Thursday, January 5, 2012
Book I Chapter 17: Superman in action
2:49 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
Superman in action
Nasa kalagitnaan kami ng kanta nang huminto si Chloe sa pagsasayaw. Kaya naman agad ko siyang pinansin.
"Chloe?" pag-aalala kong tanong.
Matapos ko siyang tanungin ay bigla na lamang siyang hinimatay. Mabuti na lang talaga ay katabi ko siya ng oras na iyon kaya naman bago pa man siya bumagsak sa sahig ay nasalo ko siya. Sabi na nga ba parang may kakaiba kay Chloe eh ang putla ng mukha niya at ramdam ko na ang init ng katawan niya, ang taas ng lagnat niya.
"Flo dalhin ko lang toh sa clinic. Tuloy na kayo sa pagpraktis. Ako nang bahala s akanya." pagpapaalam ko sa dance instructor namin. At sumagot siya ng oo.
Binuhat ko si Chloe sa pamamagitan ng aking dalawang braso. Medyo mabigat din pala tong babaeng toh. Habang naglalakad ako papuntang clinic ay napatingin ako sa mukha niya. Bigla nalang lumabas sa isip ko ang mga salitang sana balang araw ako naman ang makita ng mga mata mo. Aaa Joshua hindi ito ang oras para isipin ang mga ganyang bagay, sabi ko sa isip ko. Alalang-alala talaga ako kay Chloe kung ano nangyari sa kanya. Nagbibiruan pa naman kami kahapon ang sigla sigla nga niya eh?
Nakarating na kami sa clinic at buti nalang nandun ang nurse namin. Inihiga ko naman si Chloe sa kama ng clinic.
"Maaari ka ng umalis. Tatawagan ko nalang ang mga kasama niya sa bahay para sunduin siya." pagpapaalis sakin ng nurse.
"Pwede bang hintayin ko nalang na masundo siya ng uncle o ng auntie niya?" pagtatanong ko naman.
"Ikaw bahala pero sa labas ka lang pwede maghintay. Bawal ang tao dito sa loob kung hindi kailangan." sagot naman ng nurse sakin.
Ang sungit naman nung nurse. Ayaw ko sanang iwan si Chloe pero wala ring saysay ang pag-aantay ko kung sa labas lang rin naman ako. Hindi ko rin naman siya mababantayan. Kaya nagpasya nalang akong bumalik sa dance studio.
Ayoko na sanang magpraktis, wala akong gana pero kailangan kong ituloy dahil mabubungangaan ako ng baklang si Florence. Natapos na ang praktis ngayong araw na ito at may naisip akong plano. Nilapitan ko naman si Florence para magpaalam.
"Flo, parang sumesexy ka ah." pambobola ko sakanya.
"Oh baket Joshua? Ano kailangan mo?" tanong naman ni Florence na sanay na sa mga pambobola ko.
"Pwede bang wag muna rin akong magpractice habang wala pa ang partner ko? Wala ring saysay diba? Sige na oh." pagpapaalam ko sa kanya. Sana pumayag.
"Ok ok. Basta be sure na maganda ang sayaw niyo pagbalik niyo." pagpayag naman ni Florence.
"Salamat Flo. Bait talaga nitong instructor namin." muli kong pambobola ko sa kanya. Mabuti nalang at pumayag siya mababantayan ko na si Chloe nito.
Uwian na namin pero hindi pa ako umuwi agad. Siyempre dadaan pa ako sa bahay ng prinsesa ko para kamustahin ang kalagayan niya. Teka, saan nga pala ang bahay nila? Saan? Saan? Kailangan kong malaman!
Sa kadesperaduhan ko ay pumunta ako sa classroom buti na lang at umaayon sakin ang panahon dahil mas maaga kaming pinapalabas sa practice kaya naman naabutan ko pa ang class president namin na may listahan ng impormasyon ng bawat isa sa amin.
Kumatok ako sa classroom kahit meron pang teacher. Ganoon ako kadesperadong puntahan si Chloe.
"Excuse me po. Pwede po kay Martin?" pagtatanong ko kay Ms. Santos na may lihim na pagnanasa sakin. Hahaha.
"Sure Mr. Garcia. Martin tawag ka ni Joshua." pag-eexcuse naman ni Ms. Santos.
"Thank you ma'am. Bait niyo talaga." pambobola ko sa kanya.
"Oh tol, ano problema?" tanong sakin ni Martin.
"Patingin naman nung student information book oh. Saglit lang. Sige na tol." pagmamakaawa ko sakanya.
"Oh sige, kuhanin ko lang." pagpayag naman ni Martin.
Ilang minuto lang ay nakabalik na siya dala-dala ang book.
"Oh ito na." pag-abot sakin ni Martin ng libro.
Kinuha ko naman ito agad at binuklat ang kadulu-duluhang page.
"Ano ba hinahanap mo diyan tol?" tanong ni Martin sakin ngunit patuloy ako sa paghahanap sa apelyido niya.
"Yu.....yuuuu....YU!" ang sabi ko pagkakita ko ng apelyido niya narinig naman iyon ni Martin.
"Ahh, si Chloe pala. Ano ka stalker? Hahaha." pagbibiro niya. Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Martin.
At nang makuha ko ang address ni Chloe ay agad kong isinauli ang libro at nagthank you kay Martin pati na rin kay Ms. Santos.
Nagmamadali akong lumabas ng school at bumyahe papunta sa bahay nila Chloe.
Nang makarating ako sa may gate ng tinutuluyan niya ay may nakita naman akong nagwawalis sa bakuran nila.
"Ahm, excuse po. Dito po ba nakatira si Chloe Yu?" pagtatanong ko sa nagwawalis sa may bakuran.
"Loweyo ba kamo? Walang Loweyong nakatera deto." sagot niya sakin.
"Chloe po." paulit kong sinabi dahil alam kong hindi ako nagkakamali. Magaling yata toh.
"Kurdapyaaaaaaaaaaaa!" boses ng isang babae mula sa loob.
"Yis mam? Mam may gwapong lalaki deto mokang artesta naghahanap kay Loweyo daw. Hende ko kelala mam sinong Loweyo yon. Ay ambot!" sagot naman niya sa tumawag sa kanya.
Lumabas naman ng bahay ang isang medyo may edad ng babae.
"Good Afternoon po. Dito po ba nakatira si Chloe Yu?" pagtatanong ko sa lumabas sa pinto.
"Ah si Chloe pala. Oo. Tulog siya eh. Sino ka?" pagtatanong sakin ng babae.
"Si Superman po. Kaklase niya." sagot ko naman.
"Superman?" pagtatakang tanong ng babae. Tumango tango naman ako senyas ng pag-oo.
"Sabe na nga ba mam eh. Artesta iyan, si Soperman sa wakas naketa ko na. Paperma mamaya ha." side comment naman ng unang babae kong kinausap na malamang ay kasambahay nila. Napangiti naman ako.
"Halika pasok ka iho. Teka gisingin ko lang si Chloe ah." pag-aalok sakin ng babae na siguro ang auntie niya.
Pumasok naman ako ng bahay nila.
"Ay, wag niyo na po gisingin baka po nagpapahinga. Antayin ko nalang pong magising." pagpigil ko sa auntie niya.
"Sige iho. Siya nga pala, si Kurdapya muna ang bahala sayo ha. Maggogrocery lang muna ako." pagpapaalam ng auntie niya sakin.
"Sege mam ako ng bahala deto ke Soperman. Engat mam." pagpapaalam naman ng kasambahay nila sa amo niya.
"Anong gusto mo Soperman? Kape, gatas, ayste, masahe, put espa, sabehen mo lang saken wag ka maheya." pag-aalok ng kasambahay nila.
"Si Chloe po." pabiro ko namang sabi sa kasambahay nila.
"Kanina Loweyo ngayon naman Lowepo? Seno ba yang henahanap mo?" pagtataka namang tanong sakin. Kakatuwa naman ung kasambahay nila. Ang kulit.
"Tubig nalang po." pangiti kong sagot sakanya.
"Ay, sege saglet lang Soperman kokoha lang ako ng tobeg mo." pag-aasikaso niya sakin.
Habang kinukuha naman ng kasambahay nila ang tubig na hiningi ko ay nagmasid ako sa kanilang bahay. Malinis, mukhang masipag si ate Kurdapya.
"Eto na tobeg mo Soperman oh." pag-abot naman niya sakin nung tubig.
"Saan po ba ang kwarto dito nung isa niyo pang kasamang babae?" tanong ko kay ate Kurdapya.
"Seno? Si Kuloy? Ayong pangalawang pento sa itaas. Senundo nga siya kanena ni mam, taas kase ng lagnat niya. Paano ba naman omowe deto kahapon ng basang-basa. Ang tamad magdala ng payong ng batang eyon yan tuloy." pagkukwento niya sakin.
Kuloy? Yun ba tawag sa kanya dito sa kanila? Hahaha. Katawa naman. Kaya naman pala. Ngayon alam ko na kung baket siya hinimatay, Chloe talaga ang tamad magdala ng payong.
Nang maubos ko ang tubig ay iniabot ko na ang baso kay ate Kurdapya.
"Pwede ko po bang puntahan si Chloe sa kwarto niya?" pagtatanong ko sakanya.
"Oh sege Soperman. Hoy magpakabaet ka ha. Lalabas lang ako saglet checheka cheka babalek din ako kaagad kaya wag ka magbalak ng kung ano-ano deyan." pagpapaalala naman ni ate Kurdapya.
Umakyat naman ako at hinanap ang kwarto ni Kuloy. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap dahil may pangalan ang pinto niya ng "Kuloy" at bukod pa dun ay may picture pa. Tinitigan ko ang picture at... at... pinigilan kong tumawa!!! Dahil picture un ni Chloe nung bata pa siya at suot suot ang headband na may butterfly at ang posing talagang nakakatawa wacky shot kumbaga! Since nung bata pa pala siya ay mahilig na siya sa mga ganun ganun. Naalala ko tuloy nung first day kung saan agad ko siyang napansin. Pinipigilan ko nalang talaga tumawa dahil baka magising ko siya.
Matapos ko makamove-on sa nakita kong picture ay tiningnan ko kung bukas ang pinto at bukas nga ito kaya naman pumasok ako. Nakita ko si Chloe na mahimbing na natutulog. Hinawakan ko ang noo niya para icheck kung mainit pa ba siya, mainit parin. Kaya naman kinuha ko ang towel ko sa bag na hindi ko pa nagagamit at binasa ito at nagdala narin ng tabo at tumungo muli sa kwarto ni Chloe.
Pinunasan ko ang mukha niya at sinisigurado kong hindi ko siya magigising dahil kung nagkataon ay mabubuking ako. Habang pinupunasan ko ang mukha niya ay hindi ko naiwasang muli siyang titigan. Ang kanyang labi. Hindi ko maiwasang maakit dito.
Unti.
Unting.
Nagkakalapit ang aming mga labi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Medyas Lovers!
Blog Archive
-
▼
2012
(56)
-
▼
January
(24)
- Book I Chapter 3: Cyrus' Past
- Book I Chapter 4: A hidden message
- Book I Chapter 5: What? Cyrus is absent?! OMG!
- Book I Chapter 6: Surprise!!!
- Book I Chapter 7: Go on or move-on?
- Book I Chapter 8: Admirer
- Book I Chapter 9: An Invitation
- Book I Chapter 10: The Unperfect Set-up
- Book I Chapter 11: Crying Shoulder
- Book I Chapter 12: The... Date?
- Book I Chapter 13: Confession
- Book I Chapter 14: Transformation
- Book I Chapter 15: Partners
- Book I Chapter 16: Anxiety
- Book I Chapter 17: Superman in action
- Book I Chapter 18: Disappointment
- Book I Chapter 19: "Mahal"
- Book I Chapter 20: Heart Breaks
- Book I Chapter 21: Truth
- Book I Chapter 22: Consequence
- Book I Chapter 23: Suspension
- Book I Chapter 24: Goodbye Kiss
- Book I Chapter 25: Letting Go
- Book I Chapter 26 *Finale*: Saying Byebye to Highs...
-
▼
January
(24)
Most Viewed
Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment