Monday, January 2, 2012
Book I Chapter 8: Admirer
4:45 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
Admirer
Isa, dalawa, tatlo. Hindi parin nasagot si Cyrus sa tanong ng mama niya. Nakangiting abot tenga lang ba naman, nakakaloko ah! Ako na nga ang sasagot.
"Hindi po." sagot ko sa mama niya. "Hindi pa po ma." nakangiting pagtutol na sagot ni Cyrus matapos kong magsalita.
Nagulat ako sa sinabi niya. Mamaya bigla nanaman yang bumanat ng 'hindi ka na mabiro' ayoko ng umasa!
"Then stop courting her anymore Cyrus. I want somebody else for you." singit na pagsagot na papa niyang kapapasok pa lamang ng bahay. Parang may tumusok na kung anong bagay sa puso ko nang marinig ang mga salitang yan. Sa isip-isip ko hindi pa nga ako nililigawan ni Cyrus may tututol na agad. Hanggang pangarap ko nalang yata si Cyrus ko.
"Pa?" pag di sang-ayon ng mama ni Cyrus.
"No dad. I'll be the one to choose who i want to be with. I'm sorry." pagtutol ni Cyrus sa kanyang papa. Totoo ba itong pinaglalaban ako ni Cyrus sa papa niya? O nanaginip lang ako? Masampal nga ang sarili ko!
"Aray!" napasigaw ako nang matapos kong sampalin ang mukha ko. Gosh! Bigla nalang akong nagising sa katotohanan. Nanaginip lang pala ako! Napahiya pa ako!
"O iha." tugon ng mama niya matapos marinig ang hiyaw ko.
"O Chloe. Ok ka lang? Napano ka?" pag-aalalang tanong ni Cyrus sakin sabay lapit niya sakin.
"Ah wala po. May lamok kasi sa pisngi ko. Pinatay ko lang. Hehehe." pagpapalusot kong sagot. Infairness masakit ung sampal ko sa sarili ko, nagising talaga ako dun ah. Susmeo ka Chloe mananaginip ka nalang eh negatibo pa, mabuti nalang talaga at panaginip lang yun.
"Oh kuya, hindi mo pa sinasagot yung tanong ko. Girlfriend mo?" muling tanong ng mama ni Cyrus.
Parang ganitong ganito rin ang nangyari sa panaginip ko. Ngiting-ngiti lang si Cyrus! Ayoko ng umextra baka mangyari pa ung nasa panaginip ko. Aantayin ko nalang siyang sumagot.
"Hindi pa po ma." ang sagot ni Cyrus na nakangiti parin. Hala! Ganitong ganito nga ang nangyari sa panaginip ko. Pinagdadasal ko na hindi tututol ang papa niya. At pumasok na nga ang papa ni Cyrus. Kinakabahan ako!
Hindi nagsalita ang papa niya at direcho akyat na pagkapasok ng pinto. Binati naman niya ako kahit papano sa pamamagitan ng pagngiti ng bahagya.
"Pagpasensyahan mo na si dad Chloe ah." paghingi ng paumanhin ni Cyrus sakin. Mukhang strikto ang papa niya. Nakakatakot. Kaya siguro lumaki ng sobrang bait itong si Cyrus dahil dun. Pero buti nalang talaga at hindi nangyari ang nasa panaginip ko.
"O sya kuya. Aakyat na ako. Mainit na naman ulo ng papa mo eh. Nga pala, bagay kayo." pamamaalam ng mama ni Cyrus samin. At umakyat na nga ang mama niya kasama ang makulit na si Cyril. Buti nalang at walang negative comment akong narinig mula sa mama niya at sinabihan pa na bagay kami. Nakakabaliw naaaaaaaa.
"Cyrus, uwi na rin ako. Gabi na kasi eh." pamamaalam ko rin kay Cyrus.
"O sige Chloe. Hatid na kita sa inyo." sagot niya sakin. Shocks! Ihahatid niya ko! Cyrus may meaning ba yan? Ayoko namang umasa!
"Sigurado ka? Ikaw bahala." sagot ko sakanya na hindi makapaniwala sa nangyayari.
Umalis na nga kami sa bahay nila Cyrus at naglakad kami palabas ng kanto dahil bihira ang nadaang tricycle, para narin masulit ko ang paghatid sakin ni Cyrus.
Biglang nagring ang phone ko.
Tito
Calling...
Lagot! Si tito natawag na! Maeempty battery na ako! Gosh! Patay ako empty battery na. Nakakahiya namang makitext kay Cyrus kaya lang patay talaga ako. Makahiram na nga!
"Cyrus... dala mo phone mo?" tanong ko sakanya. Nakakahiya talaga.
"Oo. Baket?" sagot niya sakin.
"Pwede bang makitext? Isa lang. Si tito kasi tumawag, naubos na battery ko eh." sagot ko naman sakanya.
"Oo naman, kahit isang daang text pa ayos lang. Ito oh." sagot ni Cyrus sabay abot ng phone niya.
Medyo naiilang pa akong hawakan ang phone niya. Pagkabukas ko ng phone... Nakakagulat! Dahil yung wallpaper ng phone niya ay ung picture naming dalawa nung nagkodakan kami habang wala pa ang teacher namin! Akala ko binura na niya! Hindi na tuloy ako makapindot sa sobrang shockness ko.
"Chloe, anong problema?" tanong ni Cyrus nang makita niyang hindi ako makapindot sa phone niya.
"Wala Cyrus. Nag-iisip lang ako ng sasabihin sa dada ko. Hehehe." palusot ko nanaman kay Cyrus.
Nang matapos na akong mag-text sa tito ko ay ibinalik ko agad ang phone. Gulong-gulo ang isip ko kung gusto din ba ako ni Cyrus o wala lang. Kaya naman tinanong ko siya tungkol sa wallpaper niya.
"Sai, baket un ung wallpaper mo?" tanong ko kay Cyrus.
Hindi naman siya sumagot at nakangiti lang sakin. Nakakaloka na tong si Cyrus. Ang hirap ispilengin! Mahirap naman mag-assume baka trip lang pala niya.
At nakarating na nga kami sa kanto ng aming village.
"Sai, salamat sa paghatid. Hanggang dito nalang. Baka ano pa kasi isipin ng mga chismosa naming kapitbahay eh." pamamaalam ko muli kay Cyrus.
"Sige Chloe. Mas mag-ingat ka. Kita nalang tayo ulit sa monday. Mamimiss kita." sabi niya sakin bago ako sumakay ng tricycle. Mamimiss niya ko? Lalo nang gumugulo isip koooooo. Cyrus sabihin mo nalang kasi kung gusto mo rin ako! Hindi ung nanghuhula ako, napapaasa tuloy ako eh. Hinintay niya munang makaalis ang tricycle na sinasakyan ko bago siya umalis sa kinatatayuan niya.
Lumipas ang sabado't linggo pero gulong-gulo parin ang isip ko. Lumaki na ang eyebags ko kakaisip. Ang sakit na sa ulo. Pagpasok ko sa classroom ay si Joshua ang sumalubong sakin. Ang aga ng lokong toh ah, himala.
"Chloe..." pagbati ni Joshua sakin na parang may sasabihin.
"Oh baket panget?" sagot ko naman sakanya.
"May... may...
IPIS!!!" sabi niya sabay hagis sakin ng isang laruang ipis. Sa gulat ko ay napahiyaw ako ng malakas na rinig ata hanggang sa kabilang dulo ng building. Ang aga-aga nambubuwisit na si Joshua! Sa inis ko ay hinampas ko siya ng librong hawak ko pero tawa parin siya ng tawa. Hindi ko na siya papansinin kahit kailan!!! Dumiretso ako agad sa locker ko at hindi parin natigil si Joshua sa kakatawa. Kainis talaga!
Pagbukas ko ng locker ko, may nakatuping papel akong nakita.
Ingat ka lagi Chloe!
I care for you so much kahit hindi halata! ΓΌ
Yours truly,
Superman
Tumingin ako sa paligid para malaman kung sino ang naglagay ng note na ito sa locker ko ngunit wala namang kakaiba sa ikinikilos nila. Wala rin naman akong oras para isa-isahin ang mga handwritings nila.
Kahit korni niya, ang sweet ah.
Kinikilig ako.
Sino kaya si Superman?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Medyas Lovers!
Blog Archive
-
▼
2012
(56)
-
▼
January
(24)
- Book I Chapter 3: Cyrus' Past
- Book I Chapter 4: A hidden message
- Book I Chapter 5: What? Cyrus is absent?! OMG!
- Book I Chapter 6: Surprise!!!
- Book I Chapter 7: Go on or move-on?
- Book I Chapter 8: Admirer
- Book I Chapter 9: An Invitation
- Book I Chapter 10: The Unperfect Set-up
- Book I Chapter 11: Crying Shoulder
- Book I Chapter 12: The... Date?
- Book I Chapter 13: Confession
- Book I Chapter 14: Transformation
- Book I Chapter 15: Partners
- Book I Chapter 16: Anxiety
- Book I Chapter 17: Superman in action
- Book I Chapter 18: Disappointment
- Book I Chapter 19: "Mahal"
- Book I Chapter 20: Heart Breaks
- Book I Chapter 21: Truth
- Book I Chapter 22: Consequence
- Book I Chapter 23: Suspension
- Book I Chapter 24: Goodbye Kiss
- Book I Chapter 25: Letting Go
- Book I Chapter 26 *Finale*: Saying Byebye to Highs...
-
▼
January
(24)
Most Viewed
Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment