Monday, January 2, 2012

Book I Chapter 11: Crying Shoulder


Crying Shoulder



Makauwi na nga lang! Si bespren at si bespren lang naman ang papansinin nitong si Chloe eh, baka lalo na naman akong mapasama sa paningin niya. Hay!

Pagkalabas namin sa sinehan nagpaalam na ako sakanila.

"Sai, panget, una na ako sainyo ah. Tawag ako ni mama eh. Emergency daw. Enjoy nalang kayo sa date niyo." pamamaalam ko sa kanila at agad naman akong dumiretso sa escalator.

Tingin ko naman mas mag-eenjoy siya kapag si Cyrus lang ang kasama niya. Wala na akong magagawa dun. Kaya diretso uwi na ako. Pagkauwi ko nama'y nagmunimuni lang saglit at kinuha na ang aking gitara. Lumabas ako at pumuntang terrace. At nagsimula akong tumugtog.



Broken - Seether

I wanted you to know I love the way you laugh
I wanna hold you high and steal your pain away
I keep your photograph, I know it serves me well
I wanna hold you high and steal your pain

`Cause I'm broken when I'm open
And I don't feel like I am strong enough--

"Naks Joshua. Idol talaga kita."

Napahinto ako sa paggigitara ng may marinig akong nagsalita. Nilingon ko para makita kung sino siya, si Janine lang pala.

"Tagal ko ng alam un. Hahaha. Oh pare napadaan ka?" tanong ko sakanya.

"Hinanap kita sa court kaya lang wala ka dun kaya dumaan na ko dito sa bahay niyo. Sakto nasa terrace ka." pagpapaliwanag naman niya.

"Bakit pare? Namiss mo ako? Bakit mo ako hanap?" tanong ko muli sakanya.

"Sira. Wala kasing magawa sa bahay eh." sagot naman niya.

"Dito ka muna pare. Soundtrip tayo." pag-aalok ko naman sakanya.

"Talaga? Salamat pare ah!" sagot niya.

At pumasok na nga siya sa gate at umupo sa may tabi ko. Nagsimula naman akong tumugtog uli at sumabay siya kumanta.

Masakit mang isipin kailangang tanggapin
Kung kelan ka naging seryoso tsaka ka niya gagaguhin!

O, diyos ko ano ba naman ito
Di ba? Tangina nagmukha akong tanga--

Ilang sandali pa bigla siyang nagsalita.

"Pare, may problema ka ano?" tanong ni Janine saken.

"Ako? May problema? Kailan?" pagmamayabang ko namang sagot sa kanya na nagkukunwaring walang problema.

"Kilala na kita Joshua. Kita ko sa mata mo na may problema ka." seryosong sagot naman ni Janine.

Napangiti na lang ako at tumuloy sa pagtugtog.

"May gusto ka na bang babae Joshua?" tanong ni Janine.

"Oo eh." sagot ko habang patuloy sa pagtugtog ng gitara.

"Kaya naman pala nagkakaganyan ka. Basted?" muli niyang tanong.

"Hindi ah. Ako mababasted?" muli kong pagmamayabang kahit ang totoo parang ganun na nga. Hay!

"Eh bakit ka nagkakaganyan?" tanong niya.

Napatigil na ako sa paggigitara.

"Sige na nga. Basted na ako. May gusto kasi siyang iba." sagot ko sakanya.

"Sila ba nung gusto niya?" tanong niya muli.

"Hindi. Pero parang malapit na." sagot ko.

"Ganito kasi yan kung talagang mahal mo siya, love the person until you find enough reason to let yourself go. Hindi pa naman sila diba? Bakit susuko ka agad? Kung maging sila man, nasasayo na yun kung gusto mo parin siyang mahalin or magmove-on nalang." seryosong sagot ni Janine.

"And always remember the rule number 1 pagdating sa pagmamahal, if you love, don't expect anything in return." pahabol niya.

May point si pare dun ah. Wala pa namang sapat na rason para sumuko agad dahil hindi pa naman sila ni bespren. Kung hindi ko kayang makipagsabayan kay Cyrus ng harapan, dadaanin ko nalang ng pasikreto.

"Pare mukhang andami mong alam tungkol sa ganyan ah. Nainlove ka na ba?" tanong ko sakanya.

Namula siya at sumagot ng "Wala pare. Opinyon ko lang yan. Sige una na ako. May gagawin pa pala ako eh." At lumabas na siya ng gate.

"Bakit kaya nagkaganun un? Tinanong ko lang naman kung nainlove na siya. Inlove na ata ang pare ko ah?" nangingiti kong sabi sa sarili ko.

Pumasok narin ako ng bahay at tinignan ang cellphone ko.

2 messages
received

uy panget! bat bgla
k nlng umlis?

Sender:
My Princess

reply nmn jan!
nagaalala kmi sau,

Sender:
My Princess

Si Chloe pala nagtext.

d k nkikinig knina ano?
pnay titig kc ky sai eh..
sb ko twg ako ng mama ko,
emrgncy.. msta date? msya b?

Makalipas ang isang oras. Sa wakas nagreply na siya.

snsya n l8 eply ah,
ngvideoke kmi ni cyrus eh..
date k jn?! hehe..

Sender:
My Princess

Hay. Masaya narin ako dahil masaya ka. Buti naman.

At nagreply naman ako.

chloe..

















sna ako nlng ksma mo..

Message
Sent!

0 comments:

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.