Tuesday, January 17, 2012

Book I Chapter 26 *Finale*: Saying Byebye to Highschool!


Saying Byebye to Highschool!




Cyrus

"BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPP!!!"

Nagulat ako nang makita ko ang isang paparating na kotse. Hindi ko inaasahan ang pangyayaring yun. Masyado kasi akong excited makarating kina Chloe.

Mabuti nalang at alerto ang driver ng kotse at bago pa man niya ako mabunggo ng tuluyan ay napahinto na niya ang sasakyan niya.

"Magpapakamatay ka ba?" sigaw ng driver sakin.

Dali-dali akong umalis sa dadaanan niya.

"Pasensya na po." pagpapaumanhin ko. At hinarurot na niya muli ang kanyang sasakyan.

Muntik na ako dun ah. Buti nalang. Pagkatawid ko ay agad akong sumakay sa tricycle para makapunta na kina Chloe.

Nang makarating ako sakanila medyo alangan pa ako kung yun nga ang bahay nila dahil first time kong pumunta sakanila. Nagdoorbell ako at isang babae ang sumilip sa pinto.

"Hu u?" sabi ng babaeng sumilip.

"Si Cyrus po. Andiyan po ba si Chloe?" pagtatanong ko sa babae.

"Lowe? Walang Lowe deto." sabi niya.

"Kurdapya meron." dugtong niya na may kasamang ngiti at pungay ng mata.

"Hindi po ba nakatira dito si Chloe?" paninigurado ko.

"Ay ambot sa imo. Tika lang." sabi nung babae at isinarado ang pinto.

Naghintay naman ako dahil sabi niya teka lang. Malakas ang kutob kong dito nga nakatira si Chloe. Sana hindi ako naligaw medyo makulimlim pa naman.

Ilang sandali pa ay may muling sumilip sa pinto. At nakita ko si Chloe.

"Chloe!" sigaw ko sa kanya ng makita ko siya pero dali-dali niyang sinarado ang pinto at maya-maya'y pati na ang mga bintana.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako kinakausap!" sigaw ko sakanya pagkasarado niya ng pinto.

Ngunit ilang minuto at oras nang nakalipas hindi parin siya lumalabas. Galit talaga sakin si Chloe, sa isip-isip ko. Naabutan narin ako ng malakas na ulan sa kalsada, pero wala talaga. Hindi ako nawalan ng pag-asang kakausapin niya ako, gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako sa nagawa ko at bumalik kami sa dati. Handa akong tiisin lahat, lahat-lahat.

Umupo nalang ako sa may gilid ng kalsada habang iniintay siya lumabas. Lumalakas ang ulan pero wala akong pakielam. Niyakap ko nalang ang aking mga tuhod para kahit papano ay makayanan ko ang lamig. Alam ko pasimple siyang sumisilip sa bintana mula sa taas.

Tinititigan ko nalang ang leather bracelet na ibibigay ko sana sakanya habang iniisip ko siya.

Nakaisip naman ako ng paraan kung paano ko siya palalabasin ng bahay nila.

----------

Chloe

Kinahapunan ng sabado, nanonood lang ako ng T.V. Ang boring ng buhay. Pinalipat-lipat ko lang ng channel ang T.V.

Kamusta na kaya si Cyrus? Ok lang ba siya? Grabe naman kasi suspended agad. Paano kaya kung pumunta akong guidance office sa monday para sabihin na si Abel talaga ang nanguna? Yung Mr. Lungab naman kasing yun hindi ako pinasama. Si Cyrus nanaman ang iniisip ko. Kailan ba ako magigising sa katotohanan? Hay.

Maya-maya'y may nagdoorbell sa bahay.

"Ate kurds may nagdoorbell. Tinatamad ako eh." pag-uutos ko kay ate kurds.

"Ekaw talagang bata ka. Lalapad ang puwit mo niyan kauupo." pagbibiro niya.

At sinilip nga ni ate kurds kung sino ung nagdoorbell habang patuloy parin ako sa pagpapalipat-lipat ng channel.

"Hu u?" sabi ni ate kurds. Medyo naririnig ko ang sinasabi ni ate kurds pero dun sa taong nasa labas, hindi. Loko talaga tong si ate, ginawang text.

"Lowe? Walang Lowe deto." sabi niya.

"Kurdapya meron." dugtong pa niya. Aba. Nagpacute pa si ate. Siguro lalaki yung nagdoorbell.

"Ay ambot sa imo. Tika lang." sabi niya muli sa kausap niya. At lumapit sakin si ate kurds.

"Kuloy, ekaw nga kumausap dun sa gwapong lalaki sa labas. Hende kami magkaentendehan." sabi niya. Sabi na nga ba lalaki yun eh. Hahaha.

"Sino daw ba siya ate?" pagtataka kong tanong kay ate.

"Mukhang mamalemos lang eh, nakapambahay lang kase pero gwapo. Baka siya na si Batman?" pagdedescribe niya.

"Batman? Hahaha. Loko ate." nangingiti kong sagot sakanya at pumunta na akong pintuan para silipin kung sino ang sinasabing batman ni ate. Si ate naman dali-daling pumunta sa kwarto niya.

Pagkasilip ko ay si Cyrus ang nakita ko. Bakit andito siya?

"Chloe!" sigaw ni Cyrus.

Sa gulat ko ay dali-dali kong sinara ang pinto. Nang makita ko siya para bang nanumbalik ang sakit na naramdaman ko nung makita kong hawak-hawak ni Ericka ang kamay niya.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako kinakausap!" muli niya sigaw.

Lumabas naman si ate mula sa kwarto niya na may dala-dalang notebook at bolpen.

"Saan ka pupunta?" tanong ko kay ate.

"Magpapaperma kay Batman, tabe diyan Kuloy." sabi niya sakin habang inalis ako sa pagkakaharang sa pinto.

"Ate hindi si Batman yun! Magnanakaw! Sarado natin ang pinto! Baka pasukin tayo!" pang-uuto ko naman sakanya.

Inihagis naman ni ate ang dala-dala niyang notebook at lapis.

"Ay magnanakaw! Dali Kuloy sarado mo ang pinto! Esasarado ko ang mga bentana!" natetense na sagot ni ate kurds habang isasarado nga ang mga bintana.

Buti nalang at naniwala si ate kurds sakin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Magulo ang isip ko. Kanina lang iniisip ko siya pero ngayong andito siya naiinis ako. Chloe ano ba talaga!

Sa ilang minuto kong pag-iisip napagpasyahan kong pabayaan nalang siya. Maiinip din yang si Cyrus. Mas ok nang ganito, ayaw ko ng marinig ang mga sasabihin niya baka kung ano nanaman yun at mapaasa nanaman ako.

Pinili ko nalang na umakyat sa taas at matulog. Pero dahil sa kaiisip hindi ako makatulog at paikot-ikot sa kama. Sinisilip-silip ko rin si Cyrus kung umalis na ba siya o andun parin. Aba. Andiyan parin ang loko. Naulan na at lahat hindi parin umalis. Kaya pa kitang tiisin Cyrus, kaya ko pa sa isip isip ko.

"Bakit ba ayaw mo pang umalis! Basang-basa ka na sa ulan pero hindi ka parin umaalis! Ano bang kailangan mo?! Umalis ka na Cyrus bago pang muli akong magpakatanga sayo." sabi ko sa isip ko na kunyari'y kausap si Cyrus.

Nagulat ako ng bigla nalang bumagsak si Cyrus sa kalsada. Agad naman akong bumaba. Bahala na, tanga na kung tanga pero mahal talaga kita.

"Ate payong?!" tanong ko kay ate pagkababa ko.

"Sikret." sagot naman niya saken.

"Ate?!" naiirita kong tanong. Si ate kase eh tense na tense na ako kung anu-ano pang sinasagot.

"Andiyan sa may elalem ng hagdan nakasabet. Hende naman mabero ang batang toh." matinong sagot niya.

Agad kong kinuha ang payong at lumabas ng bahay. Pinuntahan ko ang nakahigang si Cyrus sa kalsada.

"Sai." sabi ko habang tinatapik ang pisngi niya.

Pero hindi siya nagrereact.

"Uy Sai. Ano ba?" muli kong paggising sakanya.

Wala talaga.

Nang biglang...




























"Bulaga!!!" sabi ni Cyrus na bigla nalang bumangon at nakangiti pa.

Nagulat ako at napaupo sa basang kalsada. Naihagis ko rin ang payong na hawak-hawak ko kaya pati ako ay basang-basa na ng ulan.

Hindi ko alam kung baket pero isang sampal ang sumalubong kay Cyrus.

Pak!!!

Pareho kaming natahimik nang sandaling iyon at hindi ko napapansin ang mga luhang unti-unting pumapatak sa mga mata ko.

Lumapit si Cyrus at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.

"I'm sorry Chloe." sabi niya na medyo naririnig ko ang kanyang paghikbi.

"Nakakainis ka! Lagi mo nalang akong pinagmumukhang tanga!" sagot ko naman sakanya habang sinusuntok suntok ang dibdib niya dahil sa inis.

Hindi ko na napigilang umiyak sa harapan niya.

"Hindi na kita iiwan Chloe. Hinding-hindi na. I'm really really sorry." sabi ni Cyrus sakin na hinigpitan pa ang pagkakayakap niya na naging dahilan naman ng pagtigil ng pagsuntok ko sakanya.

Lumambot ang puso ko sa sinabi niyang yun. Sana totoo na nga talaga na hindi na niya ko iiwan dahil ipagkakatiwala ko na muli ang buong puso ko sakanya.

"Cyrus... Hindi na ako makahinga." sagot ko sakanya dahil sa sobrang higpit ng yakap niya.

Inalis naman niya ang kanyang pagkakayakap. Nagkatinginan kami at nginitian ang isa't-isa.

Hinawakan niya ang braso ko.

"Wag mong huhubarin toh Chloe ha. Ito muna pansamantala. Meron din ako niyan. Sa susunod wedding ring na ang isusuot ko sayo." sinasabi niya habang nilalagay ang isang leather bracelet.

"Sinagot na ba kita ha Mr. Bernal?" tanong ko sakanya.

"Oo." nakangiting sagot niya.

"Kailan?" tanong ko.

"Ngayon." sabi niya sabay halik sa mga labi ko sa gitna ng madilim naming kalsada habang umuulan. Kahit malamig, gumaan ang pakiramdam ko sa halik ni Cyrus. Sana maging maayos ang lahat sa aming dalawa. Sana.

----------

Graduation Day

Joshua

Ilang buwan narin ang nakalipas simula ng matapos ang lahat ng gulo. Sina Cyrus at Chloe ba? Masayang-masaya na silang dalawa kaya naman masaya narin ako. Unti-unti akong lumalayo sakanila para walang istorbo sa labing-labing nila (pero hindi sila PDA) at syempre para mabawasan ang sakit na aking nadarama.

Graduation na. Paalam na sa lahat. Alam kong dadating rin ang babaeng para sakin. Hindi lang siguro ngayon.

----------

Chloe

Hindi ko akalaing magkakaroon ng dream come true ang buhay ko. Parang fairy tale. Masayang-masaya ako sa araw-araw na kasama ko ang prinsipe ko. Wala na talaga akong mahihiling pa kundi ang makasama pa siya sa habang buhay.

Matatapos na ang napakasayang highschool life naming lahat. Isa nanamang kabanata ang magbubukas sa buhay ko at siyempre kapiling si Cyrus. Alam kong hangga'y andiyan sa tabi ko, magiging maayos ang lahat.

Grumaduate si Cyrus na isang valedictorian, siyempre proud na proud ako, si daddy naman second honorable mention.

Nang matapos ang graduation ceremony, malungkot ang lahat. Picture dito, picture doon. Kanya-kanyang remembrance ika nga.

Umupo muna ako sa may bench dahil kausap pa ni Cyrus ang mga teachers namin at kinocongratulate siya. Ang tita at tito ko naman tinitignan ang mga burloloy ng graduation namin.

Sa gitna ng panonood ko sa mga kabatchmates ko isang eroplanong papel na may nakalagay na READ ME! ang tumama sakin mula sa likod. Ang daming tao kaya hindi ko alam kung kanino nanggaling.

Binasa ko naman ang nakasulat dito.

Congratulations!
maybe we'll not see
each other anymore.
but you'll be
My Princess. FOREVER. (:

Yours truly saying goodbye,
Superman

Natouch ako sa sinabi ni Superman. Sayang hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na malaman kung sino siya. Sana maging masaya din siya kagaya ko.

"Huy!" pang-gugulat ni Joshua sakin na mahinang tinulak ang likod ko.

"Daddy naman!" pagbati ko naman sakanya.

"Penge papel at bolpen dali." sabi niya nang makaupo siya sa tabi ko.

"Wala ako nun. Daddy naman." sagot ko. Paano naman ako magkakaroon ng bolpen at papel graduation na graduation day. Hahaha. Si Joshua talaga oh.

Inilabas niya ang bolpen sa kanyang bulsa at isang maliit na papel at nagsimula siyang magsulat.

"Meron ka naman pala sakin ka pa naghahanap." sabi ko.

Pinagmasdan ko ang pagsusulat niya pero hindi ang sulat niya. Parang may mali.

"Daddy, diba kanan gamit mong pansulat? Bakit kaliwa--"

"Oh, basahin mo mamaya. Sige una na ako. Ibblow-out pa ako nila mama eh. Ingat Kuloy." putol ni Joshua sa pagsasalita ko at iniabot ang papel na sinulatan niya at dali-daling umalis.

Tinignan ko naman siya habang papalayo, sumabit pa yung pantalon niya sa alambre at nakita ko pa nga yung suot niyang medyas eh. Teka. Teka. Teka. Yung kero kerropi kong medyas yun ah! Tumayo ako para habulin siya.

"Chloe!" sigaw ni Cyrus sakin na naging dahilan kaya hindi natuloy ang paghabol ko kay Joshua.

Ingat Kuloy...

Ang medyas kong kero kerropi...

Ayan ang naglalaro sa aking isipan ng mga oras na iyon.
Agad ko namang binuksan ang sulat na binigay sakin ni Joshua.

Alagaan mo bestfriend ko ah. Walang iwanan.
Imbitahan niyo ko sa kasal niyo kung magkikita pa tayo! (:

Superman says goodbye to his Princess for one LAST time. (:

Si Joshua si...














Superman?

*close curtains*

0 comments:

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.