Monday, January 2, 2012

Book I Chapter 5: What? Cyrus is absent?! OMG!


What? Cyrus is absent?! OMG!



Ang sarap nga naman kumain ng lunch kapag kasama mo ang taong nagpapaganda at nagpapakulay ng araw mo. Hindi ko talaga makalimutan ang mga ngiti niya habang nakatingin siya sa akin. Yun nga lang, nabitin ako sa moments namin ni Cyrus.

Pagkaupo ko sa aking upuan agad akong tinabihan ni Joshua.

"Chloe, ung papel na pinapulot ko sa'yo?" tanong niya agad sakin.

"Eh di tinapon ko." sagot ko sa tanong niya.

"Bakit mo tinapon? Sabi ko pulutin mo lang eh." muli niyang tanong na medyo malungkot.

"Nye, ano naman gagawin ko dun? Remembrance? Eh basura lang un galing sa'yo. Hahaha." pang-aasar kong tanong kay Joshua.

"Labo mo naman oh. May sulat pa naman dun si Cyrus. Sayang." pailing niyang sagot sakin.

"Weh? Di nga? Bakit hindi mo sinabi kaagad? Eh di sana binasa ko. Ikaw ang malabo!" nanghihinayang kong sagot sakanya at agad akong tumayo para puntahan ang basurahan kung saan ko tinapon ang papel.

"Sus. Kita mo toh. Nung nalamang galing kay Cyrus kukunin pa niya kahit nasa basurahan na. Loko lang un. Sige salamat na lamang sa pagtapon ng BASURA ko ha." pagpigil niyang sagot sa akin na may tonong pagtatampo sabay alis sa upuan. Ano bang problema nun? Parang basura lang eh. Ako na nga tong pinagpulot niya at pinagtapon siya pa tong galit at sinabihan pa akong malabo, tama ba un?! Siya nga tong malabo eh.

Sa likod ko lang nakaupo sina Joshua at Cyrus kaya habang nagkaklase naririnig kong bumubulong-bulong si Joshua.

"Pinagbigyan na nga't lahat sa hiling niya, hindi man lang nagpasalamat. Tinapon pa ang pinaghirapan mong gawin. Talaga nga naman." ang binubulong niya.

"Salamat ha!" sagot ko kay Joshua dahil malakas ang pakiramdam kong ako ang pinariringgan ng lalaking ito dahil siguro narinig niya na sana masolo ko naman si Cyrus kaya hindi niya kami sinabayan nitong lunch. Grabe muntik na akong matawa nang sinabi niyang pinaghirapan niyang gawin ung papel. Eh ginusot niya lang un at ibinato sa akin. May sayad na yata tong si Joshua.

"Cyrus, salamat daw sa date niyo sabi ni Chloe." sabi ni Joshua kay Cyrus nang marinig ang sinabi ko.

"Ha?" ang tanging naisagot ng walang kamalay-malay na si Cyrus.

"Ang gwapo mo daw, kaso binge sabi ni Chloe." sagot ni Joshua ng mapa-'ha?' Cyrus.

"Loko wala namang sinabi si Chloe eh, makinig ka na nga kay Ma'am" sagot naman ni Cyrus.

Ang kapal talaga ng Joshua na yan. Sisiraan ba naman ako kay Cyrus. Buti nalang at hindi niya pinansin ang sinabi ni Joshua.

Natapos na nga ang klase sa napakasayang araw ko. At isang himala ang araw na ito dahil sa araw-araw na ginawa ng Diyos, ngayon lang hindi tinago ni Joshua ang bag ko. Laking pasasalamat ko talaga. Pero... hindi kaya nagtatampo sa akin si Joshua dahil tinapon ko ang pinaghirapan kuno niya?

Agad akong lumabas para hanapin siya at tanungin kung nagtatampo nga ba siya. Nakita ko siyang parang nag-iisip ng malalim sa dulo ng 1st floor kaya agad ko siyang nilapitan.

"Joshua!!!" sigaw ko habang papalapit sakanya.

"Umuwi na si Cyrus." agad niyang isinagot sa akin.

"Nyeh, hindi naman kita tatanungin kung asan si Cyrus eh--"

"Oh bat ka andito? Kaaalis lang ni Cyrus maabutan mo pa un. Sige na puntahan mo na siya." putol niya sa aking pagsasalita. Bastusin talaga, hindi pa ako tapos mag-explain eh nambabara kaagad.

"Uuyyy... Bat kaya ang sungit ni Mr. Garcia?" paglalambing kong tanong sakanya habang kinukurot ang tenga niya.

"Tinapon mo kasi ung BASURA ko eh." sagot niya sakin.

"Bakit? Ano bang meron dun sa BASURA mo?" paglalambing ko paring tanong kay Joshua.

"Wala. Di bale na nga. Tara na uwi na tayo." ang tanging sagot sa akin ni Joshua na napangiti ko kahit kaunti. Ano ba talaga meron dun sa basura niya at napakabig deal para sa kanya? Bahala na nga un. Makakalimutan niya rin un. Hahaha.

Kinabukasan ang aga kong pumasok dahil sa napakagandang araw ko kahapon. Isang oras pa bago kami magtime. Nagkaroon ako ng pagkakataon makilala pa ng lubos ang iba pa naming kaklase na maaaga magsipasok. Kwentuhan tungkol sa mga teacher, mga estudyante at sa kung ano-anu pa. Chismis dito, chismis doon. Ang dami kong nalaman sakanila, tungkol kay Cyrus at sa kung sinu-sino pa. Kung alam ko lang dati pa na ganito kadami ang kwento tuwing umaga eh di sana lagi akong nakikichismis sakanila. Hahaha. Ang dami na naming napagkwentuhan pero hindi parin dumadating si Cyrus siguro nalate lang un ng gising.

Nagsimula na nga ang aming klase pero wala parin si Cyrus.

"Mr. Bernal?" sabi ng aming teacher.

"Mr. Bernal??" paulit niyang sinabi.

"Absent po Ma'am!" sagot ng katabi niyang si Joshua.

Bakit absent si Cyrus?
May nangyari kayang masama sakanya?
Nakakawindang namang kung kailan ako pumasok ng maaga para makita siya dun pa siya umabsent!
Cyrus asan ka na ba?

0 comments:

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.