Bernal? Do you think you're powerful than me?" hindi naman pagpapatalo ni Mrs. Ranillo.

Natahimik nalang si Cyrus dahil naalala niyang graduating student nga pala siya at baka yun ang tirahin ng malditang principal nila.

"Finally, natauhan ka din. Gusto kong sunduin mo bukas si Ericka sa bahay nila at makipagbalikan ka. Dalhan mo na rin siya ng flowers." muling pandidikta ng principal.

"And by the way, don't dare tell this to anybody especially to Ericka and your parents or else i'll do everything to pull you down." dugtong pa nito.

Lumabas narin naman si Cyrus sa office at balisang-balisa siya. Hindi niya alam kung anong dapat gawin. Gulong-gulo ang isip niya. Hindi niya alam paano haharapin si Chloe dahil sa totoo lang ay mahal na mahal niya na ito.

Pagkalabas naman ni Cyrus ay agad idinial ni Mrs. Ranillo ang telepono.

"Hello mare? Don't worry na. Tomorrow, Cyrus will be there at makikipagbalikan na siya kay Ericka." sabi nito sa kausap niya sa telepono.

----------

Cyrus

Tama ba ang ginawa ko? Dapat ko bang kausapin si Chloe? Litong-lito na ako. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya. Hiyang-hiya talaga ako sa ginawa ko sakanya. Ilang buwan narin kaming hindi nakakapag-usap. Miss ko na ang kakulitan niya. Kung hindi lang siguro dahil sa principal na yun masaya na siguro kami ni Chloe ngayon.

Nang makita kong nagbabasa lang si Chloe ng libro ay nilakasan ko ang loob ko at binalak na lapitan siya.

Bago pa man ako makalapit ay hinarangan ako ni Joshua.

"Not this time Cyrus." sabi niya matapos harangan ang daan ko papunta kay Chloe.

Nagpumilit ako pero pinigilan parin niya ako.

"Mag-usap nga tayo." sabi ni Joshua at lumabas siya ng room at pumunta sa hallway na hindi masyadong dinadaanan ng tao at sinundan ko naman siya.

Hindi pa man ako masyado nakakalapit sakanya ay agad niya akong sinalubong ng isang napakalakas na suntok na nagpatumba naman sakin sa sahig.

"Gago ka rin noh Cyrus." sabi ni Joshua matapos akong suntukin.

"Sorry." yan nalang ang tangi kong nasabi matapos kong makatayo.

"Eh talaga naman palang tarantado ka eh." muling sabi ni Joshua kasabay ng isa nanamang malakas na suntok sa mukha ko na nagdulot ng pagdurugo ng labi ko.

"Sorry? Ganon lang ba yun Cyrus? Hindi tamang paasahin mo si Chloe! Lalo ng alam mong may nararamdaman siya para sayo." dugtong niya.

"Wala kang alam Joshua." ang sabi ko sakanya.

"May dapat pa ba akong malaman?" pagtatanong ni Joshua.

"Hindi mo alam ang pakiramdam ang makita ang minamahal mo na kasama ng iba." sagot ko sakanya.

"Hindi mo rin alam ang pakiramdam na kasama mo nga ang mahal mo pero iba naman ang hinahanap niya!" sigaw sakin ni Joshua.

"Wag mong sabihing.." pagkagulat kong tanong.

"Oo, i'm inlove with Chloe." pagtatapat ni Joshua.

"Please take good care of Chloe habang hindi ko pa naaayos tong gulong toh." pagmamakaawa ko kay Joshua.

Pinipigilan ko nalang ang pagpatak ng mga luha ko dahil sa nangyayari sa buhay ko. Magiging masaya na sana ang lahat naging miserable pa.

"Anong gulo Cyrus? Meron ba akong hindi alam?" pagtatanong ni Joshua.

"Sayo ko lang sasabihin toh Joshua dahil i trust you. Lahat ng ito ay pakana ng ninang ni Ericka." pagkukwento ko.

"Si Mrs. Ranillo?!" pagkagulat na tanong ni Joshua.

"Oo. Tinakot niya ako na hindi ako makakagraduate kung hindi ko babalikan si Ericka. Kaya wala akong nagawa kundi balikan siya dahil wala akong laban sa mga kayang gawin ni Mrs. Ranillo." pagtutuloy ko.





























"CYRUS!!!" sigaw ni Ericka na sumulpot nalang kung saan.

Thursday, January 5, 2012

Book I Chapter 20: Heart Breaks



Heart Breaks



"Dadiiieeeeeee." malakas kong pagtawag kay Joshua na nagbabasa naman ng magazine nung umagang yun.

"Oh bakit ano yun baby?" sagot naman niya. Itinigil niya ang pagbabasa at ibinaling ang atensyon sakin.

"Guess what?" pagtatanong ko sakanya.

"Hindi naman ako manghuhula eh." sagot niya sakin.

"Ito naman walang kathrill-thrill kwentuhan." pagtatampo ko kunyari kay Joshua.

"Oh sige hulaan ko. Dinagdagan ng tita mo ang baon mo noh? Kaya ililibre mo ako mamaya ng pamasahe." pagbibiro sakin ni Joshua.

"Hindi sira. Ano ka sinuswerte? Hahaha. Tungkol kay Cyrus." pambibitin ko sakanya.

"Ah. Inakbayan ka nanaman niya?" tanong ni Joshua sakin.

"Hindeeeeee. Nagtanong na siya kung pwede daw ba niya ako ligawan!" excited kong pagkukwento.

"Ano sabi mo?" tanong uli niya.

"Eh di. Pwede!" kinikilig kilig kong sinabi kay Joshua.

"Ah, un lang ba?" sabi niya at bumalik sa kanyang pagbabasa.

"Hay nako daddy. Topak ka na naman. Hindi ka man lang masaya para sakin." pagtatampo ko sa kanya. Hay nako ang saya-saya ko magkwento sa kanya tapos un lang reaction niya.

"Ok. Congrats. BABY." pagbati sakin ni Joshua na patuloy parin sa pagbabasa ng magazine.

"Thank you ah!" pagsusungit kong sagot dahil parang hindi man lang niya pinansin ung kwento ko. Hay nako, makaalis na nga lang.

Ang saya-saya ko ngayon tapos ganoon reaksyon niya. Nakakasira tuloy ng araw.

"Oh mahal bakit nakasimangot ka? Hindi bagay sayo nakasimangot. Ngiti naman diyan." sabi ni Cyrus habang hinawakan ang pisngi ko. Buti nalang at nandito si Cyrus na nagpapasaya ng araw ko.

"Yung bestfriend mo kasi eh." pagrereklamo ko.

"Away nanaman kayo?" pagtatanong ni Cyrus.

"Ewan ko dun nagkukwento lang naman ako tapos bigla na namang tinopak, nakakainis." irita kong sagot.

"Hindi ka na nasanay. Ano ba kinukwento mo sakanya?" tanong ni Cyrus. Nakakahiya naman kung sasabihin ko na siya ung kinukwento ko. Baka isipin niya patay na patay ako sakanya pero parang ganun na nga. Hahaha.

"Kinuwento ko lang naman ung ano... Ung... Mga alaga ko." pagpapalusot ko kay Cyrus.

"Ano ba alaga mo?" muli niyang pang-uusisa.

"Langgam--"

"Langgam?" pagtataka niyang tanong.

"Oo, ay este may langgam kasi dito sa armchair ko. Hehehe." muli kong pagpapalusot. Wag ka na sana magtanong Sai, nahihirapan na ko lumusot.

"Akala ko nag-aalaga ka ng langgam. Hahaha. Ikaw talaga. Ang cute mo." sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

"Ikaw talaga. Ang bolero mo." panggagaya ko naman sakanya with matching kurot-kurot din sa pisngi.

Maya-maya'y nagbell na rin at si Cyrus ay nakipagpalit ng upuan kay Janine. Kaya kami na ang magkatabi ni Cyrus at sila Janine naman at Joshua. Sana naman magkadevelopan na tong dalawang toh. Bagay naman sila eh.

Nagbuhay prinsesa ako sa tabi ni Cyrus dahil siya na daw ang magsusulat ng notes para sakin. Pumayag naman ako. Ang kapal ng mukha ko noh? Hahaha. Aba dapat itest kung gaano kaseryoso tong lokong toh. Mamaya pinagtitripan na naman ako. At least kung pinagtitripan niya lang ako napakinabangan ko siya. Hahaha.

Hindi ko talaga makeri ang nangyayari ngayong araw na ito. Parang panaginip pero totoo. Sana ganito nalang kami lagi ni Cyrus.

At buti nalang talaga hindi nangyari ang kinatatakutan ko.

Recess time na at siyempre sabay kami kumain ni Cyrus, lagi naman eh simula pa nung first day. Siyempre kasama rin si Joshua.

"Tara na Joshua." pag-aaya ni Cyrus sa kanya.

"Hindi. Sige kayo nalang dalawa ni Chloe. May pag-uusapan pa kami ni Pare. Di ba pare?" sabi niya at sabay hinatak at inakbayan naman si Janine na mukhang walang kamalay-malay sa mga nangyayari.

"Ha? Ah. Oo." pagsang-ayon nalang niya.

"Sige una na kami ni Chloe. Sunod nalang kayo." pagpapaalam ni Cyrus.

----------

Narrator

"Ano yun Joshua?" pagtatakang tanong ni Janine nang makaalis sina Cyrus at Chloe.

"Ah, pwede ba tayong mag-usap saglit?" tanong ni Joshua kay Janine.

"Basta ikaw. Tungkol saan ba?" tanong naman ni Janine sakanya.

"Naaalala mo yung pinag-uusapan natin about dun sa taong gusto ko nito lang?" tanong naman ni Joshua.

"Oo, bakit?" sabi naman ni Janine.

"Suko na ako pare." malungkot na sabi ni Joshua.

"Oh bakit suko ka na? Hina mo pala pare eh." pang-aasar ni Janine pero deep inside nasasaktan siya dahil nasasaktan si Joshua.

"Ayoko na pare. Takot akong umamin. At masaya na siya eh." patuloy na pagkukwento ni Joshua.

"Bakit ba ayaw mo aminin? Malay mo may nararamdaman din pala siya sayo." pagpapayo ni Janine.

"Baka umiwas eh. Hindi ko kayang iwasan niya ako." nangangambang kwento ni Joshua.

"Eh paano kung hindi umiwas?" tanong ni Janine.

"Paano kung umiwas? Magulo pare. Bahala na." ang tanging naisagot ni Joshua.

----------

Chloe

Lumipas ang tatlong araw habang napapalapit ang loob ko kay Cyrus ay napapalayo naman ito kay Joshua dahil hindi niya ako pinapansin. Kinakausap ko siya pero hindi na siya ganun kakulit. Kapanibago pero ok na rin un atlis walang nang-iinis.

Nung araw na din yun ay sinulatan akong muli ni Superman.

I wish everlasting happiness
for you. (:

Yours truly,
Superman

Ang tagal kong inantay ang sagot niya pero bakit parang nalungkot ako sa nabasa kong message niya. Ang weird. Siguro kasi ang tagal lang niya hindi sumagot tapos ang ikli ng message niya. Hahaha.

Agad din naman akong sumagot kay Superman.

thank you superman. =)
if you don't mind, may i ask
something? bkit tgal m ndi
sumagot s letter? hehehe..
bc k?
lam m ung lalaking gusto
q, nliligawan nia n q..
kya ang saya-saya q talaga..
nshare q lng.. take care =)

Sana sumagot agad si Superman this time. Hindi ako makapaghintay na mailagay na ang sulat ko kaya naman ng madismiss na ang klase at lumabas na ang mga estudyante ay agad ko itong inipit sa pinto ng locker ko. Pinuntahan ko narin naman si Cyrus na pinauna kong lumabas.

----------

Narrator

"Girls wait lang ah. May icheck lang ako sa classroom." ang sabi ni Ericka sa mga kasabay niya.

"Ok girl. Make it fast ha." sagot naman ng mga ito sakanya.

Simula ng makita niya ang sulat ni Chloe ay regular na nitong chinecheck tuwing hapon kung may sulat si Chloe. At tulad ng inaasahan niya, may nakita siyang sulat at binasa niya ito.

thank you superman. =)
if you don't mind, may i ask
something? bkit tgal m ndi
sumagot s letter? hehehe..
bc k?
lam m ung lalaking gusto
q, nliligawan nia n q..
kya ang saya-saya q talaga..
nshare q lng.. take care =)

"Gosh, this can't be happening. Nililigawan siya ni Cyrus? NO!" pagkagulat niyang sinabi matapos mabasa ang sulat.

Dali-daling umuwi si Ericka na naluluha habang naglalakad at iniwan niya ang mga kasama niya. Pagkarating niya sa bahay ay andun ang mom niya.

"Mom, I wanna go back to U.S. now." sabi ni Ericka sa mom niya habang naiyak.

"Why my dear? Is there something wrong?" pag-aalala namang tanong ng mom niya.

"Wala na pala akong babalikan dito sa pinas mom. Cyrus doesn't love me anymore. He already love someone else." pagmumukmok ni Ericka.

"No, Ericka. He loves you. Maghintay ka lang at babalikan niya. Trust me dear." pagpapatahan ng mom ni Ericka sakanya.

Tumakbo naman si Ericka papunta sakanyang kwarto at doon nagmukmok.

Habang ang mom naman niya ay kinuha ang telephone at may idinial na number.

"Hello mare! Can i ask a favor from you?" ang sabi ng mom ni Ericka sa kausap niya sa telepono.

----------

Chloe

Lunes na at excited na excited akong pumasok dahil ngayon ko balak sagutin si Cyrus. Naprove na niya sakin na hindi nga siya nagbibiro at seryoso siya dahil kung anu-anong pinagawa ko sakanya at ni-isang reklamo ay wala akong narinig mula sakanya.

Lumabas na muna ako sa corridor dahil tatatlo palang kaming nasa loob ng classroom. Halatang halata excited ako sa araw na ito. Hahaha. Ilang minuto lang ang nakakalipas at dumating si Joshua. Sinalubong ko naman siya.

"Good Morning daddy!" masayang bati ko sakanya.

Ang isinagot lang niya sakin ay patingala ng bahagya. Aba, ganda ng ganda ng bati ko ganun lang ang sagot sakin.

"Ano bang problema ha Joshua?" medyo naiinis na tanong ko sakanya.

"Wala." ang tanging naisagot niya.

"Eh bakit parang iniiwasan mo ako?!" muli kong tanong.

"Ano bang gusto mo Chloe?! Ako na nga itong lumalayo eh! Ikaw pa tong lapit ng lapit! Tinitiis ko na ngang ako nalang ang umiwas kaysa ako pa ang iwasan mo!" pasigaw na sagot sakin ni Joshua.

Nagulat naman ako dahil sinigawan niya ako. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya. Wala akong naintindihan. Anong iiwasan ko siya? Bakit? Natulala talaga ako ng oras na iyon.

Habang wala pa ako sa katinuan ay nakita ko naman na dumating si Cyrus...



























Kasama si Ericka na nakayakap sa isang braso niya at masayang-masaya.






***
Gusto ko lang ishare sainyo itong song na ito kasi everytime i hear this song si Joshua ang naaalala ko. If you have time pakinggan niyo po itong song na ito.

Paano na Kaya - Bugoy of PDA(S2)

Book I Chapter 19: "Mahal"


"Mahal"




"Kapatid lang ba talaga?" ang tanong ni Joshua sakin.

"Anong gusto mo? Magulang kita? Eh di sige, DADDY Joshua." sagot ko naman sa kanya.

"Eh ano tawag ko sa'yo?" muli niyang tanong.

"Eh di baby." ang sagot ko sa kanya.

"Ay, baby. Hindi bagay sayo. Hahaha." pang-aasar niya.

"Eh di wag!" pagsusungit ko naman sa kanya.

"Ikaw talaga hindi ka na mabiro. Ang sungit mo talaga... baby." ang naisagot niya.

"Alam niyo kayo na ang pinaka kamali-malisyang mag-ama." pangangantyaw na naman ni Paul.

Hindi naman nagreact si Joshua sa halip ay ngumiti nalang ang loko, kaya hindi narin ako nagreact. Bumaba narin naman ako sa likod niya dahil madami nang tao ang nakapaligid baka ano pa sabihin nila samin. Nagsiuwi na rin kaming lahat sa kani-kaniya naming mga bahay.

Kinabukasan, araw na ng dance event. Sa school gym namin ito gaganapin at 11 schools ang kasali. Maaga palang ay naghahanda na kami sa backstage, kabadong-kabado ang lahat.

Ngayon din ang pagbabalik ni Cyrus sa school namin pero hanggang ngayon ay hindi ko parin siya nakikita. Sana mamaya makita ko na siya, miss ko na siya ng sobra. Hay.

"Daddy, magstart na ba?" tanong ko kay Joshua.

"Yah, be ready na baby." nakangiti niyang sagot.

Habang nag-uusap kami ay may sumingit na isang babae at hinarangan ba naman ako, ang bastos din niya eh noh?

"You're Joshua Garcia, right? You know what? I really admire you a lot and ngayon i have the chance to know you more. If you don't mind may i know your digits?" sabi naman ng sumingit na babae habang iniaabot ang isang piraso ng papel at bolpen. Landi niya ah. Sana hindi pansinin ni Joshua. Hmp.

Nagsulat naman si Joshua sa papel at matapos nito ay pinuntahan niya ako.

"Tara baby." pag-aaya niya sakin.

Landi rin nito ni Joshua. Pinatulan ba naman ung ganung klase ng babae?!

----------

Narrator

Kinuha ng babae ang papel na sinulatan ni Joshua at binasa ito.

i appreciate that u like me but...
i'm already taken by the girl behind u.

thanks for interrupting us.

"Sungit naman pala nung Joshua na yun." ang tanging nasabi ng babae.

----------

Nagsimula na ang program at panglima kami na magpeperform, kinakabahan ako dahil baka magkamali ako.

"Relax lang." sabi ni Joshua na umakbay sakin habang pinapanood namin ang mga unang performer mula sa backstage.

Pangalawa.

Pangatlo.

Pang-apat.

At kami na ang magpeperform, grabeng kaba ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon pero the show must go on ika nga. Nagsimula nang itugtog ang music namin. Sumayaw kami at ibinigay ang buong sigla at lakas namin. Kaya naman nang matapos kami magperform ay nagsipalakpakan ang lahat at todo cheer sa amin. At karamihan pa ang sigaw ay "Go Joshua!". Todo kaway rin naman si Joshua akala mo sinong artista. Hahaha. Ang dami palang fans ng lokong partner ko.

Pagbalik namin sa backstage ay laking gulat ko ng makita kong nakatayo si Cyrus ilang metro ang layo sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit pero tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit. Siguro sa sobrang pagkamiss ko hindi ko na napigilan yakapin siya. Nakakahiya pero niyakap rin naman niya ako.

"Namiss kitang loko ka ah." sabi ko kay Cyrus habang yakap yakap siya.

"Mas namiss kitang loka ka. Buti naman at ok ka na. Sobrang nag-alala ako sayo." sagot naman ni Cyrus sakin.

"Ay Joshua, may Cyrus na pala si Chloe eh." narinig ko namang sabi ni Paul habang inakbayan si Joshua na para bang nang-aasar.

Binati lang naman ni Joshua ng pagtingala ng bahagya si Cyrus at dumiretso na ito sa dressing room.

Maya-maya'y may dinukot si Cyrus sa kanyang bulsa. Isang gold medal at isinabit niya ito sakin.

"I won the first prize. And it's because of you." nakangiting sinabi niya sakin matapos isabit ang medal.

"Akin nalang?" pagbibiro ko naman kay Cyrus.

"Oo, para sayo talaga yang medal na yan. Dahil ikaw ang first place sa buhay ko." sagot naman niya.

Aba. Bumabanat pa tong Cyrus na toh. Nakakashock. Hindi ako makapaniwala. Parang gusto ko himatayin sa mga oras na iyon pero nakakahiya. Feeling ko parang nanalo na ako sa lotto.

At dahil sinabi niya na sakin nalang daw ang medal eh di itinago ko. Umalis naman muna ako saglit para magbihis.

Ilang oras din ang nakalipas ay iaaannounce na ang mga winners sa event. Hawak-hawak kami lahat ng kamay at si Cyrus naman ay nanonood sa may di kalayuan mula sa amin.

Naannounce na ang third at second runner-up at ang first runner-up na lamang at champion ang hindi pa natatawag. Kabadong-kabado na kami ng mga oras na iyon dahil hanggang ngayon ay hindi pa kami natatawag.

"And the first runner-up goes to..." ang sabi ng emcee.

At natawag ang grupo namin! Nanalo kami at masayang-masaya ang lahat. Nagsisitalunan kami sa tuwa at nagkaroon ng isang malaking group hug. Hindi man kami ang champion masaya na kami dahil nanalo kami kahit meron kaming naririnig na bulong-bulungan na nadaya daw kami, na mas deserving daw kami manalo. Pero masaya na kami kahit sa 1st runner-up man lang.

Masayang nagtapos ang program at unti-unti ng nauubos ang mga tao sa loob ng gym kaya naman nagpasya narin kaming umuwi. At ngayon kasabay ko na uling umuwi si Cyrus. Masayang-masaya ako.

"Daddy, uwi na tayo!" pag-aaya ko kay Joshua.

"Wait lang baby kunin ko lang gamit ko." sagot naman niya sakin.

Umalis naman si Joshua para kunin ang gamit niya na nasa backstage pa.

"Daddy?" pagtatakang tanong ni Cyrus.

"Oo, daddy na tawag ko sa kanya simula kahapon. Magulang ko daw siya eh. Hahaha." pagpapaliwanag ko naman sakanya.

"Ahhhhhh..............







Eh ako?" nakangiting tanong naman ni Cyrus.

Bigla naman akong kinilig na kinabahan na hindi maintindihan kaya hindi ako napaimik ng ilang segundo. Sakto naman nakita ko na si Joshua na naglalakad pabalik samin kaya naman nginitian ko nalang si Cyrus at naglakad palapit kay Joshua.

"Iniiwan mo naman ako mahal eh." sinabi ni Cyrus sakin na sinundan naman ako sa paglalakad at nang magkasabay kami ay inakbayan ako.

"Mahal?" pagtataka kong tanong kay Cyrus.

"Oo, mahal. Kung tawagan niyo ni Joshua ay daddy , satin
mahal." pagpapaliwanag niya sakin.

"At kelan pa?" muli kong tanong kay Cyrus na inalis na rin naman ang akbay nang magkasalubong na kaming tatlo.

"Sweet niyo ah." pagpansin ni Joshua na walang kaemosyon-emosyon sa mukha.

Hindi narin naman nasagot ni Cyrus ang tanong ko at natahimik narin kaming pareho nang naglakad na kami palabas ng school kasama si Joshua. At umuwi narin kaming tatlo.

Kinabukasan excited akong pumasok dahil naging maganda ang araw ko kahapon at excited akong malaman kung ano naman ang mangyayari sa araw na ito. Tulad ng kinagawian ko ay pumunta akong locker. Pero wala paring sagot si Superman sa huli kong sulat na siya naman ikinalungkot ko ng umagang yun kaya naman pumunta nalang ako sa aking upuan.

Nang makarating ako sa upuan ko ay may isang fresh red na rose ang nakita ko sa aking desk at may papel na nakatupi. Kinuha ko ang rose at binasa ko naman ang nakasulat sa papel.

For my mahal,
hope this one would start
your day right.

Hindi siya handwriting ni Superman pero sa word na "mahal" parang kilala ko na kung kanino nanggaling ito. Kinikilig ako. Kay Cyrus galing toh eh! Pero hindi ko rin naman naiwasan mapaisip kung sino si Superman dahil magkaiba naman sila ng handwriting ni Cyrus. Pero si Superman na rin naman ang nagsabi na 'TiME' will come kaya antayin ko nalang ang time na iyon.

"Did you like it?" tanong sakin ni Cyrus na lumapit sa akin.

"Thank you ah. Seryoso ka talaga sa mahal thingy noh?" tanong ko naman kay Cyrus.

"Yah. Bakit? Akala mo joke?" muli niyang tanong.

"Hindi. Eh kasi naman wala naman akong natatandaang niligawan mo ako at sinagot kita noh." pagpapaliwanag ko sakanya.

"Ah, nga naman. So let's make it formal,






















Pwede ba kitang ligawan?"

Book I Chapter 18: Disappointment


Disappointment


Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko habang papalapit ng papalapit ang aking mga labi sa mga labi ni Chloe.




























"Eeeeeenggwww." ang sabi ng dumaan na langaw sa pagitan ng aming mga mukha na siya ring naging dahilan kung bakit hindi natuloy ang kiss.

Sa gulat ko sa langaw ay bumalik ako sa katinuan ko. Joshua ano bang ginagawa mo! May sakit na nga si Chloe kung anu-ano pang iniisip mo!, sa isip isip ko. Pero sayang, kiss na naging hangin pa. Langaw kasi eh.

"Basilio, Crispin." bulong naman ni Chloe na tila nananaginip at napagalaw siya ng bahagya.

Ano ka si Sisa? Sabi ko sa isip-isip ko habang pinipigilang matawa. Hahaha! Basilio Crispin daw. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagpupunas sa kanyang mukha.

Nang matapos kong punasan ang kanyang mukha ay hinalikan ko siya ng bahagya sa noo bilang pamamaalam. Siguro naman kahit papaano nakalamang na ako kay bespren sa paghalik ko ng noo niya. Bumaba na ako at inayos ang gamit ko. Dumating na rin naman si ate Kurdapya galing sa chismisan.

"Oh Soperman aales na you?" tanong niya nang makitang inaayos ko ang gamit ko.

"Ah opo. Baka gabihin ako sa daan eh." pamamaalam ko sakanya.

"Tika lang." pagpigil naman niya sakin at nagmamadaling pumunta sa kwarto niya.

Nang makabalik siya ay may dala-dala na siyang notebook at ballpen.

"Soperman paperma mona. Mensan lang ako makaketa ng artesta ih." sabik na sabik na sinabi sakin ni ate Kurdapya habang iniaabot ang notebook at ballpen. Napangiti ako at pumirma nga ang uto-utong si Joshua.

Superman at your service ate kurdapya. (;

"Ay ate, pahingi ng papel ah at pahiram narin ng ballpen." sabi ko sakanya.

Napagpasiyahan kong sulatan narin si Chloe.

My princess, please wag mong
abusuhin ang katawan mo. Pagaling ka.
Give yourself a break. (:

P.S.
And always bring an umbrella. (:

Yours truly,
Superman


"Paki-bigay naman po itong sulat na ito kay Kuloy. Wag niyo po basahin ah. Sige po una na po ako." pag-abot ko ng sulat at
pagpapaalam ko kay ate Kurdapya.

"Kaliwete ka pala. Soperman saglit lang ulit. Pde pakiss? Sige na." pagpigil uli niya sakin na sabik na sabik.

Nginitian ko naman siya at binesobeso. Ang kulit ni ate kurdapya. Katuwa. Hahaha.

At lumabas na nga ako ng bahay nila. May humintong tricycle na palabas ngunit nilagpasan ko ito dahil bibili pa ako ng chichirya na mangangata ko sa daan pauwi. May malapit na tindahan kina Chloe, mga tatlong bahay ang distansya, dun naman ako bumili ng chichirya.

Pagkabili ko ay saktong may tricycle na naman na palabas at may tugtog na pagkalakas-lakas pa ng payong (Tagalog Version ng Umbrella). Medyo natawa ako sa sounds ng tricycle na toh ah. At sumakay nga ako sa tricycle. Madadaanan ko nanaman ang bahay nila Chloe. Kaya naman muli akong sumulyap sa bahay nila.

Teka! Si Chloe yun ah! Papasok na ng gate nila! Bakit andyan siya?!

















Nakita kaya niya ako?!

----------

Chloe

Nagulat ako nang makita kong nasa bahay na ako pagkamulat ko ng aking mga mata. Medyo umayos na ang pakiramdam ko. Parang kakaiba, ang gaan ng feeling. Pagkabangon ko ay agad akong bumaba para kumuha ng maiiinom.

"Kuloyyyyy!!!" tuwang-tuwa na nagtatatalon na tawag sakin ni ate Kurdapya, kurds for short.

"Oh baket ate kurds? Ano meron? Nanalo na ba tayo sa lotto ha? Ano ate dali!" pagsakay ko naman sa excitement niya.

"Kuloyyyyyyyyyyyyy!!!!" at lalo niya pang nilakasan na para bang kinikilig na ewan.

"Ate kurdsssssssss!" sagot ko naman sa kanya.

"Nakaketa ako artesta kuloy!!" sabik niyang sinabi. Sa wakas sinabi niya narin.

"Artista? Talaga? Saan? Sino?" sabik ko rin namang sagot sa kanya, matagal na kasing namamasukan si ate sa bahay nila tita kaya naman naging close kami.

"Deeettooo. Binisita ka kuloy!!" kinikilig parin niyang sabi sakin with matching turo-turo pa sa sahig at iba pang mga hand
gestures.

"Ha?" nagtataka ko namang tanong. Sinong artista naman ang dadalaw sakin? Haba naman ng hair ko kung meron nga.

"Merong bumeseta sayo deto kaninang lalake. Pagkagwapo. Mukhang artesta." excited parin siya sa pagkukwento.

"Sino ba yun? Anong pangalan?" nagtataka ko paring tanong.

"Si Soperman kuloy! Nakita ko siya! Binesobeso pa nga niya ko eh. Pabalikin mo naman siya ulit deto kuloy! Ke gwapo." pamimilit niya sakin.

"Superman?!" pagulat kong tanong kay ate Kurds. Dumalaw sakin si Superman?! How come?!

"Oo si Soperman nga. Kabenge mo talaga. Merun naman diyan kutunbads." pagbibiro sakin ni ate.

"Hindi nga?! Wag ka ngang magbiro ng ganyan. Ate kurds ah." paninigurado kong sagot.

"Kakulet mo naman. Soperman nga. Kaaalis-alis lang neya. Sayang." panghihinayang na sinabi sakin ni ate kurds.

Agad-agad akong tumakbo palabas nang malaman ko na kaaalis lang niya. Sana maabutan ko siya!

Paglabas ko ng gate...















Isang tricycle na papalayo ang nakita ko. Nahuli na ako. Tagal kasi sabihin ni ate eh. Sayang. Akala ko makikita ko na siya.

Kaya naman nagpasya nalang ako na pumasok uli ng bahay. Sa pagpasok ko ay narinig ko pa ang kinaiiritahan kong kanta.

Hindi ka na mababasa ng ulan
Di na, Di na, Di na..
Hinde, hinde..

Ang kantang payong! Hay! Kainis naman! Sayang di ko siya nakita.

"Oh ano naabotan mo ba?" pang-uusisa sakin ni ate kurds.

Iling naman ang isinagot ko sakanya.

"May kelala ka ba talagang soperman?" pagtatanong niya.

Tumungo-tungo naman ako bilang pagsenyas ng oo.

"Ibig sabihin totoo siya." sabi niya at naghimatay-himatayan si ate Kurds. Loko talaga tong si ate nawala tuloy ang lungkot ko.

"Kuloy! Epakelala u naman me to him!" sabi niya sakin.

"Eh? Pakidescribe muna si Superman." sagot ko.

"Sige. Stand straight lang you diyan ha. Si Soperman ay matangkad, mapute, gwapo, macho, mabaet, makinis, mabango, kaaket-aket, masarap--"

"Masarap?!" pagputol ko sa pagsasalita niya. Nakakagulat namang magdescribe itong si ate. Aba, aagawan pa ako kay Superman.

Walang duda! Si Cyrus nga siya! Tugmang-tugma sa kanya ang mga binanggit ni ate. Natuwa naman ako nung malaman ko kahit ang
description man lang ni Superman. Pero paano niya nalaman na may sakit ako?

"Hoy kuloy, yong penge number ni Soperman. Dinekrayb ko na siya sayo." pangungulit ni ate kurds saken.

"Ayoko nga." sabay dila ko kay ate kurds at umakyat sa taas.

"Ayaw mo pala ah. Eh di hende ko ibibigay sayu ang solat ni Soperman." pambablack mail niya sakin.

Dali-dali naman akong bumalik kung nasaan si ate kurds.

"May sulat sakin si Superman? Nasan? Patingin!" pamimilit ko naman sa kanya.

"Ito oh." sabi niya habang iwinawagayway ang papel kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon para maagaw ung papel. Hahaha!

"Hoy kuloy! Akin na yan! Ka daya ng batang ire!" pagpupumilit ni ate na kunin sakin ang sulat.

"Teka, teka, pabasa muna ng sulat tapos ibibigay ko na sayo number niya." pang-uuto ko naman sakanya.

Binasa ko nga ang sulat.

My princess, please wag mong
abusuhin ang katawan mo. Pagaling ka.
Give yourself a break. (:

P.S.
And always bring an umbrella. (:

Yours truly,
Superman


Ang sweet talaga niya. Pero... parang may kakaiba? Paano niya nalamang hindi ako nagdadala ng payong? Parang andami dami niyang alam sakin? Si Cyrus nga ba siya? Gumulo tuloy ang isip ko!

"Hoyyy. Ung number ni Soperman." pangungulit sakin ni ate habang niyuyugyug ang balikat ko.

"Tanong mo kay Batman! Hahaha!" pang-aasar ko kay ate sabay takbo sa kwarto ko.

"Asan se Batman Kuloy? Papontahen mo ren deto para makapagpaperma ren ako sakanya! Oi Kuloy! Ka daya naman nire!" pasigaw na sinabi sakin ni ate kurds habang papaakyat ako.

Muli akong napaisip kung sino nga ba talaga si Superman. Hindi ba siya si Cyrus? Kung hindi, sino siya? Kaya naman pala kakaiba ang pakiramdam ko pagkagising ko kanina. Dinalaw niya ako. Sayang at hindi ko man lang siya naabutan at nakapagpasalamat.

Nakakapagod makipagkulitan kay ate kurds. Makapagpahinga nalang ulit.

Sabado na at iniisip ko parin kung sino bang Superman ang dumalaw dito. Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay nagring ang
telepono sa bahay.

Hello? Sino toh?

Ung crush mo. Hahaha.

Nyeh? Kilala na kita. Kapal mo talaga Joshua.

Musta ka na? Magaling ka na ba?

Medyo. Nagpractice ba kayo? Sensya na ah. Bukas magpapractice na ako uli.

Magaling ka na pala. Nakita mo ba ako kahapon?

Oo, helloooow nagpractice pa tayo db? Nga pala, ano nangyari nung hinimatay ako?

Eh di natumba ka sa sahig. Tapos kinaladkad kita papuntang clinic.

Di nga? Korni mo. Salamat sa pagkaladkad ha.

Hindi loko lang. Nasalo kita tapos binuhat kita papuntang clinic tapos sinundo ka dun.

Wow ang sweet naman. Thank you ah.

Oh, nainlove ka nanaman saken ng lagay na yan? Hahaha.

Sira ka talaga. Si Cyrus alam ba niya?

Bakit gusto mong malaman ni Cyrus? Para mag-alala sayo?

Hindi noh. Sapakin kita diyan bukas eh.

Sinabi ko kay Cyrus kahapon. Nakangiti ka na naman diyan.

Eh bakit ka galit?

Galit ba ako? Hindi naman ah.

Eh di hindi.

Ok ka na ba talaga? Pasok ka na bukas. Bye.

Problema nun? Nagtanong lang eh. Topak talaga yun. Alam pala ni Cyrus. May possibility talaga na si Cyrus nga si Superman. Di
bale na kung paano niya nalaman yung ibang detalye basta para sakin si Cyrus ang superman ko.

Lumipas ang sabado na puro pahinga ang ginawa ko at ito na, magpapractice na ko uli ng sayaw. Maaga akong dumating sa dance
studio para makabawi.

Naging maayos ang pagpapraktis namin ni Joshua at ng iba pa. Nakakapagod pero masaya at masasabi kong maganda ang kalalabasan ng performance namin. Proud ako. At ready na ready na kami para bukas.

Uwian na at sabay-sabay kaming umuwi nila Joshua at iba pang mga dancers.

"Sakit ng mga paa ko ah." sabi ko habang naglalakad kami palabas ng school.

"Joshua, buhatin mo naman si Chloe. Masakit daw ang paa oh." pangangantyaw ni Paul, isa sa mga dancers na kasama namin.

"Oo nga." sabi rin ng iba pa naming kasama. Mga lokong toh, wala naman ako sinabing buhatin ako ni Joshua.

Huminto naman si Joshua at naghalf knee bend, pumwestong parang magbubuhat. Lokong toh sineryoso naman.

"Ayan Chloe oh. Bubuhatin ka na ni Joshua. Sakay na." pamimilit naman ni Divine, isa uli sa mga dancers.

"Ayoko, ano ba yan. Tumayo ka na nga Joshua." sabi ko naman.

Aba, at hindi tumatayo si Joshua.

"Sige na Chloe. Ang KJ oh. Payag na nga si Joshua eh. Wala naman yang malisya. Hahaha." sabi uli ni Paul.

Wala akong nagawa kundi sumakay sa likod ni Joshua at iniyakap ang mga kamay ko sa leeg niya.

"Oi wag kang magrereklamo mamaya kung masaket ang paa mo ah!" pagpapaalala ko naman kay Joshua dahil baka magreklamo na naman ito sakin at singilin nanaman ako ng bayad niya sa jeep. Hahaha.

"Opo. Basta wag ka lang malikot." sabi naman ni Joshua sakin.

Ang sarap naman sa feeling ng binubuhat ako. Naparelax na rin ako kaya isinandal ko ang ulo ko sa aking mga balikat. Ang bango naman nitong lalaking toh kahit pawisan buong araw, sabi ko sa sarili ko. Ay, ano ba yan Chloe, mga pinagsasabi mo. Hahaha.

"Bagay talaga sila di ba guys?" muli nanamang pang-aasar ni Paul.

"Sobrang bagay! Naramdaman niyo ba yung kakaibang feeling habang nasayaw sila! Hahaha." pagsang-ayon naman ni Wella, isa rin sa mga dancers.

"Hoy, ano ba kayo. Parang kapatid ko na tong si Joshua eh. Diba kuya Joshua?" habang pinipisil pisil ang kanyang tenga.
















"Kapatid lang ba talaga?"

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.