Tuesday, January 17, 2012

Book I Chapter 24: Goodbye Kiss



Goodbye Kiss




Joshua

Nang hapon na iyon ay inihatid ko si Chloe sa kanilang kanto bago ako umuwi sa bahay namin. Simula kasi ng magkabalikan sina Cyrus at Ericka ay lagi ko ng hinahatid si Chloe sa kanto nila para kahit papano'y maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.

"Chloe, smile lang ha." pagpapaalam ko kay Chloe. Yan ang lagi kong sinasabi tuwing nagpapaalam ako sakanya. Ngiti naman ang lagi niyang isinasagot sakin pero kitang-kita ko parin sakanyang mga mata ang kalungkutan. Hay! Hanggang ngayon ay apektado parin siya sa pagbabalikan nila Cyrus at Ericka. Kung alam niya lang. Kung hindi lang sinabi ni Cyrus na wag ko sabihin sakanya malamang matagal na niyang alam na napilitan lang si Cyrus na balikan si Ericka at hindi sana siya ganito kalungkot ngayon. Hindi ko man lang siya magawang pasayahin. Si Sai lang talaga ang dahilan ng bawat pagngiti niya.

Pagkauwi ko ng bahay ay nagbihis ako at pumunta na sa plaza kung saan kami magkikita ni pare.

Pagkarating ko roon ay nakita kong nakaupo si pare sa swing at dahil nakatalikod siya ay naisipan kong takpan ang mga mata niya.

"Sino toh? Joshua ikaw na ba yan?" tanong naman ni pare ng takpan ko ang kanyang mga mata.

Inalis ko ang pagkakatakip ng aking kamay at umupo sa kabilang swing.

"Ano ba pag-uusapan natin pare?" tanong ko naman sakanya nang makaupo ako.

"Naaalala mo ba itong swing na toh?" sabi niya sakin.

"Oo, ang tagal na nito noh? Akalain mo hanggang ngayon nagagamit parin natin." pagsang-ayon ko naman.

"Dito kita unang nakalaro." nakangiting pagkukwento niya.

"Dito ba? Hindi ko na maalala eh. Ang tagal na kasi noon." napapangiti ko namang sagot sakanya.

"Joshua, matanong ko lang. Bakit hindi ka nakikipaglaro sa mga babae dati?" tanong ni pare.

"Ang boring kaya nilang kalaro. Puro barbie. Natandaan ko dati, nakapalda ka pa noon tapos inaya mo kong maglaro dala-dala ung kalbo mong barbie tapos kinabukasan naging lalake ka na. Hahaha." natatawang pagkukwento ko sakanya.

"Naalala mo pala yun." malungkot na sagot naman ni pare. Hala, nasaktan ko nanaman ata si pare dapat pala hindi ko nalang pinagtawanan. Lagot nanaman ako sa seatmate niyang si Chloe!

"O pare. Biro lang yun. Ito naman." sabi ko kay Janine.

Maya-maya'y may pumatak na luha sa kanyang mata akong nakita.

"Pare naman di ka na mabiro." sinabi ko sa kanya. Tumayo naman ako sa swing na inuupuan ko at pumunta sa harap niya para punasan ang kanyang mga luha. Ilang sandali lang ay niyakap ako ni pare.

"Joshua, mamimiss kita." sabi niya sakin habang nakayakap.

"Baket mo naman ako mamimiss pare eh araw-araw naman tayo magkasama sa classroom?" pagtataka kong tanong.

"May sasabihin ako sayo Joshua. Nagkagusto ako sayo noon--"

"Ako rin eh, nung bata pa tayo. Kaya nga kita sinungitan para mapansin mo ako eh. Kaya lang, lalake ka rin pala kaya nga--"

"At ngayon mahal na kita." putol naman ni Janine sa pagkukwento ko. Parang natulala ako nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko alam ang mararamdaman. Matutuwa? Malulungkot? Nagulat talaga ako sa sinabi niya.

"Nagbibiro ka ba pare?" hindi parin makapaniwala kong tanong.

"Hindi ako nagbibiro. Siya nga pala, bukas na flight namin papuntang New Zealand." sabi ni Janine at inalis ang kanyang pagkakayakap.

"Ha? Bakit biglaan naman pare?" mas lalo kong ikinagulat na tanong.

"Hindi naman biglaan. Dapat nga last 2 weeks pa kaya lang nadelay ung flight. Naapprove na kasi ang petition samin ni Dad eh kaya ayun. Mamimiss talaga kita Joshua." nakangiti niyang sinabi habang naluluha na hindi maintindihan kung nagbibiro ba o talagang nalulungkot.

"Pare naman, wala namang ganyanan. Paano pagnawala ka? Wala na akong kasabay magsoundtrip, wala na rin akong masasabihan ng mga problema ko." sabi ko kay Janine.

"Pare hindi bagay sayo magdrama." pagbibiro niya sakin.

"Pare naman oh, umayos ka nga." sabi ko sakanya.

"Totoo yun. Kaya magpapakabait ka ah at wag maging babaero." pagbibilin ni pare.

"Bukas na ba talaga alis niyo?" muli kong pagtatanong.

"Oo nga. Wag mong subukang pigilan ako at baka sumunod nga ako." pabirong sabi ni Janine.

Aalis na ata talaga si pare. Nakakalungkot naman. Bakit kaya niya naisipang sabihin sakin ang nararamdaman niya? Ano nga bang dahilan? Siguro kung hindi siya nagbihis lalake noon malamang mahal ko narin siya ngayon pero si Chloe na ang laman ng puso ko eh. Parang nakamighty bond na siya dito. Ayaw maalis. Lahat gagawin ko basta lang maging masaya siya.

"Pare, bakit mo nga pala sinabi sakin na mahal mo ako?" tanong ko naman kay Janine. Medyo awkward yung tanong pero nacucurious talaga ako kung bakit.

"Joshua, gusto ko sana humingi ng favor." sagot naman niya.

"Ano un?" tanong ko naman sakanya.

"Will you kiss me goodbye?" sabi niya. Tumayo siya at hinila rin akong patayo at sabay ipinikit niya ang kanyang mga mata. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung hahalikan ko ba siya o hindi. Pero friendly kiss o kaya goodbye kiss lang naman diba? Wala na sigurong malisya.

Hinawakan ko ang kanyang baba at ipinikit rin ang aking mga mata at unti-unting inilapit ang aking labi sa kanyang mga labi. Ilang saglit lang at naramdaman ko ang lambot ng kanyang mga labi. Mga tatlong segundo lang siguro tumagal ang halik ko sa kanya.

"Maraming salamat Joshua. Babaunin ko talaga ang lahat ng alaala natin bukas." nakangiting sinabi ni Janine.

"Wala un pare. Isa pa ba?" pagbibiro ko sakanya.

"Loko." sagot naman niya.

"Wag mo akong kalimutan pare ha. Dumalaw ka naman dito sa Pilipinas. Wag mo ring kalimutan ung pasalubong." sabi ko.

"Oo naman. Hayaan mo dadalhan kita ng madaming gatas ng baka." sagot niya.

"Hahaha. Sige ba, kahit gatas lang yan hindi ko tatanggihan yan. Basta pare ah. Wag kang magpapaligaw dun ng basta-basta ah. Pumili ka nung kasing gwapo ko at kasing bait ko. Hahaha." pagbibiro ko.

"Sira. Uwi na nga tayo." sabi niya at naglakad papalayo.

Sinundan ko naman siya at inakbayan. Hinatid ko siya hanggang sa bahay nila.

Kinabukasan naman ay araw na ng flight ni Janine. Sumama kaming dalawa ni Chloe sa paghatid sa kanila.

"Salamat Chloe sa lahat ah." paghingi ng pasasalamat ni Janine kay Chloe with matching yakap.

"Wala yun. Ingat ka dun Janine." sagot naman ni Chloe sakanya.

"Pare magpakatino ka na ah." sabi naman ni Janine sakin na yumakap rin.

"Matagal naman na akong matino ah?" sagot ko sakanya.

At naglakad na nga papaalis ang pamilya nila Janine.

"Balik ka dito pare ah. Antayin kita." sigaw ko sa kumakaway na si Janine.

Paglingon ko naman kay Chloe ay nakita ko siyang naiyak.

"Oh bakit ka naiyak?" tanong ko kay Chloe.

"Kasi wala na akong kachismisan at katabi sa classroom. Wala na rin akong kasabay kumain ng chichirya sa klase ni Mrs. Dizon." sagot niya.

Natawa naman ako sa sagot niya. Yun lang pala. Itong si Chloe talaga.

"Tara na nga." nangingiti kong pag-aaya kay Chloe.

Habang nasa byahe kami pauwi napatingin ako sa eroplanong nalipad at naisip ko si pare. Nakakalungkot talaga ang pag-alis niya lalo pa at unti-unti kong naaalala ung mga panahon na magkasama kaming maglaro ng basketbol at kung anu-ano pa not knowing na may gusto pala siya sakin. Ang pare ko talaga pasaway.

Pumunta muna ako kina Cyrus at si Chloe naman ay dumirecho na pauwi nang makabalik na kami.

"Musta na Sai?" tanong ko kay Cyrus nang pagbuksan niya ako ng pinto.

"Ito tambay." nananamlay niyang sagot.

"Gagawa ako ng paraan para malinis yang pangalan mo sa guidance. Hinayupak talaga yung gurang na Lungab na yun." pagdamay ko sakanya.

"Ok lang Josh. Karma na toh sa ginawa ko kay Chloe." sabi niya naman.

"Hindi mo naman sadya yun eh. Tinakot ka lang ni Mrs. Ranillo." sagot ko sakanya.

"Nagpasindak naman ako. Musta na nga pala kayo?" tanong niya sakin.

Bigla namang pumasok si Cyril na bunsong kapatid ni Cyrus.

"Kuya may babaeng maganda naghahanap sayo." sabi ni Cyril sa kuya niya.

Agad namang tumayo si Cyrus at tinignan kung sino ang babaeng naghahanap sakanya.









Sino kaya yung babaeng yun?

0 comments:

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.