Tuesday, January 17, 2012
Book I Chapter 23: Suspension
9:27 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
Suspension
Pagkarating nina Cyrus at Mr. Lungab sa may guidance office agad nilang tinungo ang discipline officer.
"Mr. De Jesus, nahuli kong may kodigong nakalagay sa upuan niya itong si Mr. Bernal." pagsusumbong ni Mr. Lungab.
"Talaga? Si Mr. Bernal nangongodigo? I guess I can't agree with that." pagkabigla ng discipline officer.
"Hindi ba dapat ay masususpend na itong si Mr. Bernal dahil isang major offense ang nilabag niya?" pagtatanong ni Mr. Lungab.
"Pero wala tayong sapat na ebidensya na kay Mr. Bernal nga ang papel na iyan. Since elementary pa kasi ay isa na siyang achiever sa school na ito." pagdududa ng discipline officer.
"Pwede po bang mag-suggest ng idea para mapatunayan kung akin nga yang kodigong yan? Kung papayag kayo willing akong iretake ang exam kahit sa harap niyo pa mismo." pagmumungkahi ni Cyrus.
"Sang-ayon ako kay Mr. Bernal. Mr. Lungab papayag ka ba?" pagtatanong ng discipline officer.
"Hindi na kailangan. Absuwelto ka na Mr. Bernal. Mas kinakampihan na pala ngayon ang mga estudyante kesa sa mga teacher." pagsusungit ni Mr. Lungab sa discipline officer.
"Hindi naman sa ganon pero wala talaga sa ichura ni Mr. Bernal ang gumawa ng kodigo. Alam kong alam mo rin yun Mr. Lungab." pagpapaliwanag ng discipline officer.
"O siya, siya. Bumalik ka na sa classroom Cyrus. Susunod nalang ako." pagpapaalam ni Mr. Lungab.
Lumabas nga si Cyrus ng guidance office.
"May araw ka rin Mr. Bernal." bulong ni Mr. Lungab kay Cyrus bago pa man siya makalabas ng opisina.
----------
Chloe
Ano bang nangyayari kay Cyrus? Bakit siya nagkakaganun? May problema ba? Hay! Bakit nga ba si Cyrus parin ang iniisip ko kahit sobra niya akong nasaktan. Ang hirap magmove-on.
Pagkalabas nila Mr. Lungab at Cyrus ay siya ring paglabas ng mga kaklase ko para makichismis. At nabalewala na ang long quiz namin dahil nagsipagkopyahan na sila.
"Chloe saglit lang ha, CR lang ako." pagpapaalam ni Joshua.
"Teka, ano ba talagang problema?" pagpigil ko sakanya.
"Magiging ok din ang lahat." seryosong sagot naman ni Joshua at dumirecho na ng CR.
Hindi ko naman nagets ung sagot ni Joshua. Parang anlayo dun sa tinanong ko eh. Anong problema tapos magiging ok din ang lahat? Ano ba un.
Lumabas din naman ako para makichismis sa mga chumichismis. Pagkalabas ko ay nakita kong papaakyat na si Cyrus. Nang biglang...
"Chloe my labs payakap! Hahaha!" sabi ng manyak naming kaklase na si Abel habang yumakap sakin.
Sa gulat ko ay bigla ko siyang nasampal!
"Bastos!" sigaw ko.
Maya-maya'y nakita kong tumakbo papalapit si Cyrus at pinagsusuntok si Abel.
"Kapal din ng mukha mong yakapin si Chloe ah!" sinasabi ni Cyrus habang sinusuntok niya si Abel.
Sinubukan kong pigilan si Cyrus kaya lang nakakatakot silang lapitan. First time kong makapanood ng live boxing. Nagkakantyawan naman ang iba naming kaklase. Hindi nagtagal ay dumating narin si Joshua at inawat niya si Cyrus.
"Sai ano problema niyo?" tanong ni Joshua kay Cyrus nang maawat niya ito.
"Paano kasi yang manyak na yan niyakap si Chloe!" pagdadahilan ni Cyrus.
"Eh loko ka pala eh!" sabi ni Joshua kay Abel at inambahan niya ito ngunit pinigilan naman siya ni Cyrus.
"Ano ba kayo! Tama na nga!" pag-awat ko sakanila. Parang mga sira!
"Anong kaguluhan ito?" tanong ni Mr. Lungab na karating-rating lamang.
"Si Cyrus po bigla nalang akong sinuntok!" pagsusumbong ni Abel na nagdudugo ang kilay.
"Pagkaminamalas ka nga naman Mr. Bernal. Dalhin niyo na si Abel sa clinic. At kayo masipasok na kayo sa classroom walang lalabas! Clarisse maglista ka ng noisy at standing!" pag-uutos ni Mr. Lungab.
"Tara na muli sa guidance office Mr. Goodboy." sabi naman nito kay Cyrus.
Walang nagawa si Cyrus kundi sumunod.
"Sir." pagtawag ko kay Mr. Lungab.
"Yes?" sagot naman nito.
"Pwede po bang sumama sa inyo sa guidance office? Kasi wala naman talaga pong kasalanan si Cyrus eh. Si Abel po talaga may kasalanan ng lahat." pagpapaliwanag ko.
"Ms. Yu anong sinabi ko?" medyo malambing na sinabi ni Mr. Lungab.
"Diba sinabi kong pumasok na kayo ng classroom!" biglang sigaw naman niya.
"Tara na Chloe. Wala tayong laban diyan. Hari yan eh." pag-aaya sakin ni Joshua.
Sa takot ko ay pumasok nalang rin ako ng classroom. Nag-aaalala ako ng sobra kay Cyrus. Napakamalas naman itong araw na ito!
----------
Narrator
Muli ngang bumalik sina Cyrus at Mr. Lungab sa guidance office.
"Oh Mr. Lungab, nagbago ba ang isip mo?" pagtatanong ng discipline officer pagkapasok nila.
"Hindi Mr. De Jesus. Ang kinikilala niyo lang namang goodboy ay nanuntok ng kaklase niya kani-kanina lamang." sabi ni Mr. Lungab.
"Mr. Bernal, is that true?" paglilinaw ng discipline officer.
Tumango-tango nalang si Cyrus bilang pag-oo nito.
"Mr. Bernal, hindi na kita mapagbibigyan ngayon. Sorry but i have to suspend you." may pagkadismayang sinabi ng discipline officer.
"Oh paano Mr. De Jesus? Iwanan ko muna sayo si Mr. Bernal dahil may klase pa akong naghihintay sa taas." sabi naman ni Mr. Lungab na medyo nakangiti.
Inayos naman ng discipline officer ang suspension letter na ipabibigay niya sa magulang ni Cyrus, habang si Cyrus naman ay nakatungo lamang na nakaupo.
"Oh Mr. Bernal, ibigay mo toh sa parents mo. You'll be suspended for three days and the worst news is hindi ka na makakagraduate with honors dahil sa record mo sa school. You may go." sabi ng discipline officer na medyo nalulungkot para kay Cyrus.
Kinuha ni Cyrus ang sulat at dumiretso pabalik sakanilang classroom. Kinuha niya ang kanyang gamit at lumabas na siya ng school. Pinipigilan niyang maluha habang nasa byahe siya pauwi ng bahay. Nang makarating siya sakanila ay hindi na niya napigilang pumatak ang kanyang luha.
----------
Chloe
Habang nagkaklase si Mr. Lungab ay pumasok si Cyrus sa loob ng classroom nang walang anu-ano. Kinuha niya ang kanyang gamit.
"Sai, ano nangyari?" tanong ni Joshua kay Cyrus.
Ngunit hindi sumagot si Cyrus at dumirecho palabas ng classroom.
"Ano kayang nangyari kay Cyrus?" pagtatanong ko kay Joshua.
"Suspended ata. Badtrip!" naiinis na sagot naman niya.
Kinakarma kaya si Cyrus? Hindi ko naman hiniling na karmahin siya eh! Hay ang gulo na ng paligid ko! Pati si Joshua apektadong apektado sa mga nangyayari. Kailan ba matatapos ito?
----------
Narrator
Matapos ang klase ay kinausap ni Janine si Joshua.
"Joshua, pwede ba tayong magkita mamaya sa plaza?" pagtatanong ni Janine.
"Pare pwede bukas nalang?" pagtanggi ni Joshua.
"Eh Joshua, may importante akong sasabihin kasi eh." sagot naman ni Janine.
"Importante ba? Ngayon mo nalang sabihin." sabi naman ni Joshua.
"Hindi pwede eh. Aantayin kita mamaya sa plaza ha!" sagot naman ni Janine at umalis na siya.
"Ano naman kaya ung importanteng sasabihin ni pare?" tanong ni Joshua sa sarili niya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Medyas Lovers!
Blog Archive
-
▼
2012
(56)
-
▼
January
(24)
- Book I Chapter 3: Cyrus' Past
- Book I Chapter 4: A hidden message
- Book I Chapter 5: What? Cyrus is absent?! OMG!
- Book I Chapter 6: Surprise!!!
- Book I Chapter 7: Go on or move-on?
- Book I Chapter 8: Admirer
- Book I Chapter 9: An Invitation
- Book I Chapter 10: The Unperfect Set-up
- Book I Chapter 11: Crying Shoulder
- Book I Chapter 12: The... Date?
- Book I Chapter 13: Confession
- Book I Chapter 14: Transformation
- Book I Chapter 15: Partners
- Book I Chapter 16: Anxiety
- Book I Chapter 17: Superman in action
- Book I Chapter 18: Disappointment
- Book I Chapter 19: "Mahal"
- Book I Chapter 20: Heart Breaks
- Book I Chapter 21: Truth
- Book I Chapter 22: Consequence
- Book I Chapter 23: Suspension
- Book I Chapter 24: Goodbye Kiss
- Book I Chapter 25: Letting Go
- Book I Chapter 26 *Finale*: Saying Byebye to Highs...
-
▼
January
(24)
Most Viewed
Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment