Monday, January 2, 2012

Book I Chapter 6: Surprise!!!


Surprise!!!




Hindi ako mapakali nang malaman kong absent si Cyrus. Kung anu-anong dahilan ang iniisip ko kung bakit hindi siya nakapasok ngayong araw. Kaya naman agad kong tinanong si Joshua

Pagkatapos na pagkatapos ng una naming klase.

"Psst. Panget!" pang-aabala ko kay Joshua sa pagbabasa niya ng libro.

"Oh baket panget? Namiss mo ako?" sagot nito sa pagtawag ko sakanya. Kapal miss ko daw siya. Hahaha.

"Hindi noh. Tatanong ko lang sana kung bakit absent si Cyrus?" tanong ko naman sakanya.

"Nakaaaww. Si Cyrus pala ang miss hindi ako. Inatake nanaman kasi ng katam si Cyrus biyernes kasi eh." sagot sa akin ni Joshua.

Hala. Ano kaya ung katam? Mukhang malala un sakit na un ah. Nag-aalala talaga ko para kay Cyrus. Ok lang kaya kung puntahan ko siya sa kanila? Kunyari nalang may pinabibigay para hindi halata. Pupunta na nga ako baka hindi pa ako makatulog pag hindi ko nalaman kung ano talaga lagay niya.

"Ah, ganun ba. Salamat! Nga pala, Saan ba nakatira si Cyrus?" nahihiyang tanong ko kay Joshua.

"Bakit mo natanong kung saan nakatira si Cyrus? Hanep ka magkagusto Chloe ah. Pati bahay inaalam mo." sagot naman niya sa tanong ko.

"Hindi ah! May pinabibigay lang kaya sa kanya si Ma'am kaya ko naitanong!" Pagkakaila kong sagot.

"Kaya pala, dun siya sa may Villa Catalina nakatira. Alam mo naman un di ba?" tanong niya sa akin.

"Ah, un ung village bago sa amin." sagot ko sakanya.

"Magkakalapit lang pala tayo, lagpas lang dun ng kaunti village namin eh. Di ba bababa ka dun? Tapos sakay ka ng tricycle sabihin mo Phase 2, Saturn. Hanapin mo nalang ung kulay black na gate na may nakalagay Bernal Residence sa kanila na un. Gets mo ba? O kung gusto mo samahan nalang kita." pag-aalok ni Joshua sa akin.

"Nakuha ko na. Wag mo na akong samahan, baka kung anu-ano na naman sabihin mo kay Cyrus. Salamat ha!" pangiti kong sagot sakanya at ngumiti rin siya pabalik sa akin.

Buti naman naniwala si Joshua sa excuse kong may pinabibigay lang si Ma'am. Kinakabahan talaga ako nun dahil akala ko hindi niya ibibigay. Buti nalang talaga.

Natapos na ang klase namin at agad akong nag-ayos ng gamit ko para makauwi agad. Kasabay ko sa paglalakad palabas ang kaklase kong si Janine na seatmate ko. Punuan ang mga jeep na sasakyan ko kaya naman naabutan na ako ng ambon sa hintayan ng jeep. Wala pa naman din akong dalang payong ang bigat ba naman kasi eh. Wala rin akong masisilungan paano na toh hindi na ata ako makakapunta kina Cyrus baka mukha na akong basang sisiw pagdating dun. Hay buhay!

Ilang minuto lang ang nakalipas, hindi pa gaano lumalakas ang ambon nang naramdaman ko nalang na may nagsukob sa akin ng payong. Pagkaharap ko sakanya, nagulat ako nang makita ko si Joshua na may nakangiting abot tenga.

"Oh bakit andito ka?" pagtataray kong tanong sakanya.

"Para payungan ka, naambunan ka na oh. Bakit wala kang dalang payong?" tanong niya sa akin.

"Meron akong payong noh! Tinatamad lang akong kunin sa bag." pagsisinungaling ko kay Joshua. Ayaw ko ngang malaman niya na wala akong payong, baka asarin nanaman ako nun na kababae kong tao walang payong, samantala siya kalalaking tao nagdadala ng payong.

"Ah, ganun ba. Tinatamad daw siya oh, gusto mo lang payungan kita eh kasi nakita mo paparating na ako kaya hindi mo na kinuha payong mo. Hahaha!" pang-aasar nanaman ni Joshua.

"Hoy kapal ah! Ako na nga maghahawak niyan!" sagot ko sakanya sabay kuha sa payong na hawak niya. Napangiti nalang siya ng kinuha ko ang payong niya.

"Pupunta ka pa kina Cyrus?" tanong ni Joshua.

"Oo, bakit?" sagot ko naman sakanya.

"Ah. Ano ba ung pinabibigay ni Ma'am? Ako nalang magbibigay gusto mo?" pag-aalok nito. Aba, sisirain pa ang mga plano ko. Isip-isip ng dahilan Chloe.

"Uhmm.. Mga notes, ako na magbibigay. Nakakahiya sa'yo bossing eh maaabala pa kita." muli kong sagot sakanya.

"Maniwala ako sa'yo. Gusto mo lang ata makita si Cyrus eh. Hahaha!" pang-aasar muli niya sakin. Patay, buking ako pero dapat keri lang. Buti nalang at may jeep na dumaan na hindi gaano puno.

"Uy panget! Ayun jeep oh! Parahin mo!" paiwas kong sagot sa kanya. At pinara nga ni Joshua at sumakay kami sa jeep na un. Saved by the jeepney.

"Ito na payong mo oh. Salamat ha!" padabog kong sabi sakanya habang ibinibigay ang payong niya pagsakay namin sa jeep.

"Ikaw na nga itong pinayungan ikaw pa itong galit." sagot niya sakin.

"Eh di ulitin natin." at kinuha ko uli ang payong niya.

"Mr. Joshua Garcia, ito na po ang payong niyo. Salamat ha." pabirong paglalambing kong sabi sa kanya na may kasamang pekeng ngiti.

"Your welcome panget! Ilibre mo nalang ako sa jeep matutuwa pa ako sa'yo." sagot niya sakin. Kapal nagpapalibre pa sa babae. Pero tutal pinayungan niya ako eh di pagbigyan baka wala na siyang pamasahe pauwi eh. Hahaha.

"Ano ba yan. May bayad naman pala pagpapayong mo saken sana sinabi mo agad para hindi na ako nagpapayong sa'yo! O eto na bayad natin." pabiro kong sabi sakanya.

"Kung sinabi ko eh di hindi na ako malilibre ng pamasahe?" pabiro din nitong sagot sakin.

"Nga pala Chloe may sasabihin sana ako sa'yo eh..." pambasag katahimikang sabi ni Joshua.

"Ano un panget?" sagot ko sakanya.

"Tungkol dun sa nakasulat sa papel..." sagot naman niya.

"Ung basura mo na naman? Hindi ka parin ba nakakamove-on sa basura mo? Hahaha!" pagbibiro kong sagot dahil mukhang seryoso ang mukha niya hindi ako sanay. Hahaha!

"Oo ung basura ko. Nakalagay kasi dun--"

"Joshua, Villa Catalina na! Bababa na ako. Kalimutan mo na ung basura mo natapon ko na eh. Hahaha." putol ko sa sasabihin ni Joshua dahil malapit na akong bumaba.

"Para! Ingat Joshua! Salamat ha!" pagpapahinto ko sa jeep.

"Mas mag-ingat ka Chloe! Nag-aalala ko para sa'yo..." sagot ni Joshua sakin. May nalalaman na siyang ganun ah. Meron pa siyang sinabi pero hindi ko na narinig dahil tatawid na ako. Siguro 'madapa ka sana' ung sunod na sinabi niya nun, ganun naman ung lalaking un eh.

Joshua: Mas mag-ingat ka Chloe! Nag-aalala ko para sa'yo... Dahil gusto kita.

Bahala na nga ung lalakeng un. Teka wala akong pasalubong para kay Cyrus. Buti nalang at may lugawan dito sa kanto nila kaya un nalang ang binili ko. Andun kaya siya? Kinakabahan ako my gosh. Medyo malayo rin pala ang bahay nila Cyrus simula sa kanto. Grabe mahal ng pamasahe sa tricycle nila, P18 ang special! Hindi bale basta para kay Cyrus. Hinanap ko ang gate na sinasabi ni Joshua. Bakit parang wala? Pinagtripan ba ako nung mokong na un? Bakit ba ako agad naniwala sakanya alam ko namang ang hilig nun manloko?! Hay! Naliligaw na ako!

Sa gitna ng aking pagkalito may humihila hila ng palda ko, siyempre natakot ako. Kinabahan. Ayaw ko sanang humarap at gustong tumakbo kaya lang may natatanaw akong aso. Anong gagawin ko? Titignan ko nalang kung sino siya, bahala na! Humanda ka sakin bukas Joshua! Kung buhay pa ako! Nako!

Pagharap ko, isang cute na bata ang nakita ko, mga nasa limang taong gulang siguro ang edad niya. Umupo ako sa aking mga binti para kausapin siya.

"Hello. Bakit mo hinihila palda ko? Tiga-dito ka ba?" tanong ko sa bata.

"Kasi po mukha ka pong ewan diyan eh." sagot ng bata sakin. Ano ba toh? Reincarnate ni Joshua? Nako!

"Oo nga eh. Nawawala kasi ako. Sasamahan mo ba ako?" tanong ko uli sa bata. Siyempre bata yan kaya hindi dapat patulan, tutal cute din naman siya.

"Madami po akong ginagawa." matipid na sagot ng bata. Ang tino niya kausap grabe. Kung hindi lang toh bata naku kinurot ko narin toh parang si Joshua.

"Ganun ba. Eh bakit mo hinila palda ko?" tanong ko muli sakanya na pababy talk.

"Ganyan kasi ang uniform ng babae sa school namin eh." sagot niya sakin.

"Cyrillll!!!" sigaw ng isang lalaking pamilyar ang boses.

"Ate tawag na ako ng kuya ko. Sige po." pagpapaalam ng bata sabay takbo palayo nito.

Sinundan ko ang bata sa kanyang pagtakbo papunta sa tumawag sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko at lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ko ang tumawag sa kanya. Kuya niya si Cyrus?! Hindi ako makapaniwalang kapatid siya ni Cyrus dahil parang si Joshua ang kuya niya sa kanyang pag-uugali. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng magkatinginan kami sa mata ni Cyrus, mga ilang sampung metro lang kase ang pagitan namin. Kitang kita sa mukha niya na nagulat siya pero matapos naman nun ay ngumiti siya at... at... papalapit na siya sakin, anong gagawin ko? Kinakabahan ako!

"Chloe..." nakangiti nitong bati sakin. Hindi ako nakaimik sa halip nahihiyang ngumiti nalang ako. Iniabot niya ang kamay niya nang ako'y patayo na. Siyempre humawak ako, moment na namin un.

"Ang lamig ng kamay mo. Hahaha." pabirong sabi sakin ni Cyrus. Nahihiya na ako. Hindi na ako makapagsalita.

"Ang lamig kasi ng panahon eh. Hehehe." pagdadahilan ko sakanya.

"Oo nga eh. Tiga-dito ka rin pala?" pagkamangha niyang tanong.

"Ay, hindi. Kasi ano..." nahihiya akong sagutin kung bakit ako nasa village nila.

"Nag-aalala kasi ako sa'yo eh! Hindi ka pumasok!" bigla nalang lumabas sa mga bibig ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Nung una nakita kong nagulat si Cyrus sa sinabi ko dahil parang nasigawan ko siya ng kaunti pero ngumiti siya matapos ang ilang segundo.

"Ikaw talaga. Tara pasok ka muna sa bahay namin." sabi niya sakin habang hinawakan niya ang braso ko. Akala ko pa naman holding hands na.

Pumunta na nga kami ni Cyrus sa kanilang bahay. Nakakatense, buti nalang at hindi siya kasing hangin ni Joshua na kung sinabi ko siguro ung tunay kong dahilan bakit ako nandito eh hahangin nanaman ang ulo nun. Ang ganda ng bahay nila Cyrus, simple pero malinis nagrereflect na napakaformal ng pamilya nila nakakahiya tuloy gumalaw masyado. At pinaupo nga ako ni Cyrus sa napakalambot nilang sofa.

"Ano sabi sa'yo ng kapatid ko?" tanong sakin ni Cyrus habang iniaabot ni Cyrus ang juice na itinimpla niya para sakin.

"Wala nang-asar lang. Parang si Joshua." sagot ko sa tanong niya.

"Hahaha! Oo. Magkasundong magkasundo yang si Joshua at si Cyril. Yun ang nagtuturo ng kalokohan sa kapatid ko eh." natatawa niyang sagot sakin.

"Kaya naman pala eh! Nako, ilayo layo mo yang kapatid mo baka tuluyang mahawa kay Joshua yan. Tama na ang isang Joshua sa mundo." pabiro kong sabi sakanya.

"Nga pala Cyrus, bakit ka umabsent? May katam ka daw. Ok ka na ba?" agad kong tanong kay Cyrus.

"Hahaha. Oo. Inatake ako ng katam eh. Sarap kasi matulog." natatawang sagot niya. Bakit kaya siya natatawa? May nakakatawa ba sa tanong ko?

"Ok ka na ba? Bakit ka natatawa?" naguguluhan kong tanong sakanya.

"Ok ako siyempre. Nag-alala ka ba?" tanong sakin ni Cyrus. Lumakas na naman kabog ng dibdib ko, hindi pa nga ako masyadong nakakarecover dun sa kanina ito nanaman. Hihimatayin na ata ako. Tulongggggg. Paano ko ba sasagutin ang tanong niya?

"Ah, eh.. Oo eh." nahihiya kong sagot sakanya. Napangiti siya.

"Pasensya ka na ah. Nag-alala ka pa tuloy. Tinamad lang naman akong pumasok eh. Umiral kasi ang KATAMaran ko kaninang umaga eh. Salamat nga pala sa lugaw na binili mo ha. Paborito ko toh. Galing toh sa kanto namin diba?" sabi niya sakin. Ay boplaks ko! Akala ko kung anung katam ang sinabi ng mokong na Joshua na un! Katamaran pala! Nakakahiya kay Cyrus. Humanda talaga yang Joshua na yan!

"Oo, yan ung lugaw sa kanto niyo. Wala kasi akong dala papunta dito eh kaya bumili nalang ako dun." sabi ko sakanya. Buti nalang at nakain siya nung binili ko. Habang pinapanood ko siyang kumain ng lugaw na binili ko para sakanya parang hihimatayin ako kahit araw-araw ko naman siya kasabay kumain ng lunch. Cyrus tama na ang pang-aakit mo. Baka mahulog na ako sa'yo hindi mo ako masalo.

At habang nangangarap ako ng gising may narinig akong busina ng kotse.

"Andyan na si Ma. Saglit lang ha." sabi ni Cyrus sakin.

Hala. Andyan na ang mama namin este nila. Anong gagawin ko? Natetense nanaman ako suskupo!

At pumasok na nga si Cyrus kasunod niya ang mama niya.

"Good evening po." bati ko sa mama niya. Nakakakaba.

"Good evening din iha." sagot sakin ng mama niya ng nakangiti. Napalagay ang loob ko ng makita kong nakangiti ang mama niya.

"May bisita ka pala kuya hindi mo sinabi sakin agad sana bumili ako ng pagkain." sabi nito kay Cyrus.

"Biglaan lang ma eh. Sa susunod nalang." sagot ni Cyrus sa mama niya. Sa susunod nalang? Ibig sabihin makakapunta uli ako sa bahay nila? Kumakabog nanaman ang dibdib ko. Chloe relax.

"O cge. Sa susunod na pumunta siya dito sabihin mo ha." sabi naman ng mama ni Cyrus sakanya.

"Nga pala kuya, girlfriend mo?" nakakagulat na tanong ng mama niya.































Ano kaya isasagot ni Cyrus? Umaasa pa ako eh noh?
Kinakabahan ako. Ang dami kong kaba ngayong araw na ito.
Cyrus sumagot ka na!

0 comments:

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.