Thursday, January 5, 2012
Book I Chapter 18: Disappointment
3:02 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
Disappointment
Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko habang papalapit ng papalapit ang aking mga labi sa mga labi ni Chloe.
"Eeeeeenggwww." ang sabi ng dumaan na langaw sa pagitan ng aming mga mukha na siya ring naging dahilan kung bakit hindi natuloy ang kiss.
Sa gulat ko sa langaw ay bumalik ako sa katinuan ko. Joshua ano bang ginagawa mo! May sakit na nga si Chloe kung anu-ano pang iniisip mo!, sa isip isip ko. Pero sayang, kiss na naging hangin pa. Langaw kasi eh.
"Basilio, Crispin." bulong naman ni Chloe na tila nananaginip at napagalaw siya ng bahagya.
Ano ka si Sisa? Sabi ko sa isip-isip ko habang pinipigilang matawa. Hahaha! Basilio Crispin daw. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagpupunas sa kanyang mukha.
Nang matapos kong punasan ang kanyang mukha ay hinalikan ko siya ng bahagya sa noo bilang pamamaalam. Siguro naman kahit papaano nakalamang na ako kay bespren sa paghalik ko ng noo niya. Bumaba na ako at inayos ang gamit ko. Dumating na rin naman si ate Kurdapya galing sa chismisan.
"Oh Soperman aales na you?" tanong niya nang makitang inaayos ko ang gamit ko.
"Ah opo. Baka gabihin ako sa daan eh." pamamaalam ko sakanya.
"Tika lang." pagpigil naman niya sakin at nagmamadaling pumunta sa kwarto niya.
Nang makabalik siya ay may dala-dala na siyang notebook at ballpen.
"Soperman paperma mona. Mensan lang ako makaketa ng artesta ih." sabik na sabik na sinabi sakin ni ate Kurdapya habang iniaabot ang notebook at ballpen. Napangiti ako at pumirma nga ang uto-utong si Joshua.
Superman at your service ate kurdapya. (;
"Ay ate, pahingi ng papel ah at pahiram narin ng ballpen." sabi ko sakanya.
Napagpasiyahan kong sulatan narin si Chloe.
My princess, please wag mong
abusuhin ang katawan mo. Pagaling ka.
Give yourself a break. (:
P.S.
And always bring an umbrella. (:
Yours truly,
Superman
"Paki-bigay naman po itong sulat na ito kay Kuloy. Wag niyo po basahin ah. Sige po una na po ako." pag-abot ko ng sulat at
pagpapaalam ko kay ate Kurdapya.
"Kaliwete ka pala. Soperman saglit lang ulit. Pde pakiss? Sige na." pagpigil uli niya sakin na sabik na sabik.
Nginitian ko naman siya at binesobeso. Ang kulit ni ate kurdapya. Katuwa. Hahaha.
At lumabas na nga ako ng bahay nila. May humintong tricycle na palabas ngunit nilagpasan ko ito dahil bibili pa ako ng chichirya na mangangata ko sa daan pauwi. May malapit na tindahan kina Chloe, mga tatlong bahay ang distansya, dun naman ako bumili ng chichirya.
Pagkabili ko ay saktong may tricycle na naman na palabas at may tugtog na pagkalakas-lakas pa ng payong (Tagalog Version ng Umbrella). Medyo natawa ako sa sounds ng tricycle na toh ah. At sumakay nga ako sa tricycle. Madadaanan ko nanaman ang bahay nila Chloe. Kaya naman muli akong sumulyap sa bahay nila.
Teka! Si Chloe yun ah! Papasok na ng gate nila! Bakit andyan siya?!
Nakita kaya niya ako?!
----------
Chloe
Nagulat ako nang makita kong nasa bahay na ako pagkamulat ko ng aking mga mata. Medyo umayos na ang pakiramdam ko. Parang kakaiba, ang gaan ng feeling. Pagkabangon ko ay agad akong bumaba para kumuha ng maiiinom.
"Kuloyyyyy!!!" tuwang-tuwa na nagtatatalon na tawag sakin ni ate Kurdapya, kurds for short.
"Oh baket ate kurds? Ano meron? Nanalo na ba tayo sa lotto ha? Ano ate dali!" pagsakay ko naman sa excitement niya.
"Kuloyyyyyyyyyyyyy!!!!" at lalo niya pang nilakasan na para bang kinikilig na ewan.
"Ate kurdsssssssss!" sagot ko naman sa kanya.
"Nakaketa ako artesta kuloy!!" sabik niyang sinabi. Sa wakas sinabi niya narin.
"Artista? Talaga? Saan? Sino?" sabik ko rin namang sagot sa kanya, matagal na kasing namamasukan si ate sa bahay nila tita kaya naman naging close kami.
"Deeettooo. Binisita ka kuloy!!" kinikilig parin niyang sabi sakin with matching turo-turo pa sa sahig at iba pang mga hand
gestures.
"Ha?" nagtataka ko namang tanong. Sinong artista naman ang dadalaw sakin? Haba naman ng hair ko kung meron nga.
"Merong bumeseta sayo deto kaninang lalake. Pagkagwapo. Mukhang artesta." excited parin siya sa pagkukwento.
"Sino ba yun? Anong pangalan?" nagtataka ko paring tanong.
"Si Soperman kuloy! Nakita ko siya! Binesobeso pa nga niya ko eh. Pabalikin mo naman siya ulit deto kuloy! Ke gwapo." pamimilit niya sakin.
"Superman?!" pagulat kong tanong kay ate Kurds. Dumalaw sakin si Superman?! How come?!
"Oo si Soperman nga. Kabenge mo talaga. Merun naman diyan kutunbads." pagbibiro sakin ni ate.
"Hindi nga?! Wag ka ngang magbiro ng ganyan. Ate kurds ah." paninigurado kong sagot.
"Kakulet mo naman. Soperman nga. Kaaalis-alis lang neya. Sayang." panghihinayang na sinabi sakin ni ate kurds.
Agad-agad akong tumakbo palabas nang malaman ko na kaaalis lang niya. Sana maabutan ko siya!
Paglabas ko ng gate...
Isang tricycle na papalayo ang nakita ko. Nahuli na ako. Tagal kasi sabihin ni ate eh. Sayang. Akala ko makikita ko na siya.
Kaya naman nagpasya nalang ako na pumasok uli ng bahay. Sa pagpasok ko ay narinig ko pa ang kinaiiritahan kong kanta.
Hindi ka na mababasa ng ulan
Di na, Di na, Di na..
Hinde, hinde..
Ang kantang payong! Hay! Kainis naman! Sayang di ko siya nakita.
"Oh ano naabotan mo ba?" pang-uusisa sakin ni ate kurds.
Iling naman ang isinagot ko sakanya.
"May kelala ka ba talagang soperman?" pagtatanong niya.
Tumungo-tungo naman ako bilang pagsenyas ng oo.
"Ibig sabihin totoo siya." sabi niya at naghimatay-himatayan si ate Kurds. Loko talaga tong si ate nawala tuloy ang lungkot ko.
"Kuloy! Epakelala u naman me to him!" sabi niya sakin.
"Eh? Pakidescribe muna si Superman." sagot ko.
"Sige. Stand straight lang you diyan ha. Si Soperman ay matangkad, mapute, gwapo, macho, mabaet, makinis, mabango, kaaket-aket, masarap--"
"Masarap?!" pagputol ko sa pagsasalita niya. Nakakagulat namang magdescribe itong si ate. Aba, aagawan pa ako kay Superman.
Walang duda! Si Cyrus nga siya! Tugmang-tugma sa kanya ang mga binanggit ni ate. Natuwa naman ako nung malaman ko kahit ang
description man lang ni Superman. Pero paano niya nalaman na may sakit ako?
"Hoy kuloy, yong penge number ni Soperman. Dinekrayb ko na siya sayo." pangungulit ni ate kurds saken.
"Ayoko nga." sabay dila ko kay ate kurds at umakyat sa taas.
"Ayaw mo pala ah. Eh di hende ko ibibigay sayu ang solat ni Soperman." pambablack mail niya sakin.
Dali-dali naman akong bumalik kung nasaan si ate kurds.
"May sulat sakin si Superman? Nasan? Patingin!" pamimilit ko naman sa kanya.
"Ito oh." sabi niya habang iwinawagayway ang papel kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon para maagaw ung papel. Hahaha!
"Hoy kuloy! Akin na yan! Ka daya ng batang ire!" pagpupumilit ni ate na kunin sakin ang sulat.
"Teka, teka, pabasa muna ng sulat tapos ibibigay ko na sayo number niya." pang-uuto ko naman sakanya.
Binasa ko nga ang sulat.
My princess, please wag mong
abusuhin ang katawan mo. Pagaling ka.
Give yourself a break. (:
P.S.
And always bring an umbrella. (:
Yours truly,
Superman
Ang sweet talaga niya. Pero... parang may kakaiba? Paano niya nalamang hindi ako nagdadala ng payong? Parang andami dami niyang alam sakin? Si Cyrus nga ba siya? Gumulo tuloy ang isip ko!
"Hoyyy. Ung number ni Soperman." pangungulit sakin ni ate habang niyuyugyug ang balikat ko.
"Tanong mo kay Batman! Hahaha!" pang-aasar ko kay ate sabay takbo sa kwarto ko.
"Asan se Batman Kuloy? Papontahen mo ren deto para makapagpaperma ren ako sakanya! Oi Kuloy! Ka daya naman nire!" pasigaw na sinabi sakin ni ate kurds habang papaakyat ako.
Muli akong napaisip kung sino nga ba talaga si Superman. Hindi ba siya si Cyrus? Kung hindi, sino siya? Kaya naman pala kakaiba ang pakiramdam ko pagkagising ko kanina. Dinalaw niya ako. Sayang at hindi ko man lang siya naabutan at nakapagpasalamat.
Nakakapagod makipagkulitan kay ate kurds. Makapagpahinga nalang ulit.
Sabado na at iniisip ko parin kung sino bang Superman ang dumalaw dito. Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip ay nagring ang
telepono sa bahay.
Hello? Sino toh?
Ung crush mo. Hahaha.
Nyeh? Kilala na kita. Kapal mo talaga Joshua.
Musta ka na? Magaling ka na ba?
Medyo. Nagpractice ba kayo? Sensya na ah. Bukas magpapractice na ako uli.
Magaling ka na pala. Nakita mo ba ako kahapon?
Oo, helloooow nagpractice pa tayo db? Nga pala, ano nangyari nung hinimatay ako?
Eh di natumba ka sa sahig. Tapos kinaladkad kita papuntang clinic.
Di nga? Korni mo. Salamat sa pagkaladkad ha.
Hindi loko lang. Nasalo kita tapos binuhat kita papuntang clinic tapos sinundo ka dun.
Wow ang sweet naman. Thank you ah.
Oh, nainlove ka nanaman saken ng lagay na yan? Hahaha.
Sira ka talaga. Si Cyrus alam ba niya?
Bakit gusto mong malaman ni Cyrus? Para mag-alala sayo?
Hindi noh. Sapakin kita diyan bukas eh.
Sinabi ko kay Cyrus kahapon. Nakangiti ka na naman diyan.
Eh bakit ka galit?
Galit ba ako? Hindi naman ah.
Eh di hindi.
Ok ka na ba talaga? Pasok ka na bukas. Bye.
Problema nun? Nagtanong lang eh. Topak talaga yun. Alam pala ni Cyrus. May possibility talaga na si Cyrus nga si Superman. Di
bale na kung paano niya nalaman yung ibang detalye basta para sakin si Cyrus ang superman ko.
Lumipas ang sabado na puro pahinga ang ginawa ko at ito na, magpapractice na ko uli ng sayaw. Maaga akong dumating sa dance
studio para makabawi.
Naging maayos ang pagpapraktis namin ni Joshua at ng iba pa. Nakakapagod pero masaya at masasabi kong maganda ang kalalabasan ng performance namin. Proud ako. At ready na ready na kami para bukas.
Uwian na at sabay-sabay kaming umuwi nila Joshua at iba pang mga dancers.
"Sakit ng mga paa ko ah." sabi ko habang naglalakad kami palabas ng school.
"Joshua, buhatin mo naman si Chloe. Masakit daw ang paa oh." pangangantyaw ni Paul, isa sa mga dancers na kasama namin.
"Oo nga." sabi rin ng iba pa naming kasama. Mga lokong toh, wala naman ako sinabing buhatin ako ni Joshua.
Huminto naman si Joshua at naghalf knee bend, pumwestong parang magbubuhat. Lokong toh sineryoso naman.
"Ayan Chloe oh. Bubuhatin ka na ni Joshua. Sakay na." pamimilit naman ni Divine, isa uli sa mga dancers.
"Ayoko, ano ba yan. Tumayo ka na nga Joshua." sabi ko naman.
Aba, at hindi tumatayo si Joshua.
"Sige na Chloe. Ang KJ oh. Payag na nga si Joshua eh. Wala naman yang malisya. Hahaha." sabi uli ni Paul.
Wala akong nagawa kundi sumakay sa likod ni Joshua at iniyakap ang mga kamay ko sa leeg niya.
"Oi wag kang magrereklamo mamaya kung masaket ang paa mo ah!" pagpapaalala ko naman kay Joshua dahil baka magreklamo na naman ito sakin at singilin nanaman ako ng bayad niya sa jeep. Hahaha.
"Opo. Basta wag ka lang malikot." sabi naman ni Joshua sakin.
Ang sarap naman sa feeling ng binubuhat ako. Naparelax na rin ako kaya isinandal ko ang ulo ko sa aking mga balikat. Ang bango naman nitong lalaking toh kahit pawisan buong araw, sabi ko sa sarili ko. Ay, ano ba yan Chloe, mga pinagsasabi mo. Hahaha.
"Bagay talaga sila di ba guys?" muli nanamang pang-aasar ni Paul.
"Sobrang bagay! Naramdaman niyo ba yung kakaibang feeling habang nasayaw sila! Hahaha." pagsang-ayon naman ni Wella, isa rin sa mga dancers.
"Hoy, ano ba kayo. Parang kapatid ko na tong si Joshua eh. Diba kuya Joshua?" habang pinipisil pisil ang kanyang tenga.
"Kapatid lang ba talaga?"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Medyas Lovers!
Blog Archive
-
▼
2012
(56)
-
▼
January
(24)
- Book I Chapter 3: Cyrus' Past
- Book I Chapter 4: A hidden message
- Book I Chapter 5: What? Cyrus is absent?! OMG!
- Book I Chapter 6: Surprise!!!
- Book I Chapter 7: Go on or move-on?
- Book I Chapter 8: Admirer
- Book I Chapter 9: An Invitation
- Book I Chapter 10: The Unperfect Set-up
- Book I Chapter 11: Crying Shoulder
- Book I Chapter 12: The... Date?
- Book I Chapter 13: Confession
- Book I Chapter 14: Transformation
- Book I Chapter 15: Partners
- Book I Chapter 16: Anxiety
- Book I Chapter 17: Superman in action
- Book I Chapter 18: Disappointment
- Book I Chapter 19: "Mahal"
- Book I Chapter 20: Heart Breaks
- Book I Chapter 21: Truth
- Book I Chapter 22: Consequence
- Book I Chapter 23: Suspension
- Book I Chapter 24: Goodbye Kiss
- Book I Chapter 25: Letting Go
- Book I Chapter 26 *Finale*: Saying Byebye to Highs...
-
▼
January
(24)
Most Viewed
Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment