Tuesday, January 3, 2012

Book I Chapter 14: Transformation


Transformation



Chloe

Agad namang lumabas ang magkaibigang si Cyrus at Joshua patungo sa Principal's office. Nakakapagtaka naman kung bakit sila pinatawag? Hindi naman sila nakipagaway? Wala ni sinuman sa aming klase ang may ideya kung bakit sila pinatawag. Tinanong naman ni Ericka si Ma'am Sedigo kung bakit nga ba.

"Excuse me ma'am, bakit po pinatawag sina Cyrus at Joshua ng principal?" pagtatanong nito.

"It's none of your business Ms. Reyes. Ok class, go back to your seats and we will start a new lesson." pagsusungit naman ni ma'am.

Ang sungit talaga niya kaya hindi na ako nagtataka kung bakit walang nanliligaw sa kanya kahit medyo maganda at bata siya. Biruin ba naman naaalala ko pa noon first day ng klase niya sa amin ay nagpaquiz agad. Wala pa naman kaming kaideideya kung tungkol saan ang subject na itinuturo niya. Banas na banas talaga ang buong klase sa kanya ng mga panahong iyon.

----------

Narrator

Pagdating ng magkaibigan na sina Joshua at Cyrus ay agad silang pinaupo ng Principal.

"What are we going to talk about Mrs. Ranillo?" pagtatanong ni Cyrus sa principal.

"Ok. We'll be joining an inter-school competition this Wednesday and I assign the both of you to join the essay writing contest. So prepare yourselves because you'll be there until friday." sabi naman ng principal.

"But Mrs. Ranillo, Mariel is much better than me, in fact she's the candidate for valedictorian. If you don't mind ma'am, may I refuse that opportunity?" halatang pagtanggi naman ni Joshua na ikinagulat ng kaibigan niyang si Cyrus.

"Are you sure Mr. Garcia?" pagkukumpirma naman ng kanilang principal.

"Yes ma'am. Because I have other plans for this week. I'm sorry ma'am." sagot naman ni Joshua.

"Ok. No problem. How about you Mr. Bernal? Are you also refusing the opportunity? It might help you to grab the valedictorian spot." pagtatanong ng principal kay Cyrus.

"No ma'am. I'll join." pagtanggap naman ni Cyrus.

"Thank you. You may go now. Kindly tell Ms. Mendez (Mariel) to go to Principal's office after class." pagpapaalam naman niya.

Lumabas na ang magkaibigan at nag-usap habang naglalakad pabalik ng classroom.

"Bakit mo tinanggihan Josh?" tanong ni Cyrus.

"Sasali kasi ako sa dance event next week." sagot ni Joshua.

"Kaya pala. Sayang yun kung tinanggap mo baka maging 1st honorable mention ka." panghihinayang naman ni Cyrus.

----------

Chloe


Maya-maya ay dumating na ang magbespren. Hindi naman sila mukhang napagalitan ng principal sa halip si Joshua ay mukha pang masaya.

"Joshua, bakit kayo pinatawag ng principal?" pagtatanong ko kay Joshua.

"Chismosa ka rin ano? Hahaha." pagbibiro niya. Binalik pa ang sinabi ko sa kanya kanina talaga naman tong lalaking toh.

Natapos na ang araw pero hindi ko parin alam kung bakit sila pinatawag ng principal. Ayaw naman kasi akong sagutin ni Joshua, nahihiya naman akong magtanong kay Cyrus.

Hanggang sa kinausap na nga ako ni Cyrus.

"Chloe, mawawala ako ngayong miyerkules hanggang biyernes ah." sabi niya sakin.

"Ha? Bakit? Nasuspend ka ba? Ano dahilan?" pagkagulat ko namang tanong sakanya.

"Hindi. Sasali kasi ako sa essay writing. Wag ka manlalalake ah." pabiro niyang sinabi sakin.

"Aba. At bakit naman wag akong manlalalake?" tanong ko sakanya. Ano ba toh? Bakit ganyan siya kung makapagsalita? Nakakalito tuloy. Ayaw ko namang mag-assume. Kainis ah pero kinikilig ako. Hahaha!

Ngiti lang ang isinagot niya sakin.

"Oy, ano ba kayong dalawa diyan uwi na tayo!" muli nanamang pang-iistorbo ni Joshua sa moment namin.

"Tara Chloe." pag-aaya ni Cyrus.

"Sige mauna na muna kayo sa labas. Sunod nalang ako mag-aayos pa ako ng gamit eh." sagot ko sa kanya dahil hindi ko pa pala nailalagay ang sulat ko para kay Superman.

Nang maayos ko ang gamit ko at mailagay ang sulat ko ay sumunod naman ako agad sa kanila sa labas.

----------

Ericka

"Wait girls. Nakalimutan ko yung lecture notebook sa locker ko. Saglit lang ha. Balik lang akong room." sabi ni Ericka sa mga kaibigan niya.

Matapos makuha ni Ericka ang kanyang lecture notebook ay napansin naman niya ang papel na nakaipit sa pinto ng locker ni Chloe at kinuha niya ito.

"What's this? A letter? For whom?" sabi ni Ericka sa sarili niya at binuksan niya ang sulat at binasa ito.

"Superman? Si Cyrus kaya ito? As far as I know Superman is one of his favorites.. I see." sabi ni Ericka sa sarili na parang nagkaroon ng kuro-kuro sa kanyang isip.

"I must keep this one." at itinago nga ni Ericka ang sulat ni Chloe para kay Superman.

(Lingid sa kaalaman ni Ericka na paborito rin ni Joshua si Superman. )

----------

Chloe


Nang makarating ako sa kinatatayuan nila Cyrus ay nagpaalam naman si Joshua sa amin.

"May nakalimutan pala ako! Teka balik lang akong room." pagpapaalam niya samin.

"Lagi ka nalang ganyan. Atat na atat umuwi tapos pagkumpleto na tayo, may nakalimutan ka nanamang kunin. Tumatanda ka na panget." pagbibiro ko kay Joshua. At bumalik na nga siyang room.

----------

Joshua

Sa paglalakad kong pabalik ng room para tignan kung nailagay na ba ni Chloe ang sulat niya para sakin ay nakasalubong ko si Ericka.

"Uy Ericka!" pagbati ko sakanya.

"Josh!" sagot naman niya.

"Galing kang room?" tanong ko sakanya.

"Ah, oo. Nalimutan ko kasi ung lecture notebook ko. Alam mo na, maghahabol sa lecture eh." pagkukwento niya.

"Ay Josh, nga pala. Kilala mo ba kung sino si Su---" ("Girl! Tara na! Magsasarado na ung mall! Hahaha!") dugtong ni Ericka ngunit hindi natuloy dahil tinawag na siya ng mga kaibigan niya.

"Ay sige, tawag na ako nila Loraine. Mauna na ako." pamamaalam niya.

Sino kayang Su ung tinutukoy niya? Bakit kaya? Baka si Suryel ung walking baktol. Baka admirer niya. Hahaha.

Pagkarating ko sa locker ni Chloe, wala akong nakitang kahit ano mang papel.

Kadalasan naman nakaipit lang un o hindi naman kaya ay nakadikit. Bakit kaya wala? Hinanap ko na sa paligid dahil baka nilipad lang pero wala parin. Hay. Baka hindi na niya nilagay. Makabalik na nga lang.

----------

Chloe

Pagkabalik naman ni Joshua ay agad na kaming umuwi.

Kinabukasan ay masaya akong pumasok ng classroom. Katulad ng nakaugalian ko, diretso agad ng locker. Pagbukas ko ng locker ay wala akong papel na nakita, hinalungkat ko na ang locker ko pero wala parin. Medyo nakakalungkot pero siguro naghahanda na siya para sa contest bukas sa isip-isip ko.

"Uy Chloe!" pagtawag ni Joshua sakin.

"Oh? Mang-aasar ka nanaman?" pabiro kong bati kay Joshua.

"Busy ka ba?" tanong naman niya.

"Hindi. Bakit?" sagot ko.

"Ah, wala naman." sagot naman niya at umalis. Parang ang tamlay niya ah himala hindi nambulahaw ng umaga ko. Ano na naman kaya pumasok sa isip noon at natanong kung busy ako?

Wala namang kapanipanibago ng umaga na yun maliban ng pumasok si Janine. Napatingin ang lahat ng aming mga kaklase sa kanya. Paano ba naman ang kinikilalang tomboy sa classroom ay babaeng babae na, nakalugay na ang bagong gupit na buhok at hindi na nakapony tail sabay sumbrero. At sinalubong ko naman siya agad.

"Janine!" bati ko sakanya ng nakangiti.

"Chloe. Naiilang ako." bulong niya sakin.

"Ok lang yan! Ang ganda mo kaya. Ewan ko lang kung hindi ka pa mapansin ni Joshua niyan ah! Go girl!" pabulong ko ring pagpapalakas ko ng loob sa kanya.

Bagay na bagay naman pala kay Janine maging babae eh. Humanda ka Joshua sa kamandag ni Janine. Hahaha!

At nang makapwesto si Janine sa upuan niya ay nilapitan siya ni Joshua na kitang kita ang pagkagulat. Laglag panga niya sa beauty ni Janine.

"Pare........................."







0 comments:

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.