Monday, January 2, 2012
Book I Chapter 9: An Invitation
4:54 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
An Invitation
Hanggang ngayon nagtataka parin ako kung sino nga ba yang si Superman kuno na nagbigay sakin ng note. Wala talaga akong ideya, napakamisteryoso niya. Kaya naman naisipan kong gumawa ng sagot sa sulat niya.
Hi Superman!
Naappreciate ko ung short letter na binigay mo sakin.
So sweet of you.
May i know hu u r? =)
Mamaya ko nalang ito ididikit sa pinto ng locker ko after classes at baka may makakita pa.
Habang nagkaklase may tumawag sakin.
"Chloe.."
Pamilyar ang boses. Nako si Joshua yan. Bahala ka diyan! Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mo sakin kaninang umaga! Dedmahin na kita forever!
"Suplada ng panget oh.."
May gana pang mang-asar! Never na talaga kitang papansinin! Akala mong Joshua ka!
"Ayaw talagang mamansin oh.. Pakipot pa "
Dedma parin talaga ako sa kanya. Kung anu-anong ginagawa ng loko-lokong si Joshua sakin, ginugulo buhok ko, hinihila uniform ko, kinikiliti ako sa tenga at kung anu-ano pang nakakairita pero waepek parin. Hindi ko parin siya pinapansin kahit medyo napipikon na ako.
"Tama na nga yan Joshua, tigilan mo na si Chloe." pagsingit ng aking prinsipeng si Cyrus. At tumigil na nga si Joshua sa mga pinaggagagawa niya. Under pala ni Cyrus itong si Joshua eh, sa isip-isip ko habang napapangiti ng kaunti.
Maya-maya'y tumabi sakin si Cyrus. Habang nakikinig kami sa teacher ay may iniabot siyang papel habang natatawa.
Isang drawing ang laman.
Chloe Sunget!
Aba lokong Cyrus toh ah. Pagtripan ba naman ako. Makaganti nga. Kaya nagdrawing din ako at iniabot sakanya.
Cyrus Manhid! Hahaha!
Nang maiabot ko ang drawing ko natawa si Cyrus, aba yabang ng lokong toh! Hahaha.
"Ako ba yan?" tanong ni Cyrus.
"Oo kaya! Yabaaaaang. Hmp." pabiro kong sagot sakanya.
"Ang cute nga eh! Hahaha. Kala ko si Mojacko. Bakit manhid ha?" tanong niya muli sakin.
"Eh di kamukha mo pala si Mojacko! Hahaha. Bleh! Gusto ko manhid eh. Hahaha." sagot ko sakanya.
"Manhid pala ah. Eh di sana, wala akong nararamdaman para kay-"
At biglang nagring ang bell.
"Ok. Class Dismiss." sabi ng aming teacher.
Hindi na naituloy ni Cyrus ang sasabihin niya at napangiti na lang at bumalik siya sa kanyang upuan. Wa! Wrong timing! Sino kaya ung sasabihin ni Cyrus? May gusto pala siya. Kainis bakit ba kasi nagbell! Eh di sana kilala ko ang kaagaw ko kay Cyrus ko. Hay. Gusto parin kita kahit iba ang gusto mo.
Nako. Eto nanaman si Joshua, nangungulit nanaman. Kinakalabit ba naman ako tapos nagkukunyaring hindi siya ung nangalabit. Duh? Siya lang naman ung nasa likod ko. Bahala ka.
At muli nanaman akong kinalabit.
"Joshua ano ba! Nakakainis ka na ah! Tigilan mo na nga ako! Humanap ka ng ibang mapagtitripan mo pwede?!" painis kong sabi.
"Bakit Chloe? Kaaway mo si Joshua?" tanong ni Cyrus sakin. Siya pala ang nangalabit. At eto namang si Joshua tawa ng tawa.
"Ayan kasi. Pahiya konti." sabi ni Joshua habang natawa ng malakas.
"Wala yun Cyrus. Pasensya na. Bakit nga pala?" tanong ko kay Cyrus.
"Kain na tayo Chloe." sagot niya sakin.
"Tara kain na tayo panget!" sagot naman ni Joshua.
"Hindi sige Cyrus. Kina Janine nalang ako sasama kumain." pangiti kong sagot kay Cyrus at pasimangot namang tingin kay Joshua habang papunta ako kina Janine.
Sa canteen habang nakapila ay eto nanaman si Joshua nangungulit nanaman.
"Chloe, sorry na oh. Hindi ko naman alam na takot ka sa ipis eh." paghingi ng sorry ni Joshua pero hindi ko parin siya pinapansin.
"Sorry na talaga oh, please?" muli niya sinabi pero wala parin hanggang sa nakabili na ako ng pagkain hindi ko parin siya pinapansin. Pabalik na ako sa inuupuan namin nila Janine ng may sumigaw.
"Chloe Yu! Sorry na oh!"
Natahimik ang lahat dahil sa lakas ng sigaw. Rinig sa buong canteen. Lumingon ako para tignan si Joshua. Aba nakaluhod ang loko. Hindi na siya nahiya na pinagtitinginan siya ng lahat ng tao na nasa canteen. Wala akong nagawa kundi puntahan siya dahil ako ang nahihiya para sakanya.
"Tumayo ka nga diyan panget." sabi ko sakanya sabay hila ko patayo.
"Bati na ba tayo Chloe?" nakangiting tanong ni Joshua.
"Siguro." sagot ko sakanya habang hindi ko alam bakit ako napapangiti ng kaunti at umalis na ako.
Bumalik na uli kami sa dati ni Joshua. Nang-aasar parin siya pero hindi na ako naiinis sa pang-aasar niya. Normal na uli.
Uwian na. At idinikit ko na nga ang sagot ko sa sulat ni Superman.
Lumipas ang buong araw kahapon at may pasok nanaman. Hindi ko alam kung bakit excited akong pumasok ngayon. Pagkapasok ko ng classroom ay direcho ako ng locker upang icheck kung sumagot ba si Superman sa letter ko. Nawala ang papel na nakadikit sa locker ko. Siguro nakuha niya, sa isip-isip ko. Natuwa ako nang may nakita akong papel kaya agad ko naman itong binasa.
you'll know hu am i at the right time.
i'm still saving a lot of guts to reveal myself and my feelings for you.
time will come.
Yours truly,
Superman
Gosh! Sino kaya tong si Superman? Nakakabaliw siya ah! Ang nasa isip ko kasi si Cyrus toh eh. Para kasing ang talino niya. Sana si Cyrus nga siya. Maiinlab na ata ako ng tuluyan sa kanya. Bahala na! Pagkabasa ko ng sulat ay agad naman akong umupo at gumawa ng response.
Naks naman!
may paright time right time pang nalalaman si Superman oh!
just let me know if that 'TiME' has already come.
i'm really interested to know u!
Mamaya ko nalang uli uwian ididikit itong post-it note ko. Excited na tuloy akong pumasok para bukas. Nagmasid-masid ako sa paligid at napansin kong wala ang magbespren na sina Cyrus at Joshua. Kaya tinanong ko ang kaklase naming si Louie na medyo malapit din sa kanilang dalawa.
"Louie! Asan ung magbespren?" tanong ko sakanya.
"Sina Cyrus at Joshua ba? May tune-up sila ng basketball sa ibang school eh. Varsity kasi ung mga un. Hindi mo pa pala alam?" sagot niya sakin.
"Varsity pala sila. Akala ko si Cyrus lang. Wala kasi sa ichura ni Joshua na marunong sa sports. Mukha kasing puro kalokohan lang alam niya." pabiro kong sabi kay Louie.
"Loko ka Chloe. MVP kaya last inter-school competition un si Joshua. Si Cyrus naman ung Finals-MVP. Sayang nga hindi dito ung tune-up! Gusto ko sana manood eh." pagkukwento niya sakin.
"Ang galing naman nila! Sayang nga! Sana napanood ko sila kung paano maglaro. Salamat Louie ah!" pasasalamat ko sa kanya.
Lumipas nanaman ang buong araw at napakaboring ng araw na ito. Wala kasi ang prinsipe ko. Pasalamat nalang kay Superman at nagkaron ng halaga ang araw kong ito.
Kinabukasan ay agad ko na namang ichineck ang locker ko. Nawala uli ang sulat sa pinto nito ngunit.. Wala akong nakitang papel sa loob. Nalungkot talaga ako. Inisip ko nalang na baka pagod siya kahapon sa basketball game nila kaya hindi nakagawa ng sulat.
Maya-maya'y lumapit sakin si Joshua.
"Goooooooooooooooood Morning Chloe!!" masayang masayang bati ni Joshua sakin.
"Aba ang saya mo ata ngayon panget ah!" pabiro kong sinabi sakanya.
"Siyempre naman! Nakita na uli kita eh! Namiss mo ba ako? Kasi ikaw miss na miss ko!" sabi niya sakin.
"Ako miss niyan! Hahaha." singit ni Cyrus sa pag-uusap namin.
"Mga loko kayo. Wala akong namiss sainyo noh! Akala niyo ah." sabi ko sakanila na sa totoo'y namiss ko nga si Cyrus at si Joshua naman? Hmm. Ewan ko. Hahaha.
"Chloe.." pabulong sakin ni Joshua.
"Bakit?" tanong ko sakanya.
Kumuha si Joshua ng papel at nagsulat. Matapos magsulat ay iniabot niya sakin ang papel.
Chloe, Labas tayo bukas.
Saturday naman. Payag ka ba?
Kasama naman si Cyrus eh.
Hindi ko alam ang isasagot ko?
Papayag ba ako o hindi?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Medyas Lovers!
Blog Archive
-
▼
2012
(56)
-
▼
January
(24)
- Book I Chapter 3: Cyrus' Past
- Book I Chapter 4: A hidden message
- Book I Chapter 5: What? Cyrus is absent?! OMG!
- Book I Chapter 6: Surprise!!!
- Book I Chapter 7: Go on or move-on?
- Book I Chapter 8: Admirer
- Book I Chapter 9: An Invitation
- Book I Chapter 10: The Unperfect Set-up
- Book I Chapter 11: Crying Shoulder
- Book I Chapter 12: The... Date?
- Book I Chapter 13: Confession
- Book I Chapter 14: Transformation
- Book I Chapter 15: Partners
- Book I Chapter 16: Anxiety
- Book I Chapter 17: Superman in action
- Book I Chapter 18: Disappointment
- Book I Chapter 19: "Mahal"
- Book I Chapter 20: Heart Breaks
- Book I Chapter 21: Truth
- Book I Chapter 22: Consequence
- Book I Chapter 23: Suspension
- Book I Chapter 24: Goodbye Kiss
- Book I Chapter 25: Letting Go
- Book I Chapter 26 *Finale*: Saying Byebye to Highs...
-
▼
January
(24)
Most Viewed
Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment