Tuesday, January 17, 2012

Book I Chapter 22: Consequence


Consequence



"Girl, nakita mo ba si Cyrus?" paghahanap ni Ericka kay Cyrus sa kaklase nilang si Monique.

"Ay girl, nakita ko silang papunta ni Papa Joshua kanina dun sa may hallway papuntang Elementary Building. Ikaw ah, mawala lang saglit si Cyrus sa paningin mo hindi ka na mapakali." sagot naman ni Monique kay Ericka.

"Siyempre, kailangan makabawi sa mga pagkukulang ko kay Cyrus, mahirap na baka maghanap nanaman ng iba. Sige girl puntahan ko lang si Cyrus. Thanks." sabi naman ni Ericka.

Naglakad nga papunta sa kinaroroonan ni Cyrus si Ericka. Nang makarating doon si Ericka ay narinig niyang nag-uusap sina Cyrus at Joshua kaya pinili nitong makinig muna sa pinag-uusapan ng dalawa.

"Anong gulo Cyrus? Meron ba akong hindi alam?" pagtatanong ni Joshua kay Cyrus.

"Sayo ko lang sasabihin toh Joshua dahil i trust you. Lahat ng ito ay pakana ng ninang ni Ericka." pagkukwento ni Cyrus.

"Si Mrs. Ranillo?!" pagkagulat na tanong ni Joshua.

"Anong meron? Bakit pinag-uusapan nila si ninang?" tanong ni Ericka sa sarili niya.

"Oo. Tinakot niya ako na hindi ako makakagraduate kung hindi ko babalikan si Ericka. Kaya wala akong nagawa kundi balikan siya dahil wala akong laban sa mga kayang gawin ni Mrs. Ranillo." pagtutuloy ni Cyrus.

"Hindi. Hindi ito totoo. Mahal pa ako ni Cyrus kaya niya ako binalikan. Hindi!" pagpapaniwala ni Ericka sa sarili niya.

"CYRUS!!!" pasigaw na pagtawag ni Ericka kay Cyrus matapos marinig ang pag-uusap nila ni Joshua.

"Is it true? Tell me!" dugtong nito.

Hindi naman nakasagot si Cyrus sa pagkagulat ng makita niya si Ericka.

"Oh Ericka, nagpapraktis lang kami ni Cyrus para sa play." pananakip butas naman ni Joshua sa kaibigan niya.

"Shut up Joshua! Wag mo akong gawing tanga! Narinig ko ang lahat! Cyrus sagutin mo ako!" galit na naluluhang tanong ni Ericka.

"Ericka, i'm sorry." paghingi ng patawad ni Cyrus.

"What does it mean?" mas galit pang sigaw ni Ericka.

"Yeah Ericka. Pinilit lang ako ng ninang mo na makipagbalikan sayo." sabi ni Cyrus na hindi naman makatingin sa mata ni Ericka.

"Manloloko ka Cyrus! Paasa!" sabi ni Ericka sabay walkout. Umiiyak na bumalik si Ericka sa kanilang classroom at ang magbestfriend naman na sina Joshua at Cyrus ay nagpatuloy sa pag-uusap.

"Paano na Sai?" nag-aalalang tanong ni Joshua.

"Ako ng bahala. Josh, please wag mo nalang ipaalam kay Chloe about dito. Ikaw munang bahala sakanya ha." sagot naman ni Cyrus.

"Bilisan mo at baka maunahan na kita." pagbibiro naman ni Joshua sa bestfriend niya.

At napagpasyahan na ng dalawa na bumalik na sa classroom.

Simula ng araw na iyon ay hindi na pumasok si Ericka. Ang magbestfriend naman na sina Joshua at Cyrus ay naghahanap ng paraan para matapos ang gulong napasukan ni Cyrus habang si Chloe nama'y inabala ang sarili sa pag-aaral.

"Sai, tawag ka ni Mrs. Ranillo." sabi ng classmate nila Cyrus nang makasalubong nila ito habang naglalakad papuntang library.

"Do you want me to go with you?" pag-aalala ni Joshua sa kaibigan niya.

"Sige, wag na. Kaya ko na toh." sagot naman ni Cyrus.

At pumunta nga si Cyrus sa Principal's office.

"Malinaw ang usapan natin na walang makakaalam diba Mr. Bernal?" bati ni Mrs. Ranillo nang makapasok si Cyrus.

Hindi naman sumagot si Cyrus.

"Alam mo na kung saan ka pupulutin. So better prepare yourself as early as now. You may now leave the room." pagbabanta ni Mrs. Ranillo.

Nang makalabas si Cyrus ay agad naman tinawag ni Mrs. Ranillo ang isang sipsip na teacher na si Mr. Lungab, siya ang guro nila Cyrus sa Mathematics IV.

"Yes ma'am? May ipaguutos ba kayo?" tanong ni Mr. Lungab kay Mrs. Ranillo.

"Gusto kong gumawa ka ng paraan para masuspend ang Cyrus Bernal na yan." pag-uutos naman ni Mrs. Ranillo habang nakatingin kay Cyrus na papalabas na ng faculty.

"Pero ma'am?" medyo pag-angal ni Mr. Lungab.

"Gagawa ka ng paraan o ako ang gagawa ng paraan para mapatalsik ka sa eskwelahang ito?" pananakot ni Mrs. Ranillo.

"Ok ma'am sabi ko nga dapat masuspend yang Cyrus Bernal na yan." napipilitang pagsang-ayon ni Mr. Lungab.

"Good." sabi naman ni Mrs. Ranillo.

Kinabukasan ay may long quiz ang klase nila Chloe sa Mathematics IV. Ipinamigay ni Mr. Lungab ang mga test paper at siya'y nagmasid-masid sa mga estudyante. Lingid sa kaalaman ng lahat ay lihim na inutusan ni Mr. Lungab si Ruel na ilagay ang papel na naglalaman ng formula sa likod ng kinauupuan ni Cyrus kapalit ng mataas na grado niya sa Mathematics.

"Mr. Bernal!" paninita ni Mr. Lungab nang makita niya ang papel na inuupuan ni Cyrus.

"Ano yang papel na yan?" dugtong pa nito. At kinuha niya ang papel.

"Kodigo toh ah. At nakacomputerized pa." sabi ni Mr. Lungab matapos mabasa ang papel at binuklat ito sa harap ng kanyang mga estudyante.

Ang ibang mga estudyante ay sinamantala ang pagkakataon at tinignan ang formula sa papel na ipinakita ni Mr. Lungab at nagsipagsagot sa kani-kanilang test paper. Ang iba nama'y hindi makapaniwalang nagawa iyon ni Cyrus.

"Paano niyo naman nasabing kay Cyrus nga yang papel? Hindi na niya kailangan niyan para makapasa sa long quiz niyo!" pag-angal ni Joshua sa teacher nila.

"Kitang-kita ko nasa upuan niya ang papel na ito. Cyrus can you explain this to me?" tanong ni Mr. Lungab.

"I don't know anything about that Sir." pagpapaliwanag ni Cyrus.

Kinuha ni Mr. Lungab ang test paper ni Cyrus.

"Don't you know that cheating in any form is a major offense sa school natin?" sabi ni Mr. Lungab kay Cyrus habang pinupunit ang test paper niya.

"Come with me to the Guidance Office." sabi naman ni Mr. Lungab na papalabas na ng pinto.

"Pero Sir?!" muling pag-angal ni Joshua.

"Bakit Mr. Garcia gusto mo sumama?" pagtataray ni Mr. Lungab.

"Sai matuto ka namang lumaban!" sabi ni Joshua sa kaibigan niyang si Cyrus.

Ngunit hindi umimik si Cyrus at nagpatuloy sa paglabas ng classroom kasunod ni Mr. Lungab.


0 comments:

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.