Monday, March 26, 2012

Book II Chapter 28.2: My Memory Is Back!



Janine

Pareho silang walang kibo, kinuha ko ang picture kay Joshua. "Hey! Look oh, ikaw na ikaw to Joshua.. And.. Is this you, Chloe?" tanong ko sa kanya, hindi ko maexplain pero nahahyper ako. Hindi sila sumasagot, so kumuha pa ko ang ibang pictures. Kinompare ko ang itsura ni Chloe sa picture na kapit kanina ni Joshua at sa iba pang pictures.

"No doubt! This is you Chloe. But bakit andito si Joshua?" tanong ko sa kanya, pero hindi siya kumikibo. "Ano ba guys? Napipi kayo bigla?" tanong ko sa kanila tapos kinapitan ko at kinalog kinalog ko ang balikat ni Joshua and I snapped my fingers on Chloe's face. Si Joshua natauhan ng konti and muling tiningnan ang picture.

"Cowi?" patanong na sabi ni Joshua. Sino si Cowi? Tanong ko sa sarili ko, bigla namang nagsalita si Chloe..

"Yosh-a?" patanong naman ni Chloe. Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin yun, biglang nagkatinginan si Chloe at si Joshua. Nanlaki ang kanilang mga mata hanggang sa napapapikit pikit na si Chloe at nagsimulang sumigaw.

"Aaaahhh, aaah-ah-aaaaaaaah" paulit ulit niyang sigaw habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa ulo at napahiga doon marahil ay sa sakit ng kanyang ulo, hindi ito ang unang beses na nangyari ito sa kanya.. Kaming dalawa naman ni Joshua ay hindi mapakali, hindi alam ang gagawin.

Maya maya pa'y hingal na hingal siyang napatigil sa kanyang pagsigaw at napatulala. Sinigawan ko si yaya Kurdz para kumuha ng tubig. Dahan dahan naming inupo si Chloe, pinapakalma siya ni Joshua, nanlalaki pa din ang kanyang mga mata. Binuksan ko ang pinto at sumigaw ulit.. "Yaya Kuuurdzzz, yung tubig po bilis."

"Oo na etu na nga uh, baket ka ba nagmamadale?" sabi niya at nagulat siya ng nakita niya si Chloe.

"Aaaay nako!" sigaw niya at nabitawan niya ang baso, NABASAG! Tumakbo siya papalapit kay Chloe..

"Kuloy! Kuloy! Ukey ka lang ba? Ha? Ang batang ere.. Huy ekaw soperman, anung genawa mu sa kanya? Ha?" natatarantang tanong ni yaya Kurdz. Nakakainis muntikan na kong mabasa dahil sa reaksyon niya.

"Wala naman po.." sagot ni Joshua.

"Tu-tu-tubig yaya.." nauutal utal na sabi ni Chloe at dahan dahang bumabalik ang mga mata niya sa normal size. Kinda scary.

"Ay oo, tika lang, nabasag ku i.." sabi ni yaya Kurdz at bilis bilis na lumabas ng kwarto.

Habang lumalabas siya ng kwarto, "Ayan po kasi, makapagreact naman."

"Hiiih! Hende keta kaosap.." pagtataray niya sa akin bago lumabas. Really? Is she that..? Hays, anyways.

Lumapit ako kay Chloe at Joshua.. "Are you alright Chloe?"

"Di ba ganito din yung nangyari sayo dati?" tanong ni Joshua. Maya maya'y dumating na ulit si yaya kurdz, dala dala ang isang pitsel na tubig. "ang dami a." mahinang sabi ko pero narinig niya ata dahil binigyan niya ako ng isang masungit na tingin.

Uminom si Chloe ng tubig, inhale exhale siya pagkatapos. Tiningnan niya si Joshua at bigla niya ito niyakap. Hindi ko masyado marinig ang mga sinasabi niya dahil pabulong ang mga yun at dahil umiiyak din siya, puro pagsinghot ng sipon nya ang naririnig ko.

Maya maya'y pumasok ang tita at tito ni Chloe sa kwarto. Nang makita ni Chloe ang kanyang tita at tito bigla niyang niyakap ang dalawa at patuloy sa pag-iyak.

"Tita, tito, naaalala ko na po ang lahat." naiiyak na pangiting sabi niya. "Naaalala ko na kung bakit kami umalis noon, kung paano nawala sila mama at papa at ang lahat lahat." nahihingal na sabi niya.

"Chloe.. dahan dahan lang, natutuwa ako at naaalala mo na ang lahat." nakangiting sabi ng kanyang tita na may namumuong luha sa kanyang mga mata.

"We have to go to the hospital, para ipaalam sa mga doctors mo." nakangiting sabi ng kanyang tito habang hinahaplos haplos ang buhok nito.

"Wait lang po, tita, tito, si Joshua po.." sabay turo niya kay Joshua. "Siya po si Yosh-a." nakangiting sabi ni Chloe na may halong excitement kahit naluluha luha pa siya.

"Ah, talaga?" medyo pagulat na tanong ng kanyang tita, tumango naman si Chloe sa kanya, tuwang tuwa si Chloe.

"Mukang nagbalik na nga ang memory mo, Kuloy." nakangiting sabi sa kanya ng kanyang tito.

Pagkatapos ay lumabas na sila ng kwarto para maghanda sa pagpunta sa doctor, para maipacheck up si Chloe. Sumama na din palabas si yaya Kurds, dala dala ang baso at pitchel.

Hindi pa rin ako makapaniwala na si Joshua at Chloe ay magkababata pala. Talagang they are destined, hindi ako magsasawang sabihin yun ng paulit ulit dahil yun ang totoo. Nakakatuwa ang story nila, nagkalayo silang dalawa tapos pinagtagpo ngunit hindi nila alam na magkakilala pala sila tapos ngayon lang nila nalaman na magkakilala sila at hindi lang basta magkakilala kundi ay close pa sila. I wonder kung paano sila naging close. Hmmm..

Noong lalapit na ako sa kanila para itanong sa kanila kung paano sila naging magkaibigan ay biglang sumigaw si yaya Kurds..

"Kuloooooooooooooooooooy!! Aales na daw, ponta na sa ospetal. Beleeeeees! Ang bagal ng bata ere." sigaw niya. OA talaga tong si yaya Kurds, pero infairness she is funny.

Nang marinig namin yun ay kaagad na kaming lumabas ng kwarto. Hindi na kami sumama si Joshua sa ospital dahil nagtext na si mommy at si Joshua naman ay hinahanap na din sa kanila.

"Ingat kayo a.!" nakangiting sabi sa amin ni Chloe mula sa loob ng sasakyan.

"Salamat.." sabi ko naman.. "..ikaw din! Pagaling ka ng tuluyan." pagpapatuloy ko.

"Dadalawin ka namin bukas, pagkagising na pagkagising." pahabol naman sabi ni Joshua. Bakas sa kanilang mga muka ang saya, kahit ako masaya para sa kanila.

Nang makaalis ang kotseng sinasakyan nila Chloe, hinatid ko pauwi si Joshua. Pauwi na sana ako ng pumasok sa isip ko na tawagan si Cyrus.. It's ringing.. Ang tagal sumagot.. *kriiiing.. kriiiing.. kriiiing..*

*What's up, Ja?*

Ooh, finally!!

"Hey you! Malaki ang kasalanan mo, tsk!"

*I know.. Kaya nga hindi ko magawang masabi sa inyo ng harap harapan. Buti naman at nalaman niyo na.*

"Pinahirapan mo kami, it took us one day para malaman. You could have.. arrghh!"

*Calm down, miss panter! Haha..*

"Tsssss, shut up! What if hindi namin nalaman, ha? Hindi nalaman nila Chloe at Joshua, aalis ka nalang ng hindi sinasabi ang tungkol dun?"

*Of course not. Sasabihin ko before ako umalis if hindi niyo nalaman, buti nalang nalaman niyo na. It's really hard for me."

"Syempre mahirap talaga. Certified Liar! Anyways, nasa hospital ulit si Chloe--"

*BUT WHY? WHAT HAPPENED? HA? TELL ME!*

"Shut up! Exaggerated, naalala na niya lahat, THANKS TO THAT PICTURE HA! And for check up dinala siya dun. Okay?"

*Okay, akala ko may nangyaring masama sa kanya.*

"Walang ng sasama pa sa nangyari sa kanya sa ginawa mo noh!?"

*O sige, ipamuka mo pa. Sorry na nga e.*

"Hehe.. Well, face it! Kasalanan mo naman talaga e.. So when is the despedida?"

*Probably this weekend. In our private resort sa Batangas, is that okay?*

"I think so, never been there."

*Chloe and Joshua know the place, so kita kits nalang dun, please inform them.*

"Sure. Thanks a, pero still, may kasalanan ka pa din."

*I know. I know. I'll talk to them, okay?*

"Alright. Take care."

*You too, bye!*



I never thought na magkakausap kami ni Cyrus ng ganyan. I mean, you know.. yung maayos, although may katarayan pa din, pero atleast hindi na like before na halos magpatayan kami. Nagdrive ako pauwi, nadatnan ko sa bahay ang aking magandang ina, nag-usap kami sandali, kumain at nagpahinga na. So tired e. Bwisit na Cyrus, he could have told me, di ba? Tsk.. *ZZZzzzzzzzzz...*






Chloe

Merong nakitang picture si Joshua at napatitig siya dun, napatingin din naman ako. Natigilan ako ng matagal, hindi ko alam ang sasabihin ko, ang gagawin ko. Parang huminto ang mundo ko nung mga panahong yun, wala akong ibang makita kundi ang sarili ko at si Joshua, wala din akong ibang marining kundi ang hininga ko at ni Joshua. Nakatulala lang ako ng marinig ko ang..

"Cowi?" sabi ni Joshua. Kaagad akong natauhan ng narinig ko yun. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa gulat. May mga eksenang pilit na nagpaflash sa utak ko, mga pangyayari na tila ay naganap nung bata pa ako, sumasakit ang aking ulo na parang ako'y nahihilo. Isa sa mga eksena na pumasok sa isipan ko na parang nangyayari ngayon ay ang pagsigaw ko sa isang bata, ang pangalan aay..

"Yosh-a?" sabi ko. Bigla akong napatingin kay Joshua, ganun din naman siya sa akin. Nagkatitigan kami ng matagal, super nanlalaki ang aking mga mata. Pinipilit kong unawain lahat ng mga pumapasok sa isipan ko, feeling ko sobrang napupuno ang utak ko na parang sasagog, bumibigat ng bumibigat ang aking ulo

"Aaaahhh, aaah-ah-aaaaaaaah" paulit ulit kong sigaw dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. May mga images pa din, memories, na pumapasok sa utak ko, unti unti kong naaalala, sa sobrang sakit ng ulo ko napahawak ako sa aking ulo at napahiga. Umabot ata ng isang minuto o higit pa ang sobrang pagsakit ng aking ulo, matapos nun at napatigil ako, hingal na hingal at napatulala.

Pilit kong inaayos sa aking utak ang mga aking naalala sa sandaling iyon. Napakadaming mga memories na hindi ko malaman kung paano ko pagsusunod sunudin. Humingi ako ng tubig kay yaya Kurdz, sakto at nasa harapan ko siya, hindi ko alam kung bakit.

Habang kumukuha siya ng tubig, piit ko pa ding pinagsusunod sunod ang mga memories, pero hindi ko magawa, nalilito pa din ako. Pero isang bagay lang ang sigurado ko. Si Joshua at si Yosh-a ay iisa. Maya maya pa'y dumating na siya at binigyan na ako ng tubig.

Pagkatapos kong inumin ang tubig, napatingin ako kay Joshua at sa sobrang tuwa, niyakap ko siya ng sobrang higpit. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, masaya akong naiiyak.

"Daddy, now I remember you. It's me Cowi. Joshua, it's me!!" pabulong na sabi ko sa kanya habang nakayakap ako sa kanya. "Maybe we are really destined for each other." naiiyak ko pa ding sabi sa kanya.

Maya maya pa'y andyan na sina tita at tito, sandali kaming nag-usap. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mararamdaman ko, masaya ba o malungkot. Masaya dahil naalala ko na ang nakaraan ko at malungkot na naalala ko kung gano kasakit ang mawalan ng mga magulang lalo na't naalala ko na kung paano nila ako inalagaan noon. Nagdesisyon sila na dahil ako sa ospital for check-up kaya umuwi na din sila Joshua and Janine. Sana bukas magkita kaagad kami. Nagpapasalamat ako sa kanilang dalawa dahil kung hindi sa tulong nila, malamang hindi ko pa din naaalala ang lahat. And I need to talk to Cyrus very soon.






Cyrus

Ang sungit talaga ng babaeng yun. Buti nalang kahit papano ngayon ay okay okay na kami. May pagkapanther! Ganung ugali siguro ang naaadopt ng mga teens sa New Zealand.

Hays. I don't know kung paano ko haharapin si Chloe, bahala na. Atleast now she knows everything. I hope before I leave maayos na ang lahat ng trouble that Ive done.

*Kriiing.. Kriiing..*

"Hello, what's the update?"

*Sir, everything is settled. You just have to be ready the day after tomorrrow.*

"Alright, thanks."

Buti naman okay na ang lahat. I really want to fix everything before I leave.Three days nalang aalis na ako and 5 days nalang, start na ng school nila. Nakakamiss pala talaga ang high school days.

"Hello, Janine."

*Oh, what's up?*

"Okay na yung outing natin. Everything is settled. Punta nalang kayo dito sa bahay sa isang araw, wala na akong ibang araw na free e. In three days, I'm leaving."

*Whaaaat? Bakit parang napaaga naman ata?*

"Yeah! May mga kailangan kasing asikasuhin dun e. So, please inform them a. I think they're free."

*Sure, we'll be there. What time and san nga sa Batangas?*

"4am, surprise kung saan. Hehe.. See you."

*I hate you!*



Haha, panther na ayaw na nasusurprise. Anyways, I'm excited and haaays, kailangan ko ng lakas ng loob.






Joshua

Grabe ang nangyari kay Chloe kanina, sobrang sumakit ang ulo niya, hindi ko alam ang gagawin ko. At hindi ko alam na may amnesia pala siya, selective amnesia. Mas lalong nakakagulat ang nalaman ko kanina, nung nakita ko ang picture na yun, nalaman ko kaagad na ako yun pero hindi ako makapaniwala, nagulat din talaga ako. Hindi ko akalain na ang babaeng nakikipag away para sa akin dati ay ang babaeng binubully bully ko nung high school at ngayon at mahal na mahal ko. Nakakagulat talaga ang mga pangyayari.

Kahit na nagulat kaming lahat sa mga nangyari kanina, natuwa din naman ako. Meron pala talagang destiny, hindi ko akalain na ang kababata ko noon at makikita ko pa ulit. At ang malupet dun, hindi ko siya nakita muli, minamahal ko pa siya. Iba talaga kapag gwapo, hinahabol din ng tadhana. Haha.

Hinding hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa akin kanina, "Daddy, now I remember you. It's me Cowi. Joshua, it's me!! Maybe we are really destined for each other." Kasi, we are really destined. Ako na siguro ang pinakamasayang lalaki sa balat ng lupa. Ay, teka! Hindi pa naman niya ako sinasagot. Nakakainis, pero nakakatutuwa pa din, kasi alam ko na mahal niya ako.

Kamusta na kaya siya? At si Cyrus? Loko loko talaga yung mokong na yun, kailan pa niya kaya nalaman yun? Hindi man lang niya sinabi, may matinding dahilan naman siguro. Kung ano man yun, hindi ko na aalamin, hindi na mahalaga ang mga maling nagawa niya nung nakaraan, ang mahalaga ngayon ay ang present. Pero nakakacurious pa din. Makatulog na nga.

*Kriiing.. Kriiiing..*

Naku naman, may tumatawag pa. Hindi naman si Chloe. Kunwari natutulog na ako at nagising ako sa tawag niya, para makonsensya, private number pa kasi e.

*Heeeellloooooo?* malamya at mahaba kong sagot sa phone.

"HOY! JOSHUA GARCIA, I know na hindi ka pa natutulog noh!"

*OY PARE! Ikaw pala. Hehe..*

"Style mo, bulok! Haha.."

*Eh kasi naman pare, istorbo sa pagmumuni muni e.*

"Ah sorry a! Sige, baba ko na."

*Sows, nagtampo pa. Ano ba balita mahal kong pare? Haha..*

"Heh! Haha.. Si Cyrus, tumawag."

*Oh? Ano daw?*

"Tuloy na daw yung outing. Dun sa resort nila sa Batangas sa isang araw."

*A, maganda dun, sige sige, aayusin ko na mga gamit ko bukas.*

"Okay, but wait. San sa Batangas? Maganda ba talaga?"

*Oo naman pare, mamamangha ka.*

"San nga dun?"

*Hindi niya sayo sinabi? Haha..*

"OBVIOUSLY HINDI! San nga?"

*Secret! Haha.. Good Night!*



At pinagbabaan ko siya ng phone. Haha, sorry pare koy! Rule yan ni Cyrus e. Maarte kasi yun kahit nung mga bata pa kami. Haha.. Makatulog na nga, naeexcite ako, makakabalik ako sa resort na yun ng libre. Sana sagutin na ako dun ni Chloe. Papikit na ko ng biglang may nagtext.


*Yari ka skn bkas!
May kotong ka, pasecret
secret kpa dyn a.*


Sender:
Pare Janine Ü


Hahahahaha, patay! Maghehelmet ako bukas. Haha..






Janine

Aba! Loko yung Cyrus na yun a. Pasecret secret pa. Matawagan na nga si Joshua, I'm sure, sasabihin niya sa akin kung saan yun, kung hindi man, kokotongan ko siya.

Kunwari pa ang Joshua na to na natutulog, halata ko naman na nagpapanggap lang, alam ko na ata takbo ng utak at ikot ng bituka nito. Sinabi ko sa kanya ang sinabi ni Cyrus, at nung tinanong ko kung san ang lugar na yun, ayaw din niyang sabihin, nakakainis. Pinagbabaan pa ako ng phone. Aaaaaarrrgggghhh! Gusto ko ng iresearch ang resort na yun para malaman kung gaano nga siya kaganda, tapos ayaw nilang sabihin kung saan. Hindi naman lumalabas sa google na mga resort ang mga Bernal. Tssss.

Tinext ko si Joshua, kokotongan ko talaga siya bukas. Lalakas ko para madala, baka sakaling sabihin na niya sa akin yun. May pag-asa pa naman ako kay Chloe, pero bukas ko na sasabihin sa kanya, kapag binisita namin siya. Sa ngayon matutulog na muna ako. Andaming nangyari sa araw to.


3 comments:

BagetS26 said...

Ganda ng story...
Waiting for chapter 29 or book 3.
Kung meron..hehe
jj parin ako haha

Mark said...

salamat.... sori hindi pa naupdate... pero malapit na.... time lang ang kailangan :)

iRem eCarg said...

yey ! haha your really are distened for each other Chloe and Joshua...Nakakakilig po talaga :)

Post a Comment

Medyas Lovers!

Most Viewed

Protected by Copyscape Plagiarism Finder
Powered by Blogger.