Monday, January 2, 2012
Book I Chapter 4: A hidden message
4:07 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
A Hidden Message
Ilang araw narin ang nakalipas at hanggang ngayon hindi parin ako makarecover sa sinabi ni Cyrus na crush rin niya ako kahit alam kong biro niya lang yun. At oo, tama si Joshua na umaasa ako na isang araw magustuhan rin ako ni Cyrus. Sino ba namang babae ang ayaw magkatuluyan sila ng lalaking pinapangarap niya diba?
"Ay tutubi!" ang naisigaw ko nang may tumamang crumpled paper sa ulo ko. At kanino naman nanggaling yun? Kanino pa kundi sa laging nangyayamot sa akin na si Joshua.
"Asan tutubi? Hahaha! Tulala ka nanaman diyan. Iniisip mo nanaman si Cyrus parang kanina lang kasama natin eh. Miss mo agad. Hahaha!" sabi sakin ni Joshua matapos kong mapasigaw.
"Yun nga eh, kasama 'NATIN'. Kailan kaya magiging kasama 'KO' nalang." pabulong kong sagot ni Joshua.
"Ha? Ano un panget? Di ko narinig. Pakiulit dali." tanong niya sa akin nung narinig niya akong may sinasabi ng pabulong.
"Sabi ko ang gwapo mo! Kaya lang binge!" sagot ko sakanya.
"Ang yabangggg... Ang hina kaya ng boses mo. Pulutin mo nalang ung papel na kinalat mo." parang napipikon niyang sinabi sakin pero nakangiti.
"Bakit ako pagpupulutin mo? Kalat mo kaya yan! Ikaw nagbato eh." muli kong sagot kay Joshua.
"Sino ba last touch? Di ba ikaw? Kaya ikaw ang mag-pulot!" sabi ni Joshua na lumayo at pumunta sa iba pa naming kaklase. Napakabastos talaga ng lalaking yun kahit kailan. Buti nalang at hindi nahahawa sa kanya si Cyrus. At eto naman ako, pinulot nga ang papel at inihagis sa basurahan kaya lang hindi na-shoot, bahala na nga nakakatamad eh lilinisin naman yan ni Kuya Manong mamaya.
"Chloe, tara lunch na tayo." boses ng lalaki ang narinig ko mula sa aking likuran. At pagharap ko hulaan niyo kung sino... Si Cyrus! Kilig to the max ako siyempre, kahit araw-araw naman kaming mag-kasabay kumain. Si Joshua kasi kadalasan ang nag-aaya sa akin na sumabay kumain sa kanila. Sila talagang dalawa ang naging kaclose ko sa klase namin. Kaya ang tingin tuloy sa akin sa aming eskwelahan ay malandi dahil sikat silang dalawa sa campus, hindi lang mga gwapo, achievers pa. O ha, haba hair, mga bigatin kasama ko. Pero kahit alam ni Cyrus na sikat siya sa campus, hindi siya nag-tatake advantage ika-nga down-to-earth parin siya. Ewan ko nalang kay Joshua. Hahaha!
"Ha? Ah sige. Si Joshua?" nahihiyang sagot ko kay Cyrus.
"May practice pa daw sila ng groupmates niya. Kayo wala ba kayong practice?" tanong ni Cyrus sakin. Dininig na ni Lord ang panalangin kong makasama si Cyrus ng solo, sa wakas. Hihimatayin ata ako, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Tapos na kami kanina magpractice. Kayo baka may practice pa?" kabado kong tanong sa kanya pero keri lang bawal magpahalatang kabado na excited ako.
"Tapos na rin kami. Ano? Lunch na tayo?" tanong sakin ni Cyrus with his pamatay na ngiti. Malulusaw na ata ako. Parang gusto ko na pasabayin uli samin si Joshua, di ko alam kung makekeri ko toh. Hahaha. Chloe, inhale, exhale... Kaya mo yan.
"Tara." sagot ko sa kanya at sabay na nga kaming naglakad papuntang canteen. Pinapangarap ko na balang-araw habang naglalakad kami ni Cyrus hawak-hawak niya ang mga kamay ko. Hahaha! Chloe gising baka madapa ka nakakahiya kay Cyrus.
Pagkadating nga namin sa canteen ay agad siyang pumila at tinanong kung ano ang bibilhin naming ulam. Saktong mayroong sinigang na baboy na paborito ko, kaya yun ang pinili ko. At naghanap na nga kami ng upuan at nagsimulang kumain. Habang kumakain kami nagulat ako dahil nagsalita si Cyrus, hindi kasi siya nagsasalita habang nakain kapag kasama namin si Joshua. Bukod pa sa bigla niyang pagsasalita, nagulat rin ako sa pag-order niya ng combo meal kung saan hati kami sa isang klase ng ulam na kadalasan nama'y solo meal lang ang inoorder naming tatlo.
"Chloe, paborito mo?" tanong sakin ni Cyrus.
"Oo, Masarap ba? Sensya ka na ah, tagal ko na kasing hindi nakakakain niyan lagi kasing prito ulam namin eh. Hehehe." sagot ko kay Cyrus.
"Oo masarap. Ok lang un, kaya nga ikaw pinapili ko ng ulam para makakain ka ng maayos." ang isinagot naman sakin ni Cyrus. At bigla nalang dumating si Ericka.
"Pwede maki-upo? Sensya sa istorbo sa date niyo ah? Wala na kasi maupuan eh." tanong ni Ericka samin.
"Sure." sagot ko. "Hindi." sagot naman ni Cyrus.
"Sige po. You may join us." Halos magkasabay kaming sumagot kaya naman sumagot na lamang ako uli. At umupo nga si Ericka sa tabi ni Cyrus.
"Bakit nasa campus ka pa? Hindi ka naman dito nag-aaral." tanong ni Cyrus kay Ericka nang hindi man lang tumitingin dito.
"Ano ulam mo Cyrus? Sinigang na baboy? Hindi ka naman kumakain ng baboy diba?" tanong naman ni Ericka kay Cyrus na hindi sinagot ang tanong nito. Nagulat ako dahil nalaman kong hindi pala nakain si Cyrus ng baboy pero ngayon ay nakain siya nito.
"Ngayon mo lang ba nalaman na nakain ako ng baboy? At paborito ko ang sinigang na baboy? Tagal mo kasing nawala eh." sagot naman ni Cyrus kay Ericka. Naloloka na ako sa dalawang ito para silang nag-aaway sa harapan ko. Pero infairness kinikilig ako, pareho pala kami ng paborito ni Cyrus.
"Ah, ganun ba. Dami na palang nagbago dito." pagsang-ayon nalang ni Ericka sa sinabi ni Cyrus.
"Madami na talaga... Chloe tapos ka na ba kumain?" tanong sakin ni Cyrus na tapos nang kumain.
"Ah, oo." sagot ko sa tanong niya.
"Balik na tayo sa classroom. Mag-time na." sabi sakin ni Cyrus.
"Pero... si Ericka walang kasama." nag-aalalang tanong ko kay Cyrus. Kahit alam kong ex niya si Ericka, alam ko rin naman ang pakiramdam ng maiwan mag-isa.
"Naki-upo lang naman siya eh. At masaya na yan na nasira niya ang date natin." sagot ni Cyrus sakin. Ano kamo ang sinabi ni Cyrus? D-A-T-E? Bakit hindi ko alam na nag-dadate kami? Eh di sana hindi ko na pinaupo si Ericka kung nagdadate pala kami. Hahaha. Joke lang. Hindi umiimik si Ericka sa mga sinasabi ni Cyrus pero nakikita ko sakanyang mga mata na pinipigilan niyang maluha.
"Mauna ka na Cyrus." muli kong sagot sa pag-aaya niya.
"Hindi ako aalis hangga't hindi ka kasama. Mag-titime na Chloe oh? Malalate na tayo. Kaya na ni Ericka sarili niya. Tara na." muling pag-aaya ni Cyrus sakin. Wala akong nagawa kundi sumama sa kanya pero hindi ko maiwasang mag-alala para kay Ericka dahil nakikita kong paiyak na siya.
"Pasensya ka na Chloe sa ugali ko ha. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili kong mairita kapag nandyan si Ericka." sabi sakin ni Cyrus habang naglalakad kami pabalik ng classroom.
"Ah. Ok lang un. Ang sungit mo pala. Hahaha!" pabiro kong sabi sakanya para mawala ang init ng dugo niya.
"Sa kanya lang. Hindi kita susungitan ng ganun, promise." sabi niya sakin habang nakadisplay nanaman ang kanyang killer smile. Kinilig na naman ako. Hindi ko alam kung panaginip lang ba ang lahat ng nangyayaring ito pero sinubukan kong kurutin ang braso ko nasasaktan naman ako. Maloloka na ata ko.
Nakasalubong namin sa daan ang janitor ng aming eskwelahan. "Hi Kuya Manong!" ang bati ko sakanya.
"Hello Ms. Beautiful at Mr. Handsome! Late na kayo ah" sagot sa amin ni Kuya Manong.
"Hindi pa naman po. Papasok na po kami ng classroom oh. Sige po, ingat sa paglilinis ng campus." sagot ni Cyrus kay Kuya Manong. Ang galang niya, grabe meron pa palang ganitong klaseng lalake ang nabubuhay sa panahong ito?
"Sige, ingat din kayo. Aral ng mabuti!" sabi ni Kuya Manong sa amin. At pumasok na nga kami sa classroom.
---
"Mga batang ito talaga. Magtatapon lang ng basura sa sahig pa, hindi sa basurahan." At pinulot nga ng janitor ang papel na nakakalat sa sahig. Binuklat niya ito upang malaman kung importante ang nakasulat.
Pasensya ka na sa mga biro ko.
Pasensya ka na sa mga banat kong nakakapikon.
Pero gusto ko lang sanang malaman mo,
Na nakuha mo na ang atensyon ko nung una pa lamang pagkakataon.
-J.G.ΓΌ
"Talaga nga naman ang kabataan ngayon. Dinadaan-daan sa pasulat sulat. Ayaw pang sabihin ng harapan. Mahirap na ang buhay ngayon. Mahal na ang papel. Tsk.Tsk.Tsk." pailing na sinabi ng janitor matapos mabasa ang sulat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Medyas Lovers!
Blog Archive
-
▼
2012
(56)
-
▼
January
(24)
- Book I Chapter 3: Cyrus' Past
- Book I Chapter 4: A hidden message
- Book I Chapter 5: What? Cyrus is absent?! OMG!
- Book I Chapter 6: Surprise!!!
- Book I Chapter 7: Go on or move-on?
- Book I Chapter 8: Admirer
- Book I Chapter 9: An Invitation
- Book I Chapter 10: The Unperfect Set-up
- Book I Chapter 11: Crying Shoulder
- Book I Chapter 12: The... Date?
- Book I Chapter 13: Confession
- Book I Chapter 14: Transformation
- Book I Chapter 15: Partners
- Book I Chapter 16: Anxiety
- Book I Chapter 17: Superman in action
- Book I Chapter 18: Disappointment
- Book I Chapter 19: "Mahal"
- Book I Chapter 20: Heart Breaks
- Book I Chapter 21: Truth
- Book I Chapter 22: Consequence
- Book I Chapter 23: Suspension
- Book I Chapter 24: Goodbye Kiss
- Book I Chapter 25: Letting Go
- Book I Chapter 26 *Finale*: Saying Byebye to Highs...
-
▼
January
(24)
Most Viewed
Powered by Blogger.
3 comments:
hai.. nakakakilig talaga ung story na 2..
eventhough nbasa ko na 2, di parin ako ngsasawa na basahin 2..nkakakilig pa din..
kulit talaga ni papa Josh :)
I LOVE YOU FOREVER! :)
hehehe...tama ka po jan... sobrang kakakilig kahit ako lalagi knikilig sa storya hehhe
Post a Comment