Monday, March 26, 2012
Book II Chapter 28.2: My Memory Is Back!
8:48 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
Janine
Pareho silang walang kibo, kinuha ko ang picture kay Joshua. "Hey! Look oh, ikaw na ikaw to Joshua.. And.. Is this you, Chloe?" tanong ko sa kanya, hindi ko maexplain pero nahahyper ako. Hindi sila sumasagot, so kumuha pa ko ang ibang pictures. Kinompare ko ang itsura ni Chloe sa picture na kapit kanina ni Joshua at sa iba pang pictures.
"No doubt! This is you Chloe. But bakit andito si Joshua?" tanong ko sa kanya, pero hindi siya kumikibo. "Ano ba guys? Napipi kayo bigla?" tanong ko sa kanila tapos kinapitan ko at kinalog kinalog ko ang balikat ni Joshua and I snapped my fingers on Chloe's face. Si Joshua natauhan ng konti and muling tiningnan ang picture.
"Cowi?" patanong na sabi ni Joshua. Sino si Cowi? Tanong ko sa sarili ko, bigla namang nagsalita si Chloe..
"Yosh-a?" patanong naman ni Chloe. Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin yun, biglang nagkatinginan si Chloe at si Joshua. Nanlaki ang kanilang mga mata hanggang sa napapapikit pikit na si Chloe at nagsimulang sumigaw.
"Aaaahhh, aaah-ah-aaaaaaaah" paulit ulit niyang sigaw habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa ulo at napahiga doon marahil ay sa sakit ng kanyang ulo, hindi ito ang unang beses na nangyari ito sa kanya.. Kaming dalawa naman ni Joshua ay hindi mapakali, hindi alam ang gagawin.
Maya maya pa'y hingal na hingal siyang napatigil sa kanyang pagsigaw at napatulala. Sinigawan ko si yaya Kurdz para kumuha ng tubig. Dahan dahan naming inupo si Chloe, pinapakalma siya ni Joshua, nanlalaki pa din ang kanyang mga mata. Binuksan ko ang pinto at sumigaw ulit.. "Yaya Kuuurdzzz, yung tubig po bilis."
"Oo na etu na nga uh, baket ka ba nagmamadale?" sabi niya at nagulat siya ng nakita niya si Chloe.
"Aaaay nako!" sigaw niya at nabitawan niya ang baso, NABASAG! Tumakbo siya papalapit kay Chloe..
"Kuloy! Kuloy! Ukey ka lang ba? Ha? Ang batang ere.. Huy ekaw soperman, anung genawa mu sa kanya? Ha?" natatarantang tanong ni yaya Kurdz. Nakakainis muntikan na kong mabasa dahil sa reaksyon niya.
"Wala naman po.." sagot ni Joshua.
"Tu-tu-tubig yaya.." nauutal utal na sabi ni Chloe at dahan dahang bumabalik ang mga mata niya sa normal size. Kinda scary.
"Ay oo, tika lang, nabasag ku i.." sabi ni yaya Kurdz at bilis bilis na lumabas ng kwarto.
Habang lumalabas siya ng kwarto, "Ayan po kasi, makapagreact naman."
"Hiiih! Hende keta kaosap.." pagtataray niya sa akin bago lumabas. Really? Is she that..? Hays, anyways.
Lumapit ako kay Chloe at Joshua.. "Are you alright Chloe?"
"Di ba ganito din yung nangyari sayo dati?" tanong ni Joshua. Maya maya'y dumating na ulit si yaya kurdz, dala dala ang isang pitsel na tubig. "ang dami a." mahinang sabi ko pero narinig niya ata dahil binigyan niya ako ng isang masungit na tingin.
Uminom si Chloe ng tubig, inhale exhale siya pagkatapos. Tiningnan niya si Joshua at bigla niya ito niyakap. Hindi ko masyado marinig ang mga sinasabi niya dahil pabulong ang mga yun at dahil umiiyak din siya, puro pagsinghot ng sipon nya ang naririnig ko.
Maya maya'y pumasok ang tita at tito ni Chloe sa kwarto. Nang makita ni Chloe ang kanyang tita at tito bigla niyang niyakap ang dalawa at patuloy sa pag-iyak.
"Tita, tito, naaalala ko na po ang lahat." naiiyak na pangiting sabi niya. "Naaalala ko na kung bakit kami umalis noon, kung paano nawala sila mama at papa at ang lahat lahat." nahihingal na sabi niya.
"Chloe.. dahan dahan lang, natutuwa ako at naaalala mo na ang lahat." nakangiting sabi ng kanyang tita na may namumuong luha sa kanyang mga mata.
"We have to go to the hospital, para ipaalam sa mga doctors mo." nakangiting sabi ng kanyang tito habang hinahaplos haplos ang buhok nito.
"Wait lang po, tita, tito, si Joshua po.." sabay turo niya kay Joshua. "Siya po si Yosh-a." nakangiting sabi ni Chloe na may halong excitement kahit naluluha luha pa siya.
"Ah, talaga?" medyo pagulat na tanong ng kanyang tita, tumango naman si Chloe sa kanya, tuwang tuwa si Chloe.
"Mukang nagbalik na nga ang memory mo, Kuloy." nakangiting sabi sa kanya ng kanyang tito.
Pagkatapos ay lumabas na sila ng kwarto para maghanda sa pagpunta sa doctor, para maipacheck up si Chloe. Sumama na din palabas si yaya Kurds, dala dala ang baso at pitchel.
Hindi pa rin ako makapaniwala na si Joshua at Chloe ay magkababata pala. Talagang they are destined, hindi ako magsasawang sabihin yun ng paulit ulit dahil yun ang totoo. Nakakatuwa ang story nila, nagkalayo silang dalawa tapos pinagtagpo ngunit hindi nila alam na magkakilala pala sila tapos ngayon lang nila nalaman na magkakilala sila at hindi lang basta magkakilala kundi ay close pa sila. I wonder kung paano sila naging close. Hmmm..
Noong lalapit na ako sa kanila para itanong sa kanila kung paano sila naging magkaibigan ay biglang sumigaw si yaya Kurds..
"Kuloooooooooooooooooooy!! Aales na daw, ponta na sa ospetal. Beleeeeees! Ang bagal ng bata ere." sigaw niya. OA talaga tong si yaya Kurds, pero infairness she is funny.
Nang marinig namin yun ay kaagad na kaming lumabas ng kwarto. Hindi na kami sumama si Joshua sa ospital dahil nagtext na si mommy at si Joshua naman ay hinahanap na din sa kanila.
"Ingat kayo a.!" nakangiting sabi sa amin ni Chloe mula sa loob ng sasakyan.
"Salamat.." sabi ko naman.. "..ikaw din! Pagaling ka ng tuluyan." pagpapatuloy ko.
"Dadalawin ka namin bukas, pagkagising na pagkagising." pahabol naman sabi ni Joshua. Bakas sa kanilang mga muka ang saya, kahit ako masaya para sa kanila.
Nang makaalis ang kotseng sinasakyan nila Chloe, hinatid ko pauwi si Joshua. Pauwi na sana ako ng pumasok sa isip ko na tawagan si Cyrus.. It's ringing.. Ang tagal sumagot.. *kriiiing.. kriiiing.. kriiiing..*
*What's up, Ja?*
Ooh, finally!!
"Hey you! Malaki ang kasalanan mo, tsk!"
*I know.. Kaya nga hindi ko magawang masabi sa inyo ng harap harapan. Buti naman at nalaman niyo na.*
"Pinahirapan mo kami, it took us one day para malaman. You could have.. arrghh!"
*Calm down, miss panter! Haha..*
"Tsssss, shut up! What if hindi namin nalaman, ha? Hindi nalaman nila Chloe at Joshua, aalis ka nalang ng hindi sinasabi ang tungkol dun?"
*Of course not. Sasabihin ko before ako umalis if hindi niyo nalaman, buti nalang nalaman niyo na. It's really hard for me."
"Syempre mahirap talaga. Certified Liar! Anyways, nasa hospital ulit si Chloe--"
*BUT WHY? WHAT HAPPENED? HA? TELL ME!*
"Shut up! Exaggerated, naalala na niya lahat, THANKS TO THAT PICTURE HA! And for check up dinala siya dun. Okay?"
*Okay, akala ko may nangyaring masama sa kanya.*
"Walang ng sasama pa sa nangyari sa kanya sa ginawa mo noh!?"
*O sige, ipamuka mo pa. Sorry na nga e.*
"Hehe.. Well, face it! Kasalanan mo naman talaga e.. So when is the despedida?"
*Probably this weekend. In our private resort sa Batangas, is that okay?*
"I think so, never been there."
*Chloe and Joshua know the place, so kita kits nalang dun, please inform them.*
"Sure. Thanks a, pero still, may kasalanan ka pa din."
*I know. I know. I'll talk to them, okay?*
"Alright. Take care."
*You too, bye!*
I never thought na magkakausap kami ni Cyrus ng ganyan. I mean, you know.. yung maayos, although may katarayan pa din, pero atleast hindi na like before na halos magpatayan kami. Nagdrive ako pauwi, nadatnan ko sa bahay ang aking magandang ina, nag-usap kami sandali, kumain at nagpahinga na. So tired e. Bwisit na Cyrus, he could have told me, di ba? Tsk.. *ZZZzzzzzzzzz...*
Chloe
Merong nakitang picture si Joshua at napatitig siya dun, napatingin din naman ako. Natigilan ako ng matagal, hindi ko alam ang sasabihin ko, ang gagawin ko. Parang huminto ang mundo ko nung mga panahong yun, wala akong ibang makita kundi ang sarili ko at si Joshua, wala din akong ibang marining kundi ang hininga ko at ni Joshua. Nakatulala lang ako ng marinig ko ang..
"Cowi?" sabi ni Joshua. Kaagad akong natauhan ng narinig ko yun. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat. May mga eksenang pilit na nagpaflash sa utak ko, mga pangyayari na tila ay naganap nung bata pa ako, sumasakit ang aking ulo na parang ako'y nahihilo. Isa sa mga eksena na pumasok sa isipan ko na parang nangyayari ngayon ay ang pagsigaw ko sa isang bata, ang pangalan aay..
"Yosh-a?" sabi ko. Bigla akong napatingin kay Joshua, ganun din naman siya sa akin. Nagkatitigan kami ng matagal, super nanlalaki ang aking mga mata. Pinipilit kong unawain lahat ng mga pumapasok sa isipan ko, feeling ko sobrang napupuno ang utak ko na parang sasagog, bumibigat ng bumibigat ang aking ulo
"Aaaahhh, aaah-ah-aaaaaaaah" paulit ulit kong sigaw dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. May mga images pa din, memories, na pumapasok sa utak ko, unti unti kong naaalala, sa sobrang sakit ng ulo ko napahawak ako sa aking ulo at napahiga. Umabot ata ng isang minuto o higit pa ang sobrang pagsakit ng aking ulo, matapos nun at napatigil ako, hingal na hingal at napatulala.
Pilit kong inaayos sa aking utak ang mga aking naalala sa sandaling iyon. Napakadaming mga memories na hindi ko malaman kung paano ko pagsusunod sunudin. Humingi ako ng tubig kay yaya Kurdz, sakto at nasa harapan ko siya, hindi ko alam kung bakit.
Habang kumukuha siya ng tubig, piit ko pa ding pinagsusunod sunod ang mga memories, pero hindi ko magawa, nalilito pa din ako. Pero isang bagay lang ang sigurado ko. Si Joshua at si Yosh-a ay iisa. Maya maya pa'y dumating na siya at binigyan na ako ng tubig.
Pagkatapos kong inumin ang tubig, napatingin ako kay Joshua at sa sobrang tuwa, niyakap ko siya ng sobrang higpit. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, masaya akong naiiyak.
"Daddy, now I remember you. It's me Cowi. Joshua, it's me!!" pabulong na sabi ko sa kanya habang nakayakap ako sa kanya. "Maybe we are really destined for each other." naiiyak ko pa ding sabi sa kanya.
Maya maya pa'y andyan na sina tita at tito, sandali kaming nag-usap. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mararamdaman ko, masaya ba o malungkot. Masaya dahil naalala ko na ang nakaraan ko at malungkot na naalala ko kung gano kasakit ang mawalan ng mga magulang lalo na't naalala ko na kung paano nila ako inalagaan noon. Nagdesisyon sila na dahil ako sa ospital for check-up kaya umuwi na din sila Joshua and Janine. Sana bukas magkita kaagad kami. Nagpapasalamat ako sa kanilang dalawa dahil kung hindi sa tulong nila, malamang hindi ko pa din naaalala ang lahat. And I need to talk to Cyrus very soon.
Cyrus
Ang sungit talaga ng babaeng yun. Buti nalang kahit papano ngayon ay okay okay na kami. May pagkapanther! Ganung ugali siguro ang naaadopt ng mga teens sa New Zealand.
Hays. I don't know kung paano ko haharapin si Chloe, bahala na. Atleast now she knows everything. I hope before I leave maayos na ang lahat ng trouble that Ive done.
*Kriiing.. Kriiing..*
"Hello, what's the update?"
*Sir, everything is settled. You just have to be ready the day after tomorrrow.*
"Alright, thanks."
Buti naman okay na ang lahat. I really want to fix everything before I leave.Three days nalang aalis na ako and 5 days nalang, start na ng school nila. Nakakamiss pala talaga ang high school days.
"Hello, Janine."
*Oh, what's up?*
"Okay na yung outing natin. Everything is settled. Punta nalang kayo dito sa bahay sa isang araw, wala na akong ibang araw na free e. In three days, I'm leaving."
*Whaaaat? Bakit parang napaaga naman ata?*
"Yeah! May mga kailangan kasing asikasuhin dun e. So, please inform them a. I think they're free."
*Sure, we'll be there. What time and san nga sa Batangas?*
"4am, surprise kung saan. Hehe.. See you."
*I hate you!*
Haha, panther na ayaw na nasusurprise. Anyways, I'm excited and haaays, kailangan ko ng lakas ng loob.
Joshua
Grabe ang nangyari kay Chloe kanina, sobrang sumakit ang ulo niya, hindi ko alam ang gagawin ko. At hindi ko alam na may amnesia pala siya, selective amnesia. Mas lalong nakakagulat ang nalaman ko kanina, nung nakita ko ang picture na yun, nalaman ko kaagad na ako yun pero hindi ako makapaniwala, nagulat din talaga ako. Hindi ko akalain na ang babaeng nakikipag away para sa akin dati ay ang babaeng binubully bully ko nung high school at ngayon at mahal na mahal ko. Nakakagulat talaga ang mga pangyayari.
Kahit na nagulat kaming lahat sa mga nangyari kanina, natuwa din naman ako. Meron pala talagang destiny, hindi ko akalain na ang kababata ko noon at makikita ko pa ulit. At ang malupet dun, hindi ko siya nakita muli, minamahal ko pa siya. Iba talaga kapag gwapo, hinahabol din ng tadhana. Haha.
Hinding hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa akin kanina, "Daddy, now I remember you. It's me Cowi. Joshua, it's me!! Maybe we are really destined for each other." Kasi, we are really destined. Ako na siguro ang pinakamasayang lalaki sa balat ng lupa. Ay, teka! Hindi pa naman niya ako sinasagot. Nakakainis, pero nakakatutuwa pa din, kasi alam ko na mahal niya ako.
Kamusta na kaya siya? At si Cyrus? Loko loko talaga yung mokong na yun, kailan pa niya kaya nalaman yun? Hindi man lang niya sinabi, may matinding dahilan naman siguro. Kung ano man yun, hindi ko na aalamin, hindi na mahalaga ang mga maling nagawa niya nung nakaraan, ang mahalaga ngayon ay ang present. Pero nakakacurious pa din. Makatulog na nga.
*Kriiing.. Kriiiing..*
Naku naman, may tumatawag pa. Hindi naman si Chloe. Kunwari natutulog na ako at nagising ako sa tawag niya, para makonsensya, private number pa kasi e.
*Heeeellloooooo?* malamya at mahaba kong sagot sa phone.
"HOY! JOSHUA GARCIA, I know na hindi ka pa natutulog noh!"
*OY PARE! Ikaw pala. Hehe..*
"Style mo, bulok! Haha.."
*Eh kasi naman pare, istorbo sa pagmumuni muni e.*
"Ah sorry a! Sige, baba ko na."
*Sows, nagtampo pa. Ano ba balita mahal kong pare? Haha..*
"Heh! Haha.. Si Cyrus, tumawag."
*Oh? Ano daw?*
"Tuloy na daw yung outing. Dun sa resort nila sa Batangas sa isang araw."
*A, maganda dun, sige sige, aayusin ko na mga gamit ko bukas.*
"Okay, but wait. San sa Batangas? Maganda ba talaga?"
*Oo naman pare, mamamangha ka.*
"San nga dun?"
*Hindi niya sayo sinabi? Haha..*
"OBVIOUSLY HINDI! San nga?"
*Secret! Haha.. Good Night!*
At pinagbabaan ko siya ng phone. Haha, sorry pare koy! Rule yan ni Cyrus e. Maarte kasi yun kahit nung mga bata pa kami. Haha.. Makatulog na nga, naeexcite ako, makakabalik ako sa resort na yun ng libre. Sana sagutin na ako dun ni Chloe. Papikit na ko ng biglang may nagtext.
*Yari ka skn bkas!
May kotong ka, pasecret
secret kpa dyn a.*
Sender:
Pare Janine Ü
Hahahahaha, patay! Maghehelmet ako bukas. Haha..
Janine
Aba! Loko yung Cyrus na yun a. Pasecret secret pa. Matawagan na nga si Joshua, I'm sure, sasabihin niya sa akin kung saan yun, kung hindi man, kokotongan ko siya.
Kunwari pa ang Joshua na to na natutulog, halata ko naman na nagpapanggap lang, alam ko na ata takbo ng utak at ikot ng bituka nito. Sinabi ko sa kanya ang sinabi ni Cyrus, at nung tinanong ko kung san ang lugar na yun, ayaw din niyang sabihin, nakakainis. Pinagbabaan pa ako ng phone. Aaaaaarrrgggghhh! Gusto ko ng iresearch ang resort na yun para malaman kung gaano nga siya kaganda, tapos ayaw nilang sabihin kung saan. Hindi naman lumalabas sa google na mga resort ang mga Bernal. Tssss.
Tinext ko si Joshua, kokotongan ko talaga siya bukas. Lalakas ko para madala, baka sakaling sabihin na niya sa akin yun. May pag-asa pa naman ako kay Chloe, pero bukas ko na sasabihin sa kanya, kapag binisita namin siya. Sa ngayon matutulog na muna ako. Andaming nangyari sa araw to.
Labels:
Ceezza,
Chloe,
Cyrus,
Janine,
Joshua,
Kerokeroppi,
Love Story,
Medyas,
stoo_pid
|
3
comments
Book II Chapter 28.1: Flashbacks
8:46 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
Joshua
"Oh, Josh, ikaw na!" sabi sa akin ni Janine. Kaya iniabot ko na sa cashier ang bayad ko for enrollment. Pagkatapos ay si Janine naman ang nagbayad. Sa same university na kami ni pareng Janine mag-aaral kahit magkaiba kami ng course, ako kasi ipagpapatuloy ko ang nasimulan ko at siya naman ay magsisimula ng 4-year course na kanyang napili.
Ilang araw na ang nakakalipas nang magkausap kami ni Chloe, kamusta na kaya siya? Sana naman okay lang siya. Maya maya pa'y lumapit na sa akin si Janine.
"Okay na ba, Ja?" tanong ko sa kanya. Tumango lang naman siya, kita ko sa kanyang mga mata na nagugutom na siya.
"Tara! Libre kita." pagyayaya ko sa kanya.
"Cge ba!" mabilis na sagot niya. Sabi ko na nga ba nagugutom na naman siya kaya tinanguan lang ako. Bigla kaming natigilan sa aming paglalakad at pagkukwentuhan ng may nakita kaming isang pamilyar na taong papalapit sa amin. Habang papalapit ng papalapit ang tao ito ay lalo naming naaaninang ang kanyang muka, nang sigurado na kami kung sino ang taong yun, nagkatinginan kami at..
"CHLOE!?" pagulat na tanong namin sa isa't isa.
"Hi Janine, Daddy! Kamusta?" pagbati niya sa amin. Ano kayang ginagawa niya dito?
"Hello Chloe, okay lang, ikaw kamusta?" bati naman ni Janine.
"I'm fine, thanks." sagot ni Chloe.
"Anong ginagawa mo dito?" nag-aalangang tanong ko sa kanya.
"Ouch! Ayaw mo ba kong makita?" malungkot na tanong niya sa akin, si Janine naman ay napangiti nalang at bahagya akong binatukan.
"Hindi sa ganun, nagtataka lang ako." depensa ko sa kanya.
"Ganun ba? Eh kasi, dito na kasi ako mag-aaral this school year." nakangiti niyang sabi sa akin.
"TALAGA!?" gulat na tanong namin ni Janine sa kanya. Napatawa naman si Chloe.
"Haha.. Oo, ayaw niyo ba? Teka, magbabayad lang ako, explain ko sa inyo later.." sabi niya sa amin at nagtungo sa may cashier.
"Seryoso ba siya? Dito na siya mag-aaral?" tanong ko kay Janine.
"Nagbabayad na nga di ba? Pero bakit?" sagot niya sa akin. Bakit nga ba? Hintayin ko nalang na magkwento si Chloe, sabi naman niya ieexplain niya.
Pagkatapos magbayad ni Chloe, niyaya niya kaming maglunch, sabi niya siya daw ang taya. Yey! Kaso sumabat si Janine, sinabi niya na ako daw ang manlilibre, kaya ako pa din ang gagastos. Akala ko makakalibre na ko.
Pagkatapos namin umorder, habang kumakain, nagkwentuhan muna kami, kamustahan, pagkatapos ay kinwento na niya ang dahilan kung bakit doon na siya mag-aaral.
"Kasi yung tita at tito ko, magmimigrate sila for 2 years sa London because of their business. Ayaw nila akong mag-isa doon sa bahay kaya they asked their bestfriend if can stay in their house while they're in London, pumayag naman pero kailangan kong lumipat ng university kasi mas malapit ang university niyo sa bahay na tutuluyan ko.."
Kaya naman pala, nakakatuwa naman, iisa nalang ang papasukan naming tatlo, kulang nalang si Cyrus, kumpleto na sana ulit kami. Nagkwentuhan pa ulit kami, tungkol sa mga ginawa namin sa mga nakaraang araw at nakwentuhan sila about sa fashion, napapatango at ngiti nalang ako sa kanila. Maya maya'y tumunog ang cellphone ni Janine..
"Excuse me, guys." sabi niya bago siya tumayo at nagpunta sa tahimik na lugar. Nabigyan kami ni Chloe ng pagkakataon na magkausap ng kami lang. Pero pareho kaming natameme, hindi ko alam ang sasabihin ko. Ilang minuto ang nakalipas..
"Chloe.." pagtawag ko sa kanya, tumingin naman siya sa akin.
"Nakausap ko na si Cyrus, gaya nang sinabi ko sayo last time na nag-usap tayo sa phone." sabi niya sa akin.
=====.FLASHBACK.=====
*Hello..* sabi sa kabilang linya. Hindi kaagad ako nakapagsalita.
*Josh, ikaw ba talaga yan?* tanong ni Chloe.
"Ah, oo, Chloe! Kamusta ka na? Musta check-ups?"
*I'm fine, recovering na. Migraine lang siguro talaga yun.*
"Are you sure?"
*Yes! Wala naman ibang sinabi sa akin ang doctor eh. Baka pagod lang siguro.*
"Ah okay, basta magpagaling ka kaagad ah. If you need anything andito lang ako, alam mo naman yun di ba?"
*Opo daddy, thanks for always being here for me.*
"You're always welcome, baby. I think you should sleep."
*Urmm.. I think so, I'm kinda sleep na din e..*
"Sige pahinga ka na, sweetdreams."
*Wait! Pwede mo ba kong intayin matulog bago mo ibaba ang phone?*
"Oo naman. Punta ka na sa kwarto mo."
*Andito na nga po..*
.......
......
.....
....
...
..
.
*Andiyan ka pa?*
"Of course.. Di ka makatulog?"
*Hindi eh, naiisip ko kasi yung nangyari kanina..*
"Ano nangyari?"
*Pumunta dito si Cyrus eh..*
"Talaga? Kung ano man ang napag-usapan niyo, bukas mo nalang yan isipin para makatulog ka na."
*Hindi kasi naging maayos ang pag-uusap namin eh..*
"Ganun ba? Alam ko na maaayos niyo din yan. Kaya niyo yan, pag-usapan niyo nalang ulit, pero for now, sleep ka na.."
*Kakausapin ko siya tapos babalitaan kita.*
"Di mo na ako kailangan balitaan, sleep ka na."
*Basta! Babalitaan kita!*
"Okay sige, pero please, sleep na.."
*Sige po daddy..*
"Sleep tight baby, dito lang ako.."
=====.END.OF.FLASHBACK.=====
"Kamusta naman ang pag-uusap niyo?" tanong ko sa kanya.
"Everything went okay. Actually, hindi naging mahirap ang pag-uusap namin. Kasi nung nag-usap kami alam na namin kung ano talaga ang gusto naming mangyari at nagkasundo naman kami.." sagot niya sa akin.
"Ah okay, so are you okay now? Happy?" tanong ko sa kanya.
"I can say yes. Gumaan kasi yung pakiramdam ko. Nakakakilos na ako ng maayos, nang walang inaalala.." sagot niya sa akin.
"I'm happy to hear that! Goodluck sa bago mong university, wag ka magugulat sa pasukan ah." sabi ko sa kanya.
"Bakit naman?" nagtataka niyang tanong.
"Kasi.. madaming lalapit sa akin na mga girls, alam mo na.." confident na sabi ko sa kanya.
"Lalapit pa ba sila sa'yo, eh kasama mo na ako?" nakangiting tanong niya sa akin.
"Eh baby, you need a mommy, right?" pangungulit ko na siya namang kinalungkot niya, hala affected siya.
"If ever you find one.." sabi niya habang nakatungo siya. "..you're going to lose your baby."
"Hey! I'm just kidding.." sabi ko sa kanya habang pinipilit na itaas ang kanyang ulo. "Ipagpapalit ba naman kita? Syempre hindi." pagpapatuloy ko.
"Sabi mo eh.." malungkot pa din niyang sabi.
"Uy, wala akong sinabi na ipagpapalit kita no! Tsaka kahit lapitan nila ako, hindi ko sila papansinin, because I already have a baby." nakangiting sabi ko sa kanya, napangiti naman siya at hindi na siya nakatungo.
"And I won't let them go near you no!" bahagyang pagtataray niya.
"Naks, possesive!" natatawang sabi ko sa kanya habang natatawa na din siya sa mga pinagsasabi namin. Pero I mean the last one, wala na akong ibang papansinin na babae kundi si Chloe.. syempre si Janine din, pero iba yun.
Janine
I am having lunch with Joshua and Chloe when my phone rings. Tiningnan ko ang phone ko para makita kung sino ang natawag..
"Excuse me, guys." sabi ko ng makita ko ang pangalan na nagfaflash sa phone ko.
"Hey, what's up?" sabi ko sa nasa kabilang linya.
*I'm good, you?* sagot niya sa akin.
"Fine, I'm actually with Chloe and Joshua."
*Aaaah............................. Kaya ako tumawag ay para sabihin sa'yo na nagkausap na kami ni Chloe.*
"Urmm, okay. But. You don't have to tell me that, di ba?"
*That's true. Pero pabayaan mo nalang ako, I need to share this to someone at ikaw lang naman ang nakakaintindi sa sitwasyon namin.*
"Oh okay, so how was it?"
=====.FLASHBACK.=====
Cyrus
"Chloe.." sabi ko sa kanya nang dumating ako sa meeting place namin.
"Hi Sai. Kamusta?" bati niya sa akin.
"I'm good, kanina ka pa ba?" tanong ko sa kanya.
"Not really, galing ako sa landmark, I was with yaya Kurds, pinauna ko na siyang umuwi." sagot niya sa amin.
"Buti naman you've decided to talk to me na." sabi ko sa kanya.
"Actually, I don't know where to start, it's hard for me." nakatungong sabi niya sa akin. Nararamdaman ko ang bigat na dinadala niya, talagang nahihirapan siya, ayaw kong nagkakaganyan siya.
"It's okay, ako nalang ang magsisimula." sabi ko sa kanya, nakatungo pa din siya at hindi alam kung paano magsisimula, kaya dapat ako na talaga ang magsimula. "Chloe, I know you love me, I can feel it but I know that you.. you love.. Joshua too, that you're inlove with him." pagpapatuloy ko.
"Saiii.." sambit niya.
"I knew it Chloe, hindi ko lang pinapansin dati and that was a huge mistake. I love you Chloe and I want you to be happy." sabi ko sa kanya.
"It wasn't a mistake Sai, because I was happy with you, I enjoyed everything we had, I have no regrets." sabi niya sa akin.
"I have. Those moments I've hurt you, pinagsisisihan ko yun. I still don't know how I became so possesive. Buti nga kinakausap mo pa din ako." malungkot na sabi ko sa kanya.
"Hey, friendship is the base of our relationship, kaya whatever happens, we're still friends. Tsaka napatawad na kita so kalimutan mo na yung mga hindi magandang nangyari sa atin." medyo nakangiting sabi niya sa akin.
"Thank you, ang bait mo talaga Chloe." sabi ko sa kanya, ngumiti lang naman siya. "Chloe, I want you to be happy, I want you to go and fight for your love, I want you to be with Joshua." pagpapatuloy ko, nakita kong naluluha si Chloe sa mga sinabi ko. I really mean every single word I've said. Alam ko na napakamartir or isang katangahan ang sinabi ko kay Chloe, pero alam kong magiging masaya siya kay Joshua at alam ko din na they are destined to each other.
"Cyrus.." naiiyak niyang sabi. "I don't know what to say.." pagpapatuloy niya na siyang naging dahilan ng mabilis na pagtulo ng kanyang mga luha.
"Stop crying.." sabi ko sa kanya pagkatapos ko siyang tabihan para icomfort.
"Saaaiii.." pagpapatuloy niya sa kanyang pag-iyak pagkatapos ay niyakap ako. Hays, I really miss her hugs but I have to let her go. Pinabayaan ko lang siyang umiyak dahil alam kong hindi ko na siya mapipigilan umiyak. Matapos ang ilang minuto, tumigil na siya sa kanyang pag-iyak at inayos ang sarili.
"Are you okay now?" tanong ko sa kanya, isang tango lang naman ang isinagot niya sa akin. "Iyakin ka talaga, anyways, sina mom and dad nagdecide na magmigrate sa New York kasi tumatanda na talaga yung mga grannies ko at sasama ako sa kanila."
"But why? Pwede ka naman magstay dito di ba?" nakasimangot niyang tanong niya sa akin, napangiti naman ako, dahil naramdaman ko na ayaw niya akong umalis.
"Yes, pero I have to go with them, family business at miss ko na din kasi ang mga lolo't lola ko.. I'm going to finish my studies there and go back here." explain ko sa kanya.
"Oh okay, pero.." nakasimangot niyang sabi. "You'll keep in touch, right? You should!" pag-iinsist niya.
"Of course, matitiis ba naman kita. And don't worry may 2 weeks pa naman before I leave, so makakapagbonding pa tayo, if Joshua will let you." pang-aasar ko sa kanya, as usual, hinampas niya ang balikat ko. "I was just kidding.." nakangiting sabi ko sa kanya.
"Thanks Sai.." sabi niya sa akin.
"For what? For kidding?" natatawang tanong ko sa kanya.
"No! You fool.." natatawa na din niyang sabi. "For being understanding, for being a good friend."
"Thanks to you!" nakangiting sabi ko sa kanya.
"May plano ka bang magpadespedida party?" tanong niya sa akin.
"Urmm, wala. Pero I would like to go somewhere with you, Joshua and Janine. I want to bond with my friends before I leave." sagot ko sa kanya. Pagkatapos kong magsalita, may nagtext sa akin, si Mommy.
"Aalis ka na?" tanong niya.
"Paano mo nalaman? Si mommy, nagpapatulong." sagot ko sa kanya.
"Okay! Thanks for your time.. Keep in touch ha?" sabi niya sa akin.
"Sure! You take care, hindi na kita maiihatid." medyo disappointed kong sabi sa kanya.
"It's okay, pupunta din naman dito si Tita." nakasmilena sabi niya sa akin.
"I want you to be happy. Be happy!" sabi ko sa kanya. "Ay! It'll be great if you check your old pictures, you know.. memories." pahabol ko sa kanya pagkatapos ay umalis na.
=====.END.OF.FLASHBACK.=====
"Buti naging maayos ang usapan niyo."
*I want to end any negative issues.*
"That's good. So saan tayo pupunta?"
*I don't know yet.*
"I have an idea, text or call me nalang kung kailan mo gustong mag-out of town."
*Okay! Thanks for listening.."
"It's okay, I have no choice naman. Haha.."
*Crazy ka talaga.. Hehe..*
"I know! And you know what you interrupted my lunch, I'm starving."
*Kailan ba hindi? Haha.. Sige lunch ka na ulit. Thanks again.*
"Ha Ha ka dyan! Sige, next time libre mo ko! Keep safe."
*You too, bye!*
After our conversation, bumalik na ako sa table namin at nagpatuloy sa paglulunch. Mukang nagkakaasaran ang dalawa nila Joshua at Chloe.
"Ano na meron?" tanong ko sa kanila.
"Wala naman.." nakangiting sagot ni Joshua, he's happy.
"Yang bestfriend mo, nagyayabang na naman." reklamu-reklamuhan ni Chloe.
"Naku Chloe, parang hindi ka na nasanay diyan sa daddy mo, hindi yan mabubuhay kung hindi magyayabang." sabi ko kay Chloe tapos binigyan ko ng nakakalokong ngiti si Joshua.
"Haha.. Totoo yan!" pagsang-ayon naman sa akin ni Chloe.
"Ah ganon, sige magkampihan kayo, uuwi na ko." pikun-pikunang sabi ni Joshua.
"Not so fast, boy!" pigil ko sa kanya. "Ikaw kaya ang magbabayad nito and I want a melon shake." pagpapacute kong sabi sa kanya.
"Green mango for me, please." nakangiting pang-aasar ni Chloe kay Joshua.
"Ang tatakaw ng kasama ko, mamumulubi ako sa inyo." pagrereklamo niya, pero tinawag din naman niya ang waiter at inorder ang mga shakes.
After our lunch, we went shopping. Namili ng mga new outfits tsaka school supplies din, buti nalang hindi mareklamo si Joshua, dalawang shoppaholic ata ang kasama niya.
Chloe
"I think I need a bigger one." sabi ko kay Janine. Tiningnan niya ang finit ko na damit.
"Nah.. It's sexy, so fit!" pagtutol naman niya.
"You sure?" tanong ko.
"Yeah! Josh, come over!" tawag niya. "Look, di ba okay na yung size? She's so sexy in it." pagpapatuloy niya, medyo nahiya naman ako, hindi kasi ako sanay na tinitingnan ng lalaki kapag nagfifit ng damit.
"Yup! Maganda, pero if hindi ka comfortable then find one that's okay with you." sabi naman ni Joshua, hindi na sa uncomfortable ako pero so daring naman. Pero sige, mas expert si Janine pagdating sa fashion.
"Akin na, ako na ang magdadala." alok sa akin ni Joshua.
"It's okay, I can manage." pagtanggi ko.
"BABY! Akin na sabi.." pag-insist niya.
"I can carry these, daddy." pagtanggi ko pa din. Lalong sumeryoso ang muka niya sa paulit kong pagtanggi.
"I am you're daddy so you should obey me!" sabi niya, natawa naman ako bigla, my daddy? As in tatay? Haha..
"Okay po, itay! Here!" pang-aasar ko sa kanya habang inabot halos lahat ng dala ko, kinuha naman niya at nginitian ako. Pangiti ngiti pa.
Ilang oras kami nag-ikot ikot sa mga shops sa malls. Halos lahat na ata ng shops napasukan na namin. Gasgas na ang cards ni Janine, nakakatuwa siya kasama sa shopping pero medyo nagworry ako kasi andami niyang nagagastos.
"Don't worry guys. These are part of my online job. To buy loads of outfits and fashion stuffs, nababawi ko naman yung mga nagagastos ko dito at may tubo pa, kapag old clothes na tapos hindi na siya nabibili online, dinodonate ko na. So no worries." sabi niya sa amin, nahalata niya ata na nagwoworry kami sa paggastos niya.
Hindi lang kami ni Chloe ang namili, pati si Joshua namili din ng damit niya. May kaartehan din pala siya sa pamimili ng damit. Hanggang sa pumunta kami sa section ng perfumes. Ang sensitive niya, kapag hindi niya gusto, hindi niya talaga gusto. Iilan lang ang mga perfumes na nagugustuhan niya. Buti nalang ang perfume namin ni Janine ay gusto niya.
"Ilagay na kaya muna natin tong mga napamili natin sa kotse bago tayo bumili ng school supplies?" suggest ni Janine sa amin at yun ang ginawa namin dahil fully loaded na ang mga kamay namin, lalo naman si Joshua, ang kulit kasi.
After namin mailagay ang mga napamili namin sa kotse dumeratso kami sa National Bookstore pagkatapos ay sa Powerbooks. Bawat kita ng kakailanganin o pwedeng kailanganin na school supply lagay kaagad sa cart. Kahit mga pangcrafts bumili na din, pareho pala kami ni Janine na mahilig sa crafts, gusto namin mga sariling designs namin ang gagamitin namin. Noong pauwi na kami..
"Daan pala tayo sa ano.." sabi ni Janine.
"Papemelroti?" paputol na tanong ko sa kanya.
"Exactly! Pumupunta ka din dun?" nakangiting tanong sa akin ni Janine.
"Oo, doon ako madalas bumili ng pangcrafts ko.." sagot ko sa kanya.
"Ah talaga? Pareho pala tayo, asan kaya dito ang shop na yun?" tanong niya sa akin.
"Di ko din alam eh, kasi sa totoo lang bihira lang akong pumunta sa mall na to.." sabi ko sa kanya.
"Oh tara na?" sabi sa amin ni Joshua pakalabas niya ng Powerbooks, dahil may nakalimutan siyang bilhin.
"May gusto pa kaming puntahan na shop ni Chloe.." sabi ni Janine kay Joshua.
"Anong shop?" tanong niya.
"Papemelroti!" sagot ko, napangiti naman si Joshua.
"Tara!" yaya niya sa amin. Mukang alam niya kung saan ah.
"Alam mo ba kung nasaan yun?" tanong ko sa kanya.
"Ah! OO nga pala doon din siya bumibili ng pangcrafts.. Remember the post-its? Haha.." natatawang sabi naman ni Janine.
"Pumunta na tayo dun at nagugutom na ako, papakainin niyo ako a." sabi niya at nag-umpisa nang maglakad, pero bago yun, inagaw na naman niya ang ilang mga shopping bags na dala dala ko pati na din ang kay Janine.
Pumunta nga kami sa shop na yun at kung ano ano ang binili, pagkatapos at kumain na kami. Talagang hindi nagbayad si Joshua kaya ako nalang ang nagbayad sa kinain namin, ang rason niya pinagod daw namin siya masyado, kaya hindi na rin ako nagreklamo. Pauwi na sana kami ng biglang..
"Oh my everything!!! This can't be!" nawiwindang na sabi ni Janine.
"Bakit?" tanong ni Joshua. "Ano nangyari?" tanong ko naman.
"Something's wrong sa fashion site!" naaasar na sabi niya habang nakatingin sa blackberry niya. "Wait lang guys ah, may kakausapin lang ako." sabi niya sa amin at lumabas ng restaurant para may tawagan.
Nagkaron na naman kami ng oras ni Joshua para makapag-usap ng kami lang.
"Gaano naman kaya katagal si Janine?" tanong ni Joshua.
"Oo nga, in 1 hour magsasara na 'to." sabi ko naman.
Nagkaron ng katahimikan, parang madaming anghel ang dumaan sa harapan naming dalawa. Hanggang sa nagsalita na siya.
"Chloe.. about sa nangyari these past few days.." panimula niya.
"Oh?"
"Okay ka na ba talaga?" tanong niya sa akin, napangiti naman ako.
"Yes! Oo naman, madami akong narealize na mga bagay bagay." sagot ko sa kanya.
"Buti naman kung ganon." medyo nakasmile niyang sabi sa akin.
"What's wrong Josh?" tanong ko sa kanya.
"Naisip ko lang, parang ako ang reason kung bakit kayo nagbreak ni Cyrus." sagot niya sa kin.
"Not really, madami na ding hindi magagandang bagay ang nangyari sa amin ni Sai, na siyang naging reason ng break up namin. Pero we're okay, actually he wants to spend time with us bago siya umalis." sabi ko sa kanya.
"Umalis? Saan siya pupunta?" tanong niya sa akin, kaya ikinwento ko ang napag-usapan namin about dun sa pag-alis niya, tapos naitanong ni Joshua kung ano pa ang napag-usapan namin kaya nasbai ko na din sa kanya ang mga sinabi sa akin ni Cyrus tungkol sa BE HAPPY.
"Nagiging happy ka naman ba?" tanong niya sa kanya.
"Yeah.. I'm on my way to happiness." nakangiti kong sagot sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin, nakakatunaw ang mga titig niya, halos isang minuto ata siyang nakatitig sa akin na para bang ilang dekada na ang nagdaan ng sabihin niya ang.. "You're my happiness, Chloe."
Parang biglang nilamon ng isang panter ang dila ko, hindi ko alam ang sasabihin ko, napatulala nalang ako. I'm not expecting na sasabihin niya yun.
"Hihintayin kita hanggang sa maging handa ka na. Hindi kita mamadaliin, hindi kita pipilitin. Wala akong ibang hihilingin basta hayaan mo lang akong manatili sa tabi mo." seryosong sabi niya sa akin, hindi ako sanay na ganyan siya, sa post-its lang ako sanay. Hindi ko alam ang sasabihin ko..
"Siguro kung ganyan ka lang kabait nung una palang malamang nagustuhan kita." sabi ko nalang sa kanya dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko, kahit alam kong siya din ang happiness ko.
"Hindi ko kailangang maging mabait para mahalin mo rin ako. Masyado ka lang talagang naging focus sa isang bagay kaya hindi mo nagawang mapansin ang mga bagay na nasa paligid mo." sabi niya ulit, mukang sumablay ako sa pagsagot ko, bakit ba yun pa ang nasabi ko? Fail ka naman Chloe, ano ba yan!
"Hindi yun ang ibig sabihin ko, sorry kung ganon ang naging dating sa'yo. Siguro nga kay Cyrus lang ako nagfocus, siya kasi yung naging fist crush ko di ba? Pero ngayon ko lang narealize na sa'yo pala talaga ako inlove, natatabunan lang yun ng mga pang-aasar mo, hindi ko kaagad napansin.." depensa ko naman sa sarili ko.
"Sorry nga pala sa mga pang-aasar ko sayo noon." napapatawang sabi niya.
"Wala na yun, sa pang-aasar mo tayo naging close di ba? Thankful pa din ako dahil dun.." sabi ko naman sa kanya.
"Kaya lang, dahil dun, hindi mo kaagad narealize.." medyo nanghihinayang na sabi niya.
"Everything happens for a reason, di ba?" sabi ko naman sa kanya para hindi na siya manghinayang. Napangiti na din kahit papano. "Alam mo medyo nahiwagaan ako sa sinabi sa akin ni Cyrus.." dagdag ko.
"Bakit? Ano pa ba sinabi niya sa'yo?" tanong sa akin ni Joshua.
"May pahabol kasi siya, sabi niya.. it'll be great if I check my old pictures.." sagot ko sa kanya.
"May ibig sabihin yan, hindi naman yan sasabihin lang ni Cyrus para hindi ka mabored." sabi ni Joshua. Tama siya, ano kaya ang ibig sabihin nun? Napapaisip ako ng biglang umiral na naman ang kayabang at kakulitan niya hanggang sa nakarating na si Janine. Naayos naman daw ang problema, hindi naman pala malaki, naexage lang naman daw pala siya, aminado.
Noong nasa kotse na kami ni Janine, niyaya niya kami na doon nalang magstay sa kanila, dahil medyo may kalayuan ang bahay namin sa bahay nila Janine at Joshua, pumayag naman ako, kasi naisip ni Joshua na magcrafting ng mga gagamitin namin this school year. Tumawag nalang ako kay tita kaya magsabi na doon ako matutulog ganun din naman ang ginawa ni Joshua.
Pagkadating namin sa bahay nila Janine, nagpahinga muna kami maya may'y nagcrafting na. Hindi mawawala ang tawanan at asaran, kwentuhan tungkol sa mga nangyari noong HS. Nagtanong din kami kay Janine about New Zealand, ngayon ko lang nalaman na madami din pala kami ni Janine na pagkakapareho pagdating sa mga bagay na gustong gawin at lalong lalo na pagdating sa lalaking minamahal namin. Alam ko inlove pa din siya kay Joshua pero isinasantabi niya ang nararamdaman niya dahil alam niyang hindi sa kanya inlove si Joshua. Talagang napapahanga ako kay Janine.
Kinabukasan niyaya ko sila sa bahay para tingnan ang mga pictures ko noon dahil sobrang curious ako. Pagdating namin sa bahay, nagkamustahan muna sila nila tita at syempre ni yaya Kurdz.
"Ay se soperman! Soperman ku! Komosta ka ba ha? Baket ngayun ka lang olet nagponta dene?" sunod sunod na tanong ni yaya Kurdz kay Joshua, natatawa tawa lang naman si Janine, dahil first time niyang makita si yaya Kurdz.
"Yaya Kurdz, OA ka naman, isa isa lang tanong." sabi ko sa kanya.
"Hay nako Kuloy! Wag kang makealam sa amen ha, hende naman ekaw ang kaosap ko.." pagtataray sa akin ni yaya Kurdz, nag-usap muna sila ni yaya Kurdz kaya nauna na kami ni Janine sa kwarto, kinuha ko na din ang mga albums na nasa sala.
Sinimulan na namin ni Janine tingnan ang mga pictures, hindi namin pareho alam kung ano ang dapat namin tingnan at makita. Nagdecide si Janine na tumawag kay Cyrus, sabi ko hindi sasabihin ni Cyrus. Kaya nagpatuloy nalang kami sa pagtitingnin, yung iba hindi ko maalala.
Janine
Nakakaasar si Cyrus, sana sinabi nalang niya para mas madali. Hindi ako mapakali tinext ko si Cyrus, hindi nagrereply, pumunta ako sa CR, tinawagan ko si Cyrus, nung una hindi niya sinasagot pero tinarayan at tinakot ko siya sa text kaya sinagot na niya. Pero hindi niya sinagot ang tanong ko. Pagbalik ko sa kwarto ni Chloe andoon na si Joshua.
"Oh bakit parang asar na asar ka?" tanong sa akin ni Joshua.
"Asar na asar talaga ako!!" bwisit na sabi ko.
"Tinawagan mo si Cyrus no?" tanong sa akin ni Chloe. Napabuntong hininga ako at umupo sa kama.
"Yes! Dahil sobrang nakucurious na ko.. Pero hindi niya sa akin sinabi." sagot ko sa kanya.
"Hindi talaga nun sasabihin." sabi sakin ni Joshu. Nakakaasar talaga.
Wala akong nagawa kundi ang tumingin ulit sa pictures, makalipas ang halos isang oras.
"Parang pamilyar siya.." sabi ni Josh habang tinititigan ang picture, kaagad ko itong tiningnan gusto ko nang malaman kung ano ang gusto ni Cyrus na malaman ni Chloe.
Itinuro ni Joshua ang isang batang lalaki sa pagkakataong iyon tumingin na din si Chloe.
"Pamilyar? Eh di ba ikaw yan Josh? Tingnan mo.." sabi ko kay Joshua. Pareho silang hindi makapagsalita, si Chloe napatulala at si Joshua naman ay nakatitig pa din sa picture.
Ano nga ba ang ibig sabihin ni Cyrus sa sinabi niya kay Chloe?
Si Joshua nga ba ang nasa picture?
Bakit napatulala si Chloe?
Labels:
Ceezza,
Chloe,
Cyrus,
Janine,
Joshua,
Kerokeroppi,
Love Story,
Medyas,
stoo_pid
|
0
comments
Book II Chapter 27.2: Speechless
8:44 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
Chloe
Nasa loob kami ng kwarto ni Janine, nang biglang pumasok si Joshua. Parang bulol siya kung magsalita dahil nakagat daw niya ang dila niya habang kinakagat niya ang yelo. Natatawa tawa naman ako habang nagsasalita siya, nag-iba ang timpla ng pakiramdam ko ng binanggit niya ang pangalan ko.. "Cowi.." Pinaulit ko sa kanya, ganun pa din.. "Cowi.." Hindi ko alam kung bakit, pero sumakit ang ulo ko lalo na nung paulit ulit niyang binanggit ang pangalan ko nung bulol siya. Sobrang sakit, hindi ko maipaliwanag kung bakit, parang may gustong pumasok at parang may mga paikot ikot na kung ano ano sa utak ko na hindi ko talaga malaman ang dahilan. Habang naririnig ko ang "Cowi.." lalong tumitindi ang sakit hanggang sa mahimatay na ako.
Nang magkamalay ko, dahan dahan kong ibunukas ang aking mga mata, nakita ko si Joshua sa tabi ko, nagbabantay, habang si Janine naman ay nasa sofa, nakalaptop.
"Ja-Janine.." tawag ko sa kanya, kaagad naman niyang itinigil ang kanyang ginagawa at pumunta sa akin.
"How are you? Are you okay now? Ano nararamdaman mo?" sunod na sunod niyang tanong sa akin, halatang nag-aalala siya.
"I feel okay, medyo nanghihina pa.. what happened?" nanghihinang tanong ko sa kanya.
"Sumakit ang ulo mo tapos nawalan ka nang malay, nagworry kami, halos 24 hours ka nang walang malay, buti nagising ka na." sagot niya sa akin.
"Ano? Ganon na katagal?" gulat na gulat kong tanong sa kanya. "Oo, buti nga nagising ka na kasi kung hindi baka dadalhin ka namin sa ospital." sagot niya sa akin.
"Kanina pa ba natutulog si Joshua?" tanong ko kay Janine. "Hindi, ngayon ngayon lang, pilit niyang pinipigilan ang sarili niya na makatulog, dahil gusto niya paggising mo siya kaagad ang una mong makikita. Buti nga nakatulog eh.." sagot niya sa akin. Kawawa naman siya, nakakahiya sa kanilang dalawa, paasikaso pa ako.
"Urmm, Janine.. Uuwi na ko ah.." sabi ko sa kanya.
"Ano? Mahina ka pa, magpahinga ka muna.. Ihahatid ka nalang namin ni Joshua pauwi." pagtutol niya sa akin.
"No, naku, wag na. Masyado na ako nakakaabala.. Papasundo nalang ako kina tito, tsaka para makapagpahinga na kayong dalawa." sabi ko sa kanya.
"Pe-peroo---"
"Please Janine, masyado na akong nakakaabala, nakakahiya na. Magpapasundo nalang ako. Salamat talaga." sabi ko sa kanya, wala na naman siyang sinabi, napatango nalang siya.
Bago siya lumabas ng kwarto, humingi ako ng isang post-it sa kanya at nanghiram ng ballpen, may isinulat ako saglit pagkatapos ay tumawag ako sa tito ko para magpasundo, buti nalang andiyan sila. Nag-ayos ako ng aking sarili, inayos ko na din ang pagkakahiga ni Joshua, mukang ang sarap ng tulog niya dahil hindi niya ako napapansin.
"Rest well." sabi ko sa kanya, hinalikan ko siya sa kanyang pisngi at lumabas na ako ng kwarto.
Kinatok ko si Janine sa kanyang kwarto, "Janine, uwi na ako ah, sa labas ko nalang hihintayin si tito." pamamaalam ko sa kanya.
"Kung di na talaga kita mapipigilan, sige. Samahan nalang kita sa labas.. Upo tayo sa bench." sabi niya sa akin.
Bago siya lumabas ng pinto.. "Pwede bang sa akin nalang ang mga yun?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman, ibibigay ko naman talaga sayo yan e.." sagot niya sa akin, kinuha niya ang mga yun at ibinigay sa akin.
"Thanks ah." pagpapasalamat ko sa kanya, napangiti nalang siya.
Lumabas na kami, naghintay saglit sa may bench at nang dumating na ang tito ko, umuwi na ako. Nang makarating kami sa bahay, kumain ako at nagpahinga sa may sala.
"Kuloy, ukey ka na ba?" tanong sa akin ni Yaya Kurds.
"Oo, okay na ko. Magpahinga ka na." sagot ko sa kanya.
"Sege, papahenga na ako." pamamaalam niya sa akin.
Ilang oras ako andoon sa sala, nakahiga sa sofa, nag-iisip. Alam ko may migraine ako, pero parang hindi naman migraine yung kanina, masyadong matindi. Nagpalakad lakad ako sa sala hanggang sa napansin ko ang mga albums doon sa may gilid ng tv. Kinuha ko ang mga iyon at isa isang tiningnan. Sa mga litratong yun, kasama ko pa ang mga magulang ko, may mga naaaalala pa ako tungkol sa kanila, sa mga ginagawa namin. Kung saan kami nakatira dati. Madami din akong hindi maalala, siguro dahil bata pa nga ako nuon, buti nalang may mga picture. Atleast kahit papano makikita ko ang mga nakasama namin noon, mga nakasama ko. Ang cute ko nung bata pa ako, haha, sa mga pictures ko mukang astig ako noon, hindi katulad ngayon.
"Kuloy, let's go to the hospital.." sabi sa akin ni tita, napatigil tuloy ako sa pagtingin sa mga albums.
"Pero tita, I'm fine na, feeling okay na po." sabi ko sa kanya.
"No Chloe, I want to make sure that there's nothing wrong, kasi mag-aout of town na naman kami ni tito mo, alam mo naman ang negosyo natin. Gusto kong masigurado na okay ang lahat bago kami umalis." sabi niya.
Wala na akong nagawa kundi ang sumama kay Tita at Tito, nagpacheck up, kung ano anong test ang pinagawa sa akin. Wala naman siguro akong sakit na malubha. Healty foods naman ang mga kinakain ko, yun nga lang minsan nalilipasan ako ng gutom. Ano ba yan? Nung dumating ang results, okay naman daw ang lahat, normal naman daw ang mga resulta, at paminsan minsan daw talaga ay nakakaranas ng ganun ang mga tulad ko.
Pagkatapos sa ospital ay umuwi na kami, nasa may gate palang kami at nakita ko na si yaya Kurds na tumatakbong papalabas ng pinto ng bahay..
"Hoy, yaya Kurds! Wag ka ngang tumakbo.." sabi ko sa kanya.
"Ih paanu naman kase kuloy, kanena pa sayo naghehentay se batman, andon sa luob, dalean mo!" sabi niya sa akin sabay alis.
Si Cyrus? Andito siya, anong ginagawa niya dito? Ready na ba talaga akong harapin siya? Okay na naman ang pakiramdam ko, yung ginawa naman niya sa akin, hmmm, ewan, hindi na naman ako galit, pero kapag naiisip ko, naaalala ko, nasasaktan pa din ako ng konti. Kakausapin ko ba siya? Mas pipiliin kong magpahinga nalang muna.
"Kuloy, bakit ba natigilan ka diyan? Harapin mo ang bisita mo." sabi sa akin ni Tita. Naku naman, magpapahinga nalang sana muna ako e, hindi ko alam kung ano ang mga masasabi ko kay Cyrus, pero I have no choice.
Pumasok ako sa bahay at dumeretso sa sala, nakita ko na nakaupo dun si Cyrus, napatingin naman siya sa akin at akmang tatayo, sinenyasan ko siya na wag nang tumayo, pagkatapos ay umupo na ako sa may tapat niya.
"Kamusta ka na? Ano sabi ng mga doctors?" mga tanong niya sa akin.
"Okay naman ang mga results ng mga test na ginawa sa akin. Kamusta na ako? Ito, medyo magulo ang isip." sagot ko sa kanya.
"I am really sorry for what I've done." sabi niya sa akin pagkatapos ay may mga tumulong luha sa kanyang mga mata. Seryoso na ba siya this time? Or may mga kasinungalingan na naman siya? Hindi ko na alam ang iisipin ko, pero ang bigat sa pakiramdam habang nakikita ko siyang umiiyak, mahal ko pa din kasi siya, kaya lang, may parte ang puso ko na nagsasabing hindi na tama ang mga nangyayari.
Nagulat ako ng may biglang kumapit sa balikat ko, si Cyrus pala, napatulala pala ako at hindi ko napansin na napaluha na din ako. Nakita ko na nakaluhod siya sa may tabi ko.
"Cyrus, ano ka ba? Tumayo ka nga diyan.." medyo natataranta kong sabi sa kanya. Pero hindi siya natitinag. Nakaluhod pa din siya. Kinapitan niya ang mga kamay ko.
"Chloe, please forgive me. Hindi ko na ulit gagawin yun, I really love you Chloe.." habang sinasabi niya ang mga yan, palingon lingon ako kasi baka nakikita kami nila tita, nakakahiya.
"Cyrus, tumayo ka dyan, nakakahiya kina tita.." pabulong na naaasar kong sabi sa kanya.
"Chloe, please, I am really really sorry. Please forgive me." pagmamakaawa niya sa akin, sino ba kasing may sabing galit ako sa kanya?
"TUMAYO KA NGA DIYAN!" napasigaw kong sabi dahil sa kabwisitan ko sa kanya, tumayo naman siya, kumalma naman ako nang nakita kong tumayo siya.
"Patawarin mo na ako Chloe, please please.." pagmamakaawa pa din niya sa akin. Umupo ako, umupo din naman siya sa may tabi ko..
"Hindi naman ako galit sayo eh." sabi ko sa kanya. "Hindi ka galit? Talaga? So pinapatawad mo na ako?" parang excited na excited niyang sabi sa akin.
"Hindi ako galit sayo, pero hindi ibig sabihin nun na hindi ako nasaktan sa ginawa mo." sabi ko sa kanya, tahimik lang naman siya.
"Hindi ko pa din maintindihan kung saan nanggaling ang mga dahilan mo para gawin mo yun." pagpapatuloy ko.
"I don't know either, maybe I just love you too much and I didn't notice that I wasn't doing the right thing." sabi niya.
"Siguro nga, pero sobrang masakit yung ginawa mo sa akin." sabi ko naman sa kanya.
"I know, I just realized. And I am really really sorry for what I've done. I love you, Chloe, nabulag ako, hindi ko kaagad nakita na nasasaktan ka na pala ng pagmamahal ko. I beg for your forgiveness, Chloe Yu." paghingi na naman niya ng tawad.
"Gaya ng sinabi ko sayo kanina, hindi ako galit sa'yo, masakit lang talaga yung ginawa mo sa akin, so you don't have to beg for my forgiveness." sabi ko.
"Pero nasaktan kita, sorry Chloe, sorry!"
"Stop saying sorry Cyrus, alam ko naman na hindi mo din gustong mangyari yun, na nagawa mo lang yung because of love, but it's too much." sabi ko sa kanya pagkatapos niyang magsorry, nakakairita na, paulit ulit.
"Okay!" ang tanging nasabi niya. Hindi ko na alam ang sasabihin ko, wala na din naman siyang sinasabi. Ilang minutong pareho kaming hindi nagsasalita hanggang sa.. "Chloe.. can I ask you a question?" tanong niya.
"Ano?" tanong ko sa kanya.
"Do.. Do you.. You still lo-love me?" nauutal niyang tanong na nakapagpatulala sa akin, bakit ganun? Hindi ko alam ang isasagot ko, alam ko sa isip ko na mahal ko siya, pero bakit merong pumipigil sa akin na sabihin yun. Tama nga kaya si Janine? Na hindi talaga si Cyrus ang mahal ko? Na blinded lang ako sa kanya pero ang totoo si Joshua talaga ang mahal ko? Naguguluhan ako. Ano na nga ba?
"Chloe.." sabi niya sa akin, na nagpatanggal sa pagkatulala ko, napalingon ako sa kanya at biglang tumulo ang aking mga luha, hindi ko pa din alam ang aking sasabihin. "Chloe, please give me another chance.." sa sinabi niyang yan, lalong tumulo ang aking mga luha, lalo akong nawalan ng mga salita, para ako biglang napipi, parang nakain ng pusa ang dila ko, hindi ko alam ang aking sasabihin.
"Chloe, do you still love me?" parang dinudurog ang puso ko sa tanong niyang yan, pagkatapos kong makinig yan ay kinapitan niya ang aking mga kamay na siyang naging sanhi ng tuluyan kong pag-iyak. Pinipigilan ko ang aking pag-iyak pero hindi ko kaya hanggang sa niyakap ako ni Cyrus.
"Chloe.. please stop crying, sorry!" sabi niya sa akin, kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Sorry? No! No, Cyrus!! I am sorry.." pasigaw na sabi ko sa kanya, halata sa kanyang mata ang pagtataka. "I am really sorry, Cyrus!" naiiyak ko pa ding sabi sa kanya.
"So you, you mean.. you, you don't.. love me anymore?" tanong niya sa akin.
"Please! Please don't make me answer that question 'cause.. it's breaking me into pieces.." para akong dinudurog habang sinasabi ko ang mga yan.
"I am the one whose breaking into million pieces, Chloe." napapaluhang sabi niya sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya, ang alam ko lang is I cant be with him anymore as my partner but I can't tell him.
"Bakit ganun, Chloe? Sabi mo.. Sabi mo walang iwanan pero bakit parang unti-unti mo na akong iniiwanan. Hindi ko alam kung paano haharapin ang bukas at makalawa ng wala ka.." sabi niya sa akin habang umiiyak.
"Hindi ko alam, Sai." naiiyak ko pa ding sabi sa kanya. Pagkatapos ng sagot ko sa kanya, nagsimula ang napakahabang katahimikan, walang nagsalita ni isa sa aming dalawa, ang tanging naririnig lang namin ay ang mga pag-iyak namin, ang pagsubok na pigilan ang pagtulo ng aming mga luha. Halos mag-iisang oras na ata kaming hindi nagsasalita, unti-unti na din kaming kumakalma, napapatigil na kami sa aming pag-iyak hanggang sa makarecover na nga kami sa aming pag-iyak.
"Uhmm.." pauna ni Cyrus. Napatingin lang naman ako sa kanya. "I know you're getting irritated 'cause I kept on saying that I am really sorry, I'm really sorry, Chloe. I have to say sorry kasi alam kong nagkamali ako and I deserve all this." pagpapatuloy niya.
"Sai.." pagputol ko sana sa kanya pero nilagay niya ang kanyang isang daliri sa aking mga labi para pigilan akong magsalita.
"Chloe, you don't have to say anything for now, I know you're hurt, you're confused. I was. But someone made me realize everything." sabi niya sa akin habang bahagyang nakangiti. Sino kaya ang someone na yun? Kilala ko kaya yun?
"I know you love me, I can feel it, but I also know that you're inlove with Joshua." naluluha luha niyang sabi sa akin, nagulat naman ako sa sinabi niya. Pareho sila ng sinabi ni Janine, na inlove ako kay Joshua. Siguro, malamang tama sila, sa nararamdaman kong 'to.
"Chloe, alam ko ang dahilan kung bakit hindi mo masabi sa akin na hindi ka na sa akin inlove, di ba dahil ayaw mo akong masaktan?" seryosong sabi niya sa akin. "Okay na, okay lang.. sa totoo lang matagal ko nang alam yan, pero hindi ko pinapansin kasi naisip ko na kung totoo man yung nararamdaman kong yun, sasabihin mo sa akin, siguro dahil ako na yung boyfriend mo, pinanindigan mo nalang dahil may nararamdaman ka din namang pagmamahal para sa akin, di ba?" pagtatapos niya.
Hindi ko alam ang sasabihin ko, nang ibubuka ko na ang aking bibig para magsalita, pinigilan na naman niya ako.
"Don't! Kapag sure ka na at hindi ka na naguguluhan tsaka ka magsalita. Didistansya muna ako, you can call me anytime you want, kapag ready ka na, call me. I'm willing to do everything you want." sabi niya sa akin. Napaluha na naman ako, wala na akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak, hindi na ba to titigil?
"Alis na ako, Chloe. Pasenxa na sa istorbo, magpagaling ka, okay? Take care." pagmamaalam niya at hinalikan niya ako sa noo, pagkatapos ay umalis na siya. Nilingon ko siya habang papalabas ng bahay, nakita kong lumingon din siyang nakangiti. Hindi ko na nagawang magsalita, hindi ko alam kung bakit, ngayong araw na to lang ako napipi ng ganito.
Cyrus
Pumunta ako sa bahay nila Chloe para kausapin siya, para humingi ng tawad at para humingi ng second chance, kung saka sakaling hindi niya ako bigyan ng isa pang pagkakataon, alam ko na ang aking gagawin. Pero pagdating ko dun, wala siya dun, sabi ni yaya Kurds nasa ospital daw si Chloe, bigla naman akong kinabahan, buti nalang check-up lang naman daw pala. Natawag pa akong OA ni yaya Kurds. Naghintay ako ng ilang oras bago siya dumating.
Nakita ko kanyang mga mata na para bang ayaw niya akong makita, na naguguluhan siya, na hindi alam ang gagawin o sasabihin niya. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. Umupo siya sa sofa sa harapan ng inuupuan ko, kinamusta ko siya, humingi ako ng tawad sa kanya, lumuhod pa ako para ipakitaa sa kanya ang sincerity ko. Nairita siya, sinigawan niya ako. Nagkaiyakan kaming dalawa. Kitang kita sa mga mata niya at sa kilos niya na talagang naguguluhan siya, na hindi niya alam kung anong sasabihin. May mga panahong pareho kaming hindi nagsasalita. I asked her if she still loves me, pero hindi siya makapagsalita. Ngayong kumpirmado na na talagang kay Joshua siya sa inlove, kung nuon nararamdaman ko lang, ngayon sa hindi niya pagsasalita alam ko nang hindi na talaga ako ang mahal niya.
Ang sakit sakit, unti unti akong nadudurog. Pero alam ko naman na kasalanan ko din hindi ko lang ineexpect na ganito ang mangyayari. Kahit gusto na niyang magsalita, pinigilan ko siya, dahil alam kong hindi siya sigurado sa mga sasabihin niya. Sinabi ko nalang sa kanya na tawagan niya ako kapag ready na siyang makipag-usap, pagkatapos ay nagpaalam.
Pinigilan ko ang umiyak, pangiti ngiti pa nga ako nung nasa harap ni Chloe hanggang sa huling paglingon ko sa kanya, pinilit kong ngumiti hanggang sa paglabas ko ng bahay nila. Nang nakasakay na ako sa kotse, hindi ko na napigilan ang umiyak. Para akong batang babaeng inagawan ng pinakapaboritong candy. Hindi ko alam ang gagawin ko, tama ang sinabi ko sa kanya, hindi ko alam ang gagawin ko ng wala siya sa piling ko.
Joshua
Pagmulat ng mga mata ko si Chloe kaagad ang hinanap ko pero hindi ko siya makita sa kama kung saan nakahiga siya dapat. May nakita akong post-it note sa may side table, binasa ko iyon.
*Daddy, thanks for taking care of me.
Uuwi na muna ako, don't worry, I'll be fine.
Magpahinga ka, okay? ?*
Naku! Bakit ba kasi ako nakatulog. Anong oras na ba? Gabi na pala, kaya pala nagugutom na ko. Buong araw akong nakatulog? Record yun ah. Lumabas ako ng kwarto, pumunta ako sa kwarto ni Janine pero wala siya dun, hindi naman niya siguro ako iniwan habang natutulog. Pagpunta ko sa kusina, nakita ko ang mesa, madaming pagkain, mga paborito ko pa, malamang para sa akin to. Umupo ako dun at kumain. Maya maya nakita ko na padating na si Janine.
"Gising ka na pala Sleeping Handsome, eat well." pagbati niya sa akin.
"Salamat. Tara kain tayo, gutom na gutom na talaga ako." pagyaya ko sa kanya.
"Halata naman eh, sige lang, para sayo talaga yan.." pagtanggi niya sa akin.
"Nga pala? Bakit mo hinayaang umalis si Chloe?" tanong ko sa kanya bago ako sumubo, umupo naman siya sa kabilang upuan.
"She insisted." maiksing sagot niya sa akin.
"Uhmm.. Sure ka kumain ka na?" tanong ko ulit sa kanya kahit si Chloe ang natakbo sa isip ko, kamusta na kaya siya?
"Are you really concern? Parang hindi naman, Chloe is alright. Pinacheck up siya ng tita niya when she got home, okay naman daw ang mga results, nagpapahinga na siya ngayon." sabi niya sa akin, halata bang si Chloe ang iniisip ko?
"Paano mo naman nalaman yan? Galing ka ba sa kanila? O tinawagan mo siya?" tanong ko sa kanya.
"Relax. I have connections noh? Just keep on munching, punta lang ako sa room ko." sabi sa akin ni Janine at nagpunta na nga siya sa kanyang kwarto, ako naman ay nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatpos kong kumain, naghugas ako ng pinagkainan ko at inayos ko yung kwartong tinulugan ko. Pumunta ako sa room ni Janine, pagkabukas ko ng pinto nakita ko na may kausap siya, nang makita niya ako nagpaalam kaagad siya sa kung sino mang kausap niya.
"Finished eating?" tanong niya sa akin.
"Yup! Thanks ah, sarap." sabi ko sa kanya sabay upo.
"You're welcome. Stop worrying about Chloe, she is fine." sabi niya sa akin. Muka ba talagang nagwoworry ako masyado kay Chloe? Halatang halata ni Ja, nakakainis naman.
"Tawagan ko kaya siya?" tanong ko sa kanya, tumango lang naman siya sa akin.. "Nagkausap na ba sila ni Cyrus?" dugtong na tanong ko sa kanya.
"That's possible." sagot niya sa akin.
"Really?" napakunot noo kong tanong. "Gusto kong malaman kung ano ang napag-usapan nila." sabi ko.
"Why? Ready ka na ba na ipaglaban si Chloe?" seryosong tanong niya sa akin, napaisip naman ako bigla.
"Ipaglaban si Chloe? Paano? Si Cyrus ang mahal niya." sabi ko naman sa kanya.
"O-M-G! Are you guys stupid? Honestly, you're frustrating!" napakalalim na buntong hiningang sabi sa akin ni Janine, ganun na ba talaga akong katanga? You guys? Kami? Nakaausap niya si Chloe tungkol dito?
"Nakausap mo si Chloe about this?" tanong ko kay Janine.
"Urm.. yes! Both of you should talk." sabi niya, wala naman akong nasabi. "Atleast ikaw alam mo na si Chloe ang mahal mo, na inlove ka sa kanya pero si Chloe is still blinded, or maybe ngayon unti unti na niyang narerealize na, oo mahal niya si Cyrus, pero sayo naman talaga siya inlove." pagpapatuloy ni Janine.
"Alam mo talaga lahat eh noh?" sabi ko sa kanya with fake smile.
"Of course!" sabi niya sa akin at ginantihan niya ako ng fake smile din, cute. "At alam ko din na nag-aalala na sayo ang mama at papa mo, kaya tinawagan ko na sila, I told them that you're here and you're busy with your lovelife."
"Ikaw talaga, pati ba naman yun!" sabi ko sa kanya. Pareho kaming natahimik, ako nag-iisip kung ano ang dapat gawin, siya naman ay nasa harap ng laptop niya. Sinilip ko kung anong ginagawa niya, about fashion pala. Kung ano anong picture ng damit. Napahiga ako, hindi ko pa din alam ang gagawin ko. Tatawagan ko ba si Chloe? Ano naman ang sasabihin ko? Kakamustahin ko siya, pagkatapos? Hindi ko na alam. Hays.
"Ja, help me!" pag-ungot ko kay Janine, kaagad naman niyang isinara ang kanyang laptop. At humarap sa akin. "Ano ang dapat kong gawin?" tanong ko sa kanya, napairap naman siya pagkatapos ay ngumiti.
"Muka ba talaga akong adviser?" seryosong tanong niya sa akin. "Ja, naman eh." arti-artihang sabi ko sa kanya.
"Joke lang. Okay!" sabi niya sabay hinga nang malalim. "You're inlove with Chloe, she is inlove with you, pero dinedeny pa niya. Sa tingin ko, you should go for her, make her realize that she is really inlove with you before it's too late." sabi niya sa akin.
"What about Cyrus?" tanong ko sa kanya, bahagya siyang napatawa.
"Cyrus? Don't worry about him.." sabi niya. "I'll take charge.." nakakalokong sabi niya.
"Anong pinaplano mo?" curious na curious kong tanong sa kanya.
"Nah, I was just kidding. But seriously, don't mind him. Trust me!" sagot niya sa akin, kinuha niya ang cellphone ko, may mga pinindot at ibinigay sa akin. "Here! Talk to her." sabi niya.
"What? I'm not yet ready, hindi ko alam ang mga sasabihin ko.." pag-angal ko sa kanya.
"Baaaaah, speak your heart out kid!" pagtataray niya sa akin.
*Hello..* sabi sa kabilang linya. Naasar naman ako bigla kay Janine, hindi ko alam ang sasabihin ko.
*Josh, ikaw ba talaga yan?* tanong ni Chloe. Napatingin ako kay Janine, medyo binigyan ko siya ng matalim na tingin. Ginantihan naman niya ako ng pagpapout ng lips, pagpapacute na smile at pilik sabay tawa. Babaeng to talaga, baliw. Sinagot ko ang tanong ni Chloe at nag-usap na nga kami, pumuwesto ako dun sa sofa ng kwarto ni Janine.
Janine
I was talking with someone when Joshua entered my room. Nagulat ako kaya nagpaalam kaagad ako sa kausap ko. Then we talked for a while, tapos silence, so I decided to check my collections on my laptop. Matapos ang ilang minuto, tinanong ako ni Joshua tungkol sa kung anong gagawin niya. Ganun na ba talaga sila katanga? I'm not being mean, pero alam naman na nila ang gagawin nila, ang gusto nilang gawin, pero kailangan ba talaga na itanong pa sa akin o sa kung kanino? Sinabi ko sa kanya ang sa tingin kong kailangan niyang gawin at idinial ang number ni Chloe sa kanyang cellphone at ibinigay ito sa kanya, nag-arti artihan pa siya, hindi daw alam ang gagawin, kaasar ng konti.
Habang nakikipag-usap si Joshua kay Chloe sa phone, patingin tingin ako sa kanya, mukang okay naman ang pag-uusap nila. Nararamdaman ko na finally, matatapos na din ang mga gusot about sa lovelife nila. Everything will be okay very soon.
Labels:
Ceezza,
Chloe,
Cyrus,
Janine,
Joshua,
Kerokeroppi,
Love Story,
Medyas,
stoo_pid
|
0
comments
Book II Chapter 27.1: Chloe's Sudden Headache
8:43 AM |
Posted by
ceezza |
Edit Post
Narrator
Pagkatapos ng umalis ni Cyrus nanatili pa muna si Janine sa Starbucks para mag-isip isip, halos isang oras din siya dun pagkatapos ay umuwi na din. Pagkapasok niya sa bahay, nadatnan niya si Chloe at si Joshua na nasa sala, mukang worried na worried si Chloe at hindi alam ang gagawin habang si Joshua naman ay parang nanggagalaiti sa galit na parang bang gustong manuntok ng kung sino.
Janine
"I'm home.." sabi ko na siyang naging dahilan ng kanilang paglingon.
"Saan ka nanggaling?" masungit na tanong sa akin ni Joshua, napatingin lang naman ako sa kanya pagkatapos ay kay Chloe, sa pamamagitan ng aking mga mata tinanong ko si Chloe kung anong problema, napatungo nalang siya.
"I'm asking you Ja!" pagsusungit na naman niya.
"I know, okay? Bakit kailangan sumigaw?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ka sumasagot e.." sabi niya sa akin.
"Daddy, calm down." malambing na sabi ni Chloe, napatingin lang naman si Joshua sa kanya.
"What's the problema ba?" tanong ko sa kanila.
"Kinuwento na kasi sa akin ni Chloe yung mga ginawa ni Cyrus sa kanya." galit na galit na sagot sa akin ni Joshua.
"Aaah, ganun ba?" ang tanging reaksyon ko.
"Hindi mo man lang ba aalamin kung ano ano yung mga yun?" tanong sa akin ni Joshua.
"Wag na Joshua, nakakahiya." sabi ni Chloe habang kinapitan niya sa braso si Joshua.
"Urm, Josh, I don't have to. I can imagine it naman." sabi ko kay Joshua. Kitang kita sa mga mata ni Joshua na nagagalit pa din siya dahil sa mga nalaman niya. "Bakit hindi ka kaya kumuha ng cold drinks para lumamig ang ulo mo?" pagpapatuloy ko, na siya namang ginawa ni Joshua.
Si Chloe na kaninang nakaupo ay lumapit papunta sa akin.. "I'm sorry, Janine." mahinang sabi niya sa akin.
"Naku! Wala yun, I understand, tsaka you don't have to say anything because I know everything." nakangiti kong sabi sa kanya.
"You know everything?" gulat na gulat niyang tanong sa akin. Umoo naman ako at sinabi ko kung paano ko nalaman ang lahat, sa pagkakataong yun, nahiya na naman siya sa akin. "Hindi ko kailangang mahiya, kasi like I've said, I understand, you and your situation, mahirap talaga ang ganyan, pero hopefully magagawa mo din ang gusto at dapat mong gawin." sabi ko sa kanya, kita ko sa mga mata niya na naguguluhan siya sa mga sinabi ko, nginitian ko nalang siya.
"Come, I'll show you something." sabi ko sa kanya at sumama naman siya sa akin. Pumunta kami sa kwarto ko, may inilabas akong isang kahon at isang paper bag.
"Para san yan?" tanong sa akin ni Chloe. Imbis na magsalita ako, inabot ko nalang sa kanya ang dalawang bagay na yun. Inilapag naman niya iyon sa mesa at ang una niyang binuksan ay ang paper bag. Nang kinuha na niya ang nasa loob nito, natigilan siya at natulala..
"Surprised?" tanong ko sa kanya. "Di ba yan yung kauna-unahang medyas na ginamit mo dun sa school noon? At si Joshua ang nakakuha niyan." pagpapatuloy ko. Napatango naman siya.
"Sabi ko na nga ba siya ang nakakuha ng medyas ko dahil nung graduation nakita ko na suot suot niya yun." napapaluhang sabi niya.
"Nakaframe pa yan ah. Sobrang special kasi yan para kay Joshua." sabi ko sa kanya na siyang naging dahilan ng pagpatak ng kanyang luha.
"Talagang pinapahalagahan ako ni Daddy." sabi niya matapos niyang punasin ang kanyang mga luha.
"Pinapahalagahan?" napapailing na tanong ko sa kanya. "Tingnan mo kung ano ang nasa loob niyang box." utos ko sa kanya.
Binuksan naman niya ang kahon at nang makita ang mga andoon, pumatak na naman ang kanyang mga luha. Bumungad sa kanyang mga mata ang isang post-it na may nakasulat na.. "You are my Princess, Chloe Yu, forever and always." Kinuha niya iyon, pagkatapos at nakita niya ang sari-saring stolen pictures niya na kinunan ni Joshua, isa isa niya iyong kinuha para tingnan, maya maya pa'y nakita na niya ang mga post-it replies niya noon kay Superman, lalo siyang naiyak. Marahil ay naalala niya ang mga nakaraan nila ni Joshua.
"My superman.." mahinang bigkas niya.
"Pagpapahalaga lang ba talaga ang sa tingin mong nararamdaman ni Joshua para sayo?" tanong ko sa kanya ngunit hindi siya nagsalita. Napipi na ata siya, bibihira na siyang magsalita. "Chloe, make up your mind, hindi sa lahat ng pagkakataon e andiyan si Joshua para sa'yo. Sa mga oras na to siguro naman you've already figured out na hindi talaga kami magboyfriend ni Joshua.." pagkasabi ko sa kanya niyan ay biglang napatingin sa akin si Chloe, na para bang wala siyang kaideidea na hindi talaga kami ni Joshua.
"Oh c'mon Chloe!! Wake up!! Hindi kami ni Joshua, never naging kami because he is deeply inlove with you." naiiritang sabi ko sa kanya dahil hindi ko na alam kung talaga bang wala siyang kaideideya o nagtatanga tangahan lang siya.
"Then why?" gulong gulong tanong niya sa akin, na lalong ikinairita ko.
"You're kidding, right? Kaya kami nagpanggap ni Joshua dahil ayaw niya na mag-away pa kayo ni Cyrus pero ang totoo hindi talaga kami, ikaw ang mahal ni Joshua and we both know that you're also inlove with him, blinded ka lang dahil kay Cyrus." mabilis kong sabi sa kanya.
"I do love Cyrus, Janine." nakakaawang sabi niya sa akin, sa itsura niya ngayon humupa ang pagkairita ko sa kanya, nilapitan ko siya at umupo kami sa may kama..
"Chloe, I know you love Cyrus but I also know that you're inlove with Joshua." sabi ko sa kanya habang kapit kapit ko ang kamay niya, wala pa din siyang imik, tila nag-iisip.
"Chloe, kahit ilang beses mong isipin yan ng isipin, you won't figured it out, pakinggan mo ang puso mo, hayaan mo na ang puso mo ang magsabi sayo kung sino ba talaga ang mahal mo. I know you're keep on convincing your mind that you're inlove with Cyrus because he is your boyfriend. But you're heart is beating for Joshua hindi mo lang pinakikinggan, if I know, palagi mong hinahanap noon si Joshua kay Cyrus and kung kani-kanino." sabi ko sa kanya.
"Janine.." sabi niya sa akin sabay yakap ng mahigpit. "I'm really confused.." iyak na iyak niyang pagpapatuloy. "What should I do?" tanong niya sa akin.
"Listen to your heart, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo." sabi ko sa kanya habang kinocomfort ko siya.
Ilang minuto lang ang lumipas ng biglang bumukas ang pinto kaya kaagad pinunasan ni Chloe ang mga luha niya.
"Yanine!!" sigaw ni Joshua.
"Yanine? It's Janine, Josh!" sabi ko sa kanya.
"Oo nga, Yanine, nakagat to kasi yung dira to habang kinakagat to yung yero e.." sabi niya, napatawa naman bahagya si Chloe sa sinabi ni Joshua ako naman ay nagtaka.
"Yero?" napapaisip kong sabi sa kanya, kinakagat niya ang yero? "Aaah, yelo! nakagat mo yung dila mo?" pagtatanong ko sa kanya.
"Oo! Antakit nga eh.." sabi niya, natatawa pa din si Chloe sa kanya. "Naghanda ato ng meryenda, tala kain tayo." pagyaya niya sa amin.
"Ayos!" sabi ko, nagugutom na naman kasi ako. "Susunod na ako.." sabi ni Chloe.
"Tabay ka na samin, Cowi.." sabi ni Joshua, napatingin naman ako kay Chloe, medyo nag-iba ang face expression niya.
"Anong tawag mo sakin?" medyo nakapikit na tanong ni Chloe kay Joshua, parang may something.
"Cowi! Di ba yun naman an name mo Cowi!" sagot ni Joshua sa kanya, lalong nag-iba ang face expression ni Chloe, napahawak siya sa kanyang ulo at dumaing ng sakit. "Aaaaah.." Napatakbo naman kami ni Joshua papunta sa kanya dahil napaupo na siya sa sahig dahil sa sakit.
"Cowi! Cowi anong nangyayali tayo?" tanong ni Joshua. "Chloe, what's wrong?" tanong ko naman sa kanya. Hindi siya makapagsalita, wala siyang ibang masakit kundi "Aaaaaah.. Aaahh..", daing siya ng daing dahil sa sakit ng kanyang ulo. Parang minamigraine siya, I can't imagine kung anong sakit ang nararamdaman niya pero I'm sure it's so painful.
"Cowi, Cowi.. Ano ba nangyayali tayo?" worried na worried na tanong ni Joshua sa kanya, hindi malaman ni Joshua ang gagawin niya, neither do I.
"A-a-a-ang sakit.. Aaaahhh.. Aaahhhhhhhhhh.. Aaaaaaaahh.." sunod sunod na daing niya hanggang sa mahimatay siya.
Labels:
Ceezza,
Chloe,
Cyrus,
Janine,
Joshua,
Kerokeroppi,
Love Story,
Medyas,
stoo_pid
|
0
comments
Medyas Lovers!
Blog Archive
-
▼
2012
(56)
-
▼
March
(21)
- Book II Chapter 11: Textmate
- Book II Chapter 12: Break?
- Book II Chapter 13: Truth or Lie?
- Book II Chapter 14: Sorry, Goodbye!
- Book II Chapter 15: Partners in Crime
- Book II Chapter 16: "You'll never see me again!"
- Book II Chapter 17: Misunderstanding
- Book II Chapter 18: Moving On
- Book II Chapter 19: Confrontation
- Book II Chapter 20: Reconciliation
- Book II Chapter 21: JJ's Moments
- Book II Chapter 22: CC's Moments
- Book II Chapter 23: Before The Event
- Book II Chapter 24: The Event
- Book II Chapter 25: Busted
- Book II Chapter 26.1: Superman To The Rescue
- Book II Chapter 26.2: Superman To The Rescue / Date?
- Book II Chapter 27.1: Chloe's Sudden Headache
- Book II Chapter 27.2: Speechless
- Book II Chapter 28.1: Flashbacks
- Book II Chapter 28.2: My Memory Is Back!
-
▼
March
(21)
Most Viewed
Powered by Blogger.