Tuesday, January 3, 2012

Book I Chapter 16: Anxiety



Anxiety


Umalis na nga ang bus na sinasakyan nila Cyrus at kinakawayan naman niya ako habang papalayo ito, nalulungkot ako at nangangamba na baka pagbalik nila ay mag-iba ang lahat. Na baka hindi na kami maging katulad ngayon ni Cyrus. Na baka manumbalik ang pagmamahal niya para kay Ericka, dapat ko na sigurong ihanda ang sarili ko ngayon pa lang.

Naabutan naman ako ni Joshua sa kinatatayuan ko.

"Good morning. Bus nila Cyrus?" pagtatanong niya sabay turo sa bus na kaaalis pa lamang.

"Ah, oo." sagot ko naman sakanya.

"Bakit mukhang matamlay ka? Wag kang mag-alala mabilis lang yang 3 days." sabi niya sakin at inakbayan ako.

"Tara punta na tayo sa dance studio." pag-aaya niya at inakay nga niya ako papunta doon.

Hindi naman ako nakasagot dahil sa binabagabag ko, buti nalang at nandito si Joshua kundi baka hindi na ako nakaalis dun sa kinatatayuan ko.

Pagkarating namin sa dance studio ay kakaunti pa lamang ang mga dancers na naroroon. Kilalang-kilala talaga si Joshua sa campus dahil ultimo mga dancers ay kaclose niya lahat. Hindi nagtagal ay dumating narin ang iba pang mga dancers pati na rin ang dance instructor na si Sir Florence. Kabado ako dahil first time kong sumali sa event sa campus na ito.

"Dancers, form a straight line. Now!" sigaw ni Sir Flo.

Agad din naman kaming pumila. Kinakabahan tuloy ako lalo dahil kita sa mga mukha ng iba kong kasama ang takot. Masungit siguro itong si Sir Flo.

"Wag kang matakot. Ako ang bahala sayo." bulong naman ni Joshua ng mahalata niyang kabadong kabado ako. At napanatag naman ang loob ko ng marinig ko iyon.

"Guys, next week na ang dance event. So please lahat makipagcooperate at give niyo ang best niyo kahit sa practice palang. Kung hindi niyo kaya ang hinihingi ko, you don't belong here, better get out as early as now." pagsasalita naman ni Sir Flo sa gitna ng katahimikan.

May isang lalaking takot na takot ang lumabas na mukhang isang baguhan din lamang. Mukhang hindi kaya ng powers niya ang kasungitan ni Sir, sa isip isip ko.

"Let's start. Para sa mga baguhan please come forward." pag-uutos naman niya.

Tumayo naman ako at pumunta sa unahan.

"Siya lang ba ang bago?" tanong naman ni Sir Flo.

Ay! Susme! Ako nga lang ang nasa harap at wala ng iba. Bakit kasi umalis pa yung isang lalaki kanina! Waaa, kinakabahan ako.

"Ok, show me your moves." utos naman nito.

Kabado ako. Tumingin naman ako kay Joshua. Nakita ko ang kanyang mga mata na parang nagsasabing kayang-kaya mo yan Chloe na may kasama pang ngiti na parang proud na proud siya. Lumakas ang loob ko dahil dun. Kaya naman ng sinimulan ng patugtugin ang music ay ibinigay ko ang aking lahat ng makakaya para maimpress si Sir Flo at hindi mapahiya si Joshua.

Matapos ang isang minutong pagpapasayaw sakin ay nagpalakpakan ang lahat maliban kay Sir Flo. Hindi ba niya nagustuhan ang pagsayaw ko? Ano kayang reaksyon niya? Kinabahan na naman tuloy ako.

"Good job Joshua. You found your partner." pagpuri nito kay Joshua.

"I told you." proud na sagot naman ni Joshua.

"Nice dance, miss, what's your name again?" tanong naman nito sakin.

"Chloe sir. Chloe Yu." sagot ko sa kanya. Hay! Nakahinga ako ng maluwag ng pinuri niya ang sayaw ko.

"Oh Chloe. You may now go back to your seat. Ok dancers, ganito ang set-up ng performance natin. Sa first phase ng dance it would be in groups then after that there would be a mellow performance to be performed by Joshua and Chloe then after that another group performance para sa closing." pagbibigay instruction ni Sir Flo.

"Joshua, ano daw?" pagkaclarify ko kay Joshua dahil hindi ko masyado nagets yung mellow performance na ipeperform namin.

"May sarili tayong eksena. Yung sa medyo slow na kanta." pangiti naman niyang sagot.

Aba bongga, may sarili kaming part ni Joshua. Buti nalang at si Joshua ang naging partner ko hindi ako maiilang.

"Joshua, Chloe." pagtawag naman ni Sir Flo samin. Hala, baka pagalitan kami kasi nakita niyang hindi kami nakikinig sakanya. Patay!

"Let me talk to the both of you about sa sayaw." pagdugtong niya. Akala ko naman kung ano na. Napakanerbyosa ko pa naman.

Lumapit nga kami kay Sir Flo at nakipag-usap.

"The two of you ang highlight ng performance natin kaya galingan niyo. Medyo sensual ang theme ng sayaw niyo, yung romantic kumbaga. Then may halo ring lively. Kaya sana ayusin niyo at wag sanang magkaroon ng problema sa inyong dalawa, ok?" pagpapaliwanag ni Sir Flo samin.

Inuna ni Sir Flo ituro ang steps ng unang phase. Hindi kami kasama ni Joshua dun dahil ang entrance namin ay sa second phase pa kaya naman wala kaming ginagawa. Habang inaantay namin na kami naman ang turuan ni Sir Flo ay naglaro muna kami ng kung anu-ano. Pitik bulag, Nanay tatay, wrestling ng thumb at kung anu-ano pang laro.

Sa wakas kami na ang tinuruan ni Sir Flo. Tutok na tutok siya sa pagtuturo samin. Medyo sensual nga ang sayaw dahil halos magkadikit na ang mga mukha namin ni Joshua sa mga steps. Medyo naiilang ako pero thankful na rin ako dahil kakilala ko ang partner ko kaya ok na.

Lumipas ang dalawang araw na puro pagpapraktis ang ginagawa namin, siyempre nakakapagod at kadalasan pa ay hindi ako makatulog ng maayos pag gabi kaiisip kung kamusta na ba si Cyrus. Hindi ko naman alam ang number niya at nahihiya akong itanong kay Joshua dahil aasarin lang ako nun. Hay. Pero tatlong araw nalang Chloe at makikita ko na uli siya kasabay ng performance namin sa school.

Lunch break nun at medyo masakit ang mga paa ko kaya hindi ako makasayaw at lakad ng ayos. Napansin naman ito ni Joshua.

"Panget, ako na bibili ng pagkain natin. Itatake out ko nalang. Magpahinga ka nalang diyan. Ok?" sabi niya sakin.

"Salamat. Alam mo na ung binibili ko ah." pagpapaalala ko sakanya. Buti good boy tong si Joshua at hindi ako inaasar. Natauhan ata simula nung masampal ko siya. Hahaha.

Ilang minuto din ang nakalipas ay bumalik narin si Joshua at medyo nawala narin ang sakit ng paa ko.

"Oh ito na french fries at sundae mo Chloe oh." pag-abot niya ng pagkain ko na nasa plastik.

Inalok ko si Joshua ng french fries ngunit isinenyas niya na madumi ang kamay niya kaya naman sinubuan ko nalang siya bilang pasasalamat na rin. Nawili ang loko at sumenyas pa ng isa pa. Eto naman ako sinubuan uli siya. Aba at humirit pa uli.

"Uubusin mo na french fries ko eh. Last na toh ah." pagbibiro ko sakanya. At sinubuan ko uli siya. Parang bata talaga tong si Joshua, napangiti nalang ako.

Natapos na ang lunch break namin at balik rehearsal na naman kami. Alam na namin ni Joshua ang step sa buong sayaw at pinafamiliarize nalang namin para sumakto sa timing at gumanda ang performance namin.

Mabilis lumipas ang oras at uwian na. Nakakapagod talaga ang sumayaw pero masaya. Simula nang wala si Cyrus ay kami nalang ni Joshua ang magkasabay umuwi at naging mas close kami dahil doon. Kaya naman inaya ko na siyang umuwi.

"Tara Joshua uwi na tayo." pag-aaya ko sakanya.

"Panget sige una ka na. Inutusan kasi ako ni mama dumaan kina uncle para ibigay ung papeles niya. Kainis." pagpapaalam naman sakin ni Joshua.

"Sige una na ako ah! Ingat ka pag-uwi mamaya. Kita nalang tayo bukas. Agahan mo naman, lagi kang late eh!" pagbibiro ko sakanya.

"Ingat ka lalo. Baka kidnapin ka diyan, pano ba yan walang magtatanggol sayo ngayon? Kaw muna bahala sa sarili mo ah. Taas mo kili-kili mo paglumapit sila. Hahaha." pagbibiro naman niya sakin.

"Sira, baka lalo nila akong lapitan nun. Hahaha. Ingat panget!" muli kong pagpapaalam.

At umuwi nga akong mag-isa. Nako makulimlim mukhang uulan, hindi ko pa naman kinasanayan ang magdala ng payong. Wag sanang umulan please.

Pagkasakay ko ng jeep ay sabay buhos naman ng napakalakas na ulan. Buti nalang pinasakay muna ako ng jeep. Maya-maya'y naisip ko paano nga pala pagbaba ko? Kainis naman.

Pumara na ako ng makarating na ang jeep sa kanto namin ngunit malakas parin ang ulan kaya wala akong choice kundi sumugod dito. Nakaraos din naman at nakapunta sa sakayan ng jeep pero basang-basa ako at ang mga gamit ko. Pagkauwi ko ay agad akong nagpalit ng damit at nagpahinga.

Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising kaya naman sa takot kong mapagalitan ni Sir Flo ay hindi na ako nag-almusal. Medyo nakakahilo. Ang sama ng pakiramdam ko pero kailangan ko pa rin pumasok dahil sa makalawa na ang dance event.

Nakarating naman ako sa dance studio at nag-uumpisa na silang magpraktis kaya inayos ko na ang gamit ko at dumiretso ako agad kay Joshua.

"Chloe ang putla mo ah?" pagpansin ni Joshua.

"Wala toh. Hindi lang kasi ako nakapag-almusal." sagot ko sakanya.

Nagpatuloy kami sa pagpapraktis. Ilang oras din ang nakalipas ay napahinto ako sa kalagitnaan ng kanta sa pangwalo naming rehearsal at...































nagdilim ang buong paligid ko.







0 comments:

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.