Tuesday, January 3, 2012

Book I Chapter 15: Partners



Partners




"Pare........................." pagtawag ni Joshua kay Janine.

"Anu un Joshua?" namumulang sagot ni Janine kay Joshua.

"Pare... Ikaw ba yan?


































Ano nakain mo? May sakit ka ba? Mahusay ang nagsex change sayo ah. Si Belo o si Calayan? Hahaha!" pang-aasar nito kay Janine dahil sa pagbabagong anyo nito. Narinig naman ng lahat ang sinabi ni Joshua.

Sa pagkapahiya ni Janine ay agad itong tumakbo papuntang C.R., Sinugod ko naman ang napakasalbaheng si Joshua.

"Joshua halika." pagpapalapit ko sa kanya.

"Ano un Chloe?" ngiting ngiti niyang pagsalubong sakin.

Pagkalapit niya, Paaaaaaaaaak! Isang malakas na sampal ang inabot ng kaliwang pisngi niya.

"Alam mo Joshua kung wala kang sasabihing maganda wag ka nalang magsalita pwede? Hindi mo kasi alam nakakasakit ka na ng tao eh. Alam mo un?" galit na galit kong sinabi sa kanya. Sobrang salbahe niya para sabihan ng ganoon ung kababata niya. Nanggigigil talaga ako kay Joshua. Sinundan ko naman si Janine sa C.R matapos kong sabihin ang linya ko.

Pagdating ko ng C.R. naririnig ko ang pag-iyak ni Janine mula sa loob ng isang cubicle.

"Janine." pagtawag ko sa kanya pero hindi siya sumagot at nagpatuloy sa pag-iyak.

"Janine, please, can we talk?" muli kong pagtawag. At lumabas nga si Janine, isinarado ko naman ang pinto ng C.R. upang wala ng iba pang makarinig ng pag-uusapan namin.

"Alam mo ang ganda mo ngayon. It's just that na nanibago sayo si Joshua dahil since bata pa kayo, yung pagsasacrifice mong pagiging tomboy ang kilala niyang Janine." sabi ko sa kanya habang inaayos ang kanyang ginulong buhok. Ngunit patuloy pa rin sa pag-iyak si Janine.

"Mapapansin ka rin ni Joshua. Tutulungan kita. Makikita mo siya naman ang iiyak." pagpapalakas ko ng loob niya.

"Salamat Chloe ah. No need naman paiyakin si Joshua, I'm alright. Nabigla rin lang ako sa mga pangyayari." sagot naman niya sakin na unti-unti na rin namang tumigil sa pag-iyak.

----------

Narrator

"Bakit mo naman ginawa un Joshua? Kababata mo si Janine tapos babastusin mo. Hindi na tama yan." pangangaral ni Cyrus.

"Oh ano? Ikaw na naman tama? Ako na naman ang masama? Sige magkampihan kayo. Hindi na kayo nasanay sa biro ko." galit na sagot naman ni Joshua kay Cyrus.

"Masakit ung sampal ni Chloe ah." ibinulong ni Joshua sa sarili at lumabas siya ng classroom.

"Joshua!" pagtawag ni Cyrus nang magpasyang lumabas si Joshua. Ngunit hindi siya pinansin nito kaya nagdesisyon siyang sundan na lamang niya.

----------

Chloe

Matapos namin makapag-usap ni Janine ay nagpasya kaming bumalik ng classroom dahil 5 minutes nalang at magtitime na. Inayusan ko naman siya ng kaunti. Pabalik na kami ng classroom nang makita namin si Joshua na naglalakad patungong hagdan at hindi kalaunan ay sinundan naman ni Cyrus.

"Joshua!" pagtawag ko ngunit hindi niya ako pinansin kaya naman si Cyrus ang tinawag ko.

"Anong nangyari?" tanong ko kay Cyrus nang makuha ko ang atensyon niya.

"Sinabihan ko lang si Joshua. May topak ang mokong. Hayaan na muna naten, babalik din yun." sagot naman niya at bumalik na nga kaming tatlo sa classroom.

Nagbell na ngunit hindi parin bumabalik si Joshua.

"Asan kaya si Joshua?" pagtatanong ko kay Janine.

"Baka nasa tambayan niya. Sa rooftop." sagot niya.

Natapos na ang unang dalawa naming klase pero hindi parin siya bumabalik kaya naman nagpasya akong puntahan siya nang mag-recess kami dahil kahit naiinis ako sa kanya kanina nawala naman yun nang masampal ko siya at nag-aalala ako dahil mukhang napalakas ang pagsampal ko.

"Chloe punta lang ako saglit sa principal's office ah. Tapos sunod na ako." pagpapaalam ni Cyrus.

Lumabas naman ako at tumungong rooftop. Nakita ko naman si Joshua na nakahiga sa lumang duyan sa may covered part ng rooftop, mukhang nag-iisip ng malalim at hawak-hawak ang kaliwang pisngi niya.

"Joshua." pagtawag ko.

Nagulat at napaupo naman siya nang marinig ang boses ko.

"Oh panget?" pagulat niyang tanong.

Sumenyas naman akong umusog siya dahil tatabi ako sa kanya.

"Baka masira ung duyan." pagbibiro ni Joshua. Tinignan ko siya ng kunyaring sungit-sungitan at umusog naman agad siya. Natakot baka sampalin ko na naman siya. Hahaha.

Nagulat naman ako ng pagkaupo ko ay niyakap ako ni Joshua.

"Sorry Chloe ah." paghingi niya ng paumanhin.

Niyakap ko rin naman siya pabalik upang icomfort.

"Hindi ka dapat sa akin magsorry. Alam mo na kung kanino. Ako nga dapat magsorry sayo eh kasi sinampal kita." pagpapaumanhin ko naman sakanya.

"Tama lang yung ginawa mo. Salamat ha." sagot niya.

"May yakapan pa kayong nalalaman ah." sabi naman ng papalapit saming Cyrus.

Agad naman akong bumitaw sa pagkakayakap at tumayo't naglakad papalapit kay Cyrus.

"Nako, if i know selos ka naman diyan." pabiro kong tanong sa kanya na deep inside inaabangan ko kung ano ang magiging sagot niya. Medyo nasasanay na rin ako sa ganitong sitwasyon namin ni Cyrus kaya nakakasakay na ako.

"Oo nga eh. Ako kasi hindi mo pa niyayakap." sagot niya naman habang umakbay sakin. Ano pa nga bang reaksyon ko? Siyempre, kilig.

Tumayo na rin si Joshua at iniabot ang kamay niya kay Cyrus bilang tanda ng pakikipagbati. At nagkabati na nga ang dalawa.

"Pano na yan? Group hug!" pangangantyaw ni Joshua. Niyakap nga ako ng dalawa mokong.

"Tsansing lang kayong dalawa eh!" pagrereklamo ko.

"Gusto mo naman!" magkasabay nilang sinabi at sabay tawa.

"Kapal niyo ah!" pag-angal ko.

Sabay-sabay naman kaming bumaba at bumalik sa room. Pagkapasok ay agad naman humingi ng paumanhin si Joshua kay Janine.

"Pare, sorry kanina ah. Sorry talaga. Nagulat lang ako, ang ganda mo kasi eh." paghingi niya ng sorry with matching yakap.

"Ok lang yun Joshua nagulat lang rin ako." sagot naman ni Janine sa kanya at napatingin siya sakin, nginitian ko naman siya na parang nagsasabing Go for it girl! It's your time to shine.

Naging maayos din ang lahat ng araw na iyon. Marami rin ang nagkandarapang lalaki na nagpapacute kay Janine pero dahil iisa lang ang laman ng puso niya ay hindi niya pinapansin ang mga ito. Tinawag naman ako ni Joshua upang kausapin.

"Chloe di ba hindi ka busy? Sali naman tayo sa dance troupe, bukas start ng praktis whole day hanggang Sunday. May dance event kasi sa Monday eh. Sige na naman oh. Alam ko magaling ka sumayaw." pag-aalok ni Joshua.

"Ha? Biglaan naman. Bukas agad?" sagot ko sakanya.

"Oo. Nasabi ko na kay Sir Florence, yung dance instructor, na sasali tayo. Wala rin naman si Cyrus bukas hanggang Friday eh para malibang ka na rin." pagpapaliwanag naman ni Joshua. Makakahindi pa ba ako? Mukhang pinaghandaan na niyang mabuti eh.

"O sige na." pagtanggap ko sa alok niya.

"Bukas magdala ka ng damit pampraktis ah. Kahit hindi na nakauniform. Excuse na tayo hanggang friday may incentives pa. Ok diba?" sabi niya.

"Oo na nga po diba. Sige ka baka bawiin ko pa." pagbibiro ko sakanya.

"Opo, di na po. Bukas ah!" sabi niya sabay alis. Kulit talaga nun. Pag-alis ni Joshua ay siya namang paglapit ni Cyrus.

"Wala na ako bukas." nakasimangot na sinabi sakin ni Cyrus.

"Ano ba yan? Para ka namang mamamatay. Sasali nga pala ako sa dance event." pagkukuwento ko sakanya.

"Ah kayo ni Joshua. Galingan niyo magpraktis ah. Dapat magandahan ako sa sayaw niyo pagbalik ko." paghahamon naman ni Cyrus.

"Oo naman. Baka malaglag panga mo pagpinanood mo kami." pagmamayabang ko ng pabiro kay Cyrus.

"Nga pala, 8 alis namin dito sa school bukas. Pasok ka naman ng maaga oh. Gusto lang kitang makita, pampaswerte. Ok lang ba?" tanong sakin ni Cyrus.

"Maaga naman talaga ako pumasok eh. Yaan mo papakita ako sayo bago kayo umalis." pangiti kong sagot sa kanya. M.U. ba kami? Ano ba tong meron kami ni Cyrus? Ah basta, masaya ako kahit paganito-ganito lang kami.

"Lapitan mo ako ah! Tapos hug." pabiro ni Cyrus.

"Kailangan talaga may hug?" tanong ko naman.

At natapos ang usapan namin ni Sai nang magbell na, hudyat ng uwian.

Nasa kani-kaniyang bahay na rin ang lahat. Malapit ng magbukas, malapit ng dumating ang tatlong araw na wala si Cyrus. Mamimiss ko talaga siya ng sobra. Nang malapit na akong makatulog ay bigla namang tumunog ang cellphone ko.

1 message
received

Uy panget! praktis
bukas ah! don't 4get!

Sender:
Joshua

Nako si Joshua hanggang sa pagtulog ko nambubulahaw.

opo! nyt!

Kinabukasan ay tinupad ko ang pangako ko kay Cyrus na pumasok ng maaga. Pagkapasok ko ng room si Cyrus ang kaagad sumalubong sakin.

"Chloe, mamimiss kita." pagbati niya sakin.

"Drama naman. Parang tatlong araw lang eh." sagot ko naman sa kanya pero deep inside ay mamimiss ko rin siya ng sobra sobra.

"Hatid mo na ako sa shuttle." pag-uutos ni Cyrus.

"Aba, kala mo kung sino makapag-utos ah. Para ka namang mag-aabroad. Hahaha. Tara na nga." sagot ko sa kanya.

Hinatid ko nga siya sa may shuttle at maya-maya ay may nagsalita mula sa likod ko.

"Chloe, are you coming with us?" tanong ni Ericka.

"Hindi, hinatid ko lang si Cyrus." sagot ko naman.

"Anong ginagawa mo dito Ericka?" tanong ni Cyrus.

"Sabi kasi ni Mrs. Ranillo since tinanggihan ni Joshua ang offer and same with Mariel, I will be replacing them to come with you sa contest. Total naman since elementary tayo na talaga ang partner sa ganitong events. Kaya nga naging close and naging tayo, remember?" pagpapaliwanag ni Ericka.

"I quit." sagot ni Cyrus.

"No you can't. I know you need this." pagmamatigas ni Ericka at sumakay na siya ng bus.

Wala nang nagawa si Cyrus kundi sumakay ng bus pero niyakap muna niya ako bago gawin iyon.

May isang bagay tuloy na bumagabag sakin sa sandaling iyon.
















Kung nadevelop sila dati dahil sa lagi silang magkasama sa mga contest.
Posible kayang maulit uli yun ngayon?

0 comments:

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.