Monday, January 2, 2012
Book I Chapter 7: Go on or move-on?
4:40 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
Go on or move-on?
Narinig kaya ni Chloe ang sinabi ko? Sana naman narinig niya. Manhid ba talaga un o nagmamanhid-manhiran lang? Ano bang meron ang babaeng un at ginulo niya ng husto ang masayang buhay ko? Hindi naman ako ganito dati ah? Ngayon lagi ko siyang iniisip, lagi akong nag-aalala sa kanya at gusto ko rin na lagi niya akong napapansin! Ung para bang hindi niya lang ako pansinin ng isang araw eh guguho na ang mundo ko? Chloe kulang ata ang sampung Advil kakaisip sa'yo! Hanggang sa pagbyahe ko sa jeep ikaw parin ang iniisip ko! Ay putek! Nakalagpas na naman ako sa village namin! Kasalanan mo toh Chloe eh!
"Manong Para!" sabi ko sa drayber ng jeep.
Lumagpas na naman ako, lagi nalang simula nang makilala ko yang si Chloe. Hay Joshua Garcia ano bang nangyayari sa'yo! Wala akong nagawa kundi lakarin ang papunta sa village namin at sumakay ng tricycle.
"I'm home ma!" bati ko sa nanay ko na katatapos lang magluto at hinalikan ko ang kanyang pisngi.
"Magbihis ka na iho't bumaba at maghahain na ako." sabi ng nanay ko sa akin.
"Yes ma!" sagot ko sakanya. At umakyat na nga ako sa aking kwarto upang magbihis, pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako't dumiretso sa hapagkainan.
"Nagluto ako ng paborito mong menudo. Oh ito anak oh." alok sakin ng nanay ko ng niluto niya.
"Salamat ma. Si kuya?" tanong ko sakanya.
"Dun daw matutulog sa kabarkada niya. Nga pala anak, may nakita ako sa kwarto mo kanina habang naglilinis ah." nakangiting pagkukwento sakin ng nanay ko na parang may lihim akong nabunyag.
"Ha? Ano un ma?" nagtataka kong tanong.
"Ung picture dun sa kisame sa tapat ng kama mo at ung mga papel papel na ginusot dun sa study table mo. Binasa ko un." sagot niya sakin na para bang kinikilig. Nabulunan naman ako ng marinig ko ang sinabi ng nanay ko.
"Oh anak, napano ka?" sabay abot niya sa tubig at himas sa likod ko.
"Ma? Bakit mo naman binasa ung mga papel papel?" tanong ko sakanya.
"Malay ko ba anak baka importante un at maitapon ko pero love letter lang pala. Para dun ba un sa picture na nakadikit sa kisame mo?" tanong ng nanay ko sakin.
"Hindi po ah! Assignment lang po namin ung mga nakasulat sa papel papel! At ung picture ano... ano... hindi ko alam sino nagkabit nun dun? Di ko nga alam kung paano nagkapicture dun eh?" pagkakaila kong sagot.
"Nagkakaila ka pa. Ung picture nakadikit sa kisame sa tapat ng inuunanan mo tapos hindi mo alam kung paano nagkaroon ng picture dun? Ikaw talagang bata ka." pangiting sabi sakin ng nanay ko.
Ngiti nalang ang sinagot ko sa nanay ko. Hay! Itong nanay ko talaga ang hilig chumismis.
"Tapos na po akong kumain ma. Magpapahinga na ako." sabi ko sa nanay ko nang mailagay ko ang plato ko sa lababo.
"Ay teka anak! Tumawag nga pala si Janine dito, hinahanap ka. Magboxing daw kayo. At meron pang dalawang hindi nagpakilalang mga babae na naman. Ano ba yan anak ang daming natawag na babae dito? Sino kaya sa kanila ung picture sa may kisame ng kwarto mo? " pabirong sabi ng nanay ko.
"Lagot ka kay Janine ma. Inaaway mo. Sige tawagan ko nalang mamaya. Wala nga ung picture ma. Hindi ko alam pano napunta yun dun. Akyat na po ako." sabay halik ko uli sa pisngi ng nanay ko.
Ang kulit ng nanay ko ano? Nagmana sakin un eh. Bakit kaya napatawag si Janine? Matawagan nga.
Si Janine nga pala ang tomboy kong kababata na seatmate ni Chloe. Sayang nga't may ichura pa man din ung si Janine naging tomboy pa.
"Hello pwede po kay Janinay?" tanong ko sa nakasagot ng telepono.
"Joshua?" tanong ng nakasagot.
"Pare ikaw na toh ano?" tanong ko muli sa kanya na naghinalang si Janine na ang nakasagot ng telepono.
"Joshua, buti napatawag ka. Kasi.. kasi.. pinapupunta ka ng nanay ko dito sa bahay namin bukas. Birthday niya kasi eh may kaunting handaan." pag-aalok ni Janine.
"Sige pare. Basta ikaw! Pakisabi nalang kay Tita Len advance!" sagot ko sa kanya.
"Sige salamat. Bye na may gagawin pa ako eh." at binaba na nga ni Janine ang telepono. Tagal na rin kaming hindi nakapagbabasketbol nung pare kong un ah.
Pagkababa ko ng telepono ay dumiretso na ako ng kwarto at humiga sa kama para magpahinga. Nakita ko ang picture na tinutukoy ng aking nanay at kinausap ito.
"Hay! Paano nga ba kita hindi maiisip buong araw? Eh pagkagising na pagkagising ko ikaw na agad ang nakikita ko! Kahit stolen shot yan, ang lakas parin ng dating mo sakin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Alam ko naman kasing si Cyrus ang gusto mo at hindi ako. Nararamdaman ko ring gusto ka rin niya, kaya ano naman ang laban ko dun? Kung anu-anong pagpapapansin na ang ginawa ko para lang ako naman ang pansinin mo at hindi si Cyrus pero wala, taob ako. Pati ung papel na binato ko na sinabi kong pulutin mo eh itinapon mo pa. Ikaw talaga! Ano pa ba ang dapat kong gawin para malaman mong ako talaga ang prinsipe mo at hindi si Cyrus? Na ako talaga ang unang nakakuha ng sapatos mo sa laro natin nung first day at hindi si Cyrus? Kaya ko lang naman binigay sa kanya yun dahil gusto kong itago ang isang medyas mo na hanggang ngayon ay na sakin parin at nakatago. Haay!" para akong sira ano? Kinakausap ko ang picture. Nasiraan na ako ng bait dahil kay Chloe eh!
Susuko na ba ako? Kakalabanin ang bespren ko?
O isisikreto na lamang ang nararamdaman ko?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Medyas Lovers!
Blog Archive
-
▼
2012
(56)
-
▼
January
(24)
- Book I Chapter 3: Cyrus' Past
- Book I Chapter 4: A hidden message
- Book I Chapter 5: What? Cyrus is absent?! OMG!
- Book I Chapter 6: Surprise!!!
- Book I Chapter 7: Go on or move-on?
- Book I Chapter 8: Admirer
- Book I Chapter 9: An Invitation
- Book I Chapter 10: The Unperfect Set-up
- Book I Chapter 11: Crying Shoulder
- Book I Chapter 12: The... Date?
- Book I Chapter 13: Confession
- Book I Chapter 14: Transformation
- Book I Chapter 15: Partners
- Book I Chapter 16: Anxiety
- Book I Chapter 17: Superman in action
- Book I Chapter 18: Disappointment
- Book I Chapter 19: "Mahal"
- Book I Chapter 20: Heart Breaks
- Book I Chapter 21: Truth
- Book I Chapter 22: Consequence
- Book I Chapter 23: Suspension
- Book I Chapter 24: Goodbye Kiss
- Book I Chapter 25: Letting Go
- Book I Chapter 26 *Finale*: Saying Byebye to Highs...
-
▼
January
(24)
Most Viewed
Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment